BIDDING FOR LOVE (Book 1): Th...

By YaySandoval

25.8K 696 82

Bumalik si Maridel sa Negros, sa hacienda na pagmamay-ari ng kanyang dating kasintahan matapos ang sampung ta... More

BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's Bargain
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5 (PART 1)
Chapter 5 (Part 2)
Chapter 6 (Part 1)
Chapter Six (Part 2)

Chapter 2

3.5K 106 9
By YaySandoval

PAIKUT-IKOT si Maridel sa verandah habang hinintay ang lalaking dapat niyang kausapin... or better yet, pakiusapan.

"I can do this. I can do this," usal niya sa sarili. Sampung taon na ang nakalipas nang huling nakaharap niya si Amadeus Madrigallo, ang ama ni Jeff. Isang mapagmataas na lalaki ang ama ng dating kasintahan at sa umpisa pa lamang ng kanilang relasyon ni Jeff noon ay ipinahiwatig na nito ang disgusto sa kanya. Iyon ang isang bagay na hindi niya ipinagtaka noon. Sino nga ba naman siya kumpara sa anak nito. Mayaman ang pamilya ng Madrigallo. Ilan sa mga business ng mga ito ang Madrigallo Mining Corporation, ang ilang Asukarera sa Negros, mga townhouses, at ang research facility sa loob ng malawak na Madrigallo Estates.

Hindi man ganoon kayaman ang pamilyang pinanggalingan niya ay hindi rin naman pahuhuli ito sa alta sociedad. Ang kanyang ama ay kilala bilang isang magaling na negosyante at ang kanyang ina naman ay advocate ng maraming foundations. Kaya sigurado siyang hindi ang estado ng kanyang pamilya ay iniayaw ng matandang Madrigallo sa kanya.

What could it be? Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tanong na pilit umuukilkil sa utak niya kahit sampung taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon na pilit niyang kinakalimutan.

Pinagmasdan niya ang parte ng hacienda na natatanaw niya mula sa verandah. Malawak ang berdeng parte nito na nakakaigayang takbuhan ng nakayapak. Sa bandang kanan niya ay matatanaw ang malawak na tubuhan ng mga Madrigallo. Namimiss tuloy niyang kumain ng sariwang tubo. Sa kaliwa naman ay ang research facility kung saan ginagawa ang mga pagsusuri at experiment para sa ikabubuti ng mga tanim.

"Nariyan ka kaya?" wala sa sariling naibulong niya. Kanina pa niya iniisip si Jeff. Kung anong hitsura na nito. "I bet you're more handsome now."

Huminga siya nang malalim at umiling na lamang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang ihiwalay ang lalaki sa kanyang buhay.

It's been ten years, Dei! Baka nga may sariling pamilya na ang lalaking mahal mo!

Okay, tanga na kung tanga. Eh, anong magagawa niya, sa mahal niya si Jeff. She realized one thing at that moment. Hindi nga pala puwedeng turuan ang puso na lumimot basta gaya ng hindi ito puwedeng basta turuang magmahal. Kusa itong nagmamahal at kusa ring lumilimot. Hindi iyon puwedeng ipilit na lamang basta.

At sa ngayon, ang tanging alam lang niya ay mahal pa rin niya ang lalaki.

Dahil sa kanyang pagmumuni-muni ay hindi niya napansin ang isang nilalang na pumasok sa pintuan at sumandal sa hamba nito. Pero dahil sa mukhang kilala ng puso niya ang presensiya ni Jeff ay bigla itong tumambol ng pagkalakas-lakas. Bagay na nakapagpahinto sa kanyang pag-iikot.

"Akala ko hindi ka na titigil sa kalalakad. Nahihilo na ako sa 'yo." His voice sent shivers in her body. Nakatalikod siya sa lalaki kaya hindi niya alam kung gaano ito kalapit sa kanya pero sapat na ang distansya nito para manginig ang buong katawan niya.

It's not him. Please tell me it's not him! Mahinang pakiusap niya. Alam niyang sa malao't madali ay makakaharap niya ang dating kasintahan. But she's not expecting this soon.

"Hindi mo ba ako haharapin? Akala ko ba gusto mo akong makausap?" may inis sa boses nito. Oh my, mukhang ngayon pa lang ay nag-uumpisa na itong ipakita ang galit nito sa kanya. She inhaled deep and slowly turned to face him.

It's now or never. After all kakailanganin ko rin ang tulong n'ya.

"Hello, Jeff. It's been a long time since we last saw each other." She smiled her sweetest and that made Jeff frowned. She felt a pang of pain when she saw his reaction. Somehow, ay umaasa pa rin siya na makita kahit saglit lang ang init sa mga mata nito. Pero hindi nga iyon ang nangyari. Lalo tuloy parang gusto na niyang magtago at hindi na muling magpakita rito. Ngunit hindi niya maialis ang mga mata sa kabuuan ng binata. He looks so damn delicious in his simple polo shirt and faded maong pants.

Just like before.

Lalong bumagay rito ang tila hinanging buhok nito. His piercing eyes are black as the raven and his lips looks so inviting. Inaakit ng mga labi nito ang kanyang kamalayan. Tuloy, kung anu-anong kahalayan ang naiisip niyang gawin sa lalaki.

Nanatiling nakatayo si Jeff, out of her reach. Nangangati na ang kanyang mga kamay na abuti ito at yakapin ng ubod ng higpit. She knew he's studying every inch of her as if she's a bacteria under his microscope.

"What the hell brought you here in my humble abode?" sarcastic ang tonong ginamit nito sa kanya.

"Ah, eh, k-kasi, ano, eh," Come on Maridel, make up your mind! Singhal niya sa sarili. Bakit ba kasi kung kailan kailangan niyang ipaliwanag ang sadya niya sa lugar na iyon ay saka parang naumid ang kanyang dila. All because Jefferson Madrigallo is standing right in front of her, looking so damned gorgeous!

"What? I'm waiting," asik ng baritonong boses nito sa kanya. Dahil sa napalakas ang tinig nito ay nagulat siya.

Huminga siya ng malalim at saka nagsimulang magsalita.

"I wish to speak to the master of the house, please," sabi niya.

"I am the master of this entire estate," Jeff answered back while taking a seat in front of her. Hindi man lang siya inalok nitong umupo. Kanina pa pagod ang kanyang mga paa at binti sa kakatayo. Naningkit ang kanyang mga mata habang inaarok ang sinabi nito. Si Jeff ang anak ng may-ari ng lugar na tinatapakan niya, so technically ay tama ang sinabi nitong amo ito roon. Pero hindi naman si Jeff ang kailangan niya.

"Si Señor ang kailangan ko," marahan niyang sambit. Lalong kumunot ang magagandang kilay ni Jeff dahil sa kanyang sinabi.

"Ano naman ang kailangan mo sa Papa? I'm already here to cater to your needs." May himig panunukso ang salitang iyon na binitiwan ni Jeff.

Yeah. Sarcastic teasing!

"Siya ang kailangan kong makausap Mr. Madrigallo, hindi ikaw," matapang niyang sabi at dahil doon biglang nag-apoy sa inis ang mga mata ng dating kasintahan niya.

"Well, if you do not intend to talk to me, then, you can leave this place. Wala ang aking ama sa mga oras na ito at wala akong panahon na pag-aksayahan ang kung anong problemang dinadala mo. You can leave!" matigas ang boses nito.

Fine, kung gusto ni Jeff na ito ang pestehin niya, she'll be so glad to oblige.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong niya rito. Nagsisimula na rin siyang mainis sa lalaksot na ito. May hinahabol siyang oras para maisalba ang kabuhayan ng kanyang pamilya. Marami ang umaasa sa kanilang taniman ng tubo at heto kailangan pa niyang amuin muna ang nag-iinarte niyang ex-boyfriend.

Naku naman talaga kapag hindi namuti ang buhok ko rito!

"At ikaw pa ang may ganang sumigaw, eh, ikaw itong nasa pamamahay ko?"

Grrr.

"Okay," huminga siya ng malalim para kalmahin nag sarili dahil kung hindi ay baka batukan niya ng bonggang-bongga ang kumag na guwapong lalaking ito.

"Kung wala si Señor tulad ng sinabi mo, at dahil sa mas gusto mong ikaw ang pestehin ko, sige." Isang hinga uli ang kanyang ginawa.

"I am in dire need of help –"

"Mangungutang ka?" putol na tanong nito sa kanya.

"Bakit may pera ka?" patol niya sa pang-uuyam nito.

"Mayaman ako at alam mo 'yan."

Oo nga naman.

"Ang problema hindi naman iyon ang ipinunta ko rito–"

"So kung gano'n, ano?" putol na naman ni Jeff sa kanya. Naiirita na talaga siya sa laging pagputol nito sa kanyang sasabihin.

"Puwede ba patapusin mo ako!" singhal niya na ikinangisi nito. "Ang hirap kasi sa 'yo puro ka tanong. Patapusin mo kaya ako para malaman mo ang sagot sa mga itatanong mo."

"Sure. Abbie," tawag nito sa sekretarya. Hindi tuloy niya maiwasan ang pasadahan ng tingin ang babaeng lumabas mula sa kabilang panig ng bahay. Maganda ito.

Ano kayang relasyon meron ang dalawang ito bukod sa pagiging boss-secretary relationship? Hindi niya napigil na magtanong sa isip niya. Ano ba Dei, tigilan mo iyang mga tanong na ganyan. Wala ka nang karapatan para alamin ang lahat-lahat sa buhay niya. Binigyan nito ng instruction ang babae pagkatapos ay binalingan siya.

"Come, doon tayo sa library. Let's talk about the things you came here for," pagyaya nito sa kanya. "I hope you still know the way," tukoy nito sa library cum office niya.

"Yes, I think I still remember it," sagot niya. Ilang beses na rin naman siyang naisama ni Jeff sa hacienda noong boyfriend pa niya ito. Naaalala pa niya ang pasikut-sikot sa loob ng magarang bahay ng mga Madrigallo. Hindi lang niya sinabi kay Jeff na hanggang ngayon pati ang daan papuntang kuwarto nito ay alam pa rin niya. She can even find it with her eyes closed. At hindi siya magkakamali, maliligaw, at madadapa man lang.

"Hindi ba puwedeng dito na lang?" tanong niya rito. Humimpil ito sa may pinto at hinarap siya. Nanunuri ang mga mata nito pagkuwa'y lumapit ito sa kinatatayuan niya. Nararamdaman niya ang mainit na hanging galing dito dahil sa halos idikit nito ang katawan sa kanya. Napaurong tuloy siya nang hindi sinasadya.

"Why, Dei?" tanong nitong titig na titig sa mga mata niya. His stare could melt anyone. "Natatakot ka bang mapag-isa kasama ko?" hinahamon ba siya ni Jeff kung tatagal siya kasama nito sa iisang kuwarto? Aba, hindi siya isang Capistrano kung uurong siya rito. Humugot siya ng isang malalim na hinga. Ipinikit niya ng mga mata para bumilang ng sampu at kalmahin ang bumabangong inis sa kakaibang epekto ni Jeff sa kanyang kamalayan.

"Kung inaakala mong basta na lang ako uurong at tatakbo papalayo sa lugar na ito at sa 'yo, nagkakamali ka Jefferson Madrigallo. Kilala mo ako," sagot niya rito.

"Really? Kilala nga ba kita, Dei?" sarcastic ang tonong ginamit nito pero wala siyang pakialam doon. Kailangan niya ang tulong ng facility ng mga Madrigallo. Nagsalita siya agad bago ito nakatalilis sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin pero nakikiusap ako, Jeff. I need the expertise of your research facility." Huminto itong muli at hinarap siya and dahil hindi ito nagsalita nagpatuloy siya.

"Sinanlanta ng kung anong peste ang taniman namin ng tubo. I can't just stand there and watch the people who depend on the plantation get hungry. I have to act fast. At alam kong ang facility n'yo lang ang puwedeng makatulong sa amin," paliwanag niya rito. Lihim siyang nagpasalamat dahil kahit paano ay nakinig si Jeff sa dilemma niya.

"And you traveled all the way here just for that?" Mukhang ayaw ng kumag na itong tulungan siya. Mukhang kakailanganin niyang gamitin muli ang charm niya. Oops, paano na nga ba iyon? Ang tanong may charm nga ba siya?

"Please, Jeff," pagmamakaawa niya.

"I'm sorry pero hindi ka matutulungan ng facility."

"Pero, Jeff, hindi lang isang tao o pamilya ang umaasa sa taniman. Napakarami nila. Maawa ka naman sa kanila. Alam ko at sigurado akong kung mga tauhan mo sa facility o sa asukarera ang mapupunta sa kalagayan ng mga tauhan namin, I'm sure you'll not just sit here and wait for what you know will eventually happen." Ngunit tila ayaw na siyang pakinggan nito. Naging bato na ba ang puso nito sa loob ng sampung taong hindi nila pagkikita?

"Nagmamakaawa ako!"

NASA loob siya ng kanyang opisina matapos iwan si Maridel sa verandah. Sinabi niyang pag-iisipan muna niya ang hinihinging tulong nito. Ngunit ang totoo ay gusto lamang niyang lumayo muna sa dalaga dahil kung hindi ay baka hindi niya napigilan ang kanyang sarili. He had so wanted to strangle that little lady for ditching him ten years ago. Gusto niyang alugin ito para matauhan. But at the same time he had so wanted to imprisoned her in his embrace and kiss her senselessly.

"Hindi puwede ito," usal niya sa sarili. Kanina nang sabihin sa kanya ng kanyang sekretarya na naroon ang isang Maridel Capistrano ay hindi niya inaakalang ang dating kasintahan ang makikita sa verandah ng kanyang bahay looking prettier than before. Mas tamang sabihing mas napansin niya ang magandang hubog ng katawan nito. Ang kanyang mga palad ay nangangating haplusin ang dalawang umbok sa dibdib nito. And her legs! Hindi tuloy niya maiwasan na muling isipin kung ano nga ba ang pakiramdam na muling mahaplos ang mga binti at hita ng dalaga at maramdamang nakapulupot iyon sa kanyang baywang...

Mahalay ka Jeff! He needs a diversion, an activity. Tama 'yung problema na lang ni Dei ang pagtutuunan niya ng pansin. Ano nga ba uli ang pinag-uusapan nila kanina? He didn't get a good grasp of what she's asking for. Ang tanging naaalala niya ay tungkol iyon sa tanim na tubo ng pamilya ng dalaga.

"Kailan ka pa nawala sa sarili mo ha?" pagalit niyang tanong sa sarili. "Nakita mo lang s'ya nagkaganyan ka na."

He stood up and walked to the window para dungawin ang malawak na taniman nila sa 'di kalayuan. Pero ang balak na i-divert ang utak niya mula kay Dei ay nauns'yami dahil hayun ang dalaga at sayang-sayang nakikipaghuntahan sa ilan nilang tauhan.

How can you be such a scheming bitch?

Napailing na lamang siya at inihimas ang kanyang palad sa batok. Mukhang kailangan niyang bantayan ang sarili niya dahil kapag nakikita niya kung gaano puwedeng maging ka-sweet at charming si Dei ay kahit anong galit niya sa dalaga ay tila unti-unti nitong tinutunaw iyon. Nanatili siyang pinagmamasdan ang dalaga mula sa malawak na bintana ng library cum office niya.

Naramdaman wari nito na nakatingin siya kaya lumingon ito sa kanya. She smiled at him at tila nagliwanag ang buong paligid niya. Laging may ganoong epekto ang dating katipan sa kanya. She overwhelmed him. Inuokupa nito ang buong mundo niya kapag nasisilayan niya ito at nakakalimutan na niya ang lahat kaya tuloy ay wala sa isip niyang bigla siyang nagkubli sa makapal na kurtina ng bintana. He resembled that of a highschooler who was caught catching a stolen glimpse on his ladylove. Wala sa sariling napailing siyang nangingiti.

"What's happening to you Jeff?" tanong niya sa sarili. Balak pa sanang magliwaliw ng kanyang utak pero narinig niya ang katok sa kanyang pinto. Iniluwal niyon si Abbie. In her hands were folders at alam niyang galing ang mga iyon sa research facility nila. May hinuha siyang report iyon ng kanyang ipinagawa hours ago.

Iniabot sa kanya ni Abbie ang mga folders. He looked at it pero hindi niya binuklat iyon. Ayaw pa niyang malaman kung solve na ang problema ni Dei. Ayaw pa niyang mawala ang dalaga sa paningin niya. Gusto pa niyang i-enjoy ang panahon na nasa malapit lang si Dei.

What the heck? Gustong i-enjoy? Ang alin? Ano ba talagang nagyayari sa 'yo? Baliw ka na ba talaga?

"Wala ka bang balak tingnan ang mga resulta ng mga tests na ginawa nila sa samples ni Maridel?" untag ni Abbie sa kanyang pagkakatitig sa mga folders.

"I have a hunch kung ano ang mga resulta. The facility is very capable of identifying whatever kind of virus or bacteria there is in those samples. Para saan pa at world class ang facilities natin kung hindi nito kayang i-dentify ang kung anong virus at bacteria ang sumalanta sa taniman nila ng tubo," sagot niya, hindi pa rin inaalis ang mga mata sa folders.

"So, ang lagay, eh, hahayaan mong maghintay si Maridel nang matagal bago mo sabihin sa kanya na positive ang tulong na puwede nating ibigay sa kanya?" tanong nito.

"She deserves it! Maghirap muna siya bago ko tuluyang ibigay ang tulong na hinihingi niya," mahinang asik niya kay Abbie. Tila hindi naman makapaniwala ang secretary niya sa kanyang inaasal.

"What's wrong with you Jeff? Hindi ka naman nagdaramot ng tulong dati."

"This is me when Maridel's around." Sagot niya.

"What did Maridel do to you at kailangan mong magdamot sa kanya ngayon? She desperately needs our help, your help." Hindi siya nagsalita bagkus ay iniharap niya ang kanyang swivel chair sa bintana. Alam ni Abbie na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Dei.

"Did you love her?" narinig niyang tanong nito sa kanya. "Naging kayo ba noon?" makulit talaga ang sekretarya niyang ito. Nasalo yata nito ang lahat ng kakulitan sa buong mundo. She just doesn't want to quit bugging him about Dei. Simula nang magka-ideya ito tungkol sa kanila ng dating kasintahan ay hindi na siya tinantanan nito. Para tuloy siyang nakikipaghabulan sa paparazzi dahil sa pag-iwas niya sa mga tanong ni Abbie.

"Abbie, gusto mong palitan si Karen Davila o si Korina Sanchez?" tanong niya.

"Hindi, ah! Bakit mo naman naitanong?"

"Hindi ka ba napapagod sa katatanong sa 'kin ng tungkol kay Dei?" umiling ito habang nakangisi.

"You know what? I smell something about the two of you. Sigurado akong hindi lang basta kayo naging kayo ni Maridel. May dahilan kung bakit ka ganyan ngayon sa kanya. Gosh, Jeff, can't you see yourself? And don't try to deny how lovely she is? Sigurado akong maraming lalaking magkakagusto sa kanya," sabi pa ni Abbie.

"So what?" kibit-balikat niya.

"Tao ka ba? Hindi ka naman aswang. At hindi ka rin santo. Alam kong may epekto sa pagkalalaki mo ang presence ni Maridel. I can see how you ogled her. Parang hinuhubaran mo siya!" muntik na siyang mahulog sa kanyang upuan dahil sa sinabi nito.

Ganoon siya ka-transparent? Kahit babae nakikita kung paano niya tingnan si Dei?

He heard his secretary laugh.

"Sabi ko na nga ba, eh. Kaya ka nagkakaganyan dahil pinagnanasahan mo si Dei."

"Abbie, gusto mong mawalan ng trabaho? O kaya, gawin kaya kitang assistant ni Daniel. Naghahanap 'yun ng assistant. I bet you'll fit the requirements," sabi niya rito. Umasim ang mukha nito. Si Daniel ay ang matalik niyang kaibigan na forever na yatang kabangayan ng kanyang sekretarya.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Jefferson. Pareho kayo ng Kuya Roman mo. Ah, hindi pala. Mas malma ka sa kanya. At least si Rome gumawa ng paraan para maging kanya si Adee. Eh ikaw, pilit mong nilalabanan ang kung anong nararamdaman mo pa rin para kay Dei."

"ARE YOU sure about this, Jeff?" tanong ni Daniel sa kanya matapos niyang sabihin ang balak.

"Kailan ba ako hindi naging sigurado sa lahat ng desisyon ko?" balik tanong niya.

"Iyon na nga, eh. Lagi kang sigurado sa lahat maliban na lang kung ang pinag-uusapan ay may kinalaman kay Dei." Natigilan siya sa tinuran ng kaibigan. Kilala rin nito si Maridel dahil ito ang unang nagkagusto sa dating kasintahan. Daniel only backed down when he told him he was in love with her. Tama ang kaibigan. Impulsive siya pagdating kay Dei.

"Wala akong pakialam sa kung anong gusto mong isipin. I will not give her what she wanted without making her pay for hurting me," matigas niyang pahayag.

"Jefferson Madrigallo, I'm telling you, if you hurt her, I will not just sit down and watch her cry. Kapag sinaktan mo siya, sisiguraduhin kong ilalayo ko siya sa iyo ng tuluyan. Damn our friendship!" sikmat ni Daniel sa kanya.

Matalim niyang tinitigan ang kaibigan.

"What?"

"Tell me, Daniel, hanggang ngayon ba you're still pining for Maridel?" Sabihin lang nitong may gusto pa rin ito kay Dei, mag-aamok na talaga siya. Kahit kailan ay hindi niya pinayagan na magkaroon ng pagkakataon si Daniel na makaporma sa dalaga. At kahit sampung taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya makakapayag na makaporma ito sa dalaga.

So, anong ibig sabihin ng pagiging possessive at territorial mo ngayon? Break na kayo, matagal na panahon na.

Tumawa si Daniel at ikinakunot iyon ng noo niya.

"Don't tell me you're still in love with her kaya ka territorial?" tanong nito sa kanya. Nagbabasa na rin ba ito ng utak kaya alam ng kaibigan ang iniisip niya?

"I'm not in love with her," asik niya. "I'm angry at her."

"Seems not to me," malumanay na saad ni Daniel.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo, Pare, para ka kasing leon kung maka-atungal. Para ka ring lobo, territorial. Ano sa tingin mo ang inaasta mo kung hindi ka pa rin in love kay Dei?"

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Pareho nang sinabi nito ang sinabi ng sekretarya niya.

"Pareho kayo ng sinabi ni Abbie," nakangising sabi niya. Biglang nag-iba ang anyo ng kaibigan.

"Sino ba iyon? Tao ba iyon?" Napatawa siya sa sinabi nito.

"Kailan kaya kayo magkakasundo?"

"Huwag mong ibahin ang usapan, Jeff. The issue here is about you getting even with Dei. Ten years is ten years, Dude, you should have moved on and forget what has happened."

"Ikaw na ang nagsabi, ten years is ten years. Wala lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin?" may bahid na muli ng galit ang kanyang tinig. "She left me without a word. She betrayed me and now she has the guts to come here and ask for my help as if she didn't hurt me."

"Jeff, baka naman wala na siyang choice kundi ang lumapit sa iyo. Sa tingin ko ay nilunok na ni Dei lahat ng pride niya nang muli siyang tumapak sa hacienda. I think she's not the kind of woman who will leave you without any reason. Alam kong may mabigat na dahilan kaya nagawa niya ang nagawa niya."

"Kahit na. I still want that revenge. Hindi ako madaling makalimot. I was badly hurt. Halos mabaliw ako nang iwan niya ako lalo pa't nalaman ko na ipinagpalit niya ako sa kalahating milyong piso."

Hindi siya papayag na hindi makaganti. Dei left her with a broken heart and a broken spirit. Pakiramdam niya noon ay wala siyang kuwentang tao dahil nagawa siyang iwan ng babaeng inilagay niya sa pedestal ng buhay niya.

At ngayong nagbalik muli ito sa buhay niya, it's payback time!

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
34.7K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
110K 5.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...