Chapter 2

3.5K 106 9
                                    

PAIKUT-IKOT si Maridel sa verandah habang hinintay ang lalaking dapat niyang kausapin... or better yet, pakiusapan.

"I can do this. I can do this," usal niya sa sarili. Sampung taon na ang nakalipas nang huling nakaharap niya si Amadeus Madrigallo, ang ama ni Jeff. Isang mapagmataas na lalaki ang ama ng dating kasintahan at sa umpisa pa lamang ng kanilang relasyon ni Jeff noon ay ipinahiwatig na nito ang disgusto sa kanya. Iyon ang isang bagay na hindi niya ipinagtaka noon. Sino nga ba naman siya kumpara sa anak nito. Mayaman ang pamilya ng Madrigallo. Ilan sa mga business ng mga ito ang Madrigallo Mining Corporation, ang ilang Asukarera sa Negros, mga townhouses, at ang research facility sa loob ng malawak na Madrigallo Estates.

Hindi man ganoon kayaman ang pamilyang pinanggalingan niya ay hindi rin naman pahuhuli ito sa alta sociedad. Ang kanyang ama ay kilala bilang isang magaling na negosyante at ang kanyang ina naman ay advocate ng maraming foundations. Kaya sigurado siyang hindi ang estado ng kanyang pamilya ay iniayaw ng matandang Madrigallo sa kanya.

What could it be? Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tanong na pilit umuukilkil sa utak niya kahit sampung taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng iyon na pilit niyang kinakalimutan.

Pinagmasdan niya ang parte ng hacienda na natatanaw niya mula sa verandah. Malawak ang berdeng parte nito na nakakaigayang takbuhan ng nakayapak. Sa bandang kanan niya ay matatanaw ang malawak na tubuhan ng mga Madrigallo. Namimiss tuloy niyang kumain ng sariwang tubo. Sa kaliwa naman ay ang research facility kung saan ginagawa ang mga pagsusuri at experiment para sa ikabubuti ng mga tanim.

"Nariyan ka kaya?" wala sa sariling naibulong niya. Kanina pa niya iniisip si Jeff. Kung anong hitsura na nito. "I bet you're more handsome now."

Huminga siya nang malalim at umiling na lamang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang ihiwalay ang lalaki sa kanyang buhay.

It's been ten years, Dei! Baka nga may sariling pamilya na ang lalaking mahal mo!

Okay, tanga na kung tanga. Eh, anong magagawa niya, sa mahal niya si Jeff. She realized one thing at that moment. Hindi nga pala puwedeng turuan ang puso na lumimot basta gaya ng hindi ito puwedeng basta turuang magmahal. Kusa itong nagmamahal at kusa ring lumilimot. Hindi iyon puwedeng ipilit na lamang basta.

At sa ngayon, ang tanging alam lang niya ay mahal pa rin niya ang lalaki.

Dahil sa kanyang pagmumuni-muni ay hindi niya napansin ang isang nilalang na pumasok sa pintuan at sumandal sa hamba nito. Pero dahil sa mukhang kilala ng puso niya ang presensiya ni Jeff ay bigla itong tumambol ng pagkalakas-lakas. Bagay na nakapagpahinto sa kanyang pag-iikot.

"Akala ko hindi ka na titigil sa kalalakad. Nahihilo na ako sa 'yo." His voice sent shivers in her body. Nakatalikod siya sa lalaki kaya hindi niya alam kung gaano ito kalapit sa kanya pero sapat na ang distansya nito para manginig ang buong katawan niya.

It's not him. Please tell me it's not him! Mahinang pakiusap niya. Alam niyang sa malao't madali ay makakaharap niya ang dating kasintahan. But she's not expecting this soon.

"Hindi mo ba ako haharapin? Akala ko ba gusto mo akong makausap?" may inis sa boses nito. Oh my, mukhang ngayon pa lang ay nag-uumpisa na itong ipakita ang galit nito sa kanya. She inhaled deep and slowly turned to face him.

It's now or never. After all kakailanganin ko rin ang tulong n'ya.

"Hello, Jeff. It's been a long time since we last saw each other." She smiled her sweetest and that made Jeff frowned. She felt a pang of pain when she saw his reaction. Somehow, ay umaasa pa rin siya na makita kahit saglit lang ang init sa mga mata nito. Pero hindi nga iyon ang nangyari. Lalo tuloy parang gusto na niyang magtago at hindi na muling magpakita rito. Ngunit hindi niya maialis ang mga mata sa kabuuan ng binata. He looks so damn delicious in his simple polo shirt and faded maong pants.

BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's BargainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon