PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE...

By PsycheSpellCaster

1.1M 31.2K 5.7K

Totoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng ka... More

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Chase
Chapter 2
CHAPTER 3: PLANONG PALPAK!
CHAPTER 4: Rason ng Pagbabalik
CHAPTER 5: TAKING ME OUT
CHAPTER 6: Friend's Conflict
CHAPTER 7: They Meet Again
CHAPTER 8: TIME TOGETHER
CHAPTER 9: KNOWING THE REAL STORY
CHAPTER 10:
CHAPTER 11: This I think would be the Last
CHAPTER 12: Skip Beat
CHAPTER 13: Trip to Tagaytay
CHAPTER 14: Getting Noticed
CHAPTER 15: Battle between Two Hearts
CHAPTER 16: Ways
CHAPTER 17: Hellard
Chapter 18: Nightmare
Author's Note
Chapter 19: What He Was
CHAPTER 20
Chapter 21: What He Feels
CHAPTER 22: A True Gentleman
CHAPTER 23: Calix and Tyrone
CHAPTER 24: Thoughts
CHAPTER 25: Truth Revealed
CHAPTER 26: The 5 Years Ago Incident
Chapter 27: His Whereabouts
Chapter 28:Found Him
Chapter 30: Reminiscing Ava
Chapter 31: Four Men in One
CHAPTER 32: Hellard's Whereabouts
CHAPTER 33: Stella
Chapter 34: Out of the Island
Chapter 35: Ruthless Punishment
Chapter 36: Accidentally Meeting Her
Chapter 37: Testigo
Chapter 38: Add New Ones
Chapter 39: Identical
Chapter 40: Decisions Made
Chapter 41: Commencement Rites
Chapter 42: New York
Chapter 43: Miles Apart
Chapter 44: Regained Memories
ANNOUNCEMENT
Chapter 45: Hide and Seek
Chapter 46: Real Foe
Chapter 47: Patricia Chin
Chapter 48: Sudden Changes
Chapter 49: Unwanted Guest
Chapter 50: One Step Ahead
Chapter 51: Proposal
Chapter 52: Vacation Getaway
Chapter 53: Vacation Getaway (Part 2)
Chapter 54: Pagsuko
Chapter 55: Months Later...
Chapter 56: White Christmas
Chapter 57: Mascot
Chapter 58: Kidnapped
Chapter 59: Grief
Chapter 60.1: A Brilliant Disguise
Chapter 60.2: A Brilliant Disguise
Chapter 61.1: Makeover
Chapter 61.2: Makeover
Chapter 62: Bio-Data
Chapter 63: Batangas Shoot Part 1
CHAPTER 64: Batangas Shoot part 2
CHAPTER 65: BATANGAS SHOOT PART 3
CHAPTER 66: Reunited
CHAPTER 67: TRAP
Chapter 68: A Diversion Plan
CHAPTER 69: Unmasked
Chapter 70: Final Combat
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Invitation
Chapter 81
Chapter 82
Epilogue

Chapter 29: Text Messages

16.2K 461 46
By PsycheSpellCaster


This chapter is dedicated to you Kiszhan! :) First comment at the bottom! HAHA. Thank you and Godbless sweetie! <3 



~jeanny




[HELLARD]



"Hell? Saan ka pupunta?" Blood asked as I was making my way palabas ng bahay nila. I stopped at the main door and looked his way.



"There's still alot for me to remember, I need to know everything about Ava." We glimmed at each other for a minute and it seems that he wanted to constrain me from doing so but I was positively determined from leaving at alam kong nakikita naman niya ito sa mga mata ko. Bumuntong hininga siya as a sign of defeat at hinayaan na lang ako sa gusto ko.



"Okay. " tsaka na siya pumasok sa loob ng kusina. Lumabas na rin ako ng bahay nila at nag-taxi papunta sa bahay namin. I wanted to see my little sister first because I know that she's worried for I did not return for a few days now.



Nang marating ko ang bahay ay wala ang dalawang kotse sa garahe, marahil ay umalis si mom at yung isa ay hindi ko alam kung sino ang gumamit. Tuloy-tuloy ako sa pagpasok sa bahay namin at nadatnan ang matandang si Nana Felisita sa hardin at nagdidilig ng halaman.



"Hi-hijo?? Jusmeyo! Ikaw nga!" binitawan ni Nana ang hose na hawak, lumapit siya sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.



"Ba-bakit ngayon ka lang bumalik ng bahay? Alam mo bang dinala ang mommy mo sa hospital dahil sa sobrang pag-aalala sayo?" I was caught by her words nang sabihin niyang dinala si mom sa hospital, I felt guilty kasi alam kong ako ang may kasalanan pero nanaig pa rin sa isip ko ang galit sakanya.


 

I don't know how to take this fury away, ayoko din namang masaktan ulit si mom kaya mabuti na rin sigurong lumayo muna ako sakanila, I'm sure time will come at magagawa ko na ulit magpakita sakanila.



"Where's Clowee?" pag-iiba ko sa usapan.



"N-Nasa kwarto niya, umiiyak na naman ata. Miss na miss ka na ng batang yun. Ha-halika, puntahan natin sa itaas." hinawakan ni Nana ang braso ko para sana samahan ako sa itaas pero marahan ko lang itong binawi, "Ako na lang po ang aakyat Nana." magalang na sabi ko sakanya, hindi na rin siya umangal at hinayaan na lang ako.



Tatlong katok ang ginawa ko ng marating ko ang kwarto ng kapatid ko, walang sagot akong natanggap mula sa loob kaya minabuti ko na itong buksan.



Agad na bumungad sakin ang malungkot na mukha ng bunso kong kapatid at ang basa nitong pisngi na halatang dahil sa luha, namumugto din maging ang mga mata nito at parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko dahil sa nakikita. Nakahiga siya sa kama niya't matamlay ang hitsura, "Baby. . ." tawag ko sakanyang nagpa-angat ng kanyang tingin.



"Ku-Kuya!" gulat man ang mukha ay nagawa pa rin ako nitong lapitan at yakapin ang aking bewang, naupo ako para makapantay siya't nag-uumpisa na naman siyang umiyak.



"Hi baby. I missed you." I said as I was wiping her tears.



"Ku-Kuya. . .why did you left us?? Don't you love us anymore??" inosenteng tanong nito sakin habang nagpupunas ng sariling luha sa pisngi.



"Shhh. . .Ofcourse I still love you baby, Kuya is just busy about something so he needed to leave the house." I need to lie to her, masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga nangyayari. Ayoko na din siyang idamay pa dito, maaapektuhan lang siya ng sobra.



"Did you and mom just had a fight? She was always crying in her room at night and now she's in the hospital kasi Nana said she's not feeling well." aniyang humihikbi.



"No baby, it's just a little misunderstanding. Everything will be back to normal soon, kuya just need more time for himself. I'm sorry for making you cry baby." tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.



Ayokong madamay siya sa pag-aaway namin ni mom pero Clowee's a grown up, nagiging aware na rin siya sa mga nangyayari sa paligid. Kahit di ko man sabihin ay alam kong mapapansin niya din. I won't tell her anything unless otherwise maipit siya sa kalagitnaan ng problemang ito at kailangan niyang malaman. 



Hindi ko pa kayang patawarin si mom, masakit pa rin para sa'kin ang mga nalaman ko, though hindi na ako masyadong galit sakanya kailangan ko pa ring lumayo. I kinda' miss her pero I know na magiging maayos lang siya because Nana and Clowee are here. About my dad, I think he already new about this, I just dont know what his plans are. 



"Baby, kuya needs to go now." paalam ko sakanya tsaka kumalas sa pagkakayakap niya sa aking leeg.



"Your leaving us again? I want to come kuya! Take me with you!" hinaplos ko ang pisngi ni Clowee and smiled at her.



"You can't baby, you need to stay here with mommy. Mommy needs you, promise I'll be back once I fixed things up. Okay. I love you baby." then I kissed her in her forehead before bidding her goodbye.



Dumaan ako sa kwarto ko para kumuha ng ilang damit at yung mga importanteng bagay na kailangan ko. Bumaba ako agad at lumabas ng bahay at doon nakasalubong ulit si Nana.



"Aalis ka pa rin ba Hell hijo?" puno ng pangambang tanong nito sakin habang magkasiklop ang kanyang palad.



"Yes Nana. I have too. Kayo na po muna ang bahala kay mom at Clowee." bilin ko sakanya tsaka siya ginawaran ng halik sa noo, hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko pero I was able to cut loose tsaka tinungo ang gate ng bahay.



"Hijo ang dad. . ." may sinasabi pa siya tungkol kay dad pero hindi ko na pinakinggan at pumara ng isang taxi sa loob ng village namin.



I'm headed to someone na alam kong makakatulong para maalala ko ang lahat ng bagay na nawala sa akin. Para maalala ko si Ava, malaman kung gaano ba siya ka-importante sakin at kung bakit sinasabi ni Blood na sumali ako sa isang fraternity para iligtas siya. Nalilito ako sa mga nalalaman ko at kailangan ko ng sagot, kailangan kong alamin ang nawala sa pagkatao ko't maalala lahat ito.



[CRIS]



I'm waiting for tito dito sa labas ng airport for he said na siya daw ang susundo sakin. Mahigit labing anim na oras at labing apat na minuto din ang binyahe ko bago makarating dito, pahikab-hikab pa ako habang kausap sa phone si Riye.



"Yes baby, kakarating ko lang. I'm already waiting for tito dito sa labas ng airport."



(. . .)



I smiled warmly nang marinig ko ang naglalambing nitong boses, "Ikaw ha, isang araw pa lang naman tayong hindi nagkikita miss mo na ako, sobrang admiration na yan baby. Obssess ka na ata sakin." tsaka ako pabirong tumawa, naasar ata siya sa sinabi ko dahil bigla akong sinanghalan sa kabilang linya sabay baba ng tawag.



Mas natawa na lang ako sa ginawa niya habang pinagmamasdan ang screen ng phone ko. Mamaya ko na lang siya susuyuin, baka dumating na si tito eh.



Makalipas ang kalahating minuto ay may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko at bumaba si tito mula dito.



"Cris!" tawag nito sakin tsaka ako niyakap at ti-nap ang balikat ko. It's been 5 years noong huli ko siyang makita at ang laki ng pinagbago niya. Parang mas lalo pa siyang tumanda sa dapat na hitsura niya, dala na siguro ito ng stress sa buhay at trabaho. Pero dahil lang ba talaga ito dun?



"Halika na." aya ni tito kaya sumakay na ako sa passenger's seat ng kotse at dahil nga sa malaking traveling bag lang ang dala ko eh tinabi ko na lang sa upuan.



Habang nasa byahe ay madami akong nai-kwento kay tito na mga pagbabago sa Pilipinas, masaya lang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko at minsan pa nga'y natatawa na lang ito sa mga kalokohang pinagkukwento ko sakanya tungkol samin nila Ken at Eric. Kapag nababanggit ko naman ang pangalan ni Shane ay tumatahimik ito at di ko mawari kung galit pa rin ba siya o ano. Ibinalik ko na lang ulit ang topic saming tatlo para mawala ang namuong tensyon sa kotse kanina.



"Siguro kung buhay pa si Chase ay nagtatrabaho na din siya kagaya niyong tatlo." natigilan ako sa sinabi ni tito't napatungo. Nag-iba na rin kasi ang ekspresyon sa mukha nito at nalungkot siya bigla.



Napakalaking dagok sa pamilya ni Chase ang pagkawala niya, dumating pa sa puntong napabayaan na rin ng mga magulang ni Chase ang iba sa mga business nila at nalugi. Siguro ay sobrang hirap nito para sakanilang dalawa, Chase is the only child they had, hindi man sila ganon kalapit kay Chase dahil sa pagiging abala nito sakanilang trabaho ay alam ko namang mahal na mahal pa rin nila ito at ganon din si Chase sakanila. Besides, it's still his parents.



"Si tita po, kamusta?" pag-iiba ko sa usapan pero parang mas dumoble pa ang lungkot sa mukha niya dahil sa tanong ko. That is one proof that she's not doing fine.



"She. . ."napatigil si tito sa sasabihin at nag-aalangan pa atang ipagpatuloy ito, iniwas ko na lang ang tingin at dumungaw sa labas ng bintana, it's okay kung hindi pa kayang mag open up ni tito. "She's in the hospital right now Cris." napalingon ako sa gawi nito at nanlaki ang mga mata.



Now my hunch was right!



"Bakit po tito, anong nangyari kay tita?!" nag-aalalang tanong ko sakanya.



Hindi agad na nakasagot si tito dahil parang ayaw nitong sabihin sakin ang totoong nangyari kay tita pero sa bandang huli ay nagawa pa rin nitong sabihin sakin ang lahat.



"She's suffering from cancer Cris, stage 3 lung cancer." halos manlumo ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala't parang hirap akong isaksak sa utak ang sinabi ni tito.



"How did that happen? Tita is a healthy women. . .she can't possibly be. . ." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil parang wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. My hands were shaking and at the same time nanlalamig.



How is this possible? This can't be. . .



"We were both shocked by the findings of the doctors too Cris. We did'nt know that she already has one at malala na pala ito." parang ayoko nang marinig pa ang sunod na sasabihin ni tito. Hindi matanggap ng kalooban ko ang sinasabi niya. Tita was close to me at para ko na rin siyang pangalawang ina dahil madalas akong nasa kanila noong bata pa lang kami. Mabait sakin si tita at sa lahat ng tao sa paligid niya, pinaramdam niya rin sakin ang pagmamahal ng isang tunay na ina.



"Tito, I'd like to see her. Please, take me to her." seryosong pagkakasabi ko, tito was doubtful at first pero napapayag ko din naman.



"Okay Hijo. I'm sure she'll be happy to see you."



[CJ]



Nag-aayos ako ng mga damit sa closet ko pagkatapos akong kurutin sa singit ni mama, ang kalat-kalat daw kasi ng closet ko at parang hindi wardrobe ng isang babae.



Psh! Sino naman ang titingin niyan? Ako lang naman ang nagbubukas ng closet ko sa kwarto, buti kong every week may pulis na nagche-check ng closet tapos pag makalat at hindi maayos makukulong eh kaso hindi naman ganon! Kaartehan lang naman ang pag-aayos ng gamit.



Ewan ko ba pero tamad talaga ako mag-ayos ng mga gamit ko, kahit sarili kong kwarto hindi ko na matukoy kong kwarto pa ba o bodega na.



Last set na ito ng mga damit ko't maingat ko silang inilagay sa loob ng closet, pagkatapos naman ay yung mga underwears at bra isiniksik ko na lang sa gilid tapos agad itong isinara.



"Phew! Siguro naman ngayon wala nang kurot sa singit diba?! Ang sakit kaya." pagmamaktol ko sa hangin habang tinutungo ang kama ko at pinagtatapon sa basurahan yung mga crumpled papers na isang linggo nang nakatenga sa ilalim ng kama ko.



Oh ayan! Extra work pa yan ha! Kahit hindi na sinabi ng inay ko'y nilinisan ko na din para wala siyang masabi! Ai naku talagang buhay 'to oh! Kung hindi yung ingay sa kapit-bahay ang maririnig mo yung armalite namang bunganga ni mama ang papatay sakin.



"Ano ba kasing. . .Ay bunganga ni mama!" napaigtad ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakatayo roon si ate na tila nakakita ng multo sa loob ng kwarto ko, para na kasing sa kwago ang mata sa laki.



Lumingon ako para tingnan kong may multo ba siyang nakita sa kwarto ko pero wala naman eh, problema nito?



"C-Cj. . ." nauutal na tawag niya sa pangalan ko tapos palunok-lunok pa ng laway. Problema nitong babaeng 'to?!



"Ano ba yun ate? Panlalakihan mo lang ba ako ng mata dyan o may sasabihin ka?!" untag ko sakanya habang nakapamewang, umiling-iling lang siya sa tanong ko at lumapit sakin. Para siyang tangang hinawakan ang magkabilang balikat ko. 



"Ma-may bisita ka Cj!" Napataas na lang ako ng kilay. May bisita lang pala ako kung panlakihan naman ng mata itong si ate parang multo yung bumisita sakin. Hala! Baka yung kaluluwa ni Ava ang bumisita sakin?!!



Diyosmiyo!



"Si-sino a-ate?? Wa-wag mong sa-sabihin na si-si A-Ava yun hah?!!" nahawa na rin ako sa panlalaki ng mata ni ate kaya heto kami ngayon at nagpapalakihan na ng mata.



Sino kaya mas malaki samin?!



"Baliw! Hi-hindi!" aba'y baliw daw ako! Mas baliw siya sakin buang siya! Siya itong pumasok sa kwarto ko at tila tangang nakatulala habang nakatingin sa akin tapos ako pa itong baliw?! Nasaan ang hustisya ate Camille?!



"Eh sino ba kasi yan?! Boysit 'to! Sabihin na lang kasi eh ang dami pang pasakali!" kinamot ko na yung ulo ko dahil nayayamot na ako, pawis na pawis na pa naman ako at hindi pa naliligo.



"Si ano kasi. . .Si. . ." naiinis na talaga ako! Ate ko siya pero dahil nakakainis na siya gagawin ko na ito, nawala ata sa sarili dahil sa bisita ko daw.



Walang anu-anong sinampal ko siya ng malakas sakanyang pisngi kaya napangiwi siya sa sakit at kumurap ng tatlong beses, tapos nag-iba na yung ekspresyon sa mukha niya at nangunot na ang noo.



"Bakit ka nanampal na bata ka! Ang sakit nun ha!" sumisigaw na panenermon niya na hindi ko naman inatrasan at sinagot din siya pabalik.



"Eh para ka kasing timang dyan na kanina pa namimilog ang mata! Nagmukha kang tarsier baliw ka ate! Sasabihin lang kung sino ang bisita ko ang dami pang advertisement!"



Dinuro niya ang noo ko tsaka ulit nagsalita, "Hindi lang kasi ako makapaniwala kung sino ang bisita mo! Aba akalain mong pupuntahan ka niya dito?!"



Susmaryosep! Di na lang sabihin kong sino ay fruit cake talaga!!!



"Eh sino nga kasi boysit yan oh!!!" nanggagaliit na talaga ako sa galit at di talaga magtatagal mananapak na naman ang mga kamay ko! Naiinis na talaga ako promise!!!



"Ehem."



Magsasalita na sana si ate nang may biglang tumikhim sa likuran kaya napatingin kami sa may pinto. Kung kanina mata ni ate ang nanlalaki ngayon naman ay ako na, samahan pa ng literal na pagkahulog ng panga ko sa sahig.



"He-Hellard?!"



* * * * *



Nasa sala kami ngayon at kasalukuyan siyang umiinom ng juice na hinanda ni ate. Nakaupo siya sa single sofa at ako naman sa pahabang sofa sa pinakadulo malayo sakanya. Pinagmamasdan ko lang siya habang ibinababa ang baso sa tray tsaka siya tumingin sakin at nakakunot ang noo.



Sheeett!!! Naaamoy niya na ba ang pawis ko?!! Ang layo ko na nga eh!!! Nangangasim at namamawis na rin itong kili-kili ko baka nasinghot niya na?!



"Bakit ang layo mo sakin? Mabaho ba ako para layuan mo?"



Ai salamat! Akala ko naamoy niya na ako eh. Umusog ako ng kaunti palapit sakanya, mga tatlong urong lang ng pwet sa sofa.



Bumuntong-hininga na lang siya at nagkamot ng batok, nanatili lang akong tahimik dahil pati pagmumog nakalimutan ko atang gawin.



"Okay fine, your so weird. Anyway, I'm here to ask for your help."



"Huh? Help? Ako?" tanong kong nakaturo pa sa sarili. Anong klaseng help kaya ang kailangan niya? Assignment ba? Paperworks? Projects?



"Yes you. You're the only one who can help me with it." seryoso ang mukha niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ngayon ko lang din napansin, iba na ang kulay ng mga mata niya, nagsuot ba siya ng contact lens?



"Ga-ganon? Tungkol ba saan?" napalunok ako bigla, wag naman sanang about sa assignment o project sa school, hindi kasi ako tumatanggap ng extra work, may sarili din naman akong assignments at projects na kailangang asikasuhin.



Matagal bago siya sumagot, parang nag-aalangan siya sabihin sakin kung ano yun, ilang beses pa siyang napapabuntong hininga tapos iiwas ng tingin, kakamot ng batok tapos bubuntong-hininga ulit tapos titingin ulit, "I. . .ahm. . .I want to know everything about Ava." pareho kaming natigilang dalawa dahil sa sinabi niya, nabigla ako dahil pumunta siya dito para malaman ang tungkol kay Ava.



For real? Pero bakit? Parang kelan lang nang sinabi niyang wala siyang pakialam kung sino si Ava, at wala siyang pakialam tungkol sakanya tapos ngayon gusto niya na daw malaman? Anong nangyari?



"Te-teka, bakit?" naguguluhang tanong ko sakanya, saglit akong napaisip at tinikom ang bibig ng maalalang hindi pa nga pala ako nagmumog, baka biglang bumaho sa sala namin at himatayin itong si Hellard.



Naputol lang ang aking pagi-isip ng sumagot na siya, tiningnan ko siya at nakatungo na sakanyang upuan, nakapatong ang kanyang siko sa tuhod at magkasiklop ang mga kamay, "I already knew about the incident 5 years ago." pinanlakihan ako ng mata sa sinabi niya.



Alam niya na?! Kung ganon sinabi na sakanya ng mommy niya?! O baka naman sina Blood ang nagsabi?



"Mom already told me everything, Blood on the other hand told me about Ava." tumigil siya saglit tsaka na ako tiningnan, "He told me that I joined a fraternity for her, is that true?" kunot-noong tanong niya. Hindi niya pinutol ang tingin saking mga mata at determinado talaga siyang malaman ang tungkol dito.



Satingin ko naman ay hindi ko na kailangan pang pigilan ang sarili kong paalalahanin lahat lahat ng tungkol sakanila ni Ava, si Hell na mismo ang nagpunta sa bahay para alamin ang lahat. Tadhana na ang nagdala sakanya dito. Kung nakikita lang ito ni Ava, magiging masaya siya, sigurado ako dun. Matatahimik na rin siya.



"Okay sige, ipapaalala ko sayo lahat, sa abot ng aking makakaya. Hindi enough na sabihin ko lang sayo, dapat ay puntahan mismo natin ang mga lugar para mas mapadali ang pagbalik ng mga alaala mo." lintaya kong sinang-ayunan naman niya.



"Your right, kung ganon tayo na, para mas madami tayong mapuntahan na lugar." tumayo na siya sa sofa samantalang ako'y nanatili lang na nakaupo.



"Teka lang naman! 'Di ba pwedeng maligo muna ako? Ang baho ko na eh. Excited ka masyado." asik ko kaya bumuntong hininga siya at bumalik sa pagkakaupo sa sofa.



"Okay fine, bilisan mo lang, ayokong pinag-aantay." aniya sabay sandal ng likod sa sofa, pinag-ekis ang paa at humalukipkip.



Wow ha! Tingnan mo ang ugali nitong isang 'to. Feeling at home tapos kung makapagsalita parang wala lang sakanya.



"Ano pang tinutunganga mo dyan? Ligo na!" sigaw niyang nakapaigtad sakin kaya mabilis kong tinakbo ang kwarto ko sa itaas, kinuha ang tuwalya sa hanger at pumasok sa banyo.



Grabe! Daig pa ang terror kong teacher! Makapag-utos eh akala mo kung sino.



Hinubad ko na ang mga damit ko't tumayo sa ilalim ng shower, napangiti ako sa pag-uusap namin kanina, nae-excite akong sabihin sakanya ang lahat!



Sa wakas! Malapit nang bumalik lahat sa dati!



[SHANE]



"Mukhang ang ganda ng gising mo ngayon Shane ha." puna ng kaklase namin sa major na si April.



Ngiti lang ang sinagot ko sa sinabi niya. Naglalakad kami ngayon sa hallway papunta sa next major subject namin. Sinipagan akong pumasok ngayon sa school after ng ilang absences ko ng mga nakaraang araw. Kailangan ko din kasing mag-cope up sa mga missed subjects ko. Graduating na kami ni bessy at tambak na projects ang ibinigay samin ng mga prof. namin sa lahat ng major subjects.



"Ikaw ha, showbiz ang sagot mo, nakakaintriga tuloy." panunuksong aniya.



"Tigilan mo na nga siya April, minsan na nga lang gumanda ang mood nitong si bessy, inaasar mo pa." may halong pagkainis sa boses ni bessy kaya tinapik ko lang siya sa braso at pinanlakihan ng mata. Para kasing ewan, magsisimula lang siya ng away eh.



Kakapasok pa lang namin sa room nang biglang magbeep ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa pocket ng bag ko.



Yung unknown number na naman ang nagtext sakin. Ilang araw na ang dumaan ng magsimulang magtext sakin ang numero na ito. Wala namang laman ang mga text message, kung hindi tuldok o kuwit ay isang letter lang. Una ay C, nang nakaraang araw ay A, sinundan pa ng R, tapos bago matulog ay E. Kinabukasan ay text agad niya ang tumambad sakin at letter F naman, nang bandang tanghali ay U at bago dumating ang araw na ito'y L ang tinext niya. Ewan ko ba kung ano ang trip ng texter na 'to. Minsan ko na siyang tinext na, tigilan na ako pero wala pa rin. Hinayaan ko na lang.



Hanggang sa ito nga't nagtext ulit siya at nang basahin ko ito'y, napatigil ako sa paglalakad at pinanlamigan na lang bigla. Hindi na siya yung usual one letter text na lang, isa na itong pinahabang message.



+63936*******

Be mindful of your surroundings Shane, they're watching.



Napatitig pa ako ng ilang segundo sa screen ng cellphone ko hanggang sa mamatay na ito. Nanatili akong nakatayo sa harap ng upuan ko, nalilito at the same time natatakot. Matatanggap ko pa sanang wrong send ito pero alam niya ang pangalan ko at matagal na siyang nagte-text.



Napasinghap ako ng may humawak sa balikat ko, nilingon ko siya at tumambad si bessy sa gilid kong tila nag-aalala. "Bessy okay ka lang?" tinitigan ko siya saglit bago sumagot, "O-okay lang." hilaw na ngiti ang naukit sa aking labi bago ako naupo sa upuan ko.



Parang kanina lang ay ang ganda ng mood ko pero sa isang simpleng text ay nawala lahat ng good vibes sa katawan ko. Sino kaya siya? Sinong nakamasid sakin? Ginagago lang ba ako nung nagtext o nagsasabi talaga siya ng totoo?



"Bessy!" tawag ni bessy sakin na nakaupo na rin sa tabi ko at may hawak-hawak na notebook.



"Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo? Bigla kang namutla dyan?" sinikap kong ngumiti sa harap ni bessy despite the fact na kinakabahan ako na ewan. Hindi ako sigurado sa nareceive kong message pero kinutuban ako bigla ng masama.



"O-okay lang ako bessy." tinuon ko ulit ang tingin sa harap nang magbeep ulit ang phone ko kaya tiningnan ko ulit ang message na dumating sakin. Napalunok ako ng makita ang parehong numero ng nagtext sakin kanina.



+63936*******

Don't go home alone, stay with someone if necessary. His not there to watch over you.



What the fudge! Now this is not a prank text nor wrong send. Para talaga sakin ito! But who the hell is this mysterious sender?



Tumayo ako sa upuan ko't nagpaalam kay bessy na pupunta lang sa comfort room. Tinungo ko ang restroom sa third floor ng building at tiningnan lang ang sarili sa salamin.



Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa mga oras na ito. It's my first time to receive messages like this one, napaka-rare at biglaan.



Yesterday, bago kami tuluyang umalis ng burol ay may namataan akong dalawang lalaki malapit sa isang puno. Yung isa ay prenteng nakaupo sa taas ng sanga samantalang yung isa naman ay nakasandal lang sa katawan ng puno. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil madilim. Hindi ko na lang sila pinansin ng mga oras na yun dahil nagbubugbugan na si Chase at Blood. Natuon ang buong atensyon ko sakanila at nakalimutan ko na ang tungkol sa dalawang lalaki.



Labis ang pag-aalala ko sa ginawa nilang pag-aaway kagabi pero mabuti na lang at maayos na sila ngayon. Tungkol sa babaeng si Ava ang pinag-aawayan nila kagabi at nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa puso ko dahil dun. Marahil ay nagawang magmahal ni Chase ng ibang babae sa limang taon na yun o pwede ring it was Hellard and not him. Pero may Hellard nga ba o wala?



Nalilito ako sa mga nalaman ko kagabi. I can't decide if Chase and Hellard are just one person,what if his really Hellard and not Chase?



Pumikit ako at winisik ang ideya sa aking isip, mataman kong tiningnan ang sarili sa salamin. Obviously, Chase can't remember everything, he can't remember me nor that Ava girl, Blood was talking about. Is Ava her present girlfriend?



Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi, marami pa akong katanungan na kailangan niyang masagot nalilito ako tapos heto pa't may dumagdag na naman sa mga iisipin ko.



Sino ang dalawang lalaking nakita ko sa burol? Sino ang nagte-text sakin? May chance ba na yung dalawang lalaki sa burol ay ang isa sa mga taong nagse-send sakin ng hindi maintindihan na messages? Si Chase at Hellard ba ay iisang tao lang? Now that I think about it, magulo pala talaga ang sitwasyon ngayon.



Sa limang taon na yun na lumipas malamang ay maraming pagbabagong naganap. Hindi ko matukoy kung alin ba ang tama sa mali sa mga naiisip ko. I've concluded things which I don't even know if totoo. Pero kung papipiliin ako sa mga scenerios na naisip ko, mas pipiliin kong paniwalaan na nakaligtas si Chase mula sa pagsabog at ngayo'y nasa katauhan ng isang Hellard na hindi ko alam kung sino.



Anyway, back to the text message, tiningnan ko ulit ito at binasa ng paulit-ulit. Isa lang ang pinupunto niya sa mga message niya, ang mag-ingat ako. Kinakabahan ako pero nagawa kong tawagan ang number ng nagtetext sakin, I felt frustrated nang busy tone lang ang naririnig ko sa kabilang linya. Inulit ko ulit ang tawag at ganon pa din ng ganon hanggang sa mapagod ako at naisipang bumalik na lang ng room.



Lumilipad ang isip ko habang nagle-lecture sa unahan ang prof. namin, hindi ko maiwasang hindi mapaisip.



Nang matapos ang pang 5 PM na klase namin ay nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Naiwan kami ni bessy sa room at nag-aayos pa ng gamit.



"Bessy, hindi pala ako makakasabay umuwi sayo ngayon, may kailangan pa kasi akong puntahan." kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya, tiningnan ko siya at parang gusto kong sabihin na sasamahan ko na lang siya sa pupuntahan niya pero iba ang lumabas sa bibig ko.



"O-okay lang." napalunok ako matapos ko yung sabihin at pinagpawisan ang aking noo.



"Sorry bessy ha, magtaxi ka na lang pauwi, wag ka na muna mag-bus. Para less hassle. Tayo na." hinila na ako ni bessy palabas ng room namin kaya nagpatinaod na lang ako sakanya.



Naghiwalay kami ng nasa labas na ng gate, kumaway siya sakin habang papasok sa loob ng taxi. "Bukas na lang natin pag-usapan yung tungkol sa nangyari kahapon ha! Punta ako sa bahay niyo! Ingat ka bessy! Ba-bye!" tsaka niya isinara ang pinto. Hinatid ko na lang ng tingin ang sinasakyan niyang taxi hanggang sa mawala ito ng tuluyan sa paningin ko.



Bumuntong-hininga ako tsaka nag-umpisang maglakad palayo sa University. Nakikisabay na lang ako sa mga naglalakad na estudyante papunta sa sakayan. Aminin ko man o hindi ay natatakot ako, sinong hindi matatakot?



Plano ko pa naman sanang kitain si Chase ngayon pero naisip kong hindi ko nga pala alam kung saan siya makikita, maging ang number niya hindi ko pa rin nakukuha. Ang bobo ko talaga!



Napaigtad ako bigla ng magvibrate ang cellphone sa pocket ng bag ko, kinuha ko ito mula sa bulsa at nakitang hindi ito isang simpleng text kundi isang tawag mula sa isang unknown number iba sa number ng nagte-text kanina. Sino naman kaya ito?



Nanginginig ang daliring pinindot ko ang green button sa phone screen ko, dahan-dahan kong nilapit sa tenga ko ang phone tsaka pinakinggan ang ingay sa kabilang linya.



Nung una ay tahimik pero alam kong may tao sa kabilang linya dahil naririnig ko ang paghinga nito.



"Alone?" agad na nagtaasan ang balahibo sa aking katawan dahil sa napakalamig na boses mula sa kabilang linya, nanuyo ang aking lalamunan at namutla ako bigla.



"S-sino k-ka?" nanginginig ang boses na tanong ko sakanya. Isang mabilisang tawa lang ang narinig ko mula sa kabilang linya tsaka ulit ito nagsalita.



"Gusto mo malaman kung sino ako?" napalunok ako,mali atang tinanong ko siya ng ganon. Pero nacu-curious lang ako, ngayon lang 'to nangyari sakin though this past few days, pakiramdam ko'y ligtas ako at palaging may nakabantay sakin. Ngayon pakiramdam ko'y nasa panganib ako.



"O-oo." napapikit ako dahil sa aking naisagot. Hindi dapat yun ang sinabi ko pero gusto kong malaman kong sino siya! Siya rin ba yung nagtext sakin kanina?



Sinipat ko ng tingin ang mga estudyanteng dumadaan sa tabi ko, gusto kong sabayan sila sa paglalakad pero parang napako ang mga paa ko sa semento at di makahakbang.



"Pfft~then magpapakita ako sayo." napatayo ako ng tuwid at nilibot ng tingin ang buong paligid. He maybe watching from somewhere not far from where I am standing pero wala naman akong mamataan na nakamasid sakin.



Tinuon kong muli ang atensyon sa kabilang linya, "Pa-paano?" I challenged him. What if niloloko lang ako ng caller na ito at wala lang mapagtripan? Kailangan kong ipakita sakanya na hindi ako natatakot o nadadala sa trip niya. I'm a sadist and I can handle myself well. Well, yun eh kung ako pa rin ba yung dating sadista ng highschool year namin.



Marami nang nagbago sakin, nagsimula akong maging mahina nang mawala si Chase sa buhay ko, simula nun ay hindi ko na ulit nagawang mang-sadista. Naging mahinhin ako na ewan at naging babaeng-babae kung kumilos. Binago ako ng panahon at hindi ko masabi kung ito ba ay pabor sakin o hindi.



Pero this time, kailangan ko atang bumalik ulit sa dating ako, yung walang kinatatakutan at handa sa kung ano man.



Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya kaya ako na ulit ang nagsalita, "I dare you. Kung hindi ka nangti-trip, edi magpakita ka sakin!" There, The sadist is back! Kahit papano ay nawala yung takot ko.



Isang malakas na tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya, hindi lang isa pero may dalawa pang nakikitawa sakanya. Napalunok na lang ako ulit dahil ang mga tawang sa linya ko lang naririnig ay unti-unting nagiging totoo sa pandinig ko.



"Then look behind you." I froze at naibaba ang kamay ko. I can no longer hear the noises from the other line at ingay na lang ng mga kuliglig sa paligid ang naririnig ko. Wala nang tawanan pero I can sense a presence at my back.



Huminga ako ng malalim at inilagay ang nakakiyom kong braso sa aking dibdib. Dahan-dahan akong lumingon at agad na pinanlamigan nang makita sila sa roon.




WHAT THE!



* * * * * *



There, I updated as early as possible kasi bukas busy ako. HAHA. Please don't forget vote, comment and vote. HAHA XD Goodnight sweeties. Saranghae! <3 <3 <3 





Continue Reading

You'll Also Like

877K 30.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.9M 75K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
20.9K 687 95
Anong kayang mangyayari sa isang barkadang magkakapatid ang turingan kung sila rin naman ang magkakainlove-an? (Original Version) New Version: The Lo...
67.9K 1.3K 37
Meet Briana Angel Consueras. A girl that doesn't believe in shooting stars. Pero nang dahil sa best friend niya bigla siyang naniwala dito at mas la...