Ayoko mang lapitan siya pero the next thing I knew, andito na ako sa likuran niya at 3 hakbang nalang ang pagitan namin sa isa't isa.
He's wearing a black varsity jacket na may nakasulat na 'Ice' sa likod.
Ano bang ginagawa ng lalaki na 'to dito sa ganitong oras? Papagabi na rin ah. At isa pa, malayo ang bahay niya dito.
Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko sa pagdedma sa kanya. Aish.
Umupo ako sa tabi ng duyan na inuupuan niya.
Bigla siyang napalingon sakin dahil dun pero nag- iwas din ng tingin agad.
Ramdam kong may problema 'tong lalaki na 'to.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan." sabi niya habang nakatingin pa rin sa malayo.
Ang sungit talaga.
"Tambay lang tapos nakita kita." sabi ko
"Tambay? E bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya. Oo nga pala, naka- business attire pa rin ako.
Nakakahiya tuloy.
"A-Ah kasi nag- apply ako ng trabaho." sabi ko
Nabalot na naman ng katahimikan ang paligid.
Kaya magdesisyon ako na magsalita na naman.
"Sorry Ice/Sorry Pat." sabay pa kaming nagsalita.
Okay, spell AWKWARD.
"Okay lang." sabay ulit naming sabi at napatingin na siya sakin.
Nagtama ang paningin naming dalawa.
Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Damn Ice, your effect on me.
Natawa siya dahil sa nangyari.
Nawala yung tensiyon na kanina pa bumabalot saming dalawa.
"May problema ka no?" tanong ko
Tinignan lang niya ako at tumingin ulit sa malayo.
Confirmed.
May problema nga siya.
Kabisado ko na si Ice, bata pa lang kami.
"You can tell me." sabi ko at ngumiti kahit di siya nakatingin
"A-Ah ano kasi, si B-Bea. Ano eh, nawawalan na siya ng oras para sakin. Oo yun yon."
Bakit pautal utal siya?
"Mahal mo talaga siya nuh?" sabi ko
"O-Oo naman. Pero hindi ko alam kung ganito niya din ba ko k-kamahal." sabi ni Ice.
"Mahal ka din niya." huminto ako at ngumiti "Normal lang yan sa isang relasyon. I'm not a love expert or such pero nakakaramdam ako ng love kahit papano." dagdag ko habang nakangiti pa rin
"May problema ka din no?" tanong niya na ikinagulat ko
Hindi nalang ako kumibo at nginitian ko nalang siya.
"You can ask or tell me anything if you want too." offer niya
"P-Paano kung yung mahal mo, may mahal na iba. Anong gagawin mo?" tanong ko habang di tumitingin sa kanya
"I will set her free. Lalo na kung alam kong dun siya sasaya." sagot niya.
"Ikaw? Example lang 'to, paano kung ma- fall ka sa best friend mo kaso yung best friend mo na yun, in a relationship na. Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya?" tanong ko.
Siguro naman hindi niya mahahalata yung ibig sabihin ng lahat ng sinasabi ko.
Kaya nga Yelo yan eh.
Sa sobrang lamig, minsan nagiging manhid.
"Hahayaan ko siya dun sa karelasyon niya. Kasi hindi naman nakikipagrelasyon ang isang tao na para lang sa wala kundi dahil mahal niya yung tao na yun. I will just be happy for them." sabi niya
Now I know the answer.
Ito na siguro yung sign na hinihingi ko kay Lord.
Sign na hanggang friends lang talaga kami ni Ice.
"Thank you Ice." sabi ko
"Sino ba yang lalaking nagugustuhan mo ha? I can see he's hurting you." sabi niya
Yes Ice. You're hurting me.
"Di mo siya kilala." sabi ko
"Pasalamat siya kundi baka upakan ko siya." nagulat ako sa sinabi niya pero wait! Uupakan daw?
So, uupakan mo yung sarili mo?
"Hayaan mo na siya. Kakalimutan ko na rin naman siya eh." sabi ko at ngumiti.
Yes, I'm going to forget you Ice. Not as my best friend but as my first love.
"Good. He doesn't deserve you. And he's stupid for hurting you." sabi niya
What did you just call yourself Ice? STUPID?
"Yeah yeah. Di ka pa ba uuwi? Gabi na oh." sabi ko
"Uuwi na rin. Pero ihahatid muna kita." sabi niya
"Nako wag na. Baka ikaw pa ang gabihin." sabi ko
"I insist. Car keys?" hindi yan tanong.
Kundi command.
Binigay ko na sa kanya yung susi ng kotse ko dahil baka magsungit na naman siya at mag- away na naman kami.
Habang nasa biyahe, tahimik lang kami.
Mage- 8 na rin pala. Di ko gaanong namalayan ang oras.
Pinasok ni Ice ang kotse sa loob ng bahay namin.
At napansin kong nakaabang na sila Mama at Papa sa pintuan pa lang.
Oops, bawala nga pala ako magpagabi kapag andito si Papa.
Wait.
Oh shiz.
Kasama ko nga pala si Ice!
At magkakakilala sila ni Papa! Hindi pwede 'to.
Bumaba agad ako at sinalubong sila Mama at Papa.
Sinubukan ko silang papasukin sa loob ng bahay.
"Ahm Ma, Pa, tara kain na tayo sa loob. Nakakaamoy na ko ng pagkain eh. Hehe!" sabi ko sa kanila
"Anak, hindi pa nga nagluluto yung mga katulong may naaamoy ka na?" sagot ni Mama
Okay, supalpal ako dun ah.
Biglang bumukas yung kabilang pintuan ng kotse ko at lumabas si Ice doon.
Okay, patay na ko.
"Who is he?" tanong ni Dad sakin habang papalapit kami kay Ice
"Yeah who is he?" dagdag pa ni Mama
"Uhm, Ma, Pa, he is... Ice Stanley Dela Flor." sabi ko
"Ohhh! So you are Patricia's boy---" hindi natapos ni Papa yung sasabihin niya dahil umubo ako kunwari. Kunwari pero sobrang lakas
*tinignan ako ni Papa*
Dug dug dug dug.
Jusmiyo, baka mag- away pa si Ice at Papa.
Kung bakit nga ba kasi pumayag akong ihatid niya ko di----
Naputol din yung pag- iisip ko dahil sa susunod na sinabi ng tatay ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Manugang!" tuwang tuwang sabi nya kay Ice
Syete trentay uno.
Bakit di man lang siya nagalit?
Tinignan ko si Ice at halatang nagulat siya pero medyo natatawa dahil sa sinabi ni Papa.
His smile, nakakamatay.
Aish! Hay nako Patricia Ramos. Ang lantod mo! Kakalimutan mo na siya okay?
Back to reality...
"Anak, boto ako dito kay Ice. Gwapo eh, mana sakin. Future manugang ko na dapat 'to." dadgdag pa ni Papa
Jusmiyo naman.
Nakakahiya kay Ice!
Yung nanay ko naman nakangiti lang din.
Aish! Kayo na nga magbawal sa tatay ko.