I Remember It All Too Well

By torpedobelly

6.2K 189 246

[All Too Well Part 2 | Tagalog | Completed] Love is sweet… but there’s always bitterness with it. But love ge... More

I Remember It All Too Well
Author's Note & Questions
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Special Chapter: Paul Eldrin's Story
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Announcement!
Epilogue
Author's Note

Chapter 5

234 10 8
By torpedobelly

Chapter 5

“Hi, Thom!!”

Bakit ba bigla-biglang sumusulpot ‘tong babaeng ‘to? Tsk. Baka kapag nakita kami ni Steph na magkasama, baka mag-selos ‘yun! Nako! Hahaha! Asa naman ako, dba?

“O-Oh, Sam. Napadaan ka yata sa room namin.”

“Wala lang. Na-miss kita eh.” Psh. Lies. You’re telling lies. Joke. So, ano naman kung na-miss mo ako? Tayo ba? Hahaha! Para akong tanga dito. Bakit ba parang galit na galit ako sa Sam?

“A-Ah…”

“Nag-text pala ako sa’yo kanina ah. Bakit ‘di ka nagre-reply?”

“A-Ah… K-Kabasa ko lang kasi. ‘D-Di ko kasi hawak ‘yung phone ko eh.” Pft. Obvious naman na nangsisinungaling ako, dba? Ayoko kasi talaga siyang kausapin. Wala lang. Nakakairita na eh. Palagi niya na lang akong kinukulit. Swear. Feeling niya kami pero hindi naman. Tsk! Ayoko talaga sa mga babaeng ganyan. Mga nagfe-feeling amp. Kainis lang. Hahaha!

“G-Ganun ba…”

“Sam! Akyat na kami!” Tawag sa kaniya nang mga kasama niya. Tama ‘yan. Kunin niyo na siya. Pakibilisan ha? Hahaha! Joke lang po.

“Sige, Kuya. Una na ako ah! Bye!!”

“Geh…”

Phew. Buti naman umalis na siya. Nako. Ang hirap kayang magsinungaling! Sa lahat kasi nang bagay, ‘yung pagsisinungaling ‘yung pinaka-ayaw ko. Masama kasi ‘yun eh. Kaso… ‘di naman naiiwasan ‘yun eh. Kahit na sabihin mong ayaw mong magsinungaling, gagawin at gagawin mo pa rin ‘yun sa mga susunod na araw.

Pagka-alis ni Sam, lumabas si Steph sa classroom namin. Nukas naman! Gandang pambawi ah. Hahaha! Mukhang kakagising niya nga lang eh. Wala kasi kaming teacher ngayon. Ewan ko ba kung bakit. Tinatamad yata magturo eh. Hahaha! Joke lang.

“Oy, panget.”

“Mas panget ka.” Hahaha! Ang cute cute niya talaga kapag naaasar siya.

“Mukhang napasarap ‘yung tulog mo ah.”

“Oo nga eh. Ang sarap pala higaan nang bag mo?” Pft. Bag ko pala ‘yung hinihigaan niya kanina. Nuks naman!

“May unan ‘yun sa loob ano ka ba.”

“Meron?!” Halatang nagulat siya. Nanlaki ‘yung mata eh! Hahaha!

“Syempre, wala! Edi sana pinahiram ko na lang sa’yo ‘yun, dba?” Papahiram ko naman talaga ‘yun sa kaniya eh kung meron man. Kaso wala. Tsaka ‘di ko nga alam na ‘yung bag ko ‘yung hinihigaan niya kanina.

“Oo nga naman.” Hahaha! Ang dali talagang maloko nitong babaeng ‘to. Nako. Kapag matatalino talaga, wala masyadong sense of humor. Joke. Hahaha!

Pagkatingin ko sa second floor, nakatingin sa amin nang masama si Sam. Pero iniwas niya rin ‘yung tingin niyang ‘yun. Tsk tsk. Selos naman kaagad ‘tong si Sam. Kaso sobra eh. Akala mo kami, pero hindi naman. Tsk tsk.

Nung uwian na, sabay kami lumabas nang room. Nakakagulat nga lang kasi nandon si Sam sa may labas nang room namin. Nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Steph. Pero… kakaiba ‘yung ngiti niya. Hindi ngiting masaya eh… ngiting mapang-asar. Tapos may tinatago pa siya sa likod niya. T-Teka… M-Masama ang kutob ko dito ah…

“Hey, Thom. Hey, S-te-ph.” Pinahaba niya talaga ‘yung pagkakabigkas sa pangalan ni Steph. Ano bang meron?

“H-Hey…”

“I guess you’re both happy. Am I right?” Ang weird niya. Iba ‘yung tono niya sa pagsasalita. Alam mo ‘yun? Para siyang sinapian? Kaso… imposible naman ‘yun. ‘Di naman ‘to Paranormal story eh. Imposible…

“I-I guess… so?” ‘Di ko talaga alam kung anong gusto nang babaeng ‘to. Lumapit ako nang kaunti kay Steph. Tapos medyo pumunta ako sa harap niya para sa likod ko siya nang konti. Iba kasi talaga ‘yung nararamdaman ko eh…

“Well… I. WON’T. LET. THAT. HAPPEN.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yan… nilabas niya ‘yung isang kutsilyo. Sh!t. Sabi na eh. May masamang balak talaga ‘tong babaeng ‘to.

Lumapit ako kay Steph. Mas malapit pa kaysa sa posisyon namin kanina. Sabay bulog nang… “Takbo.” Pagkasabi ko nun, tumakbo na kaming dalawa. Hindi ko na nahawakan ‘yung kamay ni Steph kasi nauna siyang tumakbo.

“Kahit tumakbo pa kayo… mahahabol ko pa rin kayo!” Sigaw ni Sam na humahabol sa amin. Hawak ‘yung kutsilyo niya. *gulp* Mahirap kalabanin ang isang taong armado.

Sabay lang kaming tumatakbo ni Steph. Kaso maya-maya, nawala na siya sa tabi ko. Taena. Sana hinawakan ko na lang pala siya sa kamay para ‘di kami magkahiwalay!

“Thom!!”

Pagkalingon ko kung saan nanggaling ‘yung boses. Patay na. Hawak na ni Sam si Steph. Lagot.

Nakatutok ‘yung kutsilyo sa leeg ni Steph. Tsk. ‘Yan pa naman ‘yung pinakamahirap labanan na posisyon. Kahit ano kasing atake mo sa may hawak nang kutsilyo, pwedeng magalaw ‘yung kutsilyo. Eh isang galaw niya lang sa kamay niya, hiwa na ‘yung leeg nung biktima niya. Lagot.

“Please, Sam. ‘Wag mong gawin ‘yan. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang…”

“Oh God, Thom. Alam mo ba kung pano ako sasaya?”

*gulp* “P-Pano?”

“Ang makasama ka.” Alam ko na namang ‘yan ‘yung sasabihin niya eh. Handa naman akong ibigay ang sarili kong kasiyahan basta maging ligtas lang si Steph.

“S-Sige na. S-Sama na ako sa’yo. P-Pero pakawalan mo na si Steph. Please, Sam. Nagmamakaawa ako sa’yo…”

“But, you know what.” Lagot. Mukhang may twist. “Siguro mas masaya kung…

Mawawala na lang siya.”

“’WAAAAAAAAAAAAAAAAAG!”

Phew. Buti na lang panaginip lang ‘yun. Whew. Buti na lang ‘di ‘yung totoo. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari ‘yun. Baka makapatay ako nang wala sa oras. Whew.

Sobrang nakakakaba naman ‘yung panaginip na ‘yun. Mali pala. Bangungot pala ‘yun. Phew. Buti na lang talaga… Teka. Anong oras na ba?

3:00 AM

Kaya naman pala ako binangungot. Tsk. Witching hour.

Brrt…

Brrt…

Brrt…

Grabe naman. Sino naman bang magte-text nang ganito kaaga? Tapos sunod-sunod pa? ‘Wag mong sabihing minumulto ako ngayon. Psh. Pathetic.

13 messages received.

21 missed calls.

Sino bang adik ang gagawa niyan? ‘Di ba uso sa kaniya ‘yung matulog? Tsk. Kilala ko na kung sino ‘to.

Si Sam.

Pare-parehas lang naman ‘yung messages niya. Puro ‘Thom!!’ lang kasi ‘yung nakalagay eh. Tsk. Ano na naman bang problema nitong babaeng ‘to? Mareplyan na nga para tumigil. Baka ako pa ‘yung masisi kung bakit siya napuyat.

To: Sam Castleon

Oh, bakit? Ang aga-aga nagte-text ka. Di ba usong matulog sayo?

Pipikit sana muna ako habang hinihintay ‘yung reply niya kaso wala eh. Mabilis lang mag-reply eh. May kailangan ‘to. Nararamdaman ko na.

From: Sam Castleon

Kayo na ba ni Ate Steph? :-)

Nako. Lagot na. Anong isasagot ko dito? Taena. Kapag sinabi kong kami na… ‘di ko na pwedeng ligawan si Steph na makikita nang lahat. ‘Yun pa naman ‘yung gusto ko! Tsk tsk. Ano nang isasagot ko ngayon? Hmm… Bahala na.

To: Sam Castleon

Hindi pa. Liligawan ko pa lang siya.

From: Sam Castleon

Ah. Okay po. Good luck. :-)

Boom. Natahimik din siya. Sa wakas naman. Wooh. Sana ‘di mangyari ‘yung sa panaginip ko. Kasi ‘di ko alam ‘yung gagawin ko kung mangyari man ‘yun.

Pero, teka. Ano nang gagawin ko? Kailangan ko na ‘tong madaliin! Grabe. Tama nga si Daddy. Kailangan nga maaga. Ito na oh! Mamaya ko na nga lang po-problemahin ‘yun. Inaantok pa ako eh. Sigurado naman akong tutulungan ako ni Mommy eh. *wink*

--

Nung sinabi ko kay Mommy ‘yung plano ko… Oo. May plano ako. Matagal ko na ngang plano ‘yun eh. Hahaha! Matagal ko na kasing hinihintay ‘tong oras na ‘to eh. Kaso… ‘di pa ako handa. Pero may plano na ako. Pero nandyan na eh. ‘Di ko na ‘yan papakawalan. Basta nung sinabi ko kay Mommy ‘yung plano, sabi niya, siya na lang daw bahala sa mga gastusin. Oh dba? Bait talaga nang nanay ko!

Pagkapasok ko sa school, si Steph kaagad ‘yung una kong nakita. Ibang klase talaga ‘tong babaeng ‘to. Lagi sigurong puyat ‘to. Late kasi palagi eh.

“Babe!!”

“Yes, Babe?” Ang sarap talaga pakinggan kapag tinatawag niya akong ‘Babe.’ It seems so real, though it’s not.

“May problema tayo?”

 

“Ano?”

“Tinatanong niya na kung tayo na ba.” Mukhang nagulat siya. Sabagay, sino ba naman kasing ‘di magugulat sa sinabi ko, dba?

“What? A-Ano nang gagawin natin?”

 

“Basta… you’ll know later…”

 

“Wow naman. Hahaha! Okay. Sige. Surprise me!” With the accent pa ‘yung pagkakasabi niya nang ‘Surprise me!’ Hahaha! Nakakatuwa talaga siya.

--

‘Di na ako pumasok sa last subject namin. Gusto ko kasi maging maayos ‘yung surprise ko para sa kaniya kahit na naka-rush na lahat. Naka-usap ko na sila Kathleen na kapag tinext ko yung isa sa kanila, may magtuturo nang something kay Steph sa baba. Basta. ‘Yun na ‘yun. Sana naman magustuhan ‘to ni Steph.

“Okay na ba lahat?” Kasama ko nga pala ngayon sila Peter, Carlos at Christian. Sinama ko na sila sa pagcu-cutting ko kasi aantukin lang daw sila sa last subject namin. Tsaka, gusto daw nilang tumulong sa surprise ko kay Steph.

“Okay na okay!” Sabay-sabay nilang sigaw. Whew. Ito na. Ito na ang simula nang panibagong yugto. Nuks! Lalim nun ah! Basta… Alam ko na maraming magbabago pagkatapos nang araw na ‘to. Pero sana maging maganda ‘yung mga pagbabagong ‘yun. Sana magtuloy-tuloy na ‘yung masasayang araw namin pagkatapos nito. Sana maging masaya na ang lahat. Sana…

Te-text ko na nga ‘yun si Kathleen. Lagi niya naman hawak ‘yung phone niya eh. Hahaha!

To: Kathleen Concepcion

Game na. :D

Sumilip si Kathleen sa may plantbox. Nag-thumbs up siya. Tapos… nagsimula na.

Sumilip na rin siya sa may plant box. Ngumiti siya. Yes! Mukhang nagustuhan niya ‘yung surprise ko. May nakalatag kasi na tarpaulin sa grounds. ‘Will you be my girlfriend, Stephanie Xyra Abellardo’ ‘yung nakasulat dun. Tapos may mga iba’t ibang kulay nang roses na naka-palibot sa tarpaulin na ‘yun, na kaming apat ‘yung nag-design.

Napansin ko na marami-rami na ding mga taong nakasilip sa plantbox. Sabagay. Uwian na rin naman kasi eh.

Ano kayang nasa isip niya ngayon? Nagtatalo na kaya ‘yung isip niya kung may feelings ba na kahalo ‘tong ginagawa ko o dahil sa deal lang? Kung pwede ko lang kausapin ‘yung utak niya, sasagutin ko ‘yung tanong na ‘yun. Totoo lahat ‘tong ginagawa ko. Mahal na mahal ko si Steph. Mahal na mahal.

Paglapit niya sa akin, nagsalita na kaagad ako. Wala na akong oras na palalampasin.

“Stephanie Xyra Abelardo…”

Naghihiyawan na ‘yung mga tao sa paligid. Kilig naman sila, ano? Sabagay. Bihira na lang naman kasi ‘yung mga lalaking gumagawa nang ganitong klaseng panliligaw eh. *wink*

“…will you be my girlfriend?”

Lumuhod ako. Tapos inabot ko sa kaniya ‘yung boquet na puro blue na rose. Alam ko kasing favorite niya ‘yung color blue eh kaya ‘yun ‘yung pinili kong rose.

Teka… mukhang nagdadalawang-isip pa siya ah? Sana naman ‘di niya ako i-reject. Hindi naman sa takot ako sa rejection, o takot ako na mapahiya. Pero, sa lahat ba naman kasi nang magre-reject sa akin eh siya pa. Ang sakit kaya nun! ‘Yung mahal mo, ni-reject ka? Pakamatay ka na, dre.

“YES!”

Sinigaw niya ‘yun. Kinuha niya ‘yung boquet at niyakap ako. Ang sarap marinig ‘yung salitang ‘yes’ galing sa kaniya. Parang totoo na ‘tong nangyayari na ‘to. Kaso naalala ko na kaya nga pala ganito kasi may deal kaming pinasukan. Tsk. Kung sabihin ko na lang kaya sa kaniya na totoo lahat nang ginawa kong ‘to? Ang hirap kasi kapag torpe eh.

Umupo kaming dalawa sa may pond. Hawak-hawak ko lang ‘yung kamay niya. Ewan. Ayoko na kasi siyang pakawalan eh. Gusto ko akin na lang siya. Habang-buhay.

‘Di pa kami nag-uusap. ‘Di ko kasi alam kung ano bang sasabihin sa kaniya? Kung ano bang itatanong ko sa kaniya? Kung mangangako ba ako o kung aamin na lang ako. Ewan. Ang gulo-gulo. Pinipilit ko na nga lang tumawa sa mga jokes nang mga kaklase namin eh.

“Sige. Una na kami ah. Oy, Thom! Ingatan mo ‘yang si Steph ah!” Tumango lang ako. Tapos umalis na sila. Iniwan nila kaming dalawa. A-Ano bang dapat kong sabihin sa kaniya ngayon?

Brrt.

Sino kaya naman ‘to?

From: Sam Castelon

Congrats. :-)

Si Sam lang pala. Hmm… I guess she’s happy. Happy nga ba? Kakadaan niya lang kasi sa harap namin ni Steph eh. Ano ‘yun? Parang tinext niya ako para malaman ko na dadaan siya? Pero… ‘di siya masaya. Actually, mukhang kakaiyak niya nga lang eh. Ano ‘yun, masaya siya pero umiyak siya? Tears of joy? Pero malungkot ‘yung expression niya eh. Haay. Bahala na nga siya.

Gusto ko maging masaya kami ni Steph ngayon at simula ngayon. Ayoko nang magulo pa ‘yung mga buhay namin. Ayoko muna umamin. Baka mabigla kasi siya eh. Tsaka na lang.

“Steph…” ‘Di ko talaga alam kung ano bang sasabihin ko sa kaniya. Nahihiya na nga rin akong tawagin siyang ‘Babe’ eh. Malay ko ba. Basta talaga pagdating kay Steph, nanghihina na ako.

 

“Oh, akala ko ba ‘Babe’ mo ako?”

 

“Wala lang… Baka kasi galit ka…”

 

“Bakit naman?”

 

“Kasi umabot tayo sa ganito…”

 

“Grabe. Wala ‘yun. Basta para sa’yo, gagawin ko ang lahat.” ‘Yan ‘yung gusto ko sa kaniya eh. ‘Yung gagawin niya ang lahat para sa taong mahalaga sa kaniya. Teka… mahalaga nga ba ako sa kaniya?

“Ang sweet mo talaga, Babe!” Sabay pisil sa kamay niya.  “Hayaan mo. Tototohanin ko naman ‘yung pag-aalaga sa’yo. Kailangan kita eh… nang higit pa sa inaakala mo.

“Sweet mo talaga, Babe!” Nabigla ako nung hinalikan niya ako sa pisngi. Kaso nabigla din yata siya sa ginawa niya kaya napayuko siya. Hahaha! Kakaiba talaga ‘tong babaeng ‘to.

“Bakit ka nahihiya? Okay lang ‘yun. Tayo na naman dba?” Lakas nang loob ko na sabihin na kami na ah! Sabagay. Kami na naman talaga eh. Pero dahil sa deal nga lang.

“W-Wala lang… Dba fake lang naman ‘to?”

 

“Alam ko. Pero pano mo ba sila mapapaniwala kung hindi mo seseryosohin dba?” Sabay kiss sa noo niya. Wala na akong maisip na ibang dahilan eh. Tsaka gusto ko rin kasing totohanin lahat nang ginagawa ko sa kaniya. Baka sakaling maramdaman niya ‘yung totoo kong nararamdaman para sa kaniya. “Tara na. Uwi na tayo.”

Kinuha ko ‘yung bag niya. Syempre! Boyfriend niya na ako ngayon, dba? ‘Yun naman ‘yung trabaho nang mga boyfriend eh. Ang buhatin ‘yung mga bag nang girlfriend nila. Joke lang! Pero ‘yun ‘yung gusto naming gawin kasi gusto namin silang alagaan at ayaw namin silang pahirapan.

Hinawakan ko ‘yung kamay niya. “Tara na.”

Sana pwede kong mabasa ‘yung utak niya kahit ngayon man lang ba. Gusto ko kasing malaman kung kinikilig ba siya sa mga pinaggagagawa ko sa kaniya eh. Pero… baka nasa isip niya na deal lang ‘to. ‘Yun at wala nang iba. Pero sana hindi naman.

Sana nababasa niya rin ‘yung nasa isip ko para malaman niya ‘yung totoo kong nararamdaman. Para malaman niya ‘yung mga salitang gusto kong sabihin pero hindi magawa-gawang sabihin. Tsk. Ba’t ba ako napi-pipe kapag nandyan siya? Alam mo ‘yun? ‘Yung mga gusto kong sabihin sa kaniya, ‘di ko masabi kasi… ewan ko. Ayaw nilang lumabas sa bibig ko.

Pero, sa ngayon, okay na ako sa ganitong sitwasyon. At least, naramdaman ko kung pano siya magmahal at napapakita ko sa kaniya kung pano ako magseryoso sa isang babae. *wink*

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
165K 7.6K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...