Chapter 3

2.4K 100 20
                                    

Author's Note: SOBRANG MAIKLING-MAIKLING UPDATE.... PASENSYA NA AT SOBRANG BUSY LANG SA IBANG TRABAHO...


MAAGANG gumising si Dei nang araw na iyon. Matapos mag-almusal ay lumabas siya ng mansion upang maglakad-lakad sa palibot ng hacienda. Dahil mukhang pinagtataguan naman siya ni Jeff, nagpasya na lamang siyang makipaghuntahan sa mga trabahador ng hacienda.

Masyado siyang naaliw sa mga kuwento ng mga manggagapas kaya hindi niya napansin ang pagdating ng binata sakay ng kabayo nito.

"Mukhang inaabala mo ang trabaho nila, Dei," saad nito. Her heart skipped a beat when she heard his masculine voice. Ever since she met him, her heart never failed to jump sky high whenever he speaks. Tila sabik na sabik pa rin ang puso niya na marinig ang baritone nitong boses.

Humarap siya sa lalaki at pinagmasdan ito. He was wearing a faded jeans partnered with a high-cut boots. His white long sleeves were rolled up to half of his muscled arms with three buttons unbuttoned at his chiseled chest.

Napakaguwapo nito lalo na't sumasayaw sa hangin ang may kahabaan nitong buhok. The stubbles on his jaw only made him look delicious enough to be devoured.

Ano ba itong pumasok sa utak niya at sa halip na pagtuunan ng pansin ang sinasabi ng binata ay nakuha pa niyang magpantasya rito?

"Hey, are you even listening to me?" tanong ni Jeff. Pero sa halip na makinig ay naisip niyang parang isang anghel ito na bumaba sa langit at ngayon ay pinagagalitan siya dahil sa pagiging pasaway niya.

"Maridel!" dumagundong ang boses nito dahilan para maputol ang kanyang pagpapantasya. "You're not listening to me."

"Nakikinig ako," sagot niya. "Ano ba kasing problema mo?" inis na sabi niya.

"At ikaw pa ngayon ang may ganang mainis samantalang mga trabahador ko ang ginugulo mo. You're literally stopping the operations here."

"Ako, nanggugulo?" maang tanong niya. "Ako pa ang nanggugulo samantalang ikaw ang pumutol sa pagtatrabaho nila."

"At paano namang ako ang naging dahilan para maantala ang operasyon dito sa hacienda?"

"Well, for one, Jeff, ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa kung ano ang magandang paraan para hindi ma-burn out ang mga trabahador dito sa palasyo mo. Hindi ko sila ginugulo, tinutulungan ko pa nga sila. At dahil maayos silang humingi ng payo sa akin, hindi ko maatim na tanggihan sila.

"At kun'di ka dumating at pinutol ang pag-uusap namin, naipaliwanag ko sana ng maayos ang suggestions ko at ngayon sana'y tapos na kami. Hindi mo sana ako naabutan dito," asik niya sa binata. Inirapan pa niya ito. Ito pa ang may ganang magalit samantalang mabuti naman ang intention niya nang makipagkuwentuhan siya sa mga trabahador nito.

Dati ko naman ginagawang makipagkuwentuhan sa kanila.

Inis na inihilamos ni Jeff ang palad nito sa mukha bago siya hinatak sa braso at inilayo sa mga trabahador.

"Ikaw, ang tigas – tigas talaga ng ulo mo. Kailan ka ba magtitino?" tanong nito sa kanya pero wala sa sinabi nito ang kanyang pansin. All her attention was on the firm grip of his hand around her wrist. It was making havoc in her insides.

Nakatitig lang siya sa mga kamay nila habang hila-hila siya ni Jeff.

"Hey, are you even listening to me, Dei?"

"W-what?" Paano naman niya mabibigyang pansin ang mga sinabi nito gayong ang kanyang atens'yon ay nakatutok sa mga kamay nito na nakahawak sa kanyang braso.

"Minsan talaga hindi ko alam kung baliw ka o nagbabaliw-baliwan? Hindi ka dapat nagpapakalat – kalat sa palibot ng hacienda!" frustrated na sabi nito sa kanya.

"At bakit naman? Dati ko naman ginagawa ang makipagkuwentuhan sa mga tauhan dito sa kaharian mo. Bakit ngayon hindi puwede?" tanong niya.

"You're not so welcome here anymore. Not like before. Ngayon ay isang estranghero ka na lang na kailangan ang tulong ko at ng reseach facilty. Kaya hindi ka maaaring gumala dahil lang sa gusto mo. If you want to talk to the workers here, you have to ask for my permission. Because a stranger do not have any liberty to do what he or she wants to do unless permission is given by the master of the kingdom."

Para siyang sinaksak ng paulit-ulit nang marinig ang tinuran ni Jeff. Isa na lang siyang estranghera para dito. Kinalimutan na nito ang kanilang pinagsamahan. Sino nga ba ang hindi gagawin iyon. Kung siya rin ang nasa katayuan ng binata ay baka mas higit pa ang galit na namayani sa puso niya kung niloko at iniwan siya nito. Baka nga hindi pa niya magawang harapin ang lalaki kung may kailangan ito sa kanya.

Kaya kahit tutulo na ang kanyang luha, ay taas- noo niyang hinarap ang binata.

"I'm sorry, Mr. Madrigallo. I was given the impression by your workers that I am still welcome here just like before. I'm very sorry. Makakaasa ka na hindi na mauulit ang nangyari. Pangako hindi na ako magpapagala-gala sa loob ng hacienda para naman hindi na maistorbo ang mga trabaho ninyo." Nagsimula siyang tumalikod pero bago iyon ay nagsalita muli siya.

"Maraming salamat nga pala sa kung anong tulong ang maaari mng ibigay sa akin. Tatanawin kong malaking utang na loo bang kahit kakapiranggot na tulong na manggagaling sa facility. Malaki ang maitutulong noon sa aming tubuhan at sa pamumuhay ng mga trabahador namn. Salamat uli."

"Huwag kang magpasalamat dahil wala pang resulta ang pag-aaral ng facility sa mga samples na dala mo. Utang iyon, Maridel. Maniningil ako ng utang. At mahal akong maningil."

Tumango lamang siya bago tuluyang lumayo sa binata. Mabilis niyang tinungo ang silid na siyang kanyang tinutuluyan at doon pinalaya ang mga luha na kanina pa nagbabayang tumulo. Lahat ng sakit sa damadamin na iniinda niya ay kanyang pinakawalan. Pati ang pagsisisi sa kanyang ginawa noon, sa mga desisyon niya noon na nakasakit ng husto sa damdamin ni Jeff. Iniyakan din niya ang bagong Jefferson Madrigallo na kausap niya at ang dating Jeff na minahal niya na ngayon ay naglaho na.



BIDDING FOR LOVE (Book 1): The Doctor's BargainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon