Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

13: By pair

14.1K 254 63
By chocnut

~Travis~

"Mia, bored ka?" Tanong ko sa katabi ko.

"Duh. Kelan pa ba naging enjoy ang klase?" Balik na tanong niya.

Tumango-tango ako, "Tama nga na"

Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang niya tinaas kamay niya, "Tumahimik ka nga. Ang daldal mo. Daig mo pa ang babae." Sabi niya at umirap.

Hinayaan ko na lang siya at nakinig kay Sir. Ah! Okay na nga pala kami ni Mia, 3 days na ang nakalipas since nung pumunta sila ng bahay ko. Sa mga nagtatanong kung ano nangyare, eto po ang nangyare...

*flashback*

 

"Mia, umamin ka... nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya.

 

Nanlaki yung mata niya at lumapit siya sa akin. Hinihintay ko yung sagot niya pero biglang...

 

*BOOGSH!*

 

Nanlaki yung mata ko sa gulat at hinawakan yung kanang pisnge ko. Napatayo rin yung apat sa nangyare.

 

"Mia! Bakit mo ako sinuntok?!" Gulat na tanong ko habang nasa kanang pisnge ko pa rin yung kamay ko. Di naman dumugo pero masakit pa rin.

 

"Eh gago ka kasi! Ako?! Magseselos? ASA! Eh wala nga akong gusto sayo!" Sigaw niya.

 

"Tinatanong lang naman kita tas ganyan ka na kaagad makapagreact."

 

Naningkit yung mata niya, susuntukin na sana niya ako pero pinigilan na siya ni Kurt at Dee.

 

"Tama na Mia." Pigil sa kanya ni Dee.

 

Nagpupumiglas si Mia kaya nabitawan siya. "Gago! Di ako nagseselos! Feeling." Sigaw niya at tinignan ako ng masama.

 

Biglang lumabas si Ate Yars sa kusina at nagulat sa nakita niya, "Bakit kayo nagsisigawan? Tsaka bakit may pasa ka? Oh Mia, di ata maipinta mukha mo?" 

 

Di namin sinagot ni Ate at nagtinginan lang kami ng masama.

 

"Mia, sinuntok mo si Travis?" Di makapaniwalang tanong ni Ate. Nagets na siguro niya.

 

Di sumagot si Mia pero nakatingin pa rin siya sa akin.

 

Pinitik ako sa noo ni Ate na ikinagulat ko, "Buti nga sayo! Huh." Tinignan niya sa Mia, "Dapat nilaksan mo pa Mi. Di pa sapat yun eh." Sabi niya kay Mia kaya nagulat ito. "Babalik na ako sa kusina. Ayusin niyo ang dapat ayusin." At umalis na siya.

 

Umupo na si Mia kaya umupo na rin yung apat.

 

Tinignan ko si Mia, "Okay na ba tayo?" Nakangiting tanong ko.

 

Tinignan niya ako at umirap, "Mukha mo." 

 

Napangiti ako sa sinagot niya. Hay salamat, okay na kami.

 

*End of flashback*

 

"Mr. Alcantara!" 

 

Bumalik ako sa realidad nung tinawag ako ni sir. "Yes sir?" Tanong ko.

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero di ka nakikinig, tapos tulala ka pa." Sagot niya kaya nagtawanan yung mga kaklase ko. 

Ngumiti ako kay sir, "Sorry ser. Hehe." At nagkamot ako ng ulo.

Umiling na lang siya at pinagpatuloy yung sinasabi niya, "So yun nga, bibigyan ko kayo ng activity.  You can work by pair or individually. Kayo na bahala. Kaya sige na, go to your pairs." 

"Mi"

 

"MIA!" 

Sabay kaming tumingin ni Mia kay Kurt na sumigaw. Di ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang siyang sumigaw. EPAL. Tss.

Tumaas yung isang kilay ni Mia na para bang nagtatanong ng 'bakit?' Lumapit sa amin si Kurt na nakangiti.

"Mia, tayo partner ha?" Sabi niya kay Mia.

"Anong kayo? Kami kaya! Di ba Mia?" Sabi ko naman.

Tinignan lang kami ni Mia at kumibit-balikat.

"Hoy! Ako kaya nauna." Angal niya.

"Hoy ka rin! Tingin mo kay Mia? Uod? May pa early bird catches the worm?" 

"Tumigil ka nga Treb. Wala ka sa Secret Affair kaya wag mo gayahin yung linya ni Anne Curtis. Nababading ka na naman eh." Sagot niya.

"Eh kung si Mia na lang kaya tanungin natin?" 

Humarap siya kay Mia, "So Mia, sino sa amin partner mo?" Tanong niya.

Tumingin sa akin si Mia kaya ngumisi ako kay Kurt. Hah! Buti nga sa kanya.

"Hmm. Sawa na ako sa mukha ni Travis eh. Siya na nga seatmate ko, magkasubdivision pa kami, tapos tutulungan ko pa siya kay Lia. Hmm..." Tumingin siya kay Kurt, "Ikaw na lang Kurt." Nakapoker face na sagot niya.

Lumiwanag yung mukha ni Kurt sa sinabi ni Mia, "YES! HAHA!" Tumingin siya sa akin at ngumisi, "In your face Treb." Bulong niya at bumalik na sa upuan niya. Nakipagapir siya kila Dee at nagsasasayaw dun.

"Bakit siya?!" Tanong ko kay Mia.

"Bakit? Bawal ba?" 

"Dapat ako!" 

"Anong dapat ikaw?"

Napakamot na lang ako ng ulo, "Wala." Tumingin ako kila Dee, "DEE! Tayo na lang pair!" Sigaw ko. Nagthumb's up lang naman siya bilang sagot.

"Okay. Since nakahanap na kayo ng pairs niyo, pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong pwesto." Sabi ni Sir.

Lumapit sa amin si Kurt, "Alis na dyan Treb. Punta ka na dun sa pair mo." Sabi niya sa akin at ngumisi. Di ko na lang siya sinagot at pumunta na kila Dee. 

Lumapit sa akin si Ren at may binulong, "Kung may TraLi at Trami... Siyempre, may KurMi." Bulong niya.

Kumunot yung noo ko dun, "KurMi?" Tanong ko. Ngumuso lang naman siya at sinundan ko ito ng tingin, "Si Kurt at Mia?" 

Tumango siya, "Kurt + Mia = KurMi." Sagot niya at ngumiti ng mapang-asar.

Tinignan ko ulit yung dalawa, naguusap sila at nagtatawanan. "Eh di may KurMi. Sus." 

Tumawa yung tatlo at nagapiran. Tss. Maya-maya din, binigay na ni sir yung activity kaya seryoso na yung klase.

"HAHAHAHA! Adik ka Kurt. HAHAHAHAHA!" 

Rinig sa buong classroom yung tawanan ng dalawa.

Kumunot yung noo ko, "SER! Ang ingay nung dalawa oh." Sabi ko kay Sir at tinuro yung dalawa.

Tinignan ako ng masami ni Mia, "Inggit ka? Eh di magingay ka rin. Tapos na kaya kami kaya sabi ni Sir na okay lang na magusap kami." Sagot niya.

"Eh nakakadistorbo kayo eh." Sagot ko.

"Oh? Eh ikaw lang naman yung nagrereklamo ah." 

"Di kaya. Tanungin mo pa mga kaklase natin." 

"Oy, naiingayan ba ako sa amin?" Tanong niya sa buong klase.

"Di naman."

"Ha? Maingay ba kayo?"

"Wala namang maingay ah." 

Sagot ng mga kaklase ko. "Wala naman palang maingay Treb eh." Sabi ni Kurt at ngumisi sa akin.

"Mr. Alcantara, hayaan mo na lang yung dalawa at tulungan mo na lang yung partner mo." Sabi sa akin ni Sir.

Tumawa na naman yung tatlo kaya tinignan ko ng masama. 

"♪ Selos... Ang ang bigat ng iyong dala. Di ako ang may sala. ♪" At kumanta pa ang mga loko.

"Tigilan niyo nga ako." 

 

"Eh di tigilan. Hahahaha!" Natatawang sabi ni Lex.

 

*PRIIIING!*

Nagbell na kaya pinasa na namin yung papers namin kay sir. Nagpaalam na kami at nagsitayuan na.

"HAHAHAHA! Sige ba, basta di kita papahiramin ng skateboard ko." 

"Sino ba may sabi na manghihiram ako? Pag ako natuto, humanda ka. HAHAHA!" 

Nagtatawanan na naman yung dalawa. Kanina pa 'to sila ah? Hoy hoy hoy, di sa nagseselos ako ha pero ako kasi dapat  partner ni Mia! Tsaka sila na lang palagi magkasama eh.

"♪ Selos... ♪" 

Tinignan ko yung tatlo, kumakanta na naman eh. "Di niyo ba talaga ako titigilan?" Naiiritang tanong ko.

"Bawal kumanta brad?" Tanong ni Lex. Halatang nang-aasar eh.

"Yaan mo na Lex. Natamaan eh." Sabi sa kanya ni Dee at ngumisi sa akin.

"Tumpak! Haha. Tara na maglunch. Bigat ng dala ni parekoy eh." Sabi ni Renzo at umakbay sa akin.

Mga gago 'to, ayaw talaga tumigil eh. Ako? Nagseselos? Asa!

-----------------------------------------------------------------------------

Siya? Nagseselos? Ewan! Hahahaha! Hi guys. Ayan, dahil love ko kayo sinunod ko gusto niyo. Gora for KurMi daw muna tayo. May tatlong loveteams na tayo. Yey! TraLi, TraMi, at KurMi. Ang saya di ba? Kayo, alin dyan ang favorite niyo? Hihi. :3

By the way guys, Team KurMi sa side. :)

So yun lang muna sa ngayon. Babels! Loveyou. xx ♥

Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."