The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Lima

57.8K 1.1K 89
By thesuchness

Nang sumunod na araw ay mahaba ang vacant ko sa school kaya naman umuwi ako. Natyempuhan ako ni Mirna sa apartment at dali-dali siyang pumasok.

"Paano kaya napunta iyong lalaking iyon dito, Chrissy? Mayaman ba talaga?"

"Sino? Si Sir Ram?" 

Tumango siya atsaka ngumuso. Napuna ko ang pula ng kanyang labi senyales na kagagaling lamang niya sa date ng mga temporaryo niyang lalaki. Ganoon kasi si Mirna. Para raw mag-enjoy sa buhay atsaka hindi malaos ang ganda.

Sumubo ako ng kanin habang nakikipag-usap sa kanya. "Bibilhin niya raw 'yung bistro. Tapos, may sports car pa. Oh, ayan..."

Tindig pa lang ng paglalakad at ang mayabang na awra ay spiritong mayaman na. Bigatin. Hindi ko alam kung bakit ako napapailing tuwing naiisip 'yon.

"Nasa google ba 'yan? Kung mayaman 'yan, nasa google 'yan!" Humagalpak siya ng tawa at pumalakpak.

"Ano namang gagawin ko kung nasa google? Ibo-broadcast ko sa mundo na mayaman siya? Gagawa ako ng fans club niya? Gano'n ba, Mirna?" Naiirita ang boses at mukha ko. Humalakhak lamang ito.

Habang kumakain ay hindi madaloy-daloy sa ibang topic ang pinag-uusapan namin ni Mirna. Naaalibadbaran ako. Nang makauwi ito ay laking pasasalamat ko. Ang ingay. At ang...issue. 

Gumayak na ako para sa susunod na klase pero dinudungaw ng cellphone. Sa hindi malamang dahilan ay bumagabag sa isip ko ang ideya ni Mirna kanina. Kung sikat, baka nasa web nga. Pero, hindi naman siguro ganoon iyon kasikat? Baka small time lang din?

Napanguso ako. Nagbihis akong tuluyan at inignora ang nagpapapansin na telepono. Nang papaalis na ay dinampot ko 'yon saka binusalan ng bulsa. Labas na ako kung big time o small time iyon.

"Quote. The house of success and fame has finally arrived to their homeland. End of quote. What can you say about that, Mrs. Donofrio?" Humuhuni ang tv ng bahay na nasa tapat ko.

Buhawi man ang hangin at tunog ng mga nagdaarang motorsiklo at jeep, narinig ko pa rin. Para akong kinalabit at kusang dinungaw ang ulo.

"Isa na lang! Miss, university ka ba?" Napatalon ako sa boses ng jeepney driver.

Binalik-balik ko ang tingin sa sopistikadang babae na nakangiti sa telebisyon. Ang leeg nito ay puros pearls. Ang tenga, pearls. Ang palamuti sa buhok, pearls. Tumagilid ang aking bibig. Tumango na ako sa driver at may buntong hiningang sumiksik sa punong dyip.

Sa university, umikot lang naman ang mundo ko sa pagdukdok, pagtanga at pagbabasa ng kaunti. Wala ang iilang prof at naguguluhan pa ako sa ingay ng aking mga ka-block.

"Jayna! Huwag ka tumingin! Mahahalata ka niyan," halakhak nilang pagak.

Sa gilid ng mga mata ko ay umaatras ang isang babaeng dinungaw akong bulgaran. "Ganoon ba? E 'di 'wag. Ang angas kasi, e! Akala mo ay sobrang ganda!"

"Mayaman daw iyan? Maganda na kaso! Ang arte-arte..."

"Kausapin mo. Tanga!"

Pinitpit ko ang labi habang nadirinig ang kanilang mga pasigaw na pag-uusap. Dumukdok na lang akong armchair.

"Ayoko.'Di ikaw! Ayoko sa mukhang walang modo," parinig nang isa na ikinabuntong hininga ko.

Nag-angat ako ng tingin. Kita ko ang kanilang pag-iwas ng tingin ngunit may mga ngisi sa labi at paduro-duro pa. Nagkunot ako ng noo at dumukdok na ulit lalo.

Para silang walang kasama sa loob ng kulob na classroom. Madalas mang-mata at magparinig na tipong gusto mo na lang sumiksik sa isang madilim na sulok at hindi na magpakita pa. Gustong-gusto kong mag-aral at makatapos pero sa araw na nakikita ko ang pagmumukha nila ay mas gugustuhin kong isumbong sila sa aking kapatid. 

Bumuntong hininga ako at matapos ng tatlumpong minutos ay lumayas na sa classroom. 

Pinagsingkitan ko na lamang ng mga mata ang lagoon ng university, napapabuntong hininga dahil kahit gaano ko kagustuhin ang unibersidad ay mismong mga tao rito ang nagtutulak sa akin na lumayo. 

Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko na ang pamilyar na sasakyan na pumasok sa second gate kaya pinanliitan ko ang mga mata.

Huminto ang sasakyan sa disenteng paradahan. Lumabas si Ram mula roon. Ang kanyang buhok ay hindi talaga nagagalaw dahil sa swabeng clean cut. Nilingon niya ako at tinanguan sabay senyas sa sasakyan.

Tumaas ang kilay ko. Nag-aalangan ako kung susunod ba ako sa pagturo ng kanyang daliri. Ngunit bago pa man makapagdesisyon ay nakarating na siya sa aking pwesto.

"Good afternoon. Are your classes done for today?" Binulsa ni Sir Ram ang isa niyang kamay.

"Hindi pa. Pero malaya ako..." Umiling ako habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

Itim na t-shirt at khaki pants. Itim na papakapeng buhok na sa dulo ay naggi-ginto. Mga matang partner nito at labing mamula-mula pa. Napanguso ako. Nagkunot ang kanyang kilay at binabaan ako ng tingin. "Uh-huh. So why are you here, then? Absent ka?"

"Wala nang prof. Hindi na iyon papasok...Sir." Umiling ako.

"Are you sure? You're not skipping classes, are you? Any..." Luminga-linga ito sa paligid, gumuguhit ang iritasyon sa mukha,"boyfriend should I be aware of?"

Ano? Ako? Skip at cutting? At...boyfriend?

"Tapos na ang thirty minutes para sa prof at kung wala siya ay pwede na kaming pumunta sa next subject...o kung saan man pero hindi ibig-sabihin noon ay nagka-cutting ako." Tumalim ang aking tingin. "O, kasama ang boyfriend ko," seryoso kong paliwanag.

Pumantay ang mga kilay niya at ngumising may apoy ang mga mata. "Okay. Okay..."

Tumango ako atsaka umikot na papunta sa passenger's seat. Pumasok na rin si Ram sa loob at binuwelta ang sasakyan. Tahimik ang paglabas ng sasakyan sa university ngunit mabuti na rin at nagkakaintindihan kami. Nakatingin lamang ako sa bintana. Hindi naman ako masyadong masungit kanina, hindi ba?

"Are you in the third year? O, papa-graduate ka na? Mukhang bata ka pang tingnan..." Tamad na hinilig ni Sir Ram ang kanyang braso sa manibela habang pasulyap-sulyap sa akin.

Napatitig akong saglit sa nakalitaw niyang braso. Mukha itong matigas at ang iilang mga ugat ay ebidente. Napaiwas ako ng tingin.

"Uhmm, kaka-third year po. Mga isa o dalawang taon pa siguro para maka-graduate ako, Sir," paliwanag ko. May din-rop kasi ako at para na rin sa remedyo. Ayos lang din kung maiiba ang mga kaklase ko sa next sem. Mas mabuti nga para wala nang mga classmate na epal!

"Bakit umabot hanggang dalawang taon? Did you drop a subject or you failed at one?" Diretso ang kaniyang tingin sa daan.

Hindi ko maalis ang tingin sa miminsang kurbang nangyayari sa kaniyang mga labi. Kapasin-pansin ito dahil bihira lamang siya ngumisi, madalas ay kunot-noo at seryoso.

Huminto ang sasakyan dahil sa traffic kaya naman malaya ulit siyang sumulyap sa akin. Nagtama ang aming tingin at dama ko ang pagtaas ng presyon sa aking mga pisngi.

"Uhh, wala po akong singko pero may nailaglag. Inaayos ko naman ngayon."

"That's good. A dropped subject is always better to see than a failed one. Ibig sabihin lang noon ay naisuko mo dahil nakikitang wala nang pag-asa ngunit nagbigay pa rin ng palugit kaysa sa nakipagsapalarang wala ring mapapala sa huli. Good call, dropping a subject. Once your employer gets a hold of your records, they'll look mostly for the mistakes. Successes are just the bonus," kibit-balikat niya.

Nang matapos siyang magsalita ay tumango-tango ako. Sa aking paningin, mas lalo lamang siyang naging isang propesyunal at matagumpay. Sa aking paningin, mas lalo lamang naging mataas ang tingin ko sa kaniya kahit na kadalasan ay nawawalan siya ng manners. Mahangin, minsan.

"Thank you po sa tip..."

"So, you're a working student..." puna nito habang nagmamaneho.

"Oo. Independent. Matagal naman na atsaka bata pa lang ako noon. Kailangan," pahayag kong nagsasabi ng totoo, ngunit hindi ang buong-buo.

Totoo ang sinabi ko. Sa labing-pito kong edad ko noon ay humiwalay na ako sa mga bubong ng magkaibang magulang. May pangtustos ako pero kakayod pa rin, syempre. Doon ako pumasok sa bistro at nagsimulang kumita nang pang-sarili. Doon ko na rin nakilala si Mirna.

"Impressive. And you're good at that, huh? How old are you?" Ang kanyang mga kilay at mata ay napupuno ng hindi malamang lamig. Gigil itong nakakagat sa labi.

"Nineteen po, Sir."

"Nineteen ka pa lang?" Gumuhit ang iritasyon sa kanyang mukha at napamura. Pinasadahan niya ako ng tingin.

Anong mayroon kung nineteen pa lamang ako? Hindi...pwede? Nag-init ang pisngi ko sa naisip. 

Bakit, ilang taon na ba siya kung ganoon? Na...hindi pwede?

Napigil ko ang hininga nang suriin niya ako. Ang kaniyang mga mata ay walang patawad. Ang pakiramdam ay lahat ng aking pakatago-tagong sikreto ay nabunyag. Umakyat nang todo ang dugo sa aking mukha.

Ibalik na nito ang tingin sa daan. Unti-unti naman akong namutla. Parang iniwan na ng dugo ang aking sistema sa pag-iwan ng tingin niya. Sa sobrang bilis ng pagbabago sa aking katawan ay umikot ang aking paningin.

Anong ibig sabihin niya sa labing-syam na taong nag-aaral? May masama ba roon? Ang mga katulad ba niya o siya mismo na sa edad na nineteen ay malayo na ang narating? Iyon ba? Nanlamig ang aking tiyan sa naisip.

"Dito lang po ba kayo nakatira? Ang lapit niyo sa bistro at palagi kayong andoon...." Iniba ko ang usapan.

Nilingon ako ng kulay abo niyang mga mata at sa masakit na araw ay naging ginto ito. Pumorma ang kunot sa kaniyang noo.

"Hindi. Just somewhere around here. I just rather stay near dahil may inaayos ako sa iba pang malalapit na mga lugar. Family properties..." Napanguso ito at bumaling nanaman ulit sa akin ng kay bilis. Tila ba may bumbilya sa ulo nito na naglalaman ng napakagandang ideya. "I really like the bistro. I want to talk to your  manager..."

Parang bumilis ang pintig ng puso ko sa mabilisan niyang pagpaling ng tingin patungo sa akin. 

"H-hindi pa po, sir. P-Pero ihahabilin ko kapag may shift ako..." Nauuta-utal kong sabi.

Ang buong akala ko ay wala na isip niya ang bistro namin. Ngayong nanumbalik doon ang interes niya ay hindi ko alam ang gagawin kung sakaling bibilhin niya nga ito.

Tumango si Sir Ram doon at pinangsingkitan ng mga mata ang ginagawang pag-overtake. Mukhang gusto niya pang bilisan ngunit pinigilan ang sarili. Pinagmamasdan ko lang ang pagbaba at pagtaas ng kanyang dibdib.

"I understand if you're busy. I can do it myself. Sorry for bothering," tipid niyang deklara, napapailing.

Nanlaki kaagad ang mga mata ko.

"O-Okay!" Tumango-tango ako rito.

Habang papunta sa restaurant ay hindi ko mapigil ang pagsulyap kay Sir Ram. Ang simpleng kapit niya sa manibela at miminsang paghilig sa headrest dahil siguro sa pagod ay dinaig pa ang fireworks show. Nakakamangha para sa akin. At mas nakakamangha siya kung nakangiti o 'di kaya'y nakangisi. 

Ano kayang ibig sabihin niya kanina? 

Sisisantehin niya ba ako kapag nabili na niya ang bistro? Sisisantehin niya ba kami ni Japeth? Saan na ako magtatrabaho kung ganoon?

"Saan po kayo nakatira, Sir, kung hindi sa subdivision?" Hindi ko alam ay tuloy-tuloy na pala ang buka ng bibig ko.

Napatingin sa akin si Sir Ram. Gusto ko na agad na takpan ang aking bibig.

"I already told you, Cristina. I just live around downtown. Nothing special..."

"H-hindi ka naman mukhang tiga-rito. Ibig kong sabihin, tiga rito sa Pilipinas..." Tumagilid ang aking labi. Masyado siyang pormal at mayaman. Isa pa, ang kaniyang accent ay nadedepina lalo. 

"Are we playing twenty questions here..." Bahagyang tumaas ang dulo ng kaniyang mga labi habang nililiko ang sasakyan.

Sa ngisi niya ay para akong napahiya. Sa pagkapahiya ay tumingin na lamang ako sa bintana. Hindi naman sa ganoon ang pakay ko, e.

"I was raised in Italy but my family usually spends the summer here. In the Philippines. Now, I think I'll be staying here for...good. Ako na ang mamamahala simula ngayon..."

Nagkatinginan kaming muli. Nawala na ang kaniyang munting ngisi at naging seryoso nanaman. Binasa ko ang pang-ibabang labi habang tumatango. Umiwas na ako ng tingin.

Nakarating kami sa ibang restaurant. Mas maraming tao, mas maraming sopistikada't sopistikado. Hindi na nga ako nagtanong dahil nahihiya ako sa titig nila. Wash day ngayon kaya naka-civilian lang ako, jeans at tshirt na kahit isang kilalang tatak ay wala.

"Attorney. Good morning!" Tumango si Sir Ram sa hinintuan naming table. Nagkamayan sila ng abogada at pagkatapos ay ako naman.

Mas mabilis natapos ang proseso ngayon kaysa kahapon dahil nirereview lang ata. Medyo naiilang ako dahil sa titig ng mga mayayaman. Iniisip ba nilang ako ang nasasakdal?

"You did good back there. Thank you for answering the questions in all honesty. You're doing me a big favor here," matamlay na puri ni Ram nang nasa kotse na kaming muli. Ihahatid niya akong university.

Naiisip ko nanaman ang mga mukha ng mga ka-block ko ay mas gusto ko nang masagasaan ng Ford noong aksidente.

"Sumusukli lang naman po ako sa utang. Noong sinagip mo ako." Napanguso ako.

Alam ko sa sarili ko na mali ang mag-drive ng lasing ngunit kawawa naman ang driver na sisintensyahan ng malaki-laking pursyento ng mga taon. Wala namang nangyari sa amin, iyong kotse lang naman. Makapangyarihan si Ram. Malas lang noong driver.

"Stop po-ing me." Neutral ang titig nito sa daan.

"H-Ha? "

"You're nineteen. I'm twenty-five. Pakiramdam ko ay nasa thirty na ako. Stop it."

"O-Okay..." Binasa ko ang labi at tumango. So, twenty five na pala ito.

Suminghap si Sir Ram at tumango na rin. 

Naging tahimik na ang byahe. Nanaig lamang ang sa katamihikan ay ang matulin na ugong ng kotse. Kay sarap sa tenga ang ugong ng isang mamahaling sasakyan. Nakatingin lamang ako sa naglalakihang building na aming sinasalubong.

Nang tumigil ang sasakyan sa university ay nilingon ako nito.

"Salamat po sa paghatid, Sir Ram. Good luck...sa kaso niyo...at sana mapagawa ulit ang sports car mo. Salamat. Ulit! Timing ka, sir..." Napangisi akong tipid.

"You're welcome," matigas ang kaniyang ingles. "At maraming salamat na rin. I should be going..."

Ang buhay ay magulo ngunit kakaiba. Tayong mga tao ay galit sa buhay ngunit takot naman sa kamatayan. Isang madramang pag-ikot ang nangyayari. Ngunit, ang kanina pang bumabagabag sa aking utak ay ngayon ko lamang nakayanang isatinig. Ang awa. Ang lungkot.

"Bakit ganoon na lang ang pagbabayad ng kasalanan noong driver, sir? Sa tingin ko, hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan niya..." Tiningnan kong maigi si Ram. Mukhang nabigla ito sa aking pahayag. 

"He's an outlaw, Chrissy," matigas niyang sabi.

"H-Hindi kita mapipigilan sa desisyon mo, sir. Pero pwede kong sabihin sa'yo na pamilyado 'yung tao. Mahirap lang din ako. Kung may nakakaintindi sa sitwasyon noong driver sa ating dalawa ay ako 'yon..." Uminit ang sulok ng aking mga mata.

Paano ba niya maiintindihan ang mga bagay na hindi kayang bilin ng mga mahihirap? Walang balanse sa tulad niyang isang mayaman. Suhestyon ko lang naman 'yon dahil ang kawawang driver ay nakatapat ang ganitong klaseng tao. Alam kong mali ang driver, ngunit, hindi ba pwedeng paratangan na lamang ng mas nababagay na parusa para sa isang tulad niyang hindi kakayaning matikman ang galit ng isang alta?

"You're being ridiculous, Cristina. Paano kung nakasagasa siya? Paano kung ikaw iyon? At kung tayong dalawa? What would you do, then? Buong-buo ang mga pahayag mo kanina pero ngayon..." Sinipat ako ng kaniyang mga matang naghahamon na ngayon. Tila ba ang pagkwestyon sa kaniyang desisyon ang pinakamalaking kasalanan na hindi niya matatanggap.

Umiling na lang ako. Hinawakan ko na ang handle ng pinto. "Hindi mo maiintindihan dahil wala namang awa ang mga taong katulad mo sa maralita. Kaya bakit pa ba ako nagmakaawa..."

"Get out..." Tumigas ang panga ni Ram. Asido ang kaniyang nanggigigil na boses. 

Nanlamig ako. Hinarap ko siyang hinihingal. Dinuro niyang muli ang pinto kaya napapikit ako.

"Oo, alam ko!" sigaw ko rito atsaka bumaba na.

Humarurot ng kay bilis ang kaniyang kotse.


Continue Reading

You'll Also Like

8K 1.4K 63
"I am willing to take the pleasure in pain, even his thorns dig painfully to my soul." Roseen Victorino has feelings for Greigh Stefano Veriamore. Ad...
43.5K 361 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
3.7K 826 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
627K 11.7K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...