Chapter 6 (Part 1)

1K 44 12
                                    

"NASAAN si Dei?" malakas na tanong ni Jeff sa mga kasambahay nang hindi niya mabungaran ang dalaga sa silid nito. Alas – diez nan ang umaga at hindi pa rin niya napapansin ito na kumain ng agahan kaya naman pinuntahan niya ito sa kuwarto para lamang malaman na wala roon ang dalaga. Walang nakasagot agad sa kanyang tanong kaya naman nag – init ang kanyang ulo. Muli niyang inulit ang tanong sa mas malakas at galit na boses.

"Nasaan si Maridel? Wala bang nakakita sa inyo kung saan siya nagpunta?!"

"Kasama ni Daniel si Dei," sagot sa kanya ni Manang Malena, ang kanyang nanay – nanayan. "Dumating si Daniel kanina habang nasa research facility ka. Hinihintay ka niya dahil may pag – uusapan daw kayo. Nainip siguro kaya nang makita niya si Dei sa lanai ay nagpaalam siya na sasamahan muna ang irog mo."

Irog mo.

"Hindi ko siya irog, 'Nay," sabi niya.

"Naku, ako pa ba ang paglilihiman mo. Kilala kita Jefferson Nathaneiel mula dulo ng kuko mo sa paa hanggang dulo ng buhok mo sa ulo. Hindi mo ako mapaglilihiman. Halata naman sa mga tingin at sulyap mo kay Dei, lalo na kapag hindi siya nakatingin, na mahal mo pa rin siya tulad noon."

"'Nay, tapos na po ang sa amin ni Dei. Nakaraan na po iyon. Tinutulungan ko lang siya dahil kailangan niya ng tulong. Saka isa pa iyon ang itinuro ninyo at ni Mama sa akin."

"Anak, hindi naman masama kung aaminin mo ang totoo mong damdamin. Mahirap na ikulong iyan sa dibdib. Baka isang araw ay bigla na lang iyang sumabog. Sige ka."

"'Nay, bakit po ba ang kulit ninyo? Wala na po kami ni Dei at hindi na po magiging kami. She left me. I was so hurt that I vowed never to love her again."

Tinapik siya sa balikat ng matandang babae. Bago ito tuluyang bumalik sa trabaho nito sa mansyon ay may sinabi ito na nagpatigalgal sa kanyang mundo.

"Sige lang, Jeff, maging in denial king ka pa. Mamaya sa kadi – deny mo naunahan ka na ni Daniel kay Dei. Baka nakakalimutan mong nagkagusto rin ang anak ko kay Dei. Hindi lamang niya itinuloy ang balak na panliligaw dahil sa iyo na matalik niyang kaibigan at kababata. Kaya kung ayaw mong may ibang mag – alaga at magpasaya kay Maridel, umamin ka na!"

Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng sala nag – iisip tungkol sa mga sinabi ni Manang Malena. Tinitimbang niya kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi naman niya itinatanggi na mahal pa rin niya si Dei pero galit pa rin siya sa dalaga. He wanted her to experience the pain he felt when she left him for money and some guy. Napukaw ng mga tawanan ang kanyang malalim nap ag – iisip. Tumingin siya sa pinanggalingan ng mga halakhak at nakita niya si Dei at Daniel na masayang nagkukuwentuhan habang papasok ng mansyon. Nagngitngit na naman ang kanyang loob nang mapansin ang masyang mukha ng dalaga. Parang wala itong alalahanin. Dahil sa napansin niyang masayang disposisyon ng dalaga habang kasama si Daniel, bumangon na naman ang inis at galit niya para dito.

Talagang hindi maitatago ang tunay na kulay ng isang hunyango. Kahit anong gaw'ing tago ay lalabas at lalabas pa rin ang tunay nitong kulay. Katulad na lang ni Dei. Nakakita lang ng isang guwapong lalaki ay nakikipaglandian na naman ito.

Hinintay niyang makalapit ang dalawa bago siya nagsalita. "Saan ka galing?" may diing tanong niya kay Dei. Napamaang ang dalaga sa tanong niya.

"Pare," sagot ni Daniel. "Sinamahan ko si Dei na mamasyal sa may tabing ilog. Hindi pa raw kasi siya nakakarating doon."

Hindi niya inalis ang tingin sa dalaga.

"Wala ka talagang pakialam sa mga tao, Dei. Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka ng bahay. Hindi mo man lang naisip na mag – aalala sila kapag hindi ka agad nakabalik?" akusa niya rito. Nanigas ang dalaga dahil sa mga sinabi niya.

"Pare, hindi kasalanan ni Dei iyon. Ako ang nagyaya sa kanya na mamasyal. Nabanggit ko ang tabing ilog at sabi niya ay hindi pa niya napuntahan iyon dati kaya naman sinamahan ko siya na makita iyon," awat at paliwanag ni Daniel. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan.

"Hanggang ngayon ay sarili mo pa rin lang ang iniisip mo. Wala kang pakialam kung mapagalitan ang mga tao dito sa hacienda basta magawa mo lang ang gusto mo. Ganyan ka ba talaga, Maridel? Wala kang puso! Ang alam mo lang ay ang manakit ng damdamin ng iba!"

Nanggilid ang mga luha sa mga ng dalaga pero hindi nito hinayaan iyon na bumagsak. Tinitigan siya nito ng matagal at saka nagsalita.

"Pasensya na kung nakagulo ako sa 'yo, sa inyo rito. Huwag kang mag – alala, hinding – hindi na ako manggugulo pa sa inyo. Maraming salamat sa mga tulong mo." Tumalikod si Dei sa kanya ngunit bago pa man ito tuluyang makalayo ay muli itong humarap sa kanya at nag – aakusang nagsalita. "Hindi ako makasarili, Jeff. Tao ako, may utak na nag – iisip at may puso na nakakaramdam. Kaya huwag mong sasabihin sa akin na wala akong puso at makasarili ako dahil hindi moa lam kung ano ang mga bagay na isinakrispisyo ko para sa 'yo!"

Nagtiim ang bagang ni Jeff sa mga sinabi ni Dei.

"You are one heartless woman, Maridel Capistrano. Wala akong pakialam sa sakrispisyong sinasabi mo dahil kung totoong hindi ka makasarili sana naisip mong masasaktan ako kapag nawala ka sa akin. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mong tanggapin ang perang inialok sa 'yo ng Papa at sumama ka sa kalaguyo mo! Hindi mo man lang inisip na madudurog ang puso ko. Hindi mo isinaalang – alang ang damdamin ko para sa 'yo.

"Minahal kita ng higit pa sa buhay ko. Nagbago ako para sa 'yo, para hindi na kita makitang umiiyak dahil sa akin. Hindi mo na inisip na kayang kong gaw'in ang lahat para sa iyo, kahit ang talikuran ang buong mundo kaya kong gaw'in makasama ka lang, kasi mahal na mahal kita. Pero lahat iyon binalewala mo. Mas pinili mo ang pera at ang lalaking iyon!"

Napansin niyang natigilan si Dei sa mga sinabi niya. Marahil ay tinamaan ito sa mga sinabi niya. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Walang puso ang babaeng minahal niya ng sobra.

"Kung iyan ang tingin mo sa akin, wala na akong magagawa. Nahusgahan mo na pala ako. Pasensya na at iyan pala ang tingin mo sa akin. Pero sana man lang maniwala ka na mahal kita. Noon hanggang ngayon."

Matulin na umakyat si Dei sa silid na inookupa nito. Siya naman ay naiwan pa rin sa sala. Nakatulala pa rin hanggang sa magising siya sa suntok ni Daniel sa panga niya.

"What the hell!

"Ikaw ang walang puso, Jeff. Bakit kailangan mong saktan at pagsalitaan si Dei ng ganoon?" galit na tanong nito.

"Wala kang pakialam, Daniel. Sa pagitan namin ito ni Dei. Labas ka na rito," usal niya habang hinihimas ang pangang nasaktan.

"Anong walang pakialam? May pakialam ako, Jeff. Baka nakakalimutan mo ang sinabi ko sa iyo na sa oras na saktan mo si Dei ay ilalayo ko siya sa iyo. Para na kitang kapatid pero hindi ko hahayaan na saktan mo ang babaeng mahal ko!"

Umahon ang galit sa kanya nang marinig ang sinabi ni Daniel. At dahil sa galit na iyon at sa isipin na may ibang lalaking nagmamahal kay Dei, sa kauna – unahang pagkakataon, ginantihan niya ng suntok si Daniel. Nagpambuno silang dalawa sa gitna ng malawang na sala hanggang sa nabasag ang mga seramikong palamuti roon. Nagkagulo ang mga tauhan sa loob ng mansyon ng hindi sila maawat sa pambubuno.

"Daniel! Jefferson!" isang malagong na tinig ang nagpatigil sa kanilang dalawa. Napaghiwalay silang dalawa ng mga tauhan. "Anong kakaguhan itong ginagawa ninyo?" tanong ni Roman Madrigallo, ang nakatatandang kapatid ni Jeff. Minsan lamang magawi si Rome sa hacienda simula ng mag – asawa ito. Ngunit kahit ganoon ay kinatatakutan pa rin ang kapatid ni Jeff sa buong Madrigallo Estates.

Matalim pa rin ang tiningan ng dalawang magkaibigan. Hindi pinansin ni Jeff ang tanong ng kanyang kuya. Bagkus ay binantaan pa niya ang kaibigan.

"Huwag kang makialam sa mga bagay na wala kang kinalaman, Daniel. Dahil sa oras na gaw'in mo iyon, sinisiugrado kong ako ang makakalaban mo. At hindi ako nagbibiro. Kilala mo ako. Kaya kong sirain ang buhay mo. To hell with our friendship! Don't mess up with me, Daniel. No one messes up with me and gets away with it. Leave Maridel alone!"

BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's BargainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon