Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 5
BMDN Chapter 6
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 8
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 15
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 27
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 55

127K 2.7K 244
By palibhasa_pusa

Tatlong oras ang naging byahe namin papuntang Allergen, maaga ang naging pag alis namin sa syudad dahil walang pasok si Kisza ngayong friday kaya imbis na sa hapon ay umaga na kami umalis para masulit na rin ang dagat. Si Scarlet at Styler ay nakatulog habang nasa byahe, kandong ko si Styler at nakahiga naman si Scarlet sa backseat at nakaunan sa hita ng ate nya.




Huminto kami sa tapat ng malaking bahay, at sa bakuran ay nakita ko ang binata ng si Artemis kasama ang cute na si Daenerys. Bumaba ako karda ang natutulog na si Styler, si Spencer naman ay binuksan ang backseat at kinuha si Scarlet.




"Kuya!" Pag kuha ni Kisza sa atensyon ni Artemis. Agad namang ngumiti ang huli ay tumakbo papunta samin habang hawak ang kamay ng babaeng kapatid. Nakakatuwa lang dahil may binata na si Kallen at Pierre.



"Hello Kisza! Hello din Tita, Tito" aniya ng makalapit samin.





"Where's your Dad, Artemis?" Tanong ni Spencer,


"Nasa loob po pinapatulog si Vinerys" aniya.


"Sino po yan?" Tanong ni Daenerys.




"Sya si Styler tas yung karga ni Daddy si Scarlet, kambal sila. Pagkagising nila mag lalaro tayo" ani Kisza. Sunod sunod na tumangon si Daenerys saka kami hinatak papasok sa loob.




Walang nag bago sa mansion, ganito pa rin ang itsura nito noong unang punta ko dito. Umakyat kami sa second floor para ilapag ang dalawa sa kama.


"Mag pahinga ka muna" ani Spencer bago lumabas, huminga ako ng malalim saka pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina. Bigla akong nasabik ng matanaw ang kulay asul na dagat, pumunta ako sa sliding door na nag dudugtong sa kwarto at terrece ng bahay. Napapikit ako ng salubungin ako ng malamig na hangin, ganito ang masarap sa ganitong probinsya sariwa ang hangin at walang halong polusyon hindi katulad sa syudad.





Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Kisza at Daenerys sa likod nila ay si Kallen na malaki ang ngiti ng makita ako.


"Hi" aniya, napangiti ako. Isa si Kallen sa masasabi kong naging kaibigan ko kahit na ilang beses ko pa lang sya nakikita. Napatingin sya sa kambal na natutulog sa kama bago lumapit sakin at bumeso.




"Kamusta?" Tanong nya,  saka upo sa upuan na nasa terrece


"Ayos lang, ikaw? parang hindi apat ang anak mo ah" natatawang sabi ko, naalala ko ng huli ko syang makita ang laki ng tyan nya dahil pinag bubuntis pa lang nya ang bunsonya pero ngayonpara syang hindi na nganak ng apat.



"Ikaw rin naman parang hindi ka nanganak ng tatlo" aniya, napailing ako.




"Nakwento sakin ni Pierre ang nangyari sa inyo ni Spencer three years ago" aniya, nakinig lang ako kahit alam ko na ang sasabihin nya.





"Nagulat ka ba?" Tanong ko.



"Slight lang, natatandaan mo yung humingi ka ng opinyon sa pag papaampon ng anak? Alam ko malapit sayo ang taong may pinag daanan ng ganon, pero sumagi na rin sa isip ko na baka ikaw iyon pero ayoko lang pangunahan ka." Aniya, saka huminga ng malalim. Pareho kaming natahimik at parang pinapakiramdaman lang ang isa't- isa.






"Alam mo may mga bagay na kayang gawin ang ina na hindi kayang intindihin ng iba. Lahat ng ina kayang gawin ang lahat para sa mga anak nila, kaya nilang mag hapong mag trabaho para lang may mapakain sa anak nila kaya naiintindihan ko ang ginawa mo." Aniya, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang saya sa mata nya.





"Pag takas sa responsibilidad ang tawag sa ginawa ko Kallen. Tama si Spencer nagawa kong buhayin ang mga kapatid ko ang sarili ko pero mas pinili kong ipamigay sya."





"Katulad ng sabi ko, may kanya-kanyang paraan ang mga ina kung paano ipapakita ang pag mamahal nila sa anak nila. Ang pag takas sa responsibilidad ay ang  basta mo nalang syang iiwan at hindi na muli mag papakita, pero iniisip mo pa naman din sya hindi ba? Dahil imbis na ipamigay mo sya sa iba o iwanan mo sya isaNg tabi ay mas pinili mong ibigay sya sa alam mong maaalagaan at mamahalin sya. Ginawa mo yon dahil mahal mo sya at nag aalala ka sa kanya. Ipinaampon mo sya dahil ayaw mong masaksihan nya ang hirap na dinanas nyo.  Para sakin ay hindi pag takas sa respinsobilidad yon Nina, ang tawag don ay ang pag mamahal ng ina. At alam kong alam mo yon, dahil kung hindi hindi ka papasok bilang Nanny ng anak mo." aniya. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.






"Iba-iba ang tao Nina, iba-iba rin tayo ng depinasyon sa bawat salita. Iba-iba ang pag kakaintindi sa mga pangyayari, iba-iba ang paliwanag ng bawat isa, pero sa naging desisyon mo noon alam kong inisip mo lang ang makakabuti sa anak mo. " Aniya, hindi ko alam pero pakiramdam ko maraming pinag daanan si Kallen kaya nasasabi nya ang mga ito.





Napatingin ako sa loob ng marinig ko ang pag iyak ni Scarlet  agad akong tumayo para puntahan sya.


"Mommy!" Umiiyak na sabi nya, umupo ako sa tabi nya at agad syang pinatahan.



"Sssh! Bakit?" Tanong ko saka pinunasaman ang luha nya.



"Ni kurot nya ko" aniya saka itinuro si Daenerys.




"Daenerys?" Ani Kallen, yumuko si Daenerys.


"Sorry, ang tagal nya kasing gumising gusto ko na syang makalaro" anito, napangiti ako.




"Pasensy Nina" ani Kallen, tumingin ako sakaya saka ngumiti.




"Gusto kadaw makalaro ni Ate Daenerys" sabi ko, umiling sj Scarlet saka sumubsob sa dibdib ko.



"Hintayin nalang namin kayo sa labas at ipapahanda ko na ang lunch natin" aniya saka binuhat si Daenerys.



"Sssh, tahan na. Nagugutom ka na ba?" Tanong ko, tumingin sya sakin saka tumango. Hinalikan ko sya sa noo saka ko tinignan ai Styler na masarap ang tulog.


"Mauna na kayo ni Ate Kisza sa baba , hintayin ko lang si Kuya Styler magising." sabi ko.





"Si Daddy?" Humihikbing tanong nya. Mag sasalita na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Spencer dala ang mga gamit namin.



"Daddy!" Ani Scarlet saka tumayo at nag lakad papunta kay Spencer, agad naman syang kinarga ng huli.



"What's wrong baby?" Malambing na taong ni Spencer. Hindi sumagot si Scarlet at sumubsob lang sya sa balikat ni Spencer. Tumingin sakin si Spencer naparang nag tatanong.



"Naistorbo sa tulog" simpleng sabi ko.




"Handa na ang lunch" aniya,




"Susunod nalang ako, hintayin ko lang magising  si Styler" sabi ko. Pero imbis na lumabas ay umupo sya sa kama at humiga sila sa tabi ni Styler.


Saka nya kiniliti si Styler.




"Wag mong gisingin" sabi ko pero parang wala syang narinig, hanggang sa tuluyang magising si Styler at nakatanggap sya ng sapak sa mukha. Hindi ko maiwasang matawa sa ginawa ni Styler, nakahawak sa ilong si Spencer dahil doon tumama ang kamay ni Styler. Nawala ang ngiti ko ng tumingin sya sakin, tumikhim ako at pinilit maging pormal ang mukha.




"Gustong-gusto mo talagang nasasaktan ako no?" Aniya na nag pataas sa isang kilay ko.





"Pero okay lang, mahal naman kita" aniya saka mabilis na binuhat si Scarlet at Styler saka lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Kisza.




"Uuy! Si Mommy namumula!" Panunuya ni Kisza saka mabilis ding lumabas ng kwarto.




Napailing ako, at pilit na pinahupa ang pagkabog ng dibdib ko,
Ayokong madaliin ito, ayokong matulad nanaman kami noong una. Ang bilis nang naging takbo ng  relasyon namin pero ang bilis din naming natapos.

Nang makarating sa kusina ay naabutan ko na silang lahat doon, nakakandong amg bunsong lalaki ni Kallen sa kanya habang si Daenerys naman ay nakakandong sa Daddy nya. Umupo ako sa tabi ni Kisza at Spencer, pag kaupokoay agad na kumandong sakin si Styler. Natapos ang lunch na puro kwentuhan, ang akala ko ay magiging awkward pag makaharap ko sila Kallen at Pierre dahil pinsan ng huli si Spencer pero hindi ganon ang nangyari . Katulad ng dati ay mainit ang pakikitungo nila sakin. Nang makapag pahinga  ay umakyat kami para makapag palit dahil nag aya ang mga bata na pumunta sa dagat na nasa likod lang nitong mansion.

Nag datingan na rin ang mag aayos ng garden kung saan gaganapin ang birthday ng bunso nila Kallen.





Pinalitan ko ng damit ang mga bata saka nilagyan ng sunblock, ako naman ay kinuha sa bag ko ang two piece na dinala ko. Naeexcite akong lumusong sa tubig lalo na ngayon na marunong na akong lumangoy.
Pumasok ako sa banyo para suutin iyon, kulay itim ito kaya kitang kita ang maputi kong balat.
May mga strech mark ako pero hindi ganoong kahalata.

Lumabas ako ng banyo at nakitang wala na doon ang mga bata, lumapit ako sa bag na dala ko para kuhanin ang manipis na sando at short na ipapamatong ko. Narinig ko ang pag bukas ng pinto, nang lingunin ko ay si Spencer ang pumasok at madilim ang matang nakatingin sakin.


"Ano yang suot mo?" Madiing sabi nya, tinaasan ko sya ng kilay saka tumayo at humarap sa kanya.




"Two piece" sabi ko.





"Alam ko Nina, pero bakit ganyan ang suot mo?" Madiing sabi nya, nakaigiting ang panga nya habang nakatingin sakin.





"Anong gusto mo? Mag jogging pants ako saka long sleeve?" Tanong ko, bakit? May nakakahiya ba sa suot ko?




"Nina, for pete sake. tatlo na ang anak mo! Tapos ganyan ang suot mo?" Inis na sabi nya saka na parang may mali akong ginawa.




"Ano bang problema mo? Bakit ba pinapakialaman mo ang suot ko? Isusuot ko nag gusto ko kaya pwede ba huwag mo akong pakialaman!" Inis na sabi ko, may batas bang nag sasabi na bawal mag two piece kapag may tatlo ng anak? Naiinis na nag lakad papalapit sa pinto dahil ayokong makipag talo sa kanya. Bago tuluyang mahawakan ang door handle ay hinawakan nya ang braso ko at isinandal sa nakasaradong pinto, tinulak ko sya pero hinawakan nya lang ang dalawang kamay ko ng mahigpit at inipit sa pagitan nya at ng saradong pinto.

At halos manlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi nya sa ibabaw ng dibdib ko, yung bahaging hindi natatakpan ng top ng suot kong two piece. Nagtayuan ang balahibo ko ng sipsipin nya ang balat ko sa parting iyon at kagat kagatin, alam kong mag iiwan ng marka iyon doon kaya pinilit kong kumawala sa pagkakahawak nya. Nang mabawi ko ang kamay ko ay mabilis ko syang itinulak, saka tinignan ang ibabaw nv dibdib ko. At tama ako may pulang marka doon.




"Now, change your clothes." aniya, tinignan ko sya ng masama pero sinalubong lang nya iyon. Nang hindi ako kumilos ay muli syang lumapit sakin at hinawakan ang bewang ko.




"Ayaw mo?" Tanong nya, inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko at nag tayuan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang hininga nya sa punong tenga ko.



"O baka gusto mong lagyan din kita ng marka dito?" Bulong nya at naramdaman ko ang pag haplos nya sa puson ko, bigla akong napalunok at nakaramdam ng init. Mabilis ko syang itinulak.





"Bastos!" Angil ko saka nag lakad papasok ng banyo.


Napasandal ako likod ng pinto pag kasarado nito, ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko ang replection ko sa salamin at nakita kong ang pula ng mukha ko, napatingin din ako sa dibdib ko at tinitigan ang pulang markang ibinigay ni Spencer. Bwisit sya! Akala nya madadala nya ko sa ganito!




Narinig ko ang pag katok nya sa pinto, hindi ko pinansin iyon. Mamaya nalang ako lalabas pag wala na sya.



"Hindi mo to bubuksan? O gusto mong sapilitan kong buksan itong pinto at mag kulong tayong dalawa dyan habang wala ang mga bata" aniya, naiinis ako!  Naiinis ako dahil pakiramdam ko na co-cotrol nanaman nya ako.





"Ano?" Inis nasabi ko pag kabukas ng pinto. May iniabot sya saking mga damit at alam kong damit ko ang mga iyon.



"Iyan ang isuot mo" aniya, mabilis ko iyong kinuha at malakas na isinarado ang pinto. Tinignan ko ang damit na napili nya mula sa mga dala ko, nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi long sleeve at jeans ang ibinigay nya. Isang puting cotton blouse short short iyon, okay na kaysa jeans katulad ng suot ko noong una ako dito.











***





A/N: alam kong marami kayong tanong, katulad ng kasal naba si Spencer noong may nangyari sa kanila no Nina. O kung sino ang babae nanakita ni Nina na kasama ni Spencer at iba pa. Masasagot nya sa mga sususnod na chapters, don't worry hindi matatapos nag kwetong ito na hindi nalilinawan ang lahat (kasama na ko don) haha






Vote. Comment. Share

Continue Reading

You'll Also Like

16.5K 693 52
There is one woman who is very lucky. Yung tipong nasa taas na siya pero mas pinili niya paring bumaba para makahanap ng kaibigan. Yung akala niya na...
113K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
512K 13.2K 44
Cailee Sebastian grew up under the eyes of everybody. Like a princess surrounded with walls of their palace, she felt... suffocated . She is craving...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...