Monster Inside Me (On-going)

By msBRAID143

279 25 5

"Trust No one. Even the DEVIL was once an ANGEL." More

PROLOGUE
I Bryner
II Neptune
CHAPTER III THE NIGHT PROWLER
CHAPTER IV Another Member
CHAPTER V Another Collection
CHAPTER VI LINUS
CHAPTER VII Finding for Clues
CHAPTER VIII Small World
CHAPTER IX Something New
CHAPTER X AS FRIENDS
CHAPTER XI Savior
CHAPTER XII Change
CHAPTER XIV Escape
CHAPTER XV Poetry
CHAPTER XVI Condition
CHAPTER XVII She's Mine

CHAPTER XI LOVE BIRDS

7 1 0
By msBRAID143



Bryner POV

"Slowly, gracefully, with matching nakakakilig na titigan. She was so lovely. Then nung vow part na, they both said 'I do, I do' Wahh!!!" kilig na kilig na sabi ni Xanthine habang ginagaya pa ang paglakad ni Ate Mayel sa may altar. Yes, kasal niya kasi ngayon, at naimbitahan kami sa selebrasyon - Ako, si Rothia, Auntie Rose at si Xanthine.

Si Ate Mayel, ang nag-iisang pamilya at Ate ni Linus. Kaya alam ko, sa likod ng mga ngiti niya kanina, isang nangungulilang kapatid ang nakakubli. Na matapos ang ilang taon na magkasama sila, ngayon lang sila magkakahiwalay.

"Talagang kinilig ka na dun?"

"Uy Oo naman Bry nuh. Di mo ba naiimagine ang sarili mo sa mga ganoong eksena balang araw? Yung ikaw, maghihintay sa altar, at may mga ngiti sa mga labi at medyo naiiyak pa. Makikita mong naglalakad ang babaeng pinapangarap mo, ang babaeng pinakamamahal mo papunta sayo... ahhh. ang sarap lang sa pakiramdam." Hay heto na naman tayo, nalulunod na naman sa pantasya ang isang ito.

"Naku, sorry ha. Hindi eh. Tiyaka huwag mo ko gaya sayo nuh. Hindi ako nanaginip ng gising. At bakit naman ako maghahanap pa ng babae diyan. Eh masaya ako sa buhay single. Masaya na ko na si Auntie Rose at Rothia lang ang mga babae sa buhay ko."

"Hala ang KJ naman! Pero Bryner, iba parin na may girlfriend ka nuh. Iba parin na may iba kang inspirasyon maliban sa pamilya mo. Tiyaka, hindi na tayo bumabata Bry, dapat ngayon palang hinahanap na natin yung, yung the one." sabi niya habang tinataas pa ang hintuturo kasabay sa pagsasabi ng the one.

"Haha! The one talaga ha. Tsk. Sinabi ko na diba? Yung love love na yan. Sakit lang yan sa ulo. Kaya ayaw ko na mag-asaya ng panahon."

"Seriously? Ganun ang tingin mo sa love? Sakit sa ulo? Papano mo naman nasabi, eh hindi mo naman nasubukan? As in ever in your entire life ba, hindi mo ka nagkagusto sa isang babae?"

I was caught off guard at natahimik nalang ako bigla. Minsan nga ba, hindi ako nagkagusto sa isang babae? Isang tanong na hindi ko ngayon hindi mahanapan ng sagot. All my life I spend it, seeking justice for the death of Mama and Papa. Nawalan ako ng oras para sa love na tinatawag nila. Love... ano nga ba yang love na tinatawag nila? Paano ba masasabi na pagmamahal na ang nararamdaman mo?

"Xanthine? Paano ba masasabi kung in love ka na sa isang tao?"

"In love? Well yun yung feeling na, pag siya yung kasama mo, masaya ka, pag siya ang kasama mo pakiramdam mo malaya ka maging ikaw, kaya mong gawin lahat ng bagay na hindi mo nagagawa dati. At pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo kung ano siya at kung sino siya. And Lastly, minsan makikita mo nalang ang sarili mo, nangangarap ng buhay na kasama siya."

"Yan rin ba ang nararamdaman mo kay... kay Ridge?" Natahimik kaming dalawa, at tila sa tanong ko, nag-isip-isip siya bago muling nagsalita.

"Hmm. Si Ridge, " sambit niya at ngumiti siya ng bahagya at tumingin sa kalangitan. "...mahal ko siya dahil katulad ko siya. Mahal ko siya dahil tulad ko, gusto niya rin maging malaya at pag kasama ko siya malaya ako. At aaminin ko Bry, I'm dreaming a life with him. Away from here, away from Neptune, away from our too controlling families."

"Ayaw mo dito... Kung aalis ka, paano ako Xanthine, iiwan mo ako?"

'Shit ano ba itong pinagsasabi ko?'

"Huh? Ano ... medyo hindi clear eh, ano yung sabi mo?"

"Uhmmm, I mean .."

*Kriiiiiiiing* Di ko natuloy nang biglang nagring ang phone niya.

"Hello? Babe? Oh, andito kana? —" Yes, of course. Sino pa ba ang tatawag sa kanya kundi si Ridge - ang boyfriend niya. Ewan ko ba, bakit ganito? bakit tuwing maalala ko kung sino si Ridge sa buhay ni Xanthine. Bakit nakakaramdam ako ng lungkot? "...Sige andito lang kami ni Bryner sa Exit. Okay. Sige po. Bye."

"Bryner... saan na nga tayo? Ano ang ibig mong sabihin na..."

"Xanthine, kalimutan mo nalang. Wala lang naman yun, tiyaka, si Ridge... andiyan na siya oh. Susunduin ka na." nasabi ko bilang lusot ng makita kong paparating narin naman ang sasakyan ni Ridge. 'The Hell Bryner, ano bang nangyayare sayo!?'

"Are you sure?"

"Yes! Sure!" masigla kong sagot at binigyan ko pa siya ng fake na ngiti.

"Okay sabi mo eh"

"Babe! Tara na!" sigaw ni Ridge.

"Yes, Babe! ... So paano Bry, alis na kami. Ingat ka sa pag-uwi."

"Sige kayo din."

Mula sa malayo nakita ko si Xanthine, she gave Ridge a sweet kiss. Halik ng isang nagmamahal na girlfriend. She was so in love with Ridge. Yes, tama, nagmamahalan silang dalawa. Sooner or later alam naman ng lahat, sila din ang magkakatuluyan, at tulad ni Ate Mayel, matutupad din ang pangarap niyang maikasal sa lalakeng pinakmamahal niya.

Pero bakit ganito? Dapat bilang kaibigan, masaya ako diba? Pero bakit hindi ako masaya sa ganoong ideya? Mahal... mahal ko na nga ba si Xanthine?

No. Hindi pwede. Impossible.

Not now. Ngayon pang malapit ko ng makamit ang Hustisya para kina Mama at Papa.

——————————————

Third POV

Naglalakad sa daan si Justice. Masayang minamasdan ang kadiliman ng gabi. Gabing kikitil na naman siya ng buhay, sa mismong parke kung nasaan siya, kikitilin niya ang buhay ng isang napaka-importanteng tao. Si Mark Santiago, at tula ng ibang napatay, isang taong may pagkakasala rin sa kanya.

"Honey, andito na ako sa Park. Nasaan na kayo?" mula sa malayo minamasdan niya si Mark habang sa kamay niya ay hawak niya na ang patalim na tatagos mamaya sa makikisig na katawan neto. "Oo naman, hihintayin kita... siyempre 1st anniversary natin diba? Nahintay nga kita noon bakit hindi ngayon? Yes... Yes... I love you."

"Nakakatawa, anniversary niyo pa pala mark? Ano nalang kaya ang sasabihin ng girlfriend mo, kung sa pagdating niya, isa ka nang malamig na.... bangkay!" paikot-ikot lang si Justice sa buong park, subalit sa kanyang mga mata ay hindi niya pinapatakas si Mark. Ang panibagong art-work ay ipapanganak na mamaya, bukas o sa makalawa.

"Maghintay ka lang Mark. Kung gusto mo, tulungan pa kitang sorpresahin ang girlfriend mo. Hmm. Paano kaya?"

Linus POV

Enough for work and its time to play. Yes, indeed. Play at the middle of starry night.

"No! You're unfair! I'm part of Pegasus Team and I think dapat andoon rin ako kung saan kayo pupunta ni Linus. I should be part of the mission."

"No! Agent Buenavista! Mapapahamak ka lang, kulang pa yung training mo! And on the record hindi pa maganda ang pinapakita mong performance, with that... sa tingin mo hahayaan kitang sumabak sa giyera at baka mamaya iuuwi ka nalang naming malamig na bangkay!?"

"So Ayun! Minamaliit mo ako ganun!?"

So much fun, nakakamiss rin pala ang bangayan ng dalawang ito. Yung isang manhid at isang denial. Hmm what a perfect chemistry, hindi ba? Sarap buguin minsan eh nuh.

Kung hindi niyo agad na gets, Tama, may mission nga kami, kasama ang lahat ng mga teams.Isang malaking kaso na siyang dahilan kuna bakit kami naactivate lahat. Once in a blue lang yun, na lahat ng Agents, ay andito at magkakasama pa, sa nag-iisang misyon. Yun nga lang parang ayaw ni Master Bry na masama sa Misyon ang apple of the Eye niya.

Team Leo - Experts sa mga bomba at timed missions; ang pinakamabilis sa aming lahat

Members: Raven, Larynx and Jake

Team Gemini - grupo ng maalindog na mga babae at Walang dalang sandata mabilan sa katawan; Ang katawan nila ay ang sandata nila.

Members: Aliya , Raya (Twins) and Sasha

Team Scorpions - Numero unong mga mayayabang; Mga experto pagdating sa mga lason at espadang pakikipaglaba. Naniniwala silang mula daw sila sa lahi ng mga samurai.

Members: Lax, Andie and Benjamin

Team Phoenix - Ang tahimik subalit malupit; Eksperto sa aerial attack, ambush attack and Bioterrorism. Halos lahat ata ng bacteria at virus alam nila gamitin laban sa kalaban. Sa isang iglap lang bulagta na ang kalaban.

Members: Cloud, Rex, and Stellar

Team Pegasus - Experts sa barilang pakikipaglaban at bihasa sa Kungfu at Martial Arts

"Xanthine! Please stop acting like that! Para kang bata!" Back to reality. Abala akong nag-aayos, upgrade dito, edit neto, activate dun. Hay parang matataranta na ako sa kakapindot sa gadget manager namin. Konting minuto nalang kasi aalis na kami. Pero itong dalawa di pa natatahimik. Eh mabuti sana kung tumutulong dito.

"Guys, guys... pwede ba, huwag kayo magkagulo." saway pa ni Raya, isang member mula sa Team Gemini, na hindi pa yata sanay sa kaingayan ng dalawa. Haha Sorry nalang siya mukhang di paawat ang dalawa. "Ay, ano ba yan. Hoy Linus okay ka lang diyan? Baka dumating si Lax mamaya magalit at nagkakaganito tayo dito."

"Tss. Yaan mo yang si Lax, as if naman magagawa niyang kontrolin si Master Bryner di ba? Magsungit siya kung gusto niya."

"Eh, okay lang sayo toh? Nag-aaway sila?"

"Yaan mo narin sila, busy ako dito." Take note of the word Immune. Sa kaso ko, na palaging kasama ang dalawang ito. Kahit anong ingay, sanay na talaga ako. Mag-aaksaya pa ba akong magreklamo, kung sasawayin ko di naman makikinig.

"You're so... so... mean!!! Bakit ba ang over protective mo! At kung makaarte ka parang ikaw ang boyfriend ko!" Nasigaw ni Xanthine na kinatahimik ng lahat na nag-iingay. Patay kang butiki ka, spell, awkward. Ang atensyon ng lahat ay napunta sa kanila. Insert cricket sound effect.

"Fine!" Napasinghap si Master at halos makikita mong nanggigil siya sa kakulitan ni Xanthine "... Sumama ka kung gusto mo. But please, sumunod ka sa kung anong sasabihin ko."

Ewan ko ba, sa kahit anong paraan natatawa na lamang ako sa dalawang magulo na ito. Si Master, kahit ayaw niyang aminin, Xanthine next to Rothia, is the only woman na maaring kumontra sa kanya. Dahil pagkakakilala ko kasi sa kanya, yung pinakaayaw niya yung sinabi niya nang ayaw, ay mangungulit pa.

"Promise? Isasama mo ako!? Hihihi Totoo!?"

"Oo na nga!!!" okay cool. Tumahimik narin sila. Back to work. "Hoy Linus, kabitan mo na ng gadget si Xanthine, siguraduhin mong malagyan siya ng safety gear at baka mapano yan mamaya."

"Opo! Master!"

"You heard it too Linus? Isasama niyo daw ako. Wuhoo ang galing. Maapply ko narin ang natutunan ko sa training." Hay naku, Xanthine kung alam mo lang sana sa likod ng pagpayag ni Master, isang nag-aalalang puso ang nagtatago.

————————————-

According sa Memo, Ang client ay isang babaeng nagngangalang Anne Hopkins. Ina ng isang batang nagngangalang Ron Aldrich, ang nag-iisang anak nila ng Smuggler at human trafficker na American national na si Mr. Clark Hopkins.

Sa limang taon na pagsasama nila, ngayon niya lang nalaman ang uri ng pamumuhay ng asawa niya. Noong una, tiniis niya ito sanhi sa, gusto niyang makitang lumaki ang anak na may buo at masayang pamilya. Subalit, di na niya kinaya ang lahat ng minsang napagbuhatan siya ng kamay ng asawa dahil sa sobrang kalasingan at nahulog ang pinagbubuntis niya, na pangalawang anak na nila sana. Pasa-pasa ang mukha, handa na siya ngayong isuplong sa otoridad ang asawa.

Target for this Mission, is no other than, Mr. Clark Hopkins, Human trafficker na nagbibenta ng mga birhen na babae sa mga kaibigan na kano at kilalang smuggler ng mga ginto at diamonds. Primary goal, makuha ng ligtas ang batang si Ron Aldrich na kasalalukuyang kasama ng Daddy niya. And from the Philippines, maglalayag sila ngayong araw papunta sa Estados Unidos, dala ang limampong mga birhen.

"Agents, tatandaan niyo. Dapat mailigtas natin ang anak ni Mrs. Hopkins. Ayun sa source natin, ang lugar kung saan ang bata ang siyang pinaka-gwardiyado sa lahat. Team Phoenix magmonitor kayo by air, pasabugan ang mga grupo ng gwardiya kung kinakailangan. Gemini, kayo ang aatasan ko to rescue all the female captives. Siguraduhin niyo na maihiwalay ang dugtungan ng train mula sa head nito. Team Scorpio do the back up..."

Well ilang buwan nga rin ba na hindi namin nagagawa ang fild missions? 1? 2? 3? hay, matagal rin pala kami nagpahinga. Masyado kaming nagfocus sa kaso ng Night Prowler. Pero Good thing, at sa wakas, heto kami napagbigyang makisali ulit sa field mission. Alam kung nabubuhay na naman ang sigla ni Master Bryner dito. Yun nga lang, yung kaibahan this time... may kasama na siyang inspirasyon.

"...And Lastly, Team Leo and Team Pegasus, kayo ang magliligtas sa bata."

"Sa Train din ba kami?" tanong ni Larynx na nagtaas pa ng kamay

"Unfortunately hindi, sa barko kayo kung saan andoon na target. Sa loob ng barko may isang kwarto dun kung saan niya tinatago ang anak niya. And that's your mission, to find the said room at kunin ang bata. Para kunin ang bata Pegasus kayo ang gagawa nun, and Leo gusto kong pasabugin niyo ang barko matapos gawin ang misyon... Maliwanag!?" Sa hudyat ni Supremo naghanda na kaming lahat para umalis.

"Oh my god. This is so exciting. First time ko to!" masayang sabi pa ni Xanthine.

"Xanthine, please... always keep in mind, hindi to isang laro okay? So please, sundin mo ang bawat command ko mamaya." sabi naman ni Master at parang maliit na bata tumango nalang si Xanthine at may pahawak-hawak sa kamay pa silang lumabas ng conference room. Ayun pumaparaan. "Linus, handa na ang lahat!?"

"Opo"

"Okay, then let's all ride to Eve."

————————————————-

Third POV

" When the cat is away the mouse will play. " Natatawang sabi ni Justice at iniwang nakaupo sa swing ang wala ng buhay na katawan ng bago niyang biktima. "Hmm. Pretty boy, ikaw kasi eh, napakatabil ng bunganga mo. Yan tuloy nakarma ka." tumawang umalis siya at sa di kalayu-an hinintay niya ang pagdating ng kasintahan ni Mark at masayang papanoorin kung gaano siya magugulat sa matatagpuan niyang sorpresa.

"Honey naman. Akala ko andito ka lang. Bakit di ka sumasagot sa calls ko!?"

'Oh, there she is. The woman he loves. Tsk tsk. Sayang naman ang ganda pa sana ng damit, kaso... hahaha wala na. Nawala na ang kapares. Because... because his man is... dead hahahaha.' mula sa madilim na parte pinapanood niya ang girlfriend ni Mark.

"Honey?! Where are you na please answer my ..." Natigil ito ng makitang may lalaking naka-upo sa swing at nakatalikod. "Oh my god! There you are! Andito ka lang pala Hon!" sabi niya at lumapit na sa kabiyak. Till unexpectedly, a tiny box fell from side of Mark.

"Hala Hon, may nahulog ano to..." She opened it and to her surprise isang singsing ang nasa loob. "Oh my, honey, this is so unexpected, Honey... 1 year palang tayo pero, sigurado ka na ba? Papakasalan mo talaga ako?" kinakausap niya si Mark yet no one is there para sumagot.

"Hon..." Muli niyang tawag subalit tanging malamig na ihip lamang ng hangin ang maririnig na ingay sa park at walang Mark na maririnig.

From that point, nagsimula na siyang kabahan. Paunti-unti umikot siya mula sa likod ng boyfriend na naka-upo. Slowly, she made a tiny steps toward the front at biglang...

"Ma-Mark, Ho-honey... AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH"

Continue Reading

You'll Also Like

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...