Picture Perfect (Damien Jovan...

By RosarioTheGoddess

211K 5.3K 142

Kenna Naveen Cervantes is a popular model worldwide. 17 pa lang kasi siya ay nagmo-model na siya sa mga pamos... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21: The Last Chapter

Chapter 4

9.9K 273 3
By RosarioTheGoddess

MAG-IISANG linggo na nang mailibing si John. Paulit ulit pa rin sa isipan niya ang sinabi nito.

"Can I ask you something, Kenna?"

"Sure. What is it?"

"Why aren't you smiling at the pictures?"

"I don't know. Maybe it looks much more cooler if I don't smile."

"Really? Because I think you'll be cooler and prettier when you smile."

"I'll keep that in mind, John."

"You have a beautiful heart, Kenna. Thank you for everything. Be more beautiful.. smile at the photos for me, okay?"

"I promise, John."

Marahang tinapik ni Sofie ang balikat niya. "Are you okay?" inabutan siya nito ng bottled water.

She sighed. "Yeah."

"Is it John?" umupo ito sa tabi niya.

Tumango siya. "I have one promise to fulfill."

"And that is?"

"To smile at my pictures." malungkot na ngumiti siya. "I don't think I can do that now."

"Sa tingin mo ba magiging masaya si John kapag nakita ka niyang malungkot nang dahil sa kanya? Kenna.. she wants you to be happy."

"I know." mahinang sambit niya.

"This is your last photoshoot. You can rest now and be with your family. Alam ba nila na pauwi ka na?"

Umiling siya. "I want to be alone for a few days."

"Tawagan mo ako kapag ipapaalam ko na sa kanila na nasa Pinas ka na. Doon ka ba magse-stay sa pinatayo mong bahay sa Antipolo?"

"Yeah. That place is peaceful enough. I need to rest for awhile."

"Sinabi mo pa. Halos mamatay matay na nga ako sa schedule mo. Buti next month pa ang schedule mo. Ano bang sabi mo sa parents mo?"

"That I'll be free next week. I don't want them to see me in this state. I look so stressed. I don't want them to worry about me."

"Okay. Na-book na kita ng flight. Andun na rin ang sasakyan mo sa airport. Okay na ang lahat. Yung luggage mo nadala na ng Kuya Noah mo sa bahay mo."

Napatingin siya rito. "What? Kuya knows I have a house at the Philippines?"

Umiling ito. "Sabi ko bahay ko yun. At dun titira ang pamilya ko."

She sighed. "Kuya is not that stupid. My house is fully furnished, right?"

"Yeah. Naayos na last week ng interior designer na si Rosario."

"Good. I'll just have to buy stocks. I'll be staying there for a week."

"A week?! Kenna naman!" reklamo nito.

"I have to be okay again. I need to be alone to think things off."

Malalim na nagbuntung-hininga ito. "Just don't do anything stupid."

She rolled her eyes. "I won't commit suicide, bruha. I'm too beautiful for that."

Sofie laughed. "Sabi ko nga. Baka ipagtabuyan ka sa impyerno sa sobrang sama ng ugali mo eh."

Hinampas niya ito ng hawak na pamaypay. "Gaga! Let's go. My flight will be in an hour. I still haven't packed my luggage and things."

Agad naman na nataranta ito. "Anukabanaman, Kenna!"

PAGDATING sa bahay niya ay agad niyang pinarada ang kanyang Ferrari LaFerrari sa labas at kinuha ang luggage niya.

Tinanggal niya ang sunglasses niya at sinipat ang bahay niya. Last month kasi ay walang kabuhay buhay ang bahay niya. Mukha iyong haunted house na hindi mawari. Napagpasiyahan niyang kumausap ng interior designer at kausapin ito online para sa gusto niyang itsura ng bahay niya. Now it looks very appealing to the eyes at mas nagmukhang moderno tingnan.

Pagpasok sa loob ay bumungad sa kanya ang malawak at magandang sala. Mayroong 75" flat screen TV doon at malaking black leather couch. May maliit na white coffee table rin sa harap ng couch. Impressive.

Iniwan niya sa may pintuan ang luggage niya dahil nabibigatan siya roon. Nakita naman niya ang isa pa niyang pink luggage na nasa gilid na malamang ay iniwan lang basta ng Kuya niya.

Pumasok siya sa kusina at napangiti nang makitang eto ang eksaktong ideal kitchen niya. Kumpleto na ang mga gamit roon. Maaliwalas itong tingnan dahil white at may panaka-nakang hint of black ang theme ng bahay niya. May oven, kalan, coffee maker, mixer, kaldero, sandok, at kung anu-ano pa. Binuksan na niya ang ref at ini-on yun. Tiningnan rin niya ang maliit na wine cellar niya. Napataas ang kilay niya nang makitang may iilang wine nang nandoon. May note din na: Welcome to our neighborhood, Ms. Cervantes. ― Mr. Velencoso, owner of Golden Ridge Village

Ayon kay Sofie ay na-bless na raw ang bahay niya one month before siya unang nag-stay roon. Nagkasakit kasi siya at pinauna na niya itong umuwi sa Pilipinas. Nang pasugod na siya sa Pilipinas ay na-cancel naman ang flight niya dahil nagkabagyo sa England. Last month ay nag-stay na rin siya rito at isang kapitbahay pa lang ang nakikilala niya. Si Farah ata yun. Jarah? Hara? She doesn't even remember her name. She's bad at remembering names.

Naramdaman niya ang pagod at puyat kaya naman umakyat na siya sa kwarto niya. Mabilisan ang ginawa niyang pagligo at kinuha ang mga gamit niya sa baba. Maayos na isinalansan niya ang mga gamit niya sa walk in closet niya. Nagsuot siya ng maluwag na puting t-shirt at humiga na sa kama niya. She was very tired. Physically and emotionally. She arched her back on her California King Bed at nag-unat. She turned the AC on sa buong kabahayan at itinodo iyon. Masyado kasing mainit sa Pilipinas dahil simula na ng summer. At tanghali pa lang. Iginupo na siya ng antok pagkatapos ng ilang minuto.

"UY, pare.." napatingin sila kay Wind. Sinundan nila ang tingin nito.

"Kanino yan? Hanep!" bulalas ni Fire.

Tiningnan niya ang mansyon sa tapat ng mansyon niya. "So.. the owner's here, huh?"

"Nakilala mo na siya?" tanong sa kanya ni Ulysses.

Umiling siya. "Pero si Sarah nameet na sabi ni Tiffany."

"Anong sabi ni Tiffany? Maganda raw ba?"

"Sexy ba?"

"Makinis ba at mahaba ang legs?"

He sighed nang tuloy tuloy nagtanong ang kanyang mga kaibigan. "Umuwi na nga kayo. I'm supposed to be editing Tiff and Dion's picture. Istorbo kayo." iritang wika niya.

Umiling ang mga ito. "Tsss. Pinagdadamot mo lang sa amin si binibining seksi eh." nakalabing wika ni Fire.

Binatukan niya ito. "Alis na!"

"Oo na. Oo na. Anak ng-- kapag ako nabaog sa kakabatok mo!"

Binatukan naman ito ng kapatid nitong si Wind. "Gago. Walang nababaog sa kakabatok."

"Ah. Ganun ba? Bakit sabi ni Micah--" natigilan ito. "Kapag ba natetano ka.. mababaog ka?"

Malakas na napahalakhak si Wind. "Ang bobo mo talaga. Kapatid ba kita? Mamamatay ka lang, hindi ka mababaog."

"Tsss. I'll sue that girl."

"Uuuy! Si Fire, lalaki na! Akala ko talaga bakla ka." asar pa ni Ulysses rito.

"Ako bakla? Baka nga may anak na ako sa kung saan eh." mayabang na sabi ni Fire.

"Paano ka magkakaanak.. eh baog ka nga!"

Natatawang umiling siya. "Humayo na nga kayo at magpakarami! Ginugulo niyo lang ang buhay ko eh."

"Aye aye!" sumaludo ang mga ito sa kanya at nagsipulasan na palabas ng bahay niya.

Sinarado niya ang pintuan at kaagad na umakyat sa kwarto niya dala ang kanyang pinakamamahal na Hasselblad H4D 200MS camera.

He fired his laptop and started to transfer pictures from his camera to his laptop. Napangiti siya nang makita ang picture nilang dalawa ni Kenna. Ang daming kuha ni Tiffany. Bawat pindot kasi ay anim na frames kaagad ang nakukuha ng camera niya.

Nang matapos mag-transfer ng files ay sinubukan niyang ayusin ang zoom ng camera niya. Itinutok niya iyon sa labas ng bintana niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang may babaeng nagsusuot ng t-shirt. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Damn. Pamboboso ba ang tawag roon? Aksidente naman eh.. He cleared his throat and accidentally pressed the stutter too long. Muntik na niyang mabagsak ang camera niya nang makita kung sino ang nakuhanan niya. It was none other than Kenna. Yes, Kenna. Wearing just a thin white oversized shirt. She looks so beautiful..

He started editing Dion and Tiffany's pictures. Alas tres na rin ng hapon niya iyon natapos. Nag-unat siya at napagdesisyunan niyang maligo muna para makapamili na siya ng mga stocks sa cupboards niya. He's been away for too long kaya wala nang laman ang cupboards niya. Pagkatapos maligo ay kaagad niyang in-edit ang pictures nila ni Kenna at ang bagong kuha niyang pictures nito. Mukhang magiging masaya ito..

Nakita niyang lumabas ng bahay si Kenna na naka-maiksing puting shorts, simpleng pink na spaghetti strapped sando na labas ang tiyan at sunglasses. Baka naman magka-pulmonya siya.

Mabilisang nagsuot siya ng puting t-shirt at pantalon. Agad niyang kinuha ang wallet niya at inayos ang buhok niya. Sumunod siya rito. Buti na lang at wala sa labas ang mga asungot niyang kapitbahay.

Pumasok ito sa loob ng grocery sa village nila. Si Brett ang nagpatayo noon since ayaw na niyang lumabas labas pa ng village ang fiancée nitong si Sarah. Natakot siguro nung barilin ng ex nito si Sarah. Kumuha ito ng cart at kumuha na rin siya. Mukha na akong stalker rito. May ilang staffs na lalaki na panaka-nakang nagnanakaw ng tingin rito at sa legs nito. He glared at those men at kilala siyang masungit ng mga ito. Ewan ba niya kung sa itsura niya ba o ano pero effective naman ang ginawa niyang ito at nagsitinginan ito sa malayo. Mas matangkad pa si Kenna sa inyo, kung makatitig naman kayo.

Nagsimula na siyang kumuha ng mga kakailanganin niya habang tinitingnan tingnan si Kenna. Masyado kasi itong mabusisi sa mga pinapamili. Tinitingnan ang lata, plastic at packaging nito. Napangiti siya nang kumunot ang noo nito nang makitang may yupi ang lata ng tuna. Ibinalik nito iyon sa aisle at agad na kumuha ng iba. Grabe din tong babaeng to eh. Maiwan na nga at baka abutin pa ako ng siyam siyam sa pamimili.

Agad siyang kumuha ng mga karne, gulay at prutas. Siya kasi ang nagluluto para sa sarili niya. Ayaw niyang puro sa labas kumakain. Una, lagi siyang nilalapitan ng mga babae. Pangalawa, nakakalungkot kumain sa labas mag-isa. At pangatlo, para maraming choices sa pagkain. Kumuha na rin siya ng ilang stocks ng mga gamit sa CR niya. Nang dumaan sa harap niya si Kenna ay punung-puno na ang cart nito. May gulay, prutas, karne, isda, gamit sa CR, juice, gatas, chichirya, cookies at kung anu-ano pa. Kaya niya kaya buhatin lahat yun? Wala naman siyang dalang kotse ah.

Nagbabayad na siya sa cashier nang pumwesto ito sa likuran niya para magbayad. "Miss, can I take the cart for awhile? I didn't get to bring my car. And I can't carry them all at once." kausap nito sa cashier.

"Where do you live, ma'am?" nakangiting tanong ng cashier.

"I live at Barcelona Street."

"Okay, ma'am. Just write your address here. We'll be picking up the cart later." inabutan ito ng cashier ng kapirasong papel at ballpen.

"Thank you."

Binalingan naman siya ng cashier. "3,500 pesos po, Sir Damien." nakangiting sabi nito.

Inabutan niya ito ng apat na libo. "Thank you, Mariz."

"Welcome, sir. I received 4,000. Your change is 500 pesos. Here you go, sir Damien. Have a nice day!" tinanguan niya ito at kinuha na niya ang mga pinamili niya.

Binalingan naman nito si Kenna. "Good afternoon, ma'am Kenna."

Halatang nagulat si Kenna nang tawagin ito ng babae. "Good afternoon.. uhm.." tiningnan nito ang name plate ni Mariz. ".. Mariz."

Nginitian lang naman ito ng cashier. Isa isang bineep nito sa machine ang mga pinamili ni Kenna. It was a lot. Siguro mga pang-isang buwan iyon. "5,600 po lahat, ma'am."

Inabutan ito ng 6,000 ni Kenna. "I received 6,000. Your change is 400 pesos. Here it is, ma'am. We'll just claim the cart later this afternoon. Have a nice day!" masiglang wika ng cashier.

"Thank you." tinanguan nito ang cashier at tinulak na ang cart nito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
229K 5.1K 25
Synopsis: ALREA ALARCON, daughter of Rapaela and Raffy Alarcon. Lumaking pilya but sweet, lahat na ng katangian ng ina at lolang si Rhea ay namana ma...
7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...