Chapter 1

5.4K 106 0
                                    

Author's Note: Si Dr. Jeffrey Madrigallo ay ang nakababatang kapatid ni Roman Madrigallo na asawa ni Adee Villarecio sa "This I Promise You" novel ko published under MSV. Slow progress din ito mga kapatid... Ipagpaumanhin ninyo at busy eh... :)

***********

MAINGAT na ibinalot ni Maridel ang sample ng lupa at isang stalk ng tubo sa isang paperbag. Ito ang dadalhin niya papuntang Negros Occidental. Sinalanta ng kung anong bacteria ang halos pitumpung porsyento ng kanilang lupain na natataniman ng mga tubo at bilang isang agriculturist ay alam niyang kapag hindi naagapan ang pagsalanta ng mga bacteria ay magiging malaki nag epekto niyon sa pamumuhay ng mga taong umaasa sa kanilang plantasyon.

She needs to act fast at isa lang ang alam niyang solusyon sa problema nila. Iyon ay ang hingin ang tulong ng Madrigallo Research Facility sa Negros. Ngayon pa lang ay nagsusumirko na ang kanyang sikmura sa isiping magkikita sila ng kanyang dating kasintahan na si Jeff. Parang gusto na niyang umurong sa nauna niyang pasya na hingin ang tulong nito.

"Dei matagal ka pa ba d'yan?" dinig niya ang malakas at walang kaamor-amor na tawag ng kanyang amang si Marcos. Tila hindi man lang ito nag-aalala para sa kanyang kaligtasan. Saan ba siya nagkamali at hindi niya minsan naramdaman ang pagmamahal ng kanyang ama? At bakit sa kabila ng lahat ng emotional torture na naranasan niya ay siya pa ang naiwan para pamahalaan ang tubuhan? Lima silang magkakapatid pero siya ang minalas na maiwan sa poder ng ama.

"Well, for one, ikaw ang bunso kaya ka naiwan rito. Pangalawa, ikaw ang walang asawa sa inyong lima. At lastly, ikaw lang ang nagmamahal sa hacienda." Siya na rin mismo niya ang sumagot sa kanyang mga tanong. Napailing na lamang siya sa kanyang sarili. Kung hindi lamang mahalaga ang lugar na iyon ay walang dalwang isip na aalis siya. But because the place was her mom's, she could not leave it alone. Matagal niyang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin sa tokador bago niya narinig ang boses ng kanyang yaya.

"Hija, nasa ibaba na ang kotse. Si Kanor ang maghahatid sa iyo sa airport," sabi nito sa kanya. Nagpasalamat siya rito.

"Ipagdasal n'yo po na maging successful ang pagpunta ko sa Negros, Yaya," sabi niya sa Yaya Concha niya habang tinutulungan siyang ibaba mula sa kanyang kuwarto ang kanyang maleta. Kung mabilis pong maaasikaso ang pakay ko roon, siguro ay mga dalawa hanggang tatlong linggo lamang ako roon."

"Hayaan mo at ipagdarasal ko iyan, Hija. Pero matanong kita, sigurado ka na ba talagang sa mga Madrigallo ka hihingi ng tulong? Hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabing maaaring napakalaki ng galit sa 'yo ni Jeff?" ang kanyang ex-boyfriend ang tinutukoy ng kanyang yaya. Ten years ago ay ipinakilala niya sa kanyang pamilya ang binata at naging malapit ito sa kanyang ina pati na rin sa kanyang Yaya Concha. Kaya hindi kataka-takang mag-alala ang yaya niya para sa kanyang damdamin.

"H'wag n'yo po akong alalahanin. Big girl na 'ko, Yaya. I can practically take care of myself. Mommy made sure of that before she died kaya you don't have to worry about me. I'll be fine." I think.

Maingat niyang inayos ang mga samples na dadalhin niya sa loob ng kotse at matapos magpaalam ay sumige na siya papuntang NAIA.

Matapos maiayos ang sarili sa loob ng eroplano ay dumungaw na lamang siya sa bintana upang silayan ang mga ulap sa himpapawid. Fifty six minutes lang ang hihintayin niya at mararating na niya ang Negros Occidental. Ngayon pa lang ay hindi na siya mapakali sa upuan niya. Parang sinisilaban ang kanyang puwitan dahil sa sobrang kaba. Paulit-ulit na naglalaro at nagtatatakbo sa isipan niya ang mukha ni Jeff, ang kaisa-isang lalaking minahal at minamahal pa rin niya. Tuloy ay hindi niya maiwasang balikan ang nakaraan nilang dalawa ten years ago.

"MARIDEL," tawag sa kanya ng isang baritonong boses. Pinanindigan siya ng balahibo nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Hindi nga niya mawari kung gaano na katagal niyang pinapantasyang marinig na tawagin siya nito sa pangalan niya. At dahil sa biglang pagkabog ng dibdib niya naging parang tuod siya sa kanyang kinatatayuan. Tila kuryenteng unti-unting dumadaloy sa kanyang buong katawan ang dulot ng kilig na iyon.

BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's BargainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon