My Ex Sister in-law (Intersex)

By MMR181996

86.3K 2.4K 165

GXG More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
Epilogue
Final Chapter

CHAPTER 25

2.5K 53 2
By MMR181996

-UNEDITED-

This is it, ito na ang araw na pinaka hihintay ko, ito na ang araw ng kasal namin. Palakad lakad ako sa kwarto kung saan kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Drie ano ba! Maupo ka nga, kanina pa ako nahihilo sayo." Saway ni Grey Sakin.

"Kinakabahan kasi ako." Saad ko habang naka hawak pa sa parte ng dibdib ko.

Hinila ako ni Asher para maupo sa tabi nito.

"Kalma, hindi ka tatakbohan ni Rihan." Natatawang turan ni Asher.

Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa kabang kanina ko pa nararamdaman.

"Hon, palabasin niyo na si Adriel. Mag start na daw." Rinig kong sabi ni Elle mula sa labas ng pinto.

"Ayosin mo ang sarili mo Drie, mag sisimula na." Pahayag ni France, na nakasilip sa pinto.

I composed myself, huminga ako ng malalim bago lumabas sa silid na iyon.

Nakangiting nakatingin ako sa mga magulang ko, people congratulated me. Binigyan ko naman sila ng tango at magandang ngiti.

"This is it Drie, alagaan mo ang anak namin." Saad ni Mommy Bel

"Of course Mom."

Mr. Javier, put his hand on my shoulder.

"Alam mo na, pag pinaiyak mo ang anak ko." Pananakot pa nito.

"Edwardo!" Saway naman ng asawa na ikinatawa niya lang.

Napapailing na lumapit ako kay Mommy at daddy, katabi ng mga ito si kuya na ang gwapo sa suot nitong tuxedo.

"Anak congrats." Mom hugged me.

Yumakap din ako Kay dad saka kay kuya.

"Nag bunga din ang lahat kapatid...ay matagal na palang nag bunga haha." Natatawang litanya nito. Sinimangotan ko ito na mas lalong nagpatawa dito.

"Ano ba yan! Ikakasal kana pero asar talo ka parin. Haist parang dati lang baby pa kita, ngayon nakakagawa kana ng baby." Dagdag pa na pang uurat nito.

"Kuya naman, ano ba yang pinag sasabi mo."

"Wala, I'm just happy for you." He said and tapped my shoulder.

Ilang minuto pa ang hinintay namin nang dumating ang sasakyan kung saan nakasakay ang mag ina ko.

Naiiyak ako dahil sa masayang pakiramdam, sa dinami rami naming pinag daanan sa wakas dumating na rin ang araw na pinaka hihintay namin.

Tumigil ang sasakyan at lumabas si Benjo, siya ang kinuhang driver ni Rihan.

Pero diri-diritso itong nag lakad papasok ng simbahan na ipinag tataka naming lahat.

Nasaan si Rihan? Tanong ko sa isip ko.

Anong nangyari?

Tumakbo ito papalapit sakin, kita ko ang pag aalala sa mukha nito.

"Hey, what happened?" Bungad na tanong ko.

"Drie, sila Rihan dinukot ng apat na armadong lalaki." Humahangos na sambit nito..

Para namang biglang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig.

-

Nag pupuyos ang damdaming palakad lakad ako sa sala, nandito kaming lahat ngayon sa bahay nag hihintay ng balita, pero putcha! ilang oras na ang nakalipas wala parin kaming natatanggap galing sa mga pulis. Mga bullshit!

"Drie, calm down-"

"Fuck! Paano ako kakalma? Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mag ina ko!" Singhal ko kay Greyselle.

Hindi pwedeng nakatayo lang ako dito, nakatunganga, kailangan kong gumawa ng paraan. Pero paano? Saan? Gusto kong sumigaw, manakit. Damn it!!!

Maya maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko, agaran ko itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko.

Unknown number calling..

"Hello-"

"Kumusta Montenegro?"

Parang gusto kong wasakin ang hawak hawak na phone nang makilala ko ang boses ng nasa kabilang linya, sumensyas si Mr. Javier na iloud speaker ang tawag na ginawa ko naman.

"Do you miss me?"

"Tangina mo Fuentes! Ibalik mo sakin ang mag ina ko!" Sigaw ko na animoy kaharap ko lang ito.

Malakas itong tumawa sa kabilang linya na akala mo'y nababaliw na.

"Kalma, papunta pa lang tayo sa exciting part."

"Fuck you!" Mura ko dito "ano ba'ng kailangan mo?!"

"Pera Montenegro. Pera ang kailangan ko." Mabilis na sagot nito

Tangina.

"Name your price Fuentes." Mabilis naman na saad ko.

Tumawa na naman ito ng malakas.

"Ang bilis kausap, okay 20 million Montenegro, 20 million ang kailangan ko kapalit ng mag ina mo." Ramdam ko pa ang panunuya ng boses nito.

"Okay sure, ibibigay ko sayo ang perang gusto mo, basta siguradohin mong walang galos ang mag ina ko! Dahil hindi ako mangingiming paputokan 'yang ulo mo Fuentes!" Banta ko sa kausap ko.

"Huwag mo akong takotin Montenegro!" Sigaw nito sa kabilang linya "I'll text you the address. siguradohin mong ikaw lang mag isa, dahil hindi rin ako mag dadalawang isip pasabogin itong mag ina mo Montenegro! Maliwanag ba?!"

"Mommy..." Napapikit ako dahil sa pag iyak ng anak ko sa kabilang linya.

"Shut up!!" Sigaw ni Lucas.

"No please.." sigaw naman ni Rihan.

"Patigilin mo yang anak mo! kung ayaw mong pag lamayan yan bukas!"

"Fuck you Fuentes!" Singhal ko sa hawak kong cellphone.

"Hahaha bilisan mo na Montenegro, hihintayin kita." Huling sinabi nito bago pintay ang tawag.

Humanda ka sakin!

Pagka tanggap ko nang text message galing kay Lucas, wala na akong inaksayang oras, agaran akong tumungo sa address na sinend nito, Dala ang perang kailangan niya.

Nakarating ako sa lugar kung saan puro mga malalaking bangka ang nasa harapan ko.

Hahakbang na sana ako nang biglang may sumigaw sa likoran ko.

"Tigil!"

Tumigil ako at marahang humarap sa nag mamay-ari ng boses na iyon. Then I saw Lucas, hawak nito si Andrie habang naka tutok ang baril sa ulo ng anak ko.

Nag lakad ako papalapit rito.

"Stop!" Pigil nito saakin ng ilang hakbang nalang ang layo ko.

"Yong pera?"

"No, bitawan mo muna ang anak ko bago ko ibigay ang pera sayo."

Biglang nag bago ang mukhang nito, nag mura pa nga ito dahil sa sinabi ko.

"Fine! sabay tayo." Saad nito.

"Sandali!" Sigaw ko kay Lucas.

"What?"

"Yong fiancee ko nasaan?" Tanong ko sa kanya, dahil hindi ko pa nakikita ang fiancee ko.

"Nasa bangka." Sagot nito at tinuro pa ang bangka na nasa gilid malayo samin.

Nakita ko si Rihan sa loob, nakatakip ang bibig ng maliit na tela.

Dahan-dahan nitong binitawan si Andrie at mabigat ang dibdib na binato ko sa harap niya ang perang dala.

Tumakbo si Andrie papalapit sakin.

"Mama I'm scared." Saad ng anak ko sa gitna ng pag iyak.

Lumuhod ako para mag pantay kami.

"Ssssh everything is fine baby." I hugged him. "Baby listen, I will count one to three, then run as far as you can okay? Ililigtas ko lang si Mommy." Bulong ko sa anak ko, tumango tango ito.

I kissed his forehead, tumayo ako at linagay si Andrie sa likoran ko.

"One.." mahinang bulong ko, sapat na para marinig ni Andrie.

"Two... Three."

"Ruuuuuun!!" Sigaw ko.

Mabilis kong hinugot ang baril na nasa likoran ko, kinasa ko ito at walang pag aalinlangang binaril si Lucas sa paa nito.

Nang mahega na ito dahil sa tama ng baril, tumakbo ako papalapit dito. Tinaas nito ang hawak na baril ngunit mabilis ko itong sinipa, kaya't tumalsik ito sa malayo.

Lumuhod ako at kwenelyohan ito.

"Tarantado ka!" Bulyaw ko sa mukha nito at mabilis na binigyan ng suntok.

"Tangina mo! Gago!"

Walang awang pinag susuntok ko si Lucas sa mukha, pero ang siste nakuha pa nitong tumawa. Kaya mas lalo lang na dagdagan ang galit ko sa gagong ito.

Bibigyan ko pa sana ito ng isang malakas na suntok, ngunit hindi ko ito natuloy dahil biglang dumating ang mga pulis.

"Mr. Fuentes ikaw ay inaaresto sa salang kidnapping, Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng abogado na iyong pinili." Saad ng police saka ito pinosasan sa magka bilaang kamay.

"Hahahahahaha." Malakas na tawa ni Lucas habang nakatingin sakin. "Akala mo magiging masaya na kayo? Hindi kayo magiging masaya Montenegro!!" Sigaw ni Lucas na parang nababaliw na.

"Bilisan mo!" Ani ng pulis kay Lucas, tinulak pa ito sa likod para humakbang.

"Walang magiging masaya dito Montenegro! HAHAHAHA."

Hindi ko ito pinansin, nag lakad ako sa kinaroroonan ni Rihan. Hindi pa nga ako nakakalapit rito nang bigla nalang sumabog ng malakas at mabilis tinupok ng apoy ang bangka kung saan naroroon ang fiancee ko.

Napatigil ako sa kinatatayoan ko, kasabay non ang panghihina ng mga tuhod ko. Hindi ko namalayang nakaluhod na pala ako sa semento habang naka tanaw sa nasusunog na bangka.

"Rihan Mahal ko." Saad ko sa sarili habang hindi mapigilang mapaiyak.

Parang malakas na tinusok ng punyal ang dibdib ko, kaya't ganon nalang ang pagdaan ng sakit mula dito. Nakatulalang nakatingin ako sa bagay na nilamon na ng apoy.

Dahil sa galit na nararamdaman naikuyom ko ang mga palad ko. Tumayo ako at tinakbo ang pagitan namin ni Lucas. Binigyan ko ito ng malakas na sipa sa dibdib kaya't napahega ito sa semento. Hinugot ko ang kutsilyong naka lagay sa ilalim ng sapatos ko at walang pangingiming dinamba ito sa dibdib.

Gulat ang rumihestro sa mukha ni Lucas, kinuha ko ang baril na nasa ulohan niya.

Ito yong baril na hawak niya kanina. Babarilin ko na sana ito sa ulo when someone grabbed my hand.

"Drie wag! nakikita ka ng anak mo." Usal ni France.

Inagaw nito ang baril na nasa kamay ko at hinila ako patayo.

Sukat doon ay biglang kumalma ang pagkatao ko, tumingin ako sa kinaroroonan ng anak ko. Andrie is now crying, lumapit ako dito at mabilis ko itong yinakap.

"Mama si Mommy." Saad nito habang walang tigil sa pag iyak.

Kahit ako ay napahikbi na rin.

"Baby I'm sorry." Yinakap ko ito ng mahigpit. "I'm sorry....hindi ko...hindi ko nailigtas si Mommy." Pumipiyok pa ang boses ko habang sinasambit ang mga katagang iyon.

Ang sakit.

Hindi ito ang inaasahan ko, bakit hindi nalang kami hayaang maging masaya?

Nakakagalit!!

Paano na kami ngayon ng anak ko?

------------------------+++++--------------------------

Reminder:

This story is not yet edited, so sorry for my grammatical error.

Kaya kung may nabasa man kayong maling spelling or graham (✌️) pasenya na po. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 32.7K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
15.2K 294 60
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: May 16, 2024
804K 39.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
SPG By JaiWrites

Short Story

21.6K 54 14
SPG