A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Thirty Nine

11.4K 408 65
By littlemissselle

To: A-hole <3
Guess who's free today?

I texted him early in the morning and I only got his reply after lunch.

From: A-hole <3
Sorry late reply. I love you, baby. Can I fetch you?

Niyugyog naman ni Zoe ang braso ko. "Isama niyo naman kami!"

Patalong umupo si Tanya sa kama ko. "Oo nga! Para namang 'di kaibigan 'to oh."

"Kung hindi naman dahil sa'min, 'di ka papayagang lumabas eh."

"Yeah, and as if you can tell your dad na si Deign kasama mo."

I rolled my eyes. Pasalamat na lang ako na andito sila pero medyo ginagamit nila 'yon sa'kin para sundin ko mga gusto nila. These girls talaga oh. Being too open and dependent to your friends can really be a disadvantage sometimes.

They used their "charm" on Papa kaya pinayagan kaming tatlo na lumabas. Pinagmalaki nila na they already had a tour here before kaya alam nila ang pasikot-sikot at 'di na namin kailangan ng magbabantay.

And of course, it was a half lie. A part of it was true kasi talaga namang nakapunta na sila dito nung fieldtrip nila and the other half was a lie kasi 'di naman talaga nila alam ang pasikot-sikot dito. Panay pa ang tanong namin sa bawat makakasalubong namin kasi medyo tatanga-tanga kami. Nagkataon pang 'di namin naintindihan 'yung iba naming napagtanungan kasi 'di kami nakakaintindi ng Ilocano.

Nakipagkita kami kay Deign sa may tindahan, 'di kalayuan sa rest house namin. Nang dumating siya ay sinalubong namin ang isa't isa ng isang mahigpit na yakap.

"Che! Ang aga-aga ha!" Reklamo ni Zoe.

"Bitter ka nanaman, friend." Sabay tapik ni Tanya sa kaniya.

Umismid itong isa. "Wow, ako? Ako talaga? Seryoso? Sino ba walang lovelife dito?"

Tumaas ang kilay ko. "Bakit, may lovelife ka Zoe?"

She sheepishly smiled. "Shocks, nadulas na ako. Shit. Pero 'wag mo na lang sabihin kay Phillip na sinabi ko sa'yo ha? He wants to keep it a secret between us muna eh."

At dahil yakap ko pa rin si Deign ay naramdaman ko ang pagtawa niya. It just made me wanna hug him tighter.

Napamura na lang si Tanya at nagpumilit na mamasyal na kami dahil nase-stress na siya sa kaibigan namin.

Pinasyal kami ni Deign at ipinakilala sa mga pinsan niya. Nakakatuwa lang na tila proud siyang ipakilala ako bilang girlfriend. Nakakagaan sa pakiramdam.

Pumunta kami sa Vigan at doon naisipang kumain. Si Deign at ang mga pinsan niyang lalaki ang nagprisintang umorder para sa amin kaya kaming mga babae ang naiwan dito.

"Gia, 'di ba nakapunta ka na sa England? Omg, gusto ko rin do'n! Maganda ba do'n?" Tanong ni Cassy.

I nodded. "Sobra. Though, sa una nakakabigla lang 'yung pagka-liberated nila pero nakakasanay na rin."

She smiled as if she's dreaming. Pero naagaw ang atensyon ko sa pagsiko ni Tanya at tinanguan niya ako sa direksyon kung na saan ang ibang pinsan ni Deign na nagbubulungan at nakatingin sa akin. Ramdam ko talagang itong grupo na ito ay ayaw sa akin. Palagay ko nga, si Cassy lang ang nakakatanggap sa akin bilang girlfriend ng pinsan niya eh.

Dumating na rin si Deign at ang mga pinsan niyang may dalang pagkain. Siyempre katabi ko siya at nahihirapan ako sumubo gamit ang kaliwang kamay ko dahil hawak-hawak ni Deign ang kanang kamay ko.

"Tikman mo 'to," pagkalingon ko naman kay Deign ay nakatapat na sa akin ang kutsara niyang may lamang pagkain. Isinubo ko naman 'yon at napangiti ako sa sarap. "Sarap 'no?" He smiled like a kid who got his candy.

Nawala rin naman agad ang ngiti ko nang magsalita ang isang pinsan niya na mula sa grupong tila ayaw sa akin.

"You really look familiar, Gia."

Napaisip naman ako kasi hindi ko pa naman talaga siya nakikita ever. She doesn't really look familiar to me.

I just shrugged. But Cassy butted in saying, "guest sila before sa resort! Baka do'n mo siya nakita?"

"Maybe." At kumain na lang siyang muli.

Habang nagkakatuwaan ang lahat maliban sa akin dahil naba-bother pa rin ako sa paminsan-minsang tingin ng mga pinsan niyang ayaw sa akin, napasinghap ang isa sa kanila.

"I knew it!" Tumayo ito at itinuro ako. "Familiar ka talaga kasi ikaw 'yung girlfriend ni Gavin!"

Hinila siya ng isa niyang pinsan maupo dahil naagaw niya ang atensiyon ng ibang tao.

"'Wag mo sisigawan at duduruin ang girlfriend ko." Deign's voice was stern and very commanding. "Si Gia ay sa akin hindi kung kanino."

"Seriously? Dada 'wag kang pabulag diyan sa babae na 'yan."

"At may pangalan ang babae na 'yan."

And they started to argue with their dialect. Words that I can hardly understand but I know I was behind it.

She even showed a picture that Gavin recently posted. A picture of me and him way back then when we were still together.

My hands turned to a fist. I badly want to punch him right on his face just so he know how I furiously hate him right now.

Tumayo si Deign at hinila ako palabas ng restaurant. Agad naman na sumunod ang dalawa kong kaibigan. Hindi sila nagsasalita hanggang sa maihatid kami ni Deign sa rest house.

Nauna na nang pumasok 'yong dalawa para hayaan kaming makapagusap sa loob ng kotse.

Kumapit ako sa braso niya. "Deign, I'm sorry."

He held my left cheek. "Bakit ka humihingi ng tawad eh wala ka namang kasalanan?"

"Kasalanan ko. Dinamay pa kita sa gulo na 'to. Sorry. Hindi na lang din muna ako magpapakita sa mga pinsan mo."

He shook his head. "Don't mind them. We shouldn't mind them. We shouldn't give a fuck to what other people say. It's not their words that made me love you hard." He leaned forward. I saw how his eyes went down to look at my lips. "And it wouldn't be their words that could make me love you less."

His sweet little kisses put me at ease. I love how he always makes me feel loved despite the trouble around us.

I went inside and welcomed by Papa's death glare.

"I told you not to..." He wasn't able to finish his sharp words when tears went down to my cheeks. "Why are you crying? Pinaiyak ka ba ng Deign na 'yon?"

Nilapitan niya ako at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ako nagsalita pero umiling ako.

"Pinaiyak ka ba niya?" I shook my head. "Eh sino nagpaiyak sa'yo?"

"Ikaw." I kept on crying. It seems like there are still a lot of things inside that I can't really tell them.

"Ako? Bakit ako?" Patuloy niya akong inaalo at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

I fuckin' missed my Papa.

"I missed you." I hugged him tightly. I buried my face on his chest and cried. "I am so sorry for everything. Sorry for disappointing you. Sorry if I'm a shame to our family. Sorry for not being a good daughter."

He hushed me and kissed my forehead. "I love you baby. Kahit naman sino mabibigla at magagalit sa ginawa niyo hindi ba?"

I nodded. "Opo. Sorry Papa. Sorry. I tried my best to do what's right but my heart kept on telling me that Deign makes me happy." Hindi siya sumagot at ngumiti lang.

Hinila niya ako sa labas papunta sa dagat at nabigla ako nang sabuyan niya ako ng tubig.

"Papa! Ano bang ginagawa mo?"

"Nililinis ko na ang kasalanan mo sa'kin. Tanda mo ang araw na ito, bagong buhay ka na ha."

I can't help but to laugh. "Seriously?" At sinabuyan pa niya ako nang sinabuyan ng tubig. "Papa! Enough na!" I giggled.

"Last na!"

Pakiramdam ko ay maiiyak ulit ako pero this time dahil masaya ako. Masaya akong kasama ko ang Papa ko.

Naupo kami sa dalampasigan habang yakap-yakap ko siya at naka-akbay naman siya sa akin.

"Papa, bati na talaga tayo ha?"

He nodded. "You know what, Gia?"

"What?"

"I am a big believer of time." My forehead creased and asked him why. "I make use of time to heal everything. I use it to let others decide on their own. I gave it to your Mama until she's ready."

I looked at him. "Ready for what?"

He shared me a story of how my grandparents doesn't want Mama to have a boyfriend yet pero they're together na no'n. And then, he knows naman daw na she's not yet ready na ipakilala siya kanila Lolo so he didn't push her that much about it and let her prepare until she's ready to introduce him.

It doesn't look like my Papa would do such a thing, yeah, so I teased him but the topic went back to me.

"But in your case, you didn't use time. Why? Bakit kailangan pa nila magsabay? Bakit hindi mo na lang diniretso si Gavin?"

I sighed. "Ang hirap naman kasi matiyempuhan ni Gav, Papa eh. I mean, he's always busy. I don't want to leave him a message na lang na I'm breaking up with him, I don't think that's right."

"So having the two of them is right?" I wasn't able to answer. "Anak, sana tiyanaga mo na lang. Sana hinintay mong masabi sa kaniya ang lahat bago naging kayo ni Deign. Hindi ba makapaghintay ang isang 'yon?"

I laughed a little. "Deign is a nice guy. It's just that habang tumatagal nararamdaman kong nasasaktan siya at natakot akong mawala siya sa'kin. I love him so much and I wouldn't mind being selfish and unfair just to keep him."

He gave me a look. "Fierce?" I glared at him. "Anak, kahit saang anggulo mo kasi talaga tignan, mali eh. May mga bagay talaga na kahit bigyan mo ng rason, mali pa rin sa paningin ng iba. That's how world turns; mayroon at mayroong masasabi ang ibang tao sa bawat kilos at salita mo."

That sucks. Pinangaralan pa ako ni Papa bago namin naisipang tumayo at bumalik sa loob ng bahay. Pero ako tuluyang makapasok ay hinila ni Papa ang tshirt ko at pinaharap sa kaniya.

"'Wag mo iisiping ikinakahiya kita kasi kahit anong mangyari anak kita, okay? Ikaw lang ang prinsesa ko kaya hinding-hindi kita ikakahiya."

Nagulat naman si Mama nang makita kaming okay na ni Papa. Tuwang-tuwa siya at pinagluto kami ng masarap na hapunan.

Pinapayagan na ni Papa na lumabas kami ni Deign pero dapat ay susunduin ako dito ni Deign at kasama ang mga kaibigan ko para raw wala kaming maisip na gawing iba.

Nasa Baluarte kami ngayong apat at naging photographer si Deign ngayon, well at least hindi photobomber. Medyo maraming tao sa 'di malamang kadahilanan. Mukhang may shoot kasi nakakita kami ng mga camera. Umiwas na lang kami sa mga tao at doon lang lumagi area na kakaunti lang.

"Gia! Sandali lang ah bibili lang ako ng shirts!" paalam ni Tanya.

"Tumawad kayo para makamura." Payo ni Deign.

Zoe laughed. "Kuripot mo rin eh. Nako Gia, hirap ng ganiyang boyfriend." At sumunod na siya kay Tanya sa bilihan ng t-shirt.

Kumunot ang noo ni Deign at tumingin sa akin. "What? Wala akong sinasabi dito ah," I said innocently.

Then, he looked away. But a sudden noise got my attention.

"Gia!" May hindi pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko na lang ang press na tumatakbo papalapit sa amin, sa akin.

"Gia. Andito ka ba para dalawin si Gavin sa set?"

"Gia, balak mo ng aba sorpresahin si Gavin dito?"

"O baka naman nagbabakasyon talaga kayong dalawa ngayon dito sa Ilocos?"

"Sino ang mga kasama mo?"

Ano? Dalaw? Set? Surprise? Gavin?

"Ha?" tanging nasagot ko.

Bigla namang lumipat ang tingin nila sa katabi kong si Deign.

"Sino siya?"

"Kasama niyo ba ang mga kaibigan niyo dito?"

Bago pa ako makapagsalita ay nagulat na lang ako nang may umakbay sa akin at nakita ko sa aking tabi si Gavin. What the heck?

"Yeah, magkasama talaga kami ng girlfriend ko dito sa Ilocos."

Pilit kong tinatanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "Ano bang sinasabi mo?"

Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang pagtanggal ni Deign sa kamay niya at bigla namang nagsilipatan ang mga camera kay Deign.

Siniko ko si Gavin na hindi masiyadong mahahalata ng media dahil ayaw ko pa rin naman siya mapahiya, naging kaibigan ko pa rin naman siya. You can't really be friends with your ex, damn it. Akala ko may chance eh, pero hindi, Malala itong si Gavin.

"Ah ikaw naman, kaibigan ka ba ni Gavin at Gia?" tanong ng isang reporter kay Deign.

"Hindi," diretsong sagot nito.

"Hindi ba basketball player ka? Parang ikaw 'yung nakita ko sa isang game eh."

"Ah, opo."

"So anong relasyon mo sa kanilang dalawa?"

Magsasalita pa lang si Deign nang unahan siya ni Gavin. "Schoolmate. Tama, schoolmate siya ng girlfriend ko. Actually, kasama rin niya girlfriend niya eh ewan ko lang kung na saan."

"Ako, andito ako." Agad kong sagot. Bwisit na 'to si Gavin ha.

Bakas ang pagkagulo sa mukha ng mga reporter at bigla namang dumating na rin si Zoe at Tanya.

"Oh guys, namili lang kami may media na?" bungad ni Zoe.

"Ah I think...this is all wrong." Mahinang banggit ni Tanya.

"Siya. Siya ang girlfriend ko." Napatingin ako kay Deign at nakita ko na lang na hinila niya si Tanya sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito.

I opened my mouth but nothing came out of it. It's like I am trying hard to say something but my tounge can't work with me.

Nakita ko ang pagngisi ni Gavin at siya na ang kusang nagpalayo sa media. Nagpaalam siya sa akin na babalik na siya sa shoot at hinalikan pa ako sa pisngi.

Tangna.

Pero mas tangna 'yung ginawa ni Deign.

Nauna akong maglakad palabas ng Baluarte at dumiretso sa tapat ng sasakyan ni Deign. Pinanood ko ang pagsunod nila sa akin at hanggang ngayon ay hawak pa rin niya talaga ang kamay ni Tanya.

Wow.

Hinatid kami ni Deign pauwi pero hinila niya ako muli pasakay sa sasakyan niya at dinala ako sa Bangui. Nakakainis. Hindi ako umiimik at ganoon din naman siya.

"Magsalita ka naman Gia oh." Niyakap niya ako mula sa likod pero tinulak ko pa rin siya palayo.

"Bakit, gusto mo ba mamura?"

"Bakit sa akin ka nagagalit?"

I crossed my arms. "Ah, dapat ba kay Tanya? O edi sige ihatid mo na 'ko at magagalit ako sa kaniya."

"Gia," sinubukan niya akong hawakan sa braso pero tinapik ko ang kamay niya. "Ginawa ko lang naman 'yon para manahimik na 'yung mga reporter. Alam kong nase-stress ka sa kanila kanina at ayaw ko no'n."

"Kailangan mo pa ba talaga gawin 'yon? Kailangan mong sabihin na girlfriend mo ang kaibigan ko sa harap ko pa mismo?"

He sighed. "I'm sorry okay? It's not as if I have a choice. Sinabi ni Gavin na andon din 'yung girlfriend ko."

"O bakit, ando'n naman ako ah? Hindi mo na ba 'ko girlfriend? Kailan pa tayo nag-break? Hindi ako informed."

Nahilamos niya ang mukha niya at batid kong naiinis na rin siya. "'Pag sinabi ko bang ikaw ang girlfriend ko sa harap ng media, susuportahan mo? 'Pag sinabi ko ba 'yon, titigil na 'yang ex mo? 'Pag sinabi ko ba 'yon, magiging maayos na tayo?"

"Kaya ko naman sabihin na hindi niya na ako girlfriend eh!"

He sarcastically laughed, the side of him that I hate the most. "Talaga? Kaya mong ipahiya 'yung ex mo na first love mo?"

Yeah, I know na iniingatan ko pa rin naman ang image ni Gavin kasi at some point may kasalanan pa rin ako sa kaniya, may nagawa akong mali at kahit papaano ay pinipilit ko maging mabait sa kaniya pero nag-iba na talaga siya.

"Oo."

Umiling siya. "Hindi, Gia. Hindi mo kaya. Importante pa rin siya sa'yo. May halaga pa rin siya sa'yo. He still owns a part of you that I can never replace."

"What?"

Napasipa siya nang malakas sa buhangin na siyang dahilan para mapuwing ako pero 'di ko ininda iyon dahil mas malabo pa ang pinaguusapan namin kaysa sa paningin ko nang mapuwing.

"Nakakapikon na talaga 'yang Gavin na 'yan eh. Konting-konti na lang, papatulan ko na 'yan."

"Bakit kasi hindi mo na lang hinayaan na sabihin ko ang totoo sa media?"

"Kasi hindi mo talaga kaya. Hindi ko hahayaan na mabulok tayong lahat sa pagkakatayo doon sa paghihintay na masabi mo ang bagay na iyon."

He brought me home without resolving anything. Nanahimik lang kaming dalawa at hindi man lang nagkaayos.

When I got home, I saw Tanya sitting on the couch and I don't know what to say.


***

Sobrang sorry sa tagal ng update guys. Busy and pagod lang talaga madalas. Sorry huhu labyu all! May magbabasa pa kaya nito? Lol.


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
690K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
921 68 16
There's a rumor that the book entitled 'Aries' is based on real life. And if the rumor is really true, i'd like to go back in time when the book was...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...