Magique Fortress - Published...

De pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... Mai multe

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow

31.5K 1K 169
De pixieblaire

Chapter Thirty Seven
Ghosts of Tomorrow

Daniel's POV

"Wow, Daniel. Ang galing mo na makipaglaban. I mean, that sword fight with Zeke was just so cool," pagpuri sa akin ni Bethany kasabay nang pagpulupot niya sa braso ko.

Alam ko. Alam na alam ko ang ginagawa niya. She's flirting with me, obvious naman. After Val, ako naman ang natripan niya. Yes, Bethany's hot. Mula pa lang sa nadudungaw kong malulusog niyang kinabukasan, she's really a good catch. Pero mas gusto ko pa rin ang kay Sage, perfect fit in my hands.

Oh woman, don't mess with someone taken.

Baka ibaon siya sa hukay ni Sage kapag nakita niya 'to. Hell, I love that girl. And I miss her so much.

Last month kasi ay nawala na ang mind telepathy naming dalawa. Balita ko mula kina Wizard Lenondale, nasa mundo ng mga tao na ang guardians kaya it's impossible to talk through minds for now.

"Salamat Beth. Uhm, sige una na muna ako. Probably to the gym." palusot ko.

"Kakatapos mo lang sa training mag-gym ka naman? Are you killing yourself? Tara, kain muna. I know a place." Persistent. Paano ba siya na-handle ni Valentine? Siguro kailangan kong magpaturo pagdating sa pagpapasensya sa mga babae.

"Sorry Beth, I'll pass. Hindi pa naman ako pagod. No time to chill."

"Alright Mr. No Chill. Goodluck! Next time, maybe?"

I sighed, pero sa utak ko lang. "Sure, next time."

Crap. Sage's going to kill me.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

One month na lang ang natitira sa quests bago ang Judgment Battle. I could say that I had gotten stronger for the last two and a half months.

Iyong tatlo kaya, kumusta? Nakapagtataka kasi ang tagal ko nang hindi sila nakikita. Nagpapakadalubhasa kaya 'yong mga 'yon? Baka magulat na lang ako, kamukha na ni Albert Einstein si Yuan. 'Di ko ma-imagine!

Speaking of Yuan, mapuntahan nga ang mokong. Baka may kalantaryo na pala kaya missing in action. 

Pumasok ako sa White Castle at inakyat ang kwarto ni Yuan.

Wala siya rito. Lalabas na sana ako nang may maapakan ako. Isang puting libro.

Bilang initial reaction, nag-isip muna ako bago sana buksan ang misteryosong libro. Umupo ako sa kama ni Yuan at sinuri ito. Walang sulat sa front cover nito. Gano'n din ang likuran.

Hmm . . . something's strange.

Kinuha ko ang wand ko at nag-chant ng reveal spell. Lumabas ang mga salitang past, present, and future sa harap nito. Sa likod naman ay may mga nakapa na rin akong salita. Doon ay nakumpirma kong isa itong time travel book.

Patay, baka binuksan ni g*go at hindi siya makalabas! Siraulo talaga 'tong si Yuan. Minsan, ang talino, minsan din, ang bob*. Mumurahin ko nga 'to mamaya.

Sinimulan kong basahin pa nang maigi ang nasa likod. Pagkatapos kong bigkasin ang huling salita ay lumutang ang libro at lumiwanag.  

At lumabas roon si Yuan, kasama sina Tine at Ellie.

Nakalupasay sa sahig ang tatlo at nagtinginan kaming apat na parang mga timang. Tumayo sila at dinamba ako sa kama. As expected!

"Waaaaah! Papa Dan! Muntik na akong lamunin ng halimaw kanina! Savior ka!" pagsakal sa akin ni Ellie ng yakap. 

"Salamat pare, mahal na kita!"

"Pakyu ka, 'tol! Ano ba'ng nangyari at napunta kayo r'yan? Kailan pa kayo nawala? Isang buwan na lang, Judgment Battle na."

"Ano?!" sigaw nila.

"Two months kaming nawala? Bakit gano'n katagal?!" sabi pa ni Ellie. 

"Eh, malamang, nag-time travel kayo. Siguro, 'yan ang epekto. 'Buti sana kung ilang araw lang ang binalikan n'yong oras, eh hula ko sa mga mukha n'yo, parang galing pa kayo sa sinaunang panahon. Bakit ba kayo napunta r'yan sa loob, ha?"

Nagtinginan silang dalawa kay Tine na nakaupo uli sa sahig at kinuha ang libro. "Ginawa ko ito at humingi ng gabay sa Power Sphere. Hindi ko akalaing pahihintulutan akong pahiramin ng ganitong klaseng kapangyarihan. This book can answer our questions."

"Marami nga akong nalaman. Napunta ako sa panahon ni Blaite," sabi ni Yuan na ikinalaki ng mga mata namin.

"Ang daya! Ako naman ay halos atakihin na sa puso! Dinala lang naman ako ng librong 'yan sa panahon ng mga kalaban!" daing ni Ellie.

"Ano?" sabayang pagbigkas namin.

"Paanong panahon ng mga kalaban?" tanong ni Tine. 

"Hindi ko rin nga alam eh. Pero sa tingin ko, 'yun 'yung time na nakagawa sila ng isang dimensyon na magiging kuta nilang lahat. Lugar kung saan sila nagpaplano ng mga pagsalakay dito sa MFU."

Natahimik kami ng ilang saglit bago maisipan ni Tine na dumagdag. "Ako naman, napunta sa panahon ng Four Legends. Kailangan nating pag-usapan ang lahat ng ito."

Napagdesisyunan naming kumain muna dahil mistulang drained ang utak at enerhiya nila sa nangyari. Tahimik ang tatlo at halos malunod ako sa lalim ng iniisip nila.

Ang pagbalik nila sa nakaraan—was it a good sign or a bad one? 


• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Cristine's POV

Pagkatapos kumain ay bumalik kami sa kastilyo, sa kwarto ko. I was still stunned with the happenings, parang kanina lang, naroon ako kasama ng Four Legends.

Ako ang umunang magkwento. "Unang panahon na napuntahan ko ay nang iproklama ang apat bilang opisyal na parte ng Fortress Royalties. Kahit blurred, nakita kong nilalagyan ng korona ang isa sa kanila at narinig kong pinagbubunyi ng lahat ang pangalang Prince Lyndon."

"Sino kaya siya?"

"'Yon ang hindi ko alam. Kung kaninong anak kaya siya. Sa bilis ng paglilipat sa akin ng oras, napadpad naman ako sa isang kasalan. Kasal ni Prince Stefan."

Napatakip ng bibig si Ellie. "Dalawang lalaki na ang kabilang sa apat! Si Lyndon at Stefan! Eh 'yung dalawa pa?"

I remembered the initials on the Royal Chairs na nakita ko sa Prime Kingdom. L, C, S, and M. Sino sina C at M?

Umiling-iling ako. "Hindi na ipinakita sa akin kung sino pa ang dalawa. Paano kung lalaki pala sila lahat?"

Binuhat ni Yuan si Roar at pinapatulog, pero dumagdag sa usapan. "Anong nangyari sa kasal?"

"Magulo ang pangyayari. Bumilis nanaman ang takbo ng oras at madatnan ko na lang nagkagulo na ang lahat sa kasal, tumakbo si Prince Stefan na parang may hinahabol. Then that's it, time has flown me into the last destination. Ang eksaktong oras kung saan nag-aaway ang apat sa pinakaitaas ng Mount Ciphero, pinagtatalunan ang bato. Ewan ko! Magulo, eh. Basta 'yun 'yung nakita kong anggulo nila mula sa pwesto ko. Sinubukan kong akyatin sila kaya lang bigla na lang sumabog ang bato... at nahati ito sa anim. Anim na dragon."

"Anim na dragon? Anong dragon 'yan?"

Nagbuntong-hininga ako. It's about time for me to tell them what I know. "Nabanggit sa akin noon ni Kierre na ang bato ay nahati sa apat na dragon na sumisimbolo sa mga values sa Fortress - Happiness, Courage, Wisdom, and Love. Kapag lumabas na ang Four Dragons, alam na natin kung sino ang Four Legends."

"Sigurado ba siya don?" tanong ni Dan.

"Oo. Nagkaroon siya ng calling mula kay Blaite. Pero nung nakita ko nga ang pagsabog, lubha na akong nabahala. Ang inaakala naming apat na dragon, anim pala."

Tumayo si Ellie at humiga sa kama ko. "Hala! Kanino kaya napunta 'yung dalawa? 'Wag naman sanang sa kalaban dahil kung hindi, we're dead!"

Napahilamos na ako sa mukha. Sa totoo lang, gusto kong pumasok ulit sa libro. Kailangan kong malaman kung sino pa ang dalawang natitirang Legends. Dalawang Prince? O dalawang Princess? Haaay!

"Ikaw Yuan? Anong nangyari sa'yo?"

"Alam ko na kung bakit bawal ang Soverthells at Gemlacks sa isa't isa dati. Si Blaite, umibig siya kay Ae."

"Ang ginawa niyang kauna-unahang Soverthell?" pagsingit ko.

"Oo. Pero magkarelasyon na sina Ae at Zi non. Nang malaman niya, nagalit siya. Sinubukan niyang kontrolin si Ae, sa lahat ng aspeto. Sa utak, emosyon, kapangyarihan, lahat. Ginawa niya kay Ae ang tulad ng ginawa niyang pag-control sa eksperimento niya dati. But he failed, because he accidentally killed her."

Napasinghap kami ni Ellie. "Na... napatay niya?"

"Yeah. Sobra niyang pinagsisihan 'yon. Hindi rin kinaya ni Zi, nagpakamatay siya. Ayaw niyang kalabanin ang creator niya kaya he chose the other option. Blaite was inconsolable. It took him a long time bago siya makabangon sa pagkakamali at napasyahang ituloy ang nasimulan niya. That's when he made the new Soverthells and Gemlacks. Pinamunuan niya ang dalawang kaharian sa Fortress at ang kauna-unahan niyang rule, bawal na magmahalan ang Soverthell at Gemlack dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari. Iyon rin ang panahong ginawa niya ang bagong creatures, ang guardians."

"That's why..." bulong ko na nagmumuni-muni.

"Pero nung time naman ni Diamond, tinanggal niya ang rule na 'yon. Tama 'di ba?" tanong ni Ellie.

"Oo. Siguro kasi siya ang unang bunga ng pagsuway sa rule na 'yon. And that time, he has a good point of view in love, dahil sobrang inlove sila ni Enikka. Tingin niyo ba, 'yun rin ang dahilan kung bakit nagkagulo ngayon? Kung bakit nasira ang Fortress? Na kung hindi sana binago ni Diamond ang rule, edi sana maayos pa ang lahat?"

Napaisip kami sa sinabi ni Daniel. Iyon nga kaya ang dahilan? Naalala ko pa ang usapan namin ni Diamond, kaya niya siguro nasabing pinagsisisihan niya ang ginawa niya. Holy burn... Oo nga posible.

"Eh ang Wizard at Guardian? Bakit bawal?"

"I have no idea, honeybar. Basta sa nakita ko, ang rule lang ay ang white ay para sa white, at ang black ay para sa black. S to S, G to G. Siguro, 'yun ay dahil ginawa ni Blaite na ibang mga nilalang ang guardians, so it follows na - na ang wizard ay para sa wizard, at ang guardian ay para sa guardian lang. Dahil mahirap para sa isang nilalang na maging parehong wizard at guardian. Parang ganito, kung half wizard at guardian ka, anong gagamitin mo? Spells o charms? Walang fixed identity. Maybe that's the reason."

Bigla nanaman akong nakaramdam ng bahagyang kurot sa dibdib. Can someone tell me why?

"Ikaw Els, sa kalaban ka napunta? Buti hindi ka nila nakita!"

"Nako jusko! Kung alam niyo lang! Katakot-takot na kaba ang na-feel ko! Akala ko nga madededz na ako kanina! Nahuli kasi ako ng isang Drakkis! Buti na lang talaga nakabalik na ako agad! Life saver ka Dan, aagawin na kita kay Sage nako!"

Nagtawa pa kami nang bahagya pero binuwag rin 'yon ni Ellie. "Pero... si Dreyxin. He's back."

Napatayo na ako agad. "Buhay siya?!"

"I saw the bad Gemlacks summoning him. They're doing this ritual sa parang isang malaking salamin na parang portal na 'di ko magets, binubuhay nila si Dreyxin. Tapos nakita ko ang mukha niya, ang gwapo!"

"Ellie!" pagsuway namin. Pinitik pa siya ni Yuan sa ilong.

"Oo na eto na serious na. Ang beast mode niyo masyado!"

I sat beside her this time. "Tuluyan ba nilang nabuhay si Drey?"

"I'm not sure. Mukha lang kasi niya ang nagpakita. Parang sa Snow White, 'yung mukha lang ang kausap nung witch. Ganon! Pero may sinabi siyang nagpatindig ng lahat ng buhok ko sa katawan."

"Ano?"

"A curse. Isang sumpa na sa takdang panahon, babalik siya."

Binanggit sa amin ni Ellie ang eksaktong sumpa ni Dreyxin.

Nanlamig ang kamay ko sa takot. Anong ibig sabihin ni Dreyxin na magiging masama ang mga nilalang na source ng buhay? Was he pertaining to the Legends? Magiging masama ang Legends? And when that happens, doon na namin masisilayan ang kanyang pagbabalik?

At higit sa lahat... walang makakapigil sa sumpang 'yon. He said, no great power can ever break the curse.

A scary fact in a magic land - when a villain made a curse, matakot ka na. It will always be a fearful matter.

"Gets ko na rin kung bakit kayo bumalik sa nakaraan." sambit ni Dan na tumayo na at nakapamulsa.

"Kasi 'yan ang quests niyo. Yuan, you should know by now how to control other's power. Ellie, sa tingin mo ba may gamot pa talaga sa sumpa ng gagong 'yon? At ikaw Tine, nasagot na ang mga tanong mo. Kailangan mo na lang pag-ugnayin at buuin ang puzzle. Pero alam niyo, bago 'yan, kailangan nating ipaalam sa Royalties lahat. Tara!"

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

SINABI namin ang lahat sa Royalties. Malugod naman nila kaming pinakinggan sa aming pagbabahagi. We even contemplated every detail, solving the cases and probabilities of the history.

Regardless of what we experienced, we still had managed to focus on the quests we chose. Hindi na rin namin namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw.

The day after tomorrow, gagawin na ang paghahatol—ang Judgment Battle. Para itong Nix Battles dati, pero ang kaibahan, professors na ang aming makatutunggali. Ni hindi man lang ako masyadong nakapag-training dahil busy ako sa quest kong pagtuklas sa kasaysayan. 

Pero sa pagkakataong ito, wala ang isip ko sa Judgment Battle kung hindi sa hinihintay kong pagbabalik ng guardians.

Nakita ko si Val sa pinto ng aking kuwarto na parang hingal na hingal. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa akin. Maya-maya pa, ibinagsak niya agad ang bag niya at tumakbo papunta sa akin.

He gave me a long bone-cracking embrace. "Baby! Na-miss kita, sobrang na-miss kita!" 

Sabik na sabik kami pareho at walang makakapigil sa'min.

Bumagsak kaming dalawa sa kama. Nangiti pa ako nang nahirapan siya pagtanggal sa pantalon ko. Natuwa ako sa atat at pagka-frustrate ng itsura niya.

"Ah ganon, tinatawanan mo ako? Humanda ka sa'kin, papagurin kita." After finally removing everything, pinulot niya ang pantalon niya.

Nakita kong mula sa bulsa non ay may kinuha siyang isa, dalawa, tatlong pakete. Hala?

"A-Ano 'yan?"

Ginapang na niya ako at ginalugad muna ang aking bibig sa isang makapigil-hiningang halik. "Magic condoms."

Nanlaki ang mga mata ko. 

"Anong bisa niyan? Paano..."

"We'll see."

Our intense gaze spoke it all. And with just that simple stare, a magical moment happened once again. But this time, kama ko naman ang nagiba.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

After all the countless bliss, hindi namin namalayan ang oras. Tila ba katutulog pa lang namin, pero napabangon din kaming bigla nang tumunog ang castle alarm. Masama ang kutob ko. Paniguradong may masamang nangyari.

Tulad ng inasahan, naabutan namin ang marami sa tapat ng Fortress High. Nakipagsiksikan pa ako para makaabot lang sa unahan. Halos tumalon ang puso ko sa aking nakita. Professor Norfenfal was lying dead on the ground, may nakatarak na punyal sa puso niya.

Nanindig ang balahibo ko at napakapit kay Val. Narinig ko pa ang usap- usapan sa paligid.

"Ayos lang siguro na nangyari kay Sir 'yan. 'Di ba kalaban naman siya?"

"Oo nga. Pero sino naman kaya'ng gagawa sa kaniya n'yan?"

I didn't know why, but I felt something was wrong. Parang mali. What if Professor Norfenfal was just a victim here? Na pinagmukha lang naman talaga siyang kalaban para malayang makagalaw ang totoong mga kaaway?

Nabalot kaming lahat ng takot dahil maaaring ito ang hudyat ng mas malalagim na balak ng kabilang kampo.

Pinalutang nina King Ralf ang bangkay ni Professor Norfenfal at lalo lamang kaming nagimbal. Mula sa pinaghigaan niya ay nakapinta ang isang salita gamit ang kaniyang sariling dugo—DEATH. 

Death... Are you a 'what' or a 'who'?

Continuă lectura

O să-ți placă și

150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
641K 31.1K 78
Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the arctic southern region with her family...
57.8K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
499K 24.3K 43
Trouble is part of her name. Well literally, her name is Trouble Roise Mendoza which make sense dahil lapitin talaga sya ng kapahamakan. She won't s...