When You Kiss Me •GiRL2GiRL•

By OUTandPROUD

179K 4.2K 357

2nd story ko na po ito. girl to girl story pa din po. Tungkol po ito sa babaeng unang beses siyang nag seryos... More

ONE.
TWO.
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT.
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR.
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE.
THIRTY
THiRTY ONE.
THiRTY TWO
THiRTY THREE
THiRTY FOUR
THiRTY FiVE.
THiRTY SiX
THiRTY SEVEN.
THiRTY EiGHT.

TWENTY FIVE.

3.4K 99 5
By OUTandPROUD

para don sa nag request. di alam pangalan ee. eto for you.

sana magustuhan mo kahit short update lang.

eto lang nakaya ko e.

brokenhearted si author ee. pasensiya na.

************************
"shay anak alis nako" yan ang sabi ni mama sakin bago siya lumabas ng kwarto ko

"ingat po ma" sagot ko sa inaantok ko pang boses

di kase agad ako nakatulog kakaisip.

o dahil may nag iisip sakin??

nag marinig kong sinara na ni mama ang pinto ay tumayo nako.

tulad ng araw araw kong ginagawa nag lilinis ako ng bahay, nag aayos ng mga gamit.

linggo ngayon kaya hindi nako pupunta ng palengke si mama at sam ang mag titinda dahil hanggang 1pm lang kami twing linggo.

para bang eto na yung pinaka day off namin.

************
11am ng may kumatok at tawag pa ang pangalan ko.

"ate shay."

boses ito ng batang lalaki

"oh? sino yan?" tanong ko habang papalapit ng pinto

"si jr po ate shay may pinapaabot si mama niyo" sagot ng bata kaya naman binuksan ko ng ang pinto

"oh akala ko sinong junjun"

"eto daw po lutuin niyo ate shay" sabay abot sa bitbit niya at kinuha ko naman

"sige salamat ah" sabi ko at tumango lang ang bata

nag inilapag ko ang plastic bag meron din itong paper bag.

napakunot noo ako. pero una ko munang tinignan yung naka plastic.

manok at sayote.

isa lang ibig sabihin non tinolang manok ang ulam.

di ko pinakelaman yung naka paper bag dahil baka ke mama iyon kaya naman iniwan ko lang sa may lamesa.

nag saing nadin ako para pag uwi nila kakain nalang.

so dahil wala akong ginagawa naintriga ako kung anong laman nung paper bag.

di ko makita ang laman sa loob dahil naka stapler ito.

naku. baka ke mama nga.

kaya ang ginawa ko nilagay ko sa kwarto nila.

ilang sandali lang naririnig ko na ang boses ni mama.

"ma bakit ang aga niyo?" tanong ke mama pag kakita ko sakanya

"wala na kaseng tao sa palengke e kaya umuwi nakami"

"galing din kaming center ate" sabi ni sam

"hindi pa luto ang ulam e" sagot ko at inabutan ko ng tubig si mama

"di bale di panaman ako gutom, nga pala shay nag tanong ako kung bakit madalas sumasakit yang ulo mo" sabi ni mama habang naka upo

"oh bakit daw po?"

"hindi ba nanlalabo yang paningin mo ah?" si mama

"huh? di naman po" pagtataka ko

"kase sinabi nung nurse na pinag tanungan ko dahil baka daw laging sumasakit yang ulo mo baka nag kakaroon ng grado yang mga mata mo"

"hindi naman siguro ma, tsaka hindi naman na siya sumasakit e"

"pacheck up kana ate tara tulungan kita" singit ni sam

"hindi na no inom ng gamot at pahinga lang okay na" sagot ko

habang kumakain kami ay pinag uusapan namin ni mama yung kaganapan kahapon sa binyag.

"anak maiba ko lang" biglang singit ni mama

"po?"

"nakita mo ba yung naka balot ng papel?" tanong ni mama

"yung naka paper bag?"

"oo yon"

"para saiyo yon" sabi mama

"uuuuuuuy!" si sam

"para sakin ba? kala ko panaman sainyo."

"may nakasulat kaya don ate" si sam

"saan?" tanong ko

"doon sa paperbag di mo nakita?" si sam

"di e, meron ba?"

"di mo kase tinitignan ng maigi" si mama

"malay ko bang me nakasulat don"

"sige kunin mo, kami nalang mag liligpit dito" sabi mama sabay tayo nadin kaming tatlo dahil tapos na kaming kumain

pumunta nako sa kwarto nila dahil doon ko nilagay.

kinuha ko ito at umupo sa may kama.

"kung nagustuhan mo yung una kong bigay na chocolates for sure mas magugustuhan mo to :)"

yan ang nakalagay don sa side ng paper bag.

uhmmm chocolates pala laman neto.

pero hindi ko pa kinakain yung unang bigay niya.

nakakatakot kase dahil baka may kung anong meron don.

mukhang mamahalin nanaman tong mga chocolates na to.

lumabas nako ng kwarto nila mama at nag punta ako sa kwarto ko.

pinag tabi ko yung unang bigay niya at yung ngayon.

"ate anong laman?" tanong ni sam habang naka silip sa may pinto

"chocolates" sagot ko

"wow penge ako ate" sabi ni sam nanlaki pa ang mata niya

"haaay nako sam hindi natin alam kung anong meron sa mga to. kaya nga di ko kinakain e"

"mukha naman walang lason yan ate e"

"kahit na. wag ka ng makulit diyan sam" sabi ko at di na nga ko kinulit ni sam

************

"anak maya maya na tayo mag laba" si mama

"ako nalang ma papatulong nalang ako ke sam mamaya po" sagot ko

"baka marami ang labahin?"

"hindi ma kaunti lang, kaya ko na po yon. pahinga nalang po kayo"

"osige anak salamat"

****************

dahil umidlip ako 3pm na nag magising ako kaya naman inumpisahan ko agad ang pag lalaba.

mamaya ko nalang tatawagin si sam pag mag sasampay ay mag babanlaw nako.

"ma saan po nag punta si sam?" pasigaw kong tanong ke mama dahil nasa loob siya ako sa likuran

"sinundo kanina ni nathan anak mag lalaro daw doon sa hacienda"

"bakit ba lagi silang sa hacienda nag lalaro pwede naman dito nalang satin"

"alam mo naman lagi nilang kalaro ang apo ni don manuel"

"nako wala talagang magandang turo yang babaeng yan!" inis kong sabi

"oh ayan kana naman" si mama

**********

"oh patapos kanaba?" tanong ni mama sakin

"oo ma"

"sige puntahan mo na kapatid mo"

"opo ma" sagot ko at tumayo nako at nag punas

nag ayos muna ako para naman di ako mag mukhang basang basahan doon.

"oh bakit nag bihis kapa?" pagtataka ni mama

"e basang basa yung damit ko ma e"

"nako nag papacute kalang niyan e"

"ano ma????!" gulat kong tanong

tong si mama anong pinag sasabi.

kanino naman ako mag papacute?! ke don manuel??! sus! si mama talaga oo!

"wala sige na puntahan mo na kapatid mo" natatawang sabi ni mama

umalis nako at di ko nalang pinansin sinabi ni mama

********sa hacienda********

"hello manang" bati ko

"oh shay naparito ka??" tanong ni manang sakin nasa may labas siya ng hacienda pinapanuod ang mga nag lilinis ng truck

"tatawagin ko lang sana si sam"

"nako wala dito andon sila nangunguha ng mangga"

"sinong kasama po?" tanong ko

"si señorita" kangiting sagot ni manang

"ah o sige po puntahan ko nalang doon"

"o sige anak" sagot naman ni manang

kaya naman nag punta nako agad sa may manggahan.

ano ba yan ang init init nangunguha ng mangga tsk tsk!

wala bang isip tong spencer na to?!

habang nag lalakad ko natatanaw ko na sila.

hindi ko nakikita si spencer si sam at nathan lang nakikita ko.

at may biglang nag salita.

"ayon o sa may bandang kaliwa mo hinog na" maarteng sabi ni bea

oo! si bea nanaman!!

dahil may hagdan malamang si spencer ang masa may taas ng puno.

may narinig akong pumito kaya naman napatingin ako sa may bandang taas.

at nakita ko siya...

naka cap siya tapos nakasuot ng shades.

bagay na bagay sakanya yung suot niyang yon.

ang ganda ganda niya at ang astig niyang tignan.

ewan ko pero napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko siya.

tapos bigla niyang tinaas ang shades niya at nginitian ako.

yung ngiting parang lalong lumiwanag ang paligid ko at ang mga mata niya nakangiti din.

hindi ko mapigilan ang sarili kong pag masdan siya.

hindi ito ang unang beses akong makita ng may ganitong porma pero iba ang dating sakanya.

at hindi ko namamalayan na ngumingiti nadin ako habang nakatitig sakanya.

bigla itong kumaway.

ewan ko pero parang kusa nalang tumaas ang kamay ko para kumaway din.

"hey! bakit ang tagal mo?!" pasigaw na sabi ni bea

para naman akong nagising sa katotohanan ng biglang napasigaw ng malakas si spencer.

"OH SHIT!!!!" malakas na sigaw ni spencer

at pagkatapos ay sumigaw din ng malakas si be

"SPENCER!!!!"

"ate spencer!!!" si sam at nathan habang tumatakbo papalapit kung saan nahulog si spencer

oo nahulog si spencer at hindi ko alam kung pano siya nahulog dahil sa bilis ng mga pangyayari.

bigla akong nataranta at dali daling tumakbo papunta sakanila

ewan ko pero bigla akong kinabahan.

"okay kalang???" nag aalalang tanong ni bea

"okay lang ako. araaaaaaaay" daig nito habang hawak hawak niya kamay niya

napilayan ata siya.

"ate!" bigla naman sigaw ni sam

tatanungin ko sana si spencer kaya lang biglang sumigaw si bea

"KUYA!! tulungan niyo kami!!" pag hihingi ng tulong ni bea

tutulong sana ako sa pag tatayo kay spencer kaya biglang sumingit tong si bea at sinabi niyang siya nalang daw dahil baka matamaan pa ang napilay niya.

gusto ko sanang batukan si bea pero nag timpi ako dahil gusto ko lang naman tumulong.

wala man lang akong nagawa hanggang sa nakaalis sila.

para akong naistatwa.

"ate tara na" sabi ni sam sakin

at para naman akong robot na nag lakad nalang bigla

"pano naman kaya nahulog si ate spencer?" tanong ni nathan

"di ko din alam e" sagot naman ni sam

"kaya kayo wag kayong aakyat ng puno" sabi ko

"anong nangyari sayo ate? okay kalang ba?" tanong ni sam sakin habang tinitignan ko

"bilisan natin yung labahan ko"

**************

hanggang sa natapos kaming mag laba hindi man ako umiimik.

naguguilty ako na ewan.

naiinis ako sa sarili ko!

feeling ko kasalanan ko kung bakit siya nahulog.

gusto ko siyang lapitan at tanungin kanina kaya lang bsiwit tong bea na to! feelingera masyado!!!

alam kong nasaktan siya kahit di naman ganon kataas ang binag sakan niya.

nakita ko sa itchura niya na nasaktan siya.

kainis!!!! para gusto ko siyang puntahan.

haaaaay! di ako mapakali!

"anak okay ka lang ba?" pag aalalang tanong sakin ni mama

"okay lang ma" sagot ko

"bakit di kapa kumakain? patapos na kami oh" si mama

"kakain din ako ma"

"nakausap ko si dudung kanina okay nadaw siya, salamat sa diyos dahil hindi siya na balian ng buto" sabi ni mama

parang alam niya ang iniisip ko.

para naman akong nabuhayan ng dugo.

"talaga ma?" tanong ko

"oo kaya wag ka ng mag drama diyan at kumain kana para makapag pahinga ng maaga"

ano ba tong si mama. nag dadrama ba ko?! hindi pwedeng concern lang?!

wait! ako concern? hindi ba dapat matuwa pako dahil nahulog siya?!

sayang bakit di pa siya nabalian ng buti o naputulan ng kamay!

kainis! di ako nag dadrama or what ah! gutom lang siguro to!

ikakain ko nalang! hmmmp!

bakit naman ako magiging concern don! sus! di naman kailangan dahil andon naman na si bea buset!!!!

ewan ko pero lalo akong naiinis at nag iinit ng dugo sa bea na yon! peste siya!!! nababadtrip niya talaga ko!

alam niyo ba yung ganon feeling?! bigla kanalang iritable sa isang tao?! lalo na kung napaka feelingera! haaaaaaay!!

pumapanget ako sa mga nangyayari!!

di maganda to!

Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
409K 13.1K 16
Walong taon na ang nakalipas nang iwan ni Helena ang buhay na para sa mga kababalaghan. Natapos ang kalayaang inaakala niya nang isang araw ay magisi...
224K 8.8K 37
Demons are literally powerful than humans and they are merely 10x stronger than a dozen of humans. They are also immortals, I mean how can you kill...
1.5K 69 16
Isang Cambions na lumaki sa Mundo ng mga Mortal. Si Roseta ang nag-iisang Anak ni Belphegor. Makilala kaya niya ang kanyang Ina? Mula nang magkaisip...