In Love With The Sinner (Sinn...

Da yurikurama24

804 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 56

18 0 0
Da yurikurama24

Chapter 56

"Fvck yo..." natigil sa ere ang sasabihin ni Jarred ng pagharap niya ay hindi si Teo o si Nald ang nasa harapan niya. Kundi si Ella na nakataas ang kilay habang hawak ang malaking timba na sa tingin niya iyon ang pinaglagyan ng malamig na tubig na puno ng yelo na ibinuhos sa kanya.

Nakasandal ang dalaga sa pader para maging alalay nito at hindi bumigay dahil patuloy pa ring nagpapagaling ito. Bigla niyang naibaba ang gitnang daliri na nakataas kani-kanina lang.

Hindi malaman ni Jarred kung ano ang gagawin o kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Nalilito ang utak niya. Hindi niya tuloy matukoy kung dahil ba sa lasing siya, o dahil sa malamig na tubig na bumuhos na kanya na sa tingin niya ay nagbigay pa ng bukol sa kanya. Hanggang sa makita pa niya sa sahig ng banyo na may malalaking yelo na nagkalat sa sahig maliban sa mga cubes.

"E-Ella," nauutal niyang sambit sa pangalan ng dalaga. Doon lang niya napansin na si Nald at Teo ay nakaupo sa may kama niya at pinapanood lang sila ni Ella mula sa bukas na pintuan.

"Anong sabi mo? Put*ng *na?"

Napangiwi naman si Jarred sa pagkakasabing iyon ng dalaga. Hindi tuloy niya malaman kung paano magpapaliwanag.

"Yes! No, sweetheart! H-hindi ganoon. I m-mean," halos mautal pa si Jarred sa sagot niya kay Ella.

"Fvck you ka! Bwisit kang gurang ka! Ano bang iniisip mo kung bakit ibinalik ko sayo ang singsing na iyon!? Matapos kong paghirapang hanapin sa basurahan sa tingin mo wala na iyong halaga sa akin! Kahit nga wala ka kasi kasalanan ko naman na iniwan kita ng walang paliwanag. Kita mong iningatan ko iyon. Binalak ko ngang ibenta para sa pagpapagamot ni Jarra. Tapos kung anu-ano lang ang naisip mo, dahil sa ibinalik ko iyon sayo!" humugot muna si Ella ng hangin bago muling nagsalita.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin sayong matanda ka eh! Kung wala ng halaga ang singsing na iyon, di sana ako na ang nagtapon noon! Tapos malalaman kong naglalasing ka lang dito sa bahay mo dahil ibinalik ko iyon sayo! My God Jarred! Ano ka teenager na hindi kaagad makapag-isip kung bakit napabalik sayo ang singsing na iyon? Ilang araw ng nagtatanong si Jarra kung bakit hindi ka pa niya nakikita. Bakit hindi ka nagpupunta sa bahay. Aba malay ko bang nandito ka at nababaliw na naglalasing at nagpapakalunod sa pag-inom!" napahilot ng sentido si Ella. Natigalgal naman si Jarred habang nakatingin kay Ella na sa tingin niya ay mainit ang ulo. Wala siyang masambit ni isang salita.

"Alam mo ba ang dahilan kaya ko ibinalik ang singsing na iyon sayo? Alam mo? Malamang hindi! Ganyan na ba pagtumatanda? Kung hindi mo alam, ipapaliwanag ko sayo. Ibinalik ko iyon sayo, kung naaalala mo ay nakangiti pa ako. Kasi gusto kong ikaw ang magsuot noon sa daliri ko. Noong una ko iyong natanggap ako na ang nagsuot. Kaya sana sa pagkakataong ito ay ikaw naman. Kasi tinatanggap na kitang muli sa buhay ko, sa buhay namin ng anak mo. Napag-isip-isip ko na ako nga ay mahal mo at tanggap mo ng buo sa kabila ng lahat. Ikaw pa ba ang hindi ko tatanggpin ay mula noon hanggang ngayon ay mahal na mahal kitang gurang ka! Tapos sa halip na isuot muli sa akin ang singsing. Inilagay mo sa wallet mong hudyo ka! Tapos nagbago na ang mood mo! Tapos noong sinabi ko sayong iyong singsing ang sagot ko sa tanong mo kung matatanggap ba kitang muli ay magkaiba pa pala tayo ng iniisip. Ako ay oo kasi mahal kita. Tapos iba pa lang ang sayo? Ano yan sign of aging? Humihina na ang comprehension response? Ano yan sa academics ka lang matalino at sa trabaho, pero sa pag-ibig bobo?"

Hindi na napigilang ilabas ni Ella ang kanyang saloobin sa naging reaksyon ni Jarred sa araw na iyon sa tabi ng dagat. Kung nagsalita sana noon si Jarred ay naipaliwanag sana niyang lahat dito. Pero mas pinili nitong manahimik kaya naman umabot sila sa ganoong sitwasyon.

Habang pinapanood naman silang dalawa ni Teo at Nald ay mababakas na sobrang aliw na aliw ang mga ito sa nasasaksihan.

Natigilan si Jarred. Mas lamang na sabihin na, na shock talaga siya sa mga sinabi ni Ella. Wala ni isang salita na lumabas sa kanya. Pero mas lamang na sabihing masaya siya dahil sa tingin niya ay nagbalik na ang dating ugali ni Ella. Makulit madaldal at masayahin. Iyon nga lang sa mga oras na ito ay mukhang galit sa kanya. Hanggang sa hindi niya namalayan na wala na pala sa harapan niya ang dalaga.

"Ella!" bulalas ni Jarred ng muling matauhan. Hindi na niya naabutan ng tingin si Ella ng magtuloy itong lumabas ng kwarto niya.

"Nagwalk out na. Bakit kasi ang hina mo daw sa comprehension response. Tsk," sabay na saad ni Nald at Teo, habang hindi pa rin mapigilang pagtawanan si Jarred.

Habang si Jarred ay hindi malaman ang gagawin para habulin si Ella. Bigla tuloy siyang kinabahan sa maaaring gawin ni Ella sa pagwawalk out nitong bigla. Natatakot siyang umalis na naman ito at lumayo na naman sa kanya. Kasama ng kanilang anak.

"Fvck!" sigaw ni Jarred ng bigla siyang madulas sa loob ng banyo. Paano niya mahahabol kaagad si Ella gayong basang-basa siya. Habang ang dalawa niyang kaibigan ay parang relax na relax habang nakaupo sa kanyang kama at mukhang wala siyang balak tulungan para habulin si Ella.

"Hindi ba ninyo hahabulin si Ella? Wala ba kayong balak na tulungan ako?"

"Sinamahan lang namin dito si Ella. Hindi namin trabaho ang maghabol sa hindi naman namin pag-aari," nakakalokong sagot ni Teo na lalong ikinainis ni Jarred.

Kahit basang-basa ang buong katawan at suot na damit ay pinilit ni Jarred na makalabas ng kwarto. Mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse niya. Na pinigilan naman ni Nald.

"Anong ginagawa mo Jarred!"

"Ano ba sa tingin mo Nald? Hahanapin ko si Ella. Hindi siya pwedeng umalis at magpakalayo-layo na naman. Mahal ko siya. Mahal na mahal pati ang anak namin. Hindi ako makakapayag na ilang taon na naman na mawalay sa akin ang mag-ina ko."

Tinabig ni Jarred ang kamay ni Nald at pinilit na makababa ng hagdanan. Kahit nahihilo siya ay hindi niya hahayaang makalayo si Ella. Hahabulin at hahanapin niya ito.

"Jarred saan ka pupunta? Nakung bata ka. Anong nangyari sayo at basang-basa ka? Bakit hindi ka muna magpalit ng damit," pigil sa kanya ni Manang Lena ng mapansin nito na babagsak si Jarred sahig. Mabuti na lang kahit papaano ay naalalayan siya ng matanda kaya naging mabagal ang pagbagsak ni Jarred.

"Diyos ko naman Jarred," nag-aalalang saad ng matanda ng matanawan si Nald at Teo na pababa ng hagdanan.

"Buhatin nga ninyo itong kaibigan ninyo sa kwarto niya."

"Ayaw ko manang. Kailangan kong mahanap si Ella. Hindi pwedeng umalis si Ella. Hindi niya ako pwedeng iwan ulit. Tama na iyong nakaraan. Huli na iyong noon," umiiyak na saad ni Jarred na hindi malaman ng dalawa kung maaawa ba kay Jarred o babatukan ang kaibigan.

Iyan kasi ang masama paglasing. Wala sa tamang pag-iisip. Kaya sabi nga drink moderately lang. Pero itong kaibigan nila, habang kaya pang uminom at may malay pa, iinom talaga.

"Ano bang problema mo?"

Nagulat na lang si Jarred sa boses ng babaeng nagsalita sa kanyang tabi. Hindi niya malaman kung iiyak na naman ba siya sa sobrang tuwa dahil nasa tabi niya ito ngayon kahit nakahiga siya sa sahig. May hawak na tinidor habang sa kabilang kamay ay hawak ang cake na paborito nito. Ngunit hindi iyon nakalagay sa platito kundi sa plato.

"Problema mo? Naiinis lang talaga ako sayo kaya sinabi ko ang lahat ng bagay na ikinaiinis ko sayo. Sa halip na ayusin mo ang sarili mo ay aalis ka. Saan ka naman pupunta?" nakataas pang kilay na saad ni Ella habang patuloy sa pagsubo ng cake na kinakain nito.

"I thought, you left me. Natakot akong iwan mo na naman akong muli," nahihiyang saad ni Jarred kahit iyon naman ang katotohanan.

"Sa kalagayan mong iyan na lasing ka, iiwan kita. Dahil sobrang inis na inis ako sayo. Kailangan ko ng pampakalma. May cake sa ref mo, nakita namin iyon kanina bago ka namin pinuntahan sa kwarto mo. Kaya naman para humupa ang inis ko sayo, kay sa kausapin ka pa ay nasabi ko na ang sasabihin ko di kainin ko na lang ito. Gaganda pa ang pakiramdam ko kasi napapakalma ako. Kay sa makipag-usap sa matandang gurang na lasenggero," paismid pang saad ni Ella na ikinangiti ni Jarred.

"Sweetheart naman matanda ng talaga?"

"Ay ano? Matanda ka naman kasi talaga sa akin ng sampung taon di ba? Twenty five pa lang ako habang thirty five ka na. Tapos ang drama mo pa di matandang lasenggerong gurang ka na."

"Pero mahal mo naman ang gurang na ito. At tatanggpin mo na ulit ako sa buhay mo at sa buhay ninyong mag-ina?"

"Oo naman. Kaya nga ako nandito at nagpaliwanag ng side ko. Kasi ang hina ng understanding mo. Nakakainis ka."

Dahan-dahan namang umalis sa tabi nila sina Teo, Nald at Manang Lena. Nagtungo na lang sila sa kusina at ipinagpatuloy na lang ang meryendang naudlot kanina.

"I love you sweetheart, promise babawi ako sayo at sa anak natin," nanghihinang saad ni Jarred dahil nakakaramdam na siya ng pagod at antok sa labis na kalasingan. Nahimasmasan lang naman siya kanina. Pero ang tama ng alak sa dami ng nainom niya ay hindi pa rin nawawala sa sistema ng katawan niya.

"I love you more Jarred. Nangako ako kay Jarra na kasama kita pag-uwi ko sa bahay."

"Sweetheart, can we stay here for a while. Sorry sa maling kilos at desisyon ko. Kaya lang parang hindi ko na kayang kumilos sa mga oras na ito. Dahil okay na tayo, nakaramdam tuloy ako ng antok at parang hindi ko kayang ikilos pa ang katawan ko."

Narinig naman ni Jarred ang hagikhik ni Ella. Para lalo siyang idinuduyan sa mga tawang iyon ng babaeng pinakamamahal. Napakasarap pakinggan.

"Naiintindihan ko, bili mo ulit ako ng cake ha," tumatawa pang saad ni Ella na ikinatango na lang niya. "Dito lang ako at hindi aalis. Matulog ka na lang muna hanggang sa mawala ang pagkalasing mo at kaya mo ng magmaneho. Ipapabuhat kita kay Nald at Teo at papalitan na rin ng damit. Sorry sa ginawa ko. Para lang mahimasmasan ka."

"It's okay sweetheart. Wala kang kasalanan. Ako ang lahat," ani Jarred sa mahinang tinig.

"I love you Jarred," malambing na saad ni Ella kasabay ng paghalik ng dalaga sa labi niya. Mabilis lang iyon, ngunit damang-dama ni Jarred ang labis na pagmamahal sa halik na iyon ni Ella.

"I love you more sweetheart, my Ella," puno ng sinseredad na saad ni Jarred hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang labis na antok.

Napailing na lang si Ella. Kahit mukhang haggard ang lalaking nasa harapan niya ay hindi niya maipagkakaila na gwapo ito. Kung kailan ito nadagdagan ng edad ay sa tingin niya mas lalo lang itong naging gwapo sa kanyang paningin.

"Thank you for loving me unconditionally Jarred. And I love you more, more than you'll ever know. Walang saglit na nawala ang pagmamahal ko sayo. Kahit noong itinaboy kita dahil natakot ako. Pero ang pagmamahal ko sayo, hindi iyon nagbago," ani Ella at hinalikan ang noo ni Jarred. Hindi naman lalaki lang ang pwedeng humalik sa noo. Dahil para sa kanya, ang halik sa noo ay tanda ng paggalang at labis na pagmamahal.

"I love you sweetheart, my Ella."

Napangiti na lang si Ella dahil kahit tulog si Jarred ay pinatutunayan nitong siya lang talaga ang mahal.

"And I love you more, Jarred."

















Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

Destiny Da Yurikurama24

Storie d'amore

1.2K 123 25
Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol s...
108K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
115M 5.1M 99
"It is your choice," he said, stepping so close to me that our lips were almost touching. "Either do what I say - or get another job." My heart s...
30M 395K 28
*WARNING: Written in 2008, some content may be offensive* Stasee is your typical shy, quiet teenage girl until the night her brother's best friend D...