A Levelheaded Lass

Av littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? Mer

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Forty One

8.5K 405 130
Av littlemissselle

Nakaupo ako sa buhanginan at nagmumuni-muni. Hindi ko alam kung ano bang dapat ko unahing gawin. Ang gusto ko lang naman ay maayos na 'yung gusot na ginawa ko eh. Madaling gumawa ng mali pero mahirap ayusin.

Nagulo ang katahimikan ko nang marinig ko ang ingay ni Zoe.

"Gianina! Ano ba, bakasyon na bakasyon nagmumukmok ka diyan?"

I rolled my eyes. "Gano'n talaga 'pag guilty."

She was taken aback. Even Tanya, who has been busy on her phone since yesterday, stopped to look at me.

Tinabihan nila ako at nakipag kwentuhan. "Gusto mo bang itagay na natin 'yan?" Natawa na lang ako kay Zoe. "Seryoso ako, 'wag mo 'kong tawanan."

Binatukan naman siya ni Tanya. "Mag-isip ka nga ng ibang matinong gagawin."

"Bakit, ikaw ba may suggestion ka bukod sa magbabad diyan sa cellphone mo?"

I looked at her with an accusing smile. "Oo nga, ano ba kasing ginagawa mo? Sino ba 'yang lagi mong katext at inaabot ka pa ng madaling araw diyan ha?"

Nakangiti siya habang nakatingin sa cellphone niya at diretso akong sinagot. "Si Deign."

My smile faded. She can't be serious, right? Buti pa si Tanya, tinetext niya. Ako, hindi. Buti pa si Tanya, kausap niya. Ako, hindi. Sana lang hindi ako umabot sa puntong 'buti pa si Tanya, mahal niya. Ako, hindi na'.

Mukhang na-realize rin niya ang sinabi niya kaya naman tumingin din siya sa akin at nag-sorry. Hindi na ako umimik at pinanood na lang muli ang alon.

I skipped dinner kasi wala akong gana. Naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan para magpahangin.

Kung sana kayang tangayin ng hangin lahat ng sakit at dalhin sa malayong lugar, pinatangay ko na. Kung sana kayang tangayin ng malalakas na alon ang mga problema, pinatangay ko na.

Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing gusto kong mapag-isa mayroon at mayroong lalapit sa akin para guluhin ang kapayapaan ko rito.

"Alam mo, ang drama mo na masiyado. Wala namang matutulong sa'yo pagmumukmok mo eh."

Tinignan ko siya ng diretso sa mata at nginitian. "Eh kung gano'n anong dapat kong gawin? Please Phil, tell me. Kasi ako hindi ko alam eh. Wala akong ibang alam kundi taguan lahat ng kasalanan ko."

He shook his head. "Ang hirap kasi sa'yo, gagawa-gawa ka ng kasalanan na hindi mo naman kayang panindigan."

Ouch. Damn truth really hurts so bad.

"Ikaw ba, Phillip. Kinakahiya mo ba ako?" Kumunot ang noo niya. "Gugustuhin mo pa bang maging kapatid or worst maging kakambal ako?"

"Do I look like I have a choice?" masungit niyang tanong. "Gia, all you have to do is to reflect. Then, tsaka mo pag-isipan kung anong dapat mong gawin."

Napayuko ako. "Can you help me?"

He ruffles my hair. "Para saan pa't kambal mo 'ko kung hindi kita tutulungan 'di ba?"

I instantly hugged him. "Thank you so much, Phillip."

Sinunod ko ang payo niya. Pinag-isipan ko ang nagawa kong kasalanan at kung paano ko ito solusyonan.

"You don't have to solve it quickly. Take your time. Make it step-by-step."

I took his words seriously. Hindi ako nagpa-istorbo sa iba. Nakabuti na rin na bumalik na sa Manila sina Zoe dahil pinapauwi na sila ng mga magulang nila. Hindi rin naman ako gaanong ginugulo ng mga pamangkin dahil lagi silang umaalis para mamasyal at pinili kong maiwan sa bahay.

Minsan din akong nakatanggap ng text galing kay Deign pero hindi ko nireplyan dahil hindi naman para sa akin ang mensaheng iyon.

From: A-hole <3
Oy Tanya, sched mo ah! 'Wag mo kakalimutan! Dapat blockmates tayo.

May tumulong luha mula sa mata ko pero agad ko ring pinunasan hangga't kaya ko pang kontrolin.

Hindi na kami nakapag-usap pang muli ni Deign. At hindi na rin ako magtataka kung mahulog ang loob niya kay Tanya.

With that, I've decided to talk to Gavin. I told him that I want to talk with him. Halos mainip ako sa tagal ng reply niya pero makalipas ang ilang oras ay tinawagan niya ako.

"Yeah?" I answered.

"Nasa Ilocos ka pa ba?"

"Oo. Ikaw ba?"

"Oo eh. Text ko na lang sa'yo kung saan tayo magkita."

Nang mabasa ko ang address na ibinigay niya ay agad kong tinawagan si Phillip kung pwede siyang umuwi agad at samahan ako sa pagkikita namin ni Gavin. Pumayag naman siya.

Naligo ako at inayos ang sarili. Naka-ilang buntong hininga rin ako nang dumating si Phillip. Inihatid niya ako sa isang kainan na kakaunti lang ang taong kumakain.

"Gusto mo bang samahan kita sa loob?" He asked.

I shook my head. "I'm okay. Salamat sa paghatid." I smiled.

"Ganto, hindi na lang ako aalis. Maghihintay na lang ako dito sa kotse. Tawagan mo 'ko agad 'pag may nangyaring hindi maganda ha?" I nodded.

Pumasok na ako sa loob ng maliit na restaurant pero mukhang wala pa si Gavin kaya naman naupo na ako malapit sa bintana. Lumapit sa akin ang waiter para hingiin ang order ko pero sinabi kong mamaya na lang at humingi na lang ako ng tubig.

Maski ang mga kamay ko ay hindi mapakali. Bigla akong kinabahan nang tumunog ang wind chime na nakasabit sa pintuan. Lumingon ako at nakita ko si Gavin na naka-sumbrero. Usual getup niya para makapag-disguise.

Pagkaupo niya ay ako agad ang tinanong niya.

"Now, na-realize mo na bang ako talaga ang mahal mo?" Sasagot pa lang sana ako ng hindi pero sinundan niya na agad ng isa pang tanong. "O na-realize mo 'yung kasalanan mo sa'kin."

Tumango ako. "Oo, kaya ako nakipagkita sa'yo. Gusto kong mag-sorry." Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak pero minsan talaga tinatalo ako ng sarili ko. "I'm sorry, Gavin. Sorry na. Sobrang sorry sa nagawa ko sa'yo. Pinagsisisihan ko na 'yon."

"Gia...'wag ka na umiyak."

"Please, tigilan mo na rin si Deign. Wala siyang kasalanan. Ako lang. Ako lang may kasalanan. Ako na lang sisihin mo."

Kumunot ang noo niya. "Inagaw ka niya sa'kin. Tingin mo mapapatawad ko pa siya?"

"Gavin!" Hinawakan ko ang mga kamay niya sa lamesa, nagmamakaawa. "Please, stop bugging Deign. Ako 'yung may kasalanan sa'yo, hindi siya."

Nakatingin siya sa mga kamay kong nakahawak sa kaniya. "Kung ako siguro ang nasa posisyon niya, hindi ka magmamakaawa para sa'kin." Hindi ako nakasagot. Ang dami kong inisip na sasabihin sa kaniya pero parang nakalimutan ko na ang mga iyon. "Gia, ang sakit lang kasi eh. I'm trying my best to be a good boyfriend to you. Iniiwasan kong magkaroon ng kung anong tsismis sa'kin para wala kang masabi, para hindi ka masaktan. Minahal ko ng sobra 'yung trabaho ko kasi doon mo ako nagustuhan eh.

"I wanted to be good at this because of you." He shook his head then wiped my tears. "I'm sorry. Sorry for making you cry."

"Sorry, Gav."

He smiled at me. "But can you please at least give me a month to prepare?"

"What do you mean?"

He bit his lower lip. "I have an upcoming big project and the management would not want me to have any issue that can affect my career or this project."

"So...?"

"Can you please be my pretend girlfriend even just for a month? Para lang iwas na pag-usapan ako kung bakit tayo nag-break? Atsaka baka pag nalaman pa nila kung bakit eh guluhin ka pa ng iba."

I'm glad na kahit nagawan ko siya ng kasalanan, iniisip pa rin niya ang kapakanan ko. I guess one month wouldn't hurt that much? And besides, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Hindi naman siguro masamang pagbigyan ko siya sa isang buwan na hinihingi niya, 'di ba?

I slowly nodded.

"Really? Thanks, Gia! Thanks a lot." Tumayo siya para lumapit sa akin at yakapin ako. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero 'di naaalis sa isip ko si Deign, ayaw kong masaktan pa siya lalo. Tinapik ko ang balikat niya.

"I swear, 'pag nasa kalagitnaan na 'yung airing and may nakaalam na wala na tayo aamin ako. Thank you, Gia."

I smiled at him. "Sorry." I can't even say you're welcome.

But his happiness turned to confusion when someone stood beside our table and accusingly looked at us—glared at me.

"Manloloko ka. Niloloko mo lang ang pinsan ko."

There, I saw Deign's cousins. Wala akong pakialam sa nagsalita dahil natuon ang pansin ko kay Cassy na mukhang gulat na gulat.

"Cassy..." I called. Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso pero tinabig niya ito.

"Pinagtanggol kita sa kanila. Botong-boto pa naman ako sa'yo. Pero nagkamali ako."

"Cassy, hindi. Mahal ko si Deign. Mahal na mahal ko ang pinsan mo, alam mo 'yan."

Umiling siya. "Noon alam ko pero ngayon hindi na ako sigurado."

Paatras na naglakad si Cassy habang tinitignan ako na puno ng pagkadismaya. Susundan ko sana siya pero tinulak ako ng isang babaeng pinsan niya dahilan para tumama ang tagiliran ko sa kabilang table at natapunan pa ako ng juice.

"'Wag na 'wag ka ng magpapakita sa amin. Hindi ka bagay kay Dada. Sinungaling ka, manloloko."

Agad akong nilapitan ni Gavin para alalayan at punasan. "Who do you think you are para saktan si Gia?"

Hindi siya sinagot nito at tinalikuran na kami. Si Gavin na ang humingi ng dispensa sa mga taong nandoon. 'Di nagtagal ay pumasok si Phillip at hinila ako palayo kay Gavin.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Ano, sapakan na lang."

Pinigilan ko siya sa braso. "Phil, tinulungan niya lang ako, na-out of balance kasi ako eh."

"Gia!" Pinandilatan ko ng mata si Gavin para sumakay na lang. Hindi na lang siya nagsalita at nag-iwas ng tingin.

That night, Deign kept on calling me but all I can do is to reject it. Para ano pa eh malamang sa malamang, nasabi na sa kaniya ng mga pinsan niyang babae ang nangyari, malaki pa naman ang galit sa akin ng mga iyon.

Matutulog na sana ako nang may kumatok. Binuksan ko iyon at nakita ko si Papa na may hawak na three long-stemmed roses.

"Oh, may nagpadala gabing-gabi na eh. Tss, korni niya kamo." Tapos no'n ay umalis na si Papa sa harap ko.

Sinara ko ang pinto at naupong muli sa kama. Binasa ko ang maliit na card na nakasabit doon.

Kahit may ginawa ka raw na 'di maganda kanina, meron ka pa rin nito. I love you, baby.


Fortsett å les

You'll Also Like

1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
162K 6.1K 116
#32 in Fanfiction. What is meant to be always finds a way.
345 52 5
When Maria Olivia Ojales accepted the Financial Support for her to finish her college degree that Enrico Santoralba a billionaire old man offered to...
282K 19.7K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...