Monster Inside Me (On-going)

由 msBRAID143

279 25 5

"Trust No one. Even the DEVIL was once an ANGEL." 更多

PROLOGUE
I Bryner
II Neptune
CHAPTER III THE NIGHT PROWLER
CHAPTER IV Another Member
CHAPTER V Another Collection
CHAPTER VI LINUS
CHAPTER VII Finding for Clues
CHAPTER VIII Small World
CHAPTER IX Something New
CHAPTER X AS FRIENDS
CHAPTER XI LOVE BIRDS
CHAPTER XI Savior
CHAPTER XIV Escape
CHAPTER XV Poetry
CHAPTER XVI Condition
CHAPTER XVII She's Mine

CHAPTER XII Change

5 1 0
由 msBRAID143


Linus POV

2 weeks, yeah. After 2 weeks matapos ang huling field mission namin. We're now officially back to business. To the Night Prowlers case, at sa harap namin ngayon, another killing incident na naman ang dapat naming imbestigahan. A killing incident na nangyare sa gitna ng misyon namin, isang pagkakataon na sinamantala ng killer.

"Grabe, tumatapang na siya ngayon. Dati sa mga bahay lang siya pumapatay, ngayong kahit sa park? Wala bang securities dito?" himutok ko habang tinitignan ang larawan ng biktima, na walang awang tinanggalan ng puso ng killer.

"And to think na 1st anniversary pala nila ngayon ng girlfriend niya. Tsk tsk. Kawawang Mark."

Si Mark Santiago. Isang Journlist/ Columnist ng ibat' ibang pahayagan. Sports now. Fashion Expo. Eat Wise, Live well. 3 lang yan sa mga sikat na magazine kung saan siya nakilala. Kilalang matipuno at guwapo, kinahuhumalingan ng mga kababaihan, at halos lahat hinihintay ang malapit niya ng pagkamit ng mas marami pang successful scope sa darating na hinaharap. Paanong naging target din pala siya ng Night prowler?

"Group of Jocks, 2 teachers, 1 simple girl, 2 popular girls, at itong si Mark... a popular journalist. Ibat' ibang tao, ibat' ibang pagkakataon, ibat' ibang lokasyon, anong meron sa inyo at naging biktima kayo ng Night Prowler?" pabulong na sabi ni Master Bry na animo'y kinakausap ang mga larawan ng biktima.

"Uhmm. Master. Yung Girlfriend pala ni Mark. She is now, in a mental facility. Nasiraan ng bait, dahil sa nangyare sa boyfriend niya. Do you think may makukuha tayong detalye sa kanya?"

"Si Kathyryn Soriano. Sa tingin mo makakatulong kaya siya?"

"Siguro? Bakit di natin subukan, after all siya lang naman unang nakatagpo dun sa katawan ni Mark. Baka naman at least may masabi siya satin." nasabi ko, at napaisip din naman si Master.

"Kung sa bagay parang may---" sabi niya subalit di niya natapos ng biglang may taong padabog na dumating sa Pegasus Lounge.

"--Point? Ha-ha-ha. Ewan ko sayo Ridge, palagi na lang tayong ganyan eh nuh. Ako na nga itong nagbibigay oras para lang magkita tayo, tapos there you go... Babaliktarin mo ang usapan, isusumbat mo na naman sakin ang pagkukulang ko! Ewan ko sayo! Sige next time nalang ulit! Bye!" Sino pa nga ba diba? Edi ang nag-iisang Xanthine. Tinatalakan na naman ang boyfriend niya over the phone.

Nitong mga nakaraang araw, laging ganito na si Ridge at Xanthine, away-bati. Sigawan sa telepono, maghahabulan dito sa Neptune. At kung itatanong niyo kung anong reaksyon ni Master... Edi simple lang. Wala.

2 weeks after kasi ng last field mission namin. Nagbago na angpakikitungo ni Master kay Xanthine. Hindi tulad ng dati, palagi silang nagkakasama, ngayon, madalang nalang. Hindi rin naman sila nag-aaway, subalit minsan di rin nagkikibuan. Kung anong rason... yan ang hindi niya sinasabi sakin.

"Sorry talaga guys. Nagkaproblema lang, kaya ako na late. So what do we have here?" tanong niya ni Xanthine ng itong mapaupo na sa tabi ni Master, na napansin kong parang naiilang sa katabi.

"Oh... okay. uhmm. We have a new case Xanth. A new killing incident, occured in a park. Nangyare yun, nung nagsasagawa tayo ng mission."

"Okay, so ano na ang napag-usapan niyo tungkol sa kaso?"

"We are planning na puntahan yung, girlfriend ng biktima, sa mental at ---" nageexplain ako kay Xanthine ng biglang napatayo si Master Bry. At dinampot lahat ng documents.

"Guys,naalala ko pala may dapat pala akong puntahan ngayon, sobrang importante kaya hindi ko pwedeng pagpaliban. Pwede bang kayo nalang muna ang pumunta dun sa Mental Facility?"

"Si-sige master." nauutal na sabi ko at halos di mabasa ang mga pinagagawa ni Master Bry hanggang sa tuluyan na nga itong nakapagligpit at humakbang na paalis.

"What? Teka, Bry... seryoso? Iiwanan mo kami?" pahabol na tanong ni Xanthine, subalit wala nang Bryner na samagot pa sa kanya.

"Oh... super nice. Ang bait niya sakin today ha. Super bait." himutok pa niya na parang nainis naman, nagcross-arm at tila napa-isip "Sabihin mo nga sakin, Linus. May problema ba kami?" tanong niya pa at nagkibit-balikat lamang ako bilang sagot.

'As if naman may alam ako..'

Hindi ko alam kung anong nangyare dun sa last field mission, at bakit nagkakaganito na naman si Master. Di ba parang gusto nga niya kasama si Xanthine? E bakit ngayon, parang nag-iba na naman ang ihip ng hangin?

"Ugh!!! Kainis! Tara na nga Li. Tayo nalang ang pupunta sa dun sa Mental! "

"Ah.. oo sige." Sagot nalang at humanda pa para umalis.

-----------------------

Bryner POV

"White wine please... oh nasaan na nga ba tayong kanina."

"Ahh, doon tayo sa bagong negosyong ipapatayo natin."

"Oh I see, sorry... sorry..." Yan lang naman ang typical na usapan ng mga mayayamang tao na nambibilang sa business class. Mayayamang, walang humpay na pinapalago pa ang mga di mabilang na nilang salapi.

Nasaan ako? Nasa isang fashion show lang naman ako. Sa fashion show ng kakambal kong si Rothia Hails. Fashion show, kung saan napiling imbitahan ang mga kilalang personalidad sa fashion industry. Fashion press, Fashion Magazine, Fashion blah.blah.blah. Ewan.

"Alam mo anak! Sigurado, matutuwa si Rothia pag malaman niyang andirito ka at pinanood mo yung Fashion show niya." sabi ni Auntie Rose na may kasunod pang halik sa pisngi at mahihigpit yakap. Si Auntie Rose talaga kung makayakap. Parang ilang dekada ako nawala.

"Nakita mo ba ang mga designs niya kanina? Diba, ang gaganda?"

"Auntie Rose, siyempre naman po. Walang dudang magaganda, magaganda po talaga. At kaya nga po ako nandito para makita talaga yun ng personal. At tiyaka, mawawala pa ba ako, eh nangako na nga ko sa inyo diba? babawi ako." nasabi ko at niyakap din pabalik si Auntie Rose.

Hayy. Buti na nga lang, hindi kami busy ngayon. Dahil kung hindi pa ako makadalo sa fashion event ni Rothia ngayon... naku, ewan na lang. Baka hindi na ako papasukin sa bahay.

"Haha, salamat Hijo ha."

"Para saan naman po?"

"Para sa paglalaan mo ng oras samin ngayon." Patay kang bata ka. Mukhang naghihinala na si Auntie Rose ah. "Palagi nalang kasi, nawawala ka sa bahay. Para sa business trip, business conference, minsan coffee shop na naman. Nagpapahinga ka pa ba anak?"

"Auntie Rose, Siyempre naman po ano... Ah hehe, alam mo namang limang branch na kami ngayon diba? Madami-dami din ang inaasikaso. Kaya ---"

"Bryner? Bry? Totoo ba tong nakikita ko? Nandito ka para panoorin ang fashion show?" Isang tinig ang sumulpot na siyang nag-iba ng usapan namin ni Auntie Rose. 'Naku po. Salamat'

"Ahh, Sis! Thia! Si-siyempre, ikaw pa ba --" Ibinigay ko sa kanya ang bulaklak na dala ko, niyakap siya at hinalikan sa ulo. "Diba, nangako ako sayo? Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko."

"Bry, you're so sweet. Thank you talaga, bro. Itong pagpunta mo, it means a lot para sakin."

Tama nga naman si Benjamin diba? Sa lahat ng bagay sa mundo, itong kapatid ko ang pinakamahalaga. Siya ang dapat kong paglaanan ng oras ko at buhay. From now on, pinapangako ko, wala nang espesyal na araw pa na mawawala ako sa tabi niya. Mula sa araw na ito, maglalaan na ako ng mas maraming oras pa para makasama siya.

Krrrriiiingg...

Napabitaw si Thia sakin, nang ang cellphone ko ay biglang nagring sa bulsa ko. Kaya naman, mabilis ko itong tinignan kung sino. "Si Linus? Sige na Bry, sagutin mo na. Baka emergency yan."

"Hmm. Promise Thia, mabilis lang to' "

"Haha, Bry, ano ka ba. Ito naman, parang call lang, hindi naman malaking abala yan. Sige na sagutin mo na."

Mula sa table namin, bahagyang lumayo ako kay Rothia para sagutin na ang tawag. "Linus... napatawag ka?"

|Master! Hello? Master? Hindi kita marinig ang ingay ng lugar mo?| Sabi ni Linus kaya lumabas ako sa Veranda ng hotel para makausap siya.

"Linus, nasa labas na ako. Naririnig mo na ba ako?"

|Ahh, opo. Opo! |

"Anong problema diyan?"

|Master, nagwala yung babae eh. Eh, puro singsing... dugo... swing... patay. Yun lang ang mga bagay na paulit-ulit niyang nababanggit. Lumala pa, sinigawan ni Xanthine yung babae. Yan tuloy...|

"Ha? Anak nang-- Bakit naman, di marunong magtimpi si Xanthine. Alam mo namang, kailangan natin ang babae hindi ba? Kahit sira ulo yan. Kahit paano, may makukuha tayo diyan!"

|Eh Master, wala eh. Pinalabas na kami ng mental facility. Nabisto kasi kami na hindi tunay na staff dun. Kasi si Xanthine eh... Tsk. Pano na to, Master?|

"Edi wala na. Change plan ulit. Pesteng buhay naman oo."

|Eh bakit ba kasi... nagwalk-out ka kanina. Bwisit na nga siya dun sa jowa niya, eh sumama pa yung loob sayo, kaya yun, yung babaeng baliw ang napagbalingan.|

"Ah, ganun? Ako pa yung nasisi ngayon? Pwes paki sabi mo diyan sa nagmamagaling, hindi ko kasalanan na may problema sila ng boyfriend niya, hindi ko kasalanan na sira yung araw niya, at pakisabi, huwag niyang idadamay ang mission dito. May Fashion show si Thia ngayon, at bumabawi lang ako sa kapatid ko." Inis na inis ako at halos kulang nalang maitapon ko yung cellphone ko sa sobrang panggigil. Nakakaasar kasi, malaking lead na kasi yung girlfriend ni Mark eh. Lead na maaring may alam na clue. Pero dahil sa pinairal na naman niya yung ugali niya, nawala na samin ang lead na napaka-importante.

|Ano!!? Fashion show ngayon ni Thia?! Bakit di ko ito alam? I mean, Master naman, bakit di mo sakin sinabi?| Tanong ni Linus, subalit, hindi ko binigyan ng agarang sagot, nang may isang pamilyar na mukha ang sa akin ay napadaan.

'The Ef! Hindi ako maaring magkamali. This is so unreal!'

|Master! Ano ba? Andiyan ka pa ba?| Dahil sa hindi makapaniwala, akin itong sinundan kong saan siya patungo.

"The heck, anong ginagawa niya dito sa may garden? Sino itong babaeng nakakapit sa mga braso niya?" Please. Sana nagkakamali lang ako. Please sana hindi ikaw to'

|Ha? Ano? Anong meron sa garden!? Oy! Sino ba yang tinutukoy mo? Master! Pinagloloko mo ba ako? Sabihin mo na kung saang hotel yan. Pupunta talaga ako. Uyy...|

Nakatayo lang siya, at kalauna'y nagsindi ng sigarilyo. Yung babaeng kasama niya, nakapulupot sa braso niya, habang siya nakatalikod sa direksiyon ko, kaya hindi ko makita masyado ang mukha, medyo madilim na kasi.

"Hoy! Master... Bakit di kana diyan umiimik? Ayos ka lang ba diyan?"

"Please, tell me na nagkakamali lang ako sa nakikita ko~" sabi ko nang may ilaw na tumama sa banda kung nasaan sila ng babae, na kasalukuyan na palang kahalikan niya.

Slowly, umiikot siya habang yapos na yapos ang babae. Slowly and slowly haggang sa...

"Ridge?" Nasabi kong pabulong ng natamaan ng ilaw ang mukha niya.

|Ha? Ano Bry? Anong... Ridge?! Anong Ridge ang sinasabi mo? Si Ridge Andiyan?|

继续阅读

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...