Reserved for YOU ♥

By ShutUpJustWrite

77.6K 2K 1.1K

Paano kung ma-inlove ka sa taong noon pa lang pala ay mahal mo na? ||CONTINUATION OF RESERVED SEAT || More

Prologue
1~Gwapo sa Salamin
2~Baby Kylie
3~Ang Paliwanagan
4~Officially
5~Powerhug!
6~The Past
7~To tell or not?
8~His Secret
9~Sisters!
10~Meet his Mom
11~The start of her plan
12~DUET
13~Rehearsal
14~Mahal ko eh.
15~Meet my...
16~Saving her
17~ ASDFGHJKL<3
18~Lee's first POV + One Million Peso Question
19~ "Kahit anong mangyari, tayo lang ha?"
20~All Together.
21~CONVERSATION
22~Childhood Love.
23~Ang labo.
24~Missing Part
25~All this time...
26~Goodbye, Popoy and Iya.
27~ Sweet Escape.
28~ All because of you..
29~New Year, Good Year?
30~ Truth hurts.. so much. </3
31~ Saying Goodbye.
32. Away from Home.
33~Bedtime Story
35~Finally
PAKULO NI AUTHOR =)
Epilogue

34~He's back, and fine.

912 39 28
By ShutUpJustWrite

Chapter 34.

Limang araw na din pagkatapos kong makilala si Mama. Dito pa din ako nakatira sa bahay niya at sa loob ng napaka-ikling panahon, ang dami kong nalaman sa kanya, sa kanila ni Papa, sa naging buhay niya nung siya na lang mag-isa, ung relationship niya kay Tita Rina, at syempre kay Arthur..

Speaking of, walang paramdam si Arthur simula nung gabing nagfreak-out ako sa harap nilang lahat. Oo. Freak-out ngang maitatawag ang ginawa kong yun, ngayon ko lang narealize. Napakadami kong naintindihan nung umalis ako sa bahay… mga pagkakamali ng iba sa akin, at syempre, ung mga naging pagkakamali ko sa kanila.

Hindi lang din si Arthur ang walang paramdam. Si Kylie, si Lee, si Selena, wala din. Even my bestfriend Andrea, wala din. Minsan sumasagi sa isip ko, bakit hindi nila ako kinukulit? Bakit hindi ako binabaha ng ‘sorry’ messages at calls? Bakit di ko maramdaman na hinahabol ako? Hindi ba dapat ganun ang lagay ko ngayon kasi nga nagsinungaling sila sa akin? Di ba dapat they’re begging for my forgiveness? Pero sa kabilang banda naiisip ko din na, bakit naman nila yun gagawin? After ko silang ipagtabuyan at sabihing wag na nila akong kakausapin, bakit kailangan ko pa mag-expect na lalapitan pa nila ako?

Ang gulo ko noh? Pero ang dami ko talagang narealize.. I should’ve think twice.. pero hindi din naman nila ako masisisi kasi galit ako noon.. Hindi ako makapag-isip ng maayos at tama. Hay.

Si Arthur.. hindi niya na ba ako naiisip ngayon? Kaya niya na bang wala ako? kaya niya na wala na ako sa buhay niya? Kasi ako hindi eh.. siguro nung araw na un napakatapang kong sabihin na ayoko na sa kanya, pero nagsisisi na ko ngayon.. Napatunayan kong hindi ko pala kaya.. If I could just turn back the time.. pero naisip ko ulit, kung hindi un nangyari, things won’t be like this.. hindi ko makikilala si Mama.

Ang dami kong naiisip! ganto ata pag brokenhearted eh </3

“Anak, nagustuhan mo ba ung mga pinamili natin?” napatigil ako sa pagmumuni-muni ng tanungin ako ni Mama.

Heto kami, kakatapos lang kumain ng dinner at kumakain na ng ice cream.. Galing kami sa mall at namili ng mga damit, bag, girly stuff! Sa totoo lang, dapat maglulunch lang kami sa labas kanina, kaso napunta kami sa mall at sabi niya bibilan niya daw ako ng regalo dahil birthday ko na bukas.. Tuwang-tuwa si mama at hindi ko maikakaila na masayang-masaya din ako.. although I felt something missing.

“Oo naman Ma. Nga po pala, kailan po natin ibibigay kay Papa ung mga binili natin para sa kanya?” tanong ko.

Pati kasi si Papa binilan namin. Actually, kinulit ko si Mama. I told her a lot of things about Papa. Yung mga ayaw, gusto, favorite at kung ano ano pa mula sa pagkain, bagay, tao, hayop, pangyayari. haha. Parang Pinoy Henyo lang. Sinabi ko un para naman pag nagsama-sama na kami, hindi na mahihirapan si Mama. Yes, I’m still hoping they’ll come back to each other’s arms and we will be a happy family. Marami ng panahon ang nasayang sa kanilang dalawa, at hindi ako papayag na hindi ko sila mapagbati.

“Ah anak.. You can give it to him pag dinalaw mo siya..” a bittersmile flash on her face.

“Ma, hindi ako ang magbibigay nun.. Ikaw po..” nakangiting sabi ko.

“Anak naman.. alam mo namang hindi ganun kadali un eh.. As much as I want to, hindi ganun ganun lang un..” malungkot na sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, “I know Ma.. We’ll do it step by step.. Don’t worry..” at ngumiti siya sa akin.

*TOK TOK TOK*

 

 

Napabalikwas kami ni Mama dahil sa sobrang lakas ng katok mula sa labas. Para bang nagmamadali?

*TOK TOK TOK*

 

 

“Ma, are you expecting someone?” tanong ko sabay tingin sa relos ko, “It’s almost 11pm???”

 

“Wala anak.. Wala naman.. Teka titignan ko.” patayo na sana siya ng pigilan ko, “Ako na Ma.” sabi ko at tumungo na sa pintuan.

*TOK TOK TOK*

 

 

Aba! Nagmamadali naman ata to masyado!

Sumilip muna ako sa bintana, tanaw naman kasi mula dito kung may tao man sa gate.

O___________________________O

 

 

“Anak sino yan?” sigaw ni mama mula sa kusina.

No way…

Napatalikod ako at napasandal sa pintuan.

Catherine breathe..

Woo..

Woo..

“Catherine sino yun?” tanong ni mama na nakatayo na sa harap ko.

“Ma.. si… Ano kasi…”

 

“Mama! Mama Nadine! Si Arthur po ito!”

 

Sumilip si Mama sa bintana at nakita niya nga ito.

“Ma, sinabi niyo bang andito ako? Bakit siya andito? paano niya nalaman?? Maaaaaa!”

 

“I don’t know anak.. Dumadalaw siya dito, minsan dito siya natutulog.. pero hindi ko alam na ngayon siya pupunta.. Ayaw mo ba siya makita?” tanong niya.

“H-hindi ko po alam..”

 

“Well, I think that’s a no. Pumunta ka muna sa kwarto mo. Aakyat na lang ako kapag umalis na siya. Ok?” sabi niya sa akin at sumilip sa bintana, “Sandali lang Arthur!” sigaw niya.

Agad akong umakyat, pero nagstay lang ako sa stairs. Hindi naman ako kita dito.

Bakit kaya siya andito? Sinabi kaya ni Papa? Hindi kaya…. susunduin niya na ako? Waaaaaaa kinikilig akoooo! After days, naramdaman ko ulit ‘tong feeling na to.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Arthur anak, napadalaw ka?” ramdam ko sa boses ni mama ang ngiti niya. Napakabuting bata daw ni Arthur kay Mama.. tinuring niya na itong nanay dahil magbestfriend sila ni Tita Rina.

“Matagal ko na din po kayong hindi nadalaw.. Namiss ko po kayo..”

 

Gad. His voice..

Napasmile ako ng marinig ko siya, pero binawi ko din kaagad dahil sa sinabi niya. Namiss niya si Mama.. ako kaya namimiss niya din?

“Ikaw talagang bata ka.. Matagal na din akong hindi nakakadalaw sa Mama Rina mo. Pasensya na anak, naging busy lang ako.”

 

“Ano namang pinagkakabusyhan mo Ma?”

 

Aba.. Detective conan ang peg.

“Ah eh.. sa work anak.. Alam mo naman ako kung magtrabaho, di ba?” palusot ni Mama. “How are you anak?” tanong niya kay Arthur.

Of course, alam ko na ang sasabihin mo.. ‘I’m broke, but I’m trying to move on.. blah blah blah’

“I’m doing very good Mama. Just enjoying the remaining vacation days. Malapit na din po kasi ang resume ng class. Buti po medyo late na ang start ng classes, gives me more time to rest.”

 

WHAT?! YOU’RE FINE?!

Biglang uminit ang ulo ko. Wala na ba talaga ako sa buhay niya? Tama.. nakamove on na nga siya.

“Oh.. That’s… good… anak. Ha Ha.” halatang hindi din alam ni mama ang irereact. She knows how I feel about our situation.. tapos siya pala ok na ok na.. Great. Just great.

“Yes Ma. Ah, nga po pala, I’ll stay here this night. Sabi ko po kay mama dito na ko matutulog, just like I always do..”

 

ANOTHER WHAT?! NO WAY!!!!

“Naku anak! Huwag!” mama

“Why Ma? Bawal na ba ako dito?” malungkot na sabi ni Arthur

“Ah, eh.. hindi sa ganun anak. kasi –“ hindi niya na pinatapos si Mama.

“Un naman pala Ma eh. haha! Ikaw talaga Ma. *yawn* Ma akyat na po ako ha? Inaantok na po ako eh..”

 

No! No! Agad agad akong tumakbo sa kwarto ko, very careful not to be heard, at ni-lock ko kaagad. Saan siya dito matutulog?! May isang room pa naman, katabi nitong kwarto ko, baka doon siya. Pero sobrang nakaka-WAAAAAAAAA!! lang!

Narinig ko ang mga yapak nila papa-akyat. Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ko sila.

“Arthur anak, dito ka sa kabila. Inaayos ko kasi yang kwartong yan.” mama

“Oh.. ganun po ba.. Okay po. Pasok na po ako Ma ah. Goodnight..” Arthur.

Wew -_-

Umupo ako sa kama. Napatingin ako sa dingding na namamagitan sa kwarto namin ni Arthur. Nasa isang bahay lang kami, pero wala atang chance na magkausap kami.

Nangilid ang mga mata ko. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luhang to.

Okay na siya. Mukhang okay na okay na nga siya. Habang ako, hindi mapakali sa mga nagdaang araw. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit ang daming nawala sakin, lalong lalo na siya.

Unti-unti ng pumatak ang mga luha ko at hindi ko na din napigilan ang kumawalang hikbi.

Bakit kasi naging napakaselfish mo Catherine? Bakit hindi ka manlang nakinig? Bakit hindi ka manlang umunawa? Bakit naging napakakitid ng utak mo?

*sobs* Ang tanga mo Catherine.. *sobs* ang tanga tanga mo.. *sobs*

 

Patuloy lang ang mahina kong pag-iyak.. Wala na kong babalikan..

“Ssh.. anak..” sabi ni mama at niyakap ako. Hindi ko manlang namalayang nasa tabi ko na pala siya.

“Ma.. *sobs* akala ko ba sabi mo mahal niya ko? *sobs* ang sakit.. Ma *sobs* patuloy lang ako sa pag-iyak ko.

“Catherine, magaling ang tao na magpanggap.. Magaling tayong magtago ng mga tunay nating nararamdaman.. Paniguradong ganun din si Arthur.. Nasasaktan din siya, ayaw niya lang ipakita sa akin, sa ibang tao..” sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

*sobs* Pero ma *sobs* muka namang hindi siya nagpapanggap.. *sobs* Paano kung wala na nga? *sobs* Huli na ko..”

 

“Anak, it’s never too late.. Pero magiging huli nga ang lahat kapag wala sainyong gumawa ng unang hakbang.. At anak, nakinig ka lang sa pag-uusap namin, pero ako, may iba akong nakita sa mga mata niya..”

 

Umalis ako sa pagkakayakap ni Mama at pinunasan ang mga luha ko, “Ma, gabi na po.. Matulog na po kayo.. Okay lang po ako..” at pilit akong ngumiti sa kanya.

“Gusto mo bang dito ako matulog?”

 

“Hindi na Ma.. Okay lang po ako.. Magpahinga na kayo..”

 

“Osige.. pero ichecheck ko mayamaya kung tulog ka na talaga ha?” at ngumiti siya.

--

Ugh!!! Bakit hindi ako makatulog! Huuuu T__T

*gulo gulo ng buhok

 

*tambling

 

*gulong gulong sa kama

 

Waaaa! Bakit hindi ako maantok!

Alas dose na ng madaling araw.. Kanina, pinuntahan ako ni Mama. Seryoso pala siyang titignan niya kung tulog na talaga ako.. Paano naman ako makakatulog kung alam kong andyan lang si Arthur sa kabila. haaaay.

*click*

 

Napatigil ako sa pag-gulong sa kama. May nagbukas ng pinto. Agad akong umayos ng higa at niyakap ung unan ko.. nakatakilod ako sa pintuan at nakasideview lang, pikit pikit din... Syempre, si Mama nanaman yan. At ako, magpapanggap na naman na mahimbing ang tulog ko.

Naramdaman kong nasa may paanan ko na siya.. at nagulat ako ng humiga siya sa tabi ko, sa likod ko. Anu ba yan Ma! Magpapanggap talaga akong tulog hanggang sa makatulog ako. -_-

Niyakap niya ako mula sa likod, at parang iba ang naramdaman ko… That smell...

“Baby..”

 

***


HI! VOTE AND COMMENT na! Salamat sa patuloy na nagbabasa! Thank you guys! :)

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
51.6K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...