Chapter 5 (Part 2)

776 38 6
                                    


SHE was in dazed. After the talk with Jeff in the privacy of his office, she went back to the comfort of her room. Matagal siyang nag – iisip. Binalikan niya ang mga sinabi ng binate kanina.

"They know how much I'm in love with you and they know they must not flirt, even try to flirt, with you because you are mine! Tandaan mo, Maridel, kahit anong mangyari. Akin ka. Akin ka."

He's still in love with her. Sumaya ang kanyang puso dahil mahal pa rin siya ng binata. Pero muli lamang may lumambong na kalungkutan ng maalala niya ang mga nangyari sa nakaraan. Sigurado siyang kahit mahal pa rin siya ng binata ay hindi naman nito sinabi na napatawad na siya nito sa pang – iiwan niya rito. Only if the circumstances ten years ago were different.

"I want you to break up with my son," nagpanting ang kanyang mga tainga nang marinig ang mga sinabi ni Señor Amadeus Madrigallo, ang ama ni Jeff. Ipinatawag siya nito mula sa kanyang klase isang umaga. Alam niyang hindi siya gusto ng ama ng nobyo pero kahit kalian ay hindi naman siya binigyang pansin ng matandang Madrigallo.

"Sir?"

"Hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ka nararapat para kay Jeff. Isa pa, mayroon na akong napipisil para mapangasawa niya sa oras na matapos niya ang pag – aaral niya."

"Pero, Señor Amadeus, mahal ko po ang anak ninyo. Hindi ko po basta na lang bibitiwan si Jeff. Ang saktan po siya ang pinakahuling bagay na gagawin ko," sabi niya.

"Nonsense! Anong alam ninyo sa pag – ibig? Mabubuhay ba kayo ng lintik nap ag – ibig na iyan kung walang – wala na kayong pagkukunan ng ikabubuhay?"

"A-ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niyang nakakunot ang noo. Bigla ang pagsikdo ng takot at kaba sa kanya. Malupit ang ama ni Jeff at kung ano ang napagpasyahan nito ay sinisigurado ng matanda na matutupad iyon. Kung gugustuhin ng don na mawala siya sa landas ng anak nito ay makakaya nnito iyong Gawain. Kahit ang kausapin siya ay hindi nito kailangan pang gaw'in.

"Simple lang, Maridel, aalisan ko ng karapatan si Jeff sa kanyang mamanahin mula sa akin at sa kanyang ina. I will totally cut him off and leave him dying. Literally dying of starvation. I can do that."

"P-pero anak ninyo si Jeff."

"Oo, anak ko siya at sinisigurado ko sa iyong hindi sanay si Jeff sa kahirapan. He will crawl back to me when he experience hardship. And you will not benefit either. Alam kong pera lang naman ni Jeff ang habol mo lalo na ngayong nasa bingit ng pagkalugi ang inyong negosyo dahil sa ama mo. I can help you with your family's business."

May iniabot ang matanda sa kanya. Isang cheke na blanko. Tumingin siya sa señor ng may pagtatanong sa mga mata.

"You can write whatever amount you want. Pero sa oras na isulat mo ang halaga ng pera sa cheke, tuluyan mon ang iiwan ang anak ko at huwag ka nang magpapakita pa sa kanya kahit kalian."

Umiling siya. Hindi niya kayang gaw'in ang gusto nitong mangyari. Mahal niya si Jeff at hindi niya sasaktan ang lalaking mahal niya. She may be a jolly person but that doesn't mean she's a gold digger. Oo nga't nasa bingit ng pagkalugi ang kanilang negosyo pero kahit minsan ay hindi niya naisip na maging isang gold digger. Pinakalaki siya ng kanyang ina na may dignidad sa sarili at hindi niya kahit kalian ibababa ng ganoon ang sarili.

"I can't do it. I'm sorry, Sir, but I can't hurt your son. I love him."

"Think of your circumstances, Ms. Capistrano. The money will help you a lot. It can save your family's business and it can definitely save your mother."

Natigilan siya sa sinabi nito. He knows about my mother? How? Kahit isa sa pamilya nila maliban sa kanya ay walang nakakaalam ng kalagayang ng kanyang ina.

"H-how did you..."

"I can do a lot of things, Ms. Capistrano. I can even make your life a living hell. Kaya huwag mong ipagtaka kung paano ko nalaman ang tungkol sa iyong ina."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na iyon. One moment she felt threatened and scared, the other protective of Jeff and her mother. The feeling of being helpless in that moment is taking its toil on her. Mukhang magpa – panic attack pa yata siya.

"I'm giving you until tomorrow morning to decide. If you keep on seeing my son, I will make your life a living hell and Jeff will lose every thing. He will suffer to dirt." Just like that and the old man dismissed her.

Until tomorrow morning to decide her and Jeff's fate.

HAPON nan ang magising si Dei. Hindi niya namalayan na nakatulog pala. Halos apat na oras din iyon kaya naman kumakalam na ang sikmura niya. Dahil sa ayaw naman niyang mang – abala kaya kusa na siyang nagpunta sa kusina at ni – ransack ang lama ng ref doon. Nakasubo sa siya ng isang piraso ng manok nang may tumikhim sa kanyang likod. Dahil sa gulat ay bigla siyang napalingon sa salarin. Hindi tuloy niya nakuhang alisin sa bibig niya ang fried chicken. Kunot – noo naman siyang tinitigan ni Jeff.

Namumula ang mukha niya sa hiya nang alisin niya ang manok sa bibig, "Nagugutom ako, eh."

"Wala naman akong sinabi," sagot ni Jeff na pigil ang pagtawa. Gusto niyang batukan ang lalaki. Alam na nga na nahihiya siya dahil sa naabutan nito tapos tatawanan pa siya. Isaksak kaya niya ang fried chicken sa bibig nito.

"I'm hungry kaya wala kang choice kun'di ang pakainin ako. Hindi mo ako ginising kaninang lunch," asik niya sa binata. Really, siya pa ang may ganang mag – demand sa lalaki.

"Ikaw itong biglang tumakbo at nagkulong sa kuwarto mo tapos aasahan mong gigisingin kita?"

"Kahit na! Dapat gentleman ka. Bisita mo kaya ako," sabi niya sabay kagat sa manok. Dahil sa hindi na niya matiis ang pagkalam ng sikmura ay kumuha na siya ng plato at nilagyan iyon ng kanin. "Gusto mo?" alok niya kay Jeff nang mapansin na titig na titig ito sa pinggan niya. Umiling ang binata.

"You changed," komento nito. Hindi niya alam kung para saan ang sinabi na iyon ni Jeff. Hindi naman siya nagbago.

"No, I didn't. I'm still the same," sagot niya.

"I don't think so."

"You know me enough, Jeff. Alam mo na ako pa rin ito. Lumipas man ang panahon alam mong hindi ako nagbago."

Tumiim ang titig nito sa kanya. Bigla ay nawala ang emosyon sa mga mata ng binata. His eyes became cold and distant. Even his voice gave her the chills. Nagtagis ang mga panga nito tanda na pinipigil nito na sumilakbo ang galit. Galit na alam niyang para sa kanya.

"Really? Did I really know you enough?"

"Jeff," tinawag niya ang binata nang talikuran siya pero hindi siya pinansin nito. She wanted to explain. Alam niya na galit ang lalaki dahil sa pag – iwan niya rito bigla ng hindi nagpapaliwanag. Ang tanging posibleng dahilan na nakarating dito ay ang pagtanggap niya ng pera mula sa ama ni Jeff. Pero may dahilan naman iyon. At ang bagay na iyon ang gusto niyang ipaliwanag sa lalaki.

Hindi niya kayang manatiling masama ang tingin ng dating kasintahan sa kanya. Nadudurog ang puso niya sa isiping galit ito at hindi siya mapapatawad. Oo, at nagawa niyang saktan ang damdamin ni Jeff noon pero wala siyang choice noon. Pero ngayon ay may pagkakataon siya na ipaliwanag ang lahat. Wala naman ang ama nito para pigilan siya sa balak niya. Gagawin niya ang lahat para maipaintindi kay Jeff ang mga nangyari noon, makuha muli ang tiwala nito. Mahal pa rin siya ni Jeff kaya alam niyang may chance pa para sa kanila ng binata.

To hell with Señor Amadeus Madrigallo. I will definitely win my Jeff back. Pero sa ngayon kakain muna ako. Gutom ako!

BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's BargainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon