In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

799 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 54

11 0 0
By yurikurama24

Chapter 54

Ilang buwan pa ang mabilis na lumipas at ngayon na ang araw na pinakahihintay nila. Nag-aayos si Ella mg gamit ni Jarra ng pumasok sa kwartong iyon si Maric.

"Patapos ka na?" isang tango lang ang naging sagot ni Ella.

Napailing na lang si Maric, dahil sa tingin niya ay papatak na naman ang luha sa mga mata ng dalaga, ngunit kababakasan ng labis na kasiyahan.

"O iiyak ka na naman. Dapat nga magtatalon ka sa tuwa dahil lalabas na si Jarra ng ospital. Ang tagal din natin itong hinintay. At ngayon magaling ng talaga ang anak mo. Pero ano at iiyak ka na naman?"

"Ano kasi, sobra lang talaga akong masaya Maric. Ang tagal kong ipinagdasal na sana ay gumaling na ang anak ko. Kahit iyon man lang ay matupad magiging panatag na ako. Na kahit mamatay na ako, ay maiiwang malusog naman ang anak ko," hindi na napigilan ni Ella ang paghikbi.

Kinuha naman ni Maric ang hawak na damit ni Ella at inilapag sa kama. Hinila naman nito si Ella paupo sa may couch na nandoon at mahigpit na niyakap.

"Akala ko ba okay ka na? Bakit ganyan ka na naman Ella? Masaya ka na eh. Di ba magaling na si Jarra. Maayos na kayo ng mommy mo. Nandito kami ng inay para sayo. Higit sa lahat pinagsisihan naman ng lover mo ang nangyari sayo sa inyong dalawa at ngayon bumabawi sayo at sa anak ninyo. Higit sa lahat ramdam kong mahal na mahal ka naman ni Jarred. Wag namang ganyan Ella. Ilang beses ka ng nagtangkang magpakamatay mabuti na lang at hindi mo pa oras. Isipin mo ang anak mo, Ella naman eh. Pati ako pinaiiyak mo," ani Maric na hindi na rin napigilan ang pagluha dahil sa sinabi ni Ella.

"Hindi ko kasi alam. Nag-aalinlangan kasi ako Maric. Kaya ko pa bang mabuhay ng normal at maging masaya sa kabila ng lahat?"

"Bakit naman kasi kailangang mag-alinlangan
Syempre mabubuhay ka ng normal, dahil marami kaming nagmamahal sayo. Ang nangyari ay parte lang ng nakaraan."

"Pero Maric natatakot akong baka panandalian lang ang lahat. Na hindi ko pala deserve ang atensyong nararanasan ko ngayon. Na dpaat pala nagpakalayo-layo na ako. Na dapat hindi na ninyo ako nakita."

"Relax Ella. Magiging maayos din ang lahat. Relax," ani Maric na hinawi ang buhok ni Ella na tumabon sa mukha nito.

Doon sila naabutan ni Jarred. Narinig lahat ni Jarred ang sinasabi ni Ella. Hindi naman kasi lingid kay Jarred ang pinagdadaanan ni Ella ay kailangan nito ng doktor na siyang magpapabalik sa dating Ella. Ang masayahin at walang kinatatakutang Ella.

"Ella," tawag ni Jarred kaya naman napatingin silang dalawa sa binata.

"Nasaan na si Jarra?"

"Nandoon sa may garden kasama ng mommy mo at Nay Angela. Katatapos ko lang ding ayusin ang lahat ng bayarin sa ospital. Kung ready na kayo ay maaari na tayong umalis.

"Patapos na ako sa pag-aayos."

Napatango na lang si Maric ng mapansing nakatingin sa kanya si Jarred tapos ay nagpaalam na ito kay Ella at sa binata na pupuntahan na lang nito si Jarra sa may garden.

Ipinagpatuloy ni Ella ang naudlot na ginagawa ng maramdaman niya ang mga braso ni Jarred na yumakap sa kanya, napatayo siya ng tuwid. Ang baba nito ay naramdaman na lang niya sa kayang balikat at ang hininga nitong tumatama sa kanyang batok. Halos hindi siya makahinga.

"I miss you Ella. Namimiss ko ang batang Ella na masayahin at makulit. Ngayong maayos na ang anak natin, hayaan mo akong tulungan kang bumalik sa dati. Matagal ko ng gustong sabihin ito sayo ng maalala mo ang lahat. Kaya lang ayaw kong kunin ang pagkakataon mo habang nagbabantay sa ating anak dito sa ospital. Gusto kong magpakonsulta ka sa psychiatrist. Hindi naman lahat ng dumudulog sa kanila ay may problema sa isip. Pero makakatulong sila para malampasan mo ang pinagdaanan mo. Hindi sa pinangungunanhan kita. Ikaw pa rin ang masusunod Ella. Pero kahit ano ang desisyon mo igagalang ko. Mahal na mahal kita Ella mahal na mahal."

Hindi naman kaagad nakapagsalita si Ella. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat maging desisyon niya. Ngunit tama si Jarred, mukhang mahirap hilumin ang masasakit na alaala kung hindi siya gagawa ng paraan para makalimot.

"P-pumapayag a-ako," nauutal pang saad ni Ella at ng maramdaman niya ang marahang pagdampi ng labi ni Jarred sa labi niya. Hindi niya namalayang nasa harapan na niya ang binata.

"Sasabihin natin kay Tita Elizabeth ang desisyon mo. Nasabi ko na rin iyan sa kanya. Sabi lang ni tita nasa sayo ang desisyon. Kaya ngayon sinabi ko na sayo. Tulungan na kita," napatango na lang si Ella.

Si Jarred na ang nag-ayos ng ilang gamit pa ni Jarra. Doon na sila nagtungo sa garden para puntahan ang naglalarong si Jarra kasama ang mommy niya at ang mag-ina.

Pagkarating ng bahay binuhat na lang ni Jarred ang anak patungong kwarto ni Ella na siyang magiging kwarto ng mag-ina. Nakatulog na kasi si Jarra sa byahe.

Inilibot pa ni Jarred ang mga mata sa kwarto ni Ella. Maganda naman at malinis. Kasya lang talaga ang mag-ina sa kama.

"Ayaw mo pa talagang sumama sa bahay natin?" hindi mapigilang tanong ni Jarred na ikinailing ni Ella.

"Hindi naman tayo mag-asawa para sumama ako sayo."

"Pero mahal kita, at alam mo yan sweetheart."

"Pero hiwalay na tayo, matagal na. Almost six years ago na."

"Okay," walang buhay na sagot ni Jarred.

Nilapitan na lang nito ang natutulog na anak at hinalikan sa noo. Pagkatapos ay pinagmasdan si Ella. Niyakap ni Jarred ang dalaga. "I don't know what to do para tanggapin mo ulit ako sa buhay mo, ninyo ng anak natin. I'm sorry to all the wrong things that I have done to you and to our daughter. Pinagsisihan ko iyon. Sana ay mapatawad mo rin ako Ella," napahugot pa siya ng hininga. "Sasabihin ko na lang din kay Tita Elizabeth na pumapayag ka ng magpagamot. Kakausapin ko na rin ang doktor para mabigyan ka ng schedule. I love you Ella. Always remember that," ani Jarred at pinatakan ng halik si Ella sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Napaupo na lang si Ella sa silyang nandoon sa tabi ng vanity mirror niya. Nakatitig pa rin siya sa pintuang nilabasan ni Jarred. Mahal din naman niya si Jarred. Iyon nga lang ay nandoon ang takot sa puso niya. Hindi para sa sarili niya na baka iwan siya ni Jarred. Kundi para kay Jarred na baka masaktan na naman niyang muli kung papapasukin niya itong muli sa buhay niya.

Kahit madali lang naman ang dapat gawin. Kalimutan ang nakaraan at harapin ang bukas na magkakasama sila. Siya si Jarred at si Jarra. Ngunit kahit madali lang gawain ay hindi niya magawa.

"Need ko talaga ng taong makakatulong sa akin. Para sa mga taong nakapaligid sa akin, sa anak ko, higit sa lahat para sa sarili ko."

Tumayo si Ella mula sa kanyang pagkakaupo at tumabi kay Jarra. Sa dami ng kanyang iniisip, nais niyang magpahinga muna.

Ilang araw mula ng makalabas ng ospital si Jarra ay nagsimula na ring makipagkita si Ella sa doktor. Nakikita naman ng doktor na maayos si Ella mayroon lang talaga itong takot na nakatago sa kaibuturan ng puso nito. Na kahit nakikita itong masaya ay may mga bagay pa ring hindi maiipagkaila na kailangang pagtuunan ng pansin.

Habang tumatagal ay nakikita nila ang malaking pagbabago ni Ella. Bumabalik na rin ito sa dati ang masayahing si Ella. Ngayon nga ay ang huling pagbisita nila sa doktor.

"Kinakabahan ka?" nakangiting saad ni Jarred. Sa totoo lang ay sobrang saya niya. Dahil bago ang araw ng pakikipagkita ni Ella sa doktor ay nagtampo pa siya sa dalaga. Tatlong araw din siyang hindi nakipagkita dito kahit sa anak. Sinundo lang niya ito sa bahay para sa unang session nito. Tahimik lang sila noon sa byahe. Hanggang sa pagkatapos sa doktor ay uuwi na sila sa bahay at walang imikan.

Ganoon lang palagi sila tuwing susunduin si Ella para humarap sa doktor. Pero nitong nakaraan ay talagang nagiging masigla na si Ella at kinakausap na siya ng maayos. Hindi na nga niya makita ang dating Ella bago ito nagpagamot.

"Anong kinakabahan? Excited ako. Imagine last day na ito ng pakikipagkita ko kay doktora. Natawa pa nga ako ng sabihin niya na sana daw ay hindi na niya ako muling makita sa clinic niya after ng araw na ito. Pero sana ay magkita kami sa ibang pagkakataon. Iyong magiging kakwentuhan na lang ako at hindi iyong ginagamot," mahabang paliwanag ni Ella na talagang ikinamamaha ni Jarred. Malaki na talaga ang ipinagbago ni Ella.

"I'm happy for you sweetheart. Na maayos ka na. Sana ay maayos na rin ang puso ko. Hindi naman sa naiinip ako na sagutin mo. Kasi kaya ko naman talagang maghintay sayo. Mahal kita."

Isang ngiti lang ang isinagot ni Ella kay Jarred lalo na at nasa harapan na sila ng clinic ng doktor.

Halos nasa isang oras ding magkausap si Ella at ang doktor nito. Halos kwentuhan na lang at nakikita niyang masaya na si Ella.

"So, ito na iyong huling araw ng gamutan natin. Congratulations Ms. Aragon," masayang saad pa ng doktor.

"Thank you dok. Masaya akong nakilala ka at salamat sa tulong mo. Kung hindi dahil sayo, siguro kahit sabihin kong hindi na ako natatakot, nandito pa rin sa puso ko ang trauma."

"Naging gabay mo lang ako Ella. Ikaw din ang tumulong sa sarili mo kaya ngayon maayos na ang lahat."

"Basta kung hindi dahil sayo, hindi ko magagawang bumalik sa normal ang buhay ko. Salamat ulit."

Matapos ang ilan pang diskusyon nagpaalam na sila sa doktor ni Ella.

Masayang naupo si Ella sa passenger seat. Hindi niya mapigilan ang sayang nadarama. Siguro dahil natanggap na niya ang nangyari sa kanya, at sabi nga ng doktor ay parte na lang iyon ng nakaraan. Oo nga at hindi iyon mawawala sa alaala niya. Pero ang sakit na dulot noon ay wala na. Tanggap na niya.

"May gusto ka bang puntahan," ani Jarred ng makapasok ito sa driver seat.

Hindi naman mapigilan ni Ella ang excitement sa tanong na iyon ng binata. Napahugot ng hangin si Ella at kinuha sa bag ang maliit niyang pouch na mula ng binigay sa kanya ni Maric ay hindi na nawalay sa kanya.

"Gusto kang magtungo sa beach. Gusto kong makita ang takip silim ayos lang ba? Nagpaalam na ako kay mommy at kay Jarra. Sabi ko gusto kong makipagdate sayo sa beach. Kaya bumili ka ng pagkain ha."

Hindi tuloy malaman ni Jarred kung paano ipapakita ang nararamdaman. Sa totoo lang kahit lalaki siya kinikilig siya sa sinabi ni Ella.

"Alright. Ano bang pagkain ang gusto mo?"

"Snacks lang. Daan na lang tao sa convenience store sagot mo ha."

Napangiti na lang si Jarred. "Walang problema sweetheart, ako ng bahala at kunin mo lang ang gusto mong kuhanin."

Mataas pa rin ang araw ng dumating sila sa may dalampasigan. Wala namang gaanong tao sa lugar. Iyon din ang lugar kung saan binalak ni Ella na lunurin ang sarili.

May dala silang beach mat na binili nila sa nadaanan sa labas. At lahat ng pagkain na binili ni Ella ay inilagay nila doon. Puro lang iyon mga junk foods, juice at bottled water. Hindi naman kinontra pa ni Jarred dahil minsan lang iyon at kagustuhan pa ni Ella.

Nakatingin lang sila sa karagatan habang hinihintay ang paglubog ng araw.

"Jarred, totoo bang mahal mo pa rin ako. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay? Hindi na ako kasing linis ng una mo akong nakita at alam mo yan," tanong ni Ella ngunit hindi na kababakasan ng pag-iyak. Malaki talaga ang naitulong ng pagpapagamot ni Ella.

"Hindi naman iyon ang sukatan ng pagmamahal ko sayo sweetheart. Ang mahalaga ay ikaw iyan at hindi ang iba. Pero ako ba? Matatanggap mo pa ba ako kahit noon ay nagawa kitang saktan?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Ella ng mapansin niyang lumulubog na ang araw. "Ang ganda," hindi niya napigilang maibulalas.

Napailing na lang si Jarred. Tumingin na lang sila sa papalubog na araw. Habang pinagmamasdan nila ang paligid ay mayroon pa rin namang liwanag. Hindi naman ganoong kabilis magdilim.

"Jarred may ibibigay ako sayo," napatingin naman si Jarred sa dalaga. Matagal na niyang napapansin ang maliit nitong pouch na palagi nitong dala, na ngayon ay hawak na ulit nito.

"Ano 'yon sweetheart," malambing pang saad ni Jarred ng kunin ni Ella ang singsing na nakalagay sa pouch na hawak niya.

Nandoon ang pagtataka sa mukha ni Jarred ng abutin ni Ella ang kamay niya at ilagay doon ang singsing.

"I-ito i-iyong..." nauutal pang saad ni Jarred na hindi niya maituloy ang dapat sabihin. Naguguluhan siya.

"Iyan iyong ibinigay mong singsing sa akin noong bata pa ako. Ibinalik ko yan sayo kung natatandaan mo at itinapon mo sa basurahan noong gabing iyon. Baka nagtataka ka kung paanong napunta ulit sa akin. Pagkaalis mo ay pinilit kong hanapin iyan sa basurahan at hindi ako nabigo nakita ko naman."

"P-pero b-bakit ibinabalik mo u-ulit sa a-akin?" kinakabagan talaga siya sa magiging sagot ni Ella. Kaya kahit sa pagsasalita ay nauutal siya.

"Iyan ang sagot ko doon sa tanong mo kung matatanggap pa ba kita," mahinahong saad ni Ella ng biglang magbago ang expresyon ng mukha ni Jarred.

Ang masayang awra nito kanina ay biglang napalitan ng hindi niya mapangalanang emosyon. Nakangiti ito sa kanya ngunit hindi niya mabasa ang nasa sa loob ni Jarred.

"Jarred?"

"Lumubog na ang araw. Ihahatid na kita sa inyo."

Tumayo si Jarred mula sa pagkakaupo. Ang singsing na inilagay niya sa kamay ni Jarred ay inilagay nito sa pinataka nito. Mayroon kasi iyong lalagyan ng coins at doon ni Jarred inilagay. Pagkatapos ay isa-isang sinamsam ang mga pinaglagyan ng pagkain nila at inilagay sa supot. Walang basurahan kaya naman sa loob na lang ng kotse inilagay ni Jarred ang mga basura nila.

Inalalayan pa siya ni Jarred pasakay ng kotse nito ngunit wala na itong sinambit pa na ibang salita. Naging tahimik pa ang kanilang byahe hanggang sa makarating sila ng bahay nila.

Akmang bababa na si Ella ng kotse ni Jarred ng bumalik siya sa pagkakaupo. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagbabago ng mood ni Jarred. "May problema ba?" hindi na niya napigilang tanong.

"Wala naman, sige na. Baka mahamugan ka pa."

"Hindi mo ba sisilipin si Jarra?"

Napailing na lang si Jarred. "Hindi na, pasok ka na."

"Ja..." tatawagin sana ni Ella ang pangalan ni Jarred ng makababa siya ng kotse nito, ngunit hindi na lang niya itinuloy ng mapansin niyang hindi naman nakatingin sa kanya si Jarred sa halip ay sa unahan ng sasakyan.

Halos magsikip ang dibdib ni Ella sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Biglang nagbago si Jarred. Naging malamig ito sa kanya ng hindi niya alam ang dahilan. Tapos ngayon ay parang ipinagtatabuyan pa siya nito.

Napahugot na lang ng hangin si Ella at binigyan ng isang matamis na ngiti si Jarred kahit magsisikip ang puso niya. "I love you Jarred," mahinang saad ni Ella na alam naman niyang narinig ni Jarred. Ngunit mukhang wala talaga sa sinabi niya ang atensyon ng binata. Napabuntong hiniga siya.

"Bye Ella," naging sagot ni Jarred sa kanya.

Nang bumukas ang pintuan ng bahay nila ay hindi na tinapunan ni Jarred ng tingin kung sino ang nagbukas at basta na lang pinaharurot ang sasakyan paalis.

Nasaktan siya sa ikinikilos ni Jarred na labis niyang ipinagtataka.



Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 123 25
Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol s...
103K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
1.5K 55 14
Erica, ang babaeng naging kasintahan na sikat na si Nicolai Gueros known as the Greatest playboy. mahirap paniwaalan pero ang dalaga lamang sya ang t...