In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

799 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 50

13 0 0
By yurikurama24

Chapter 50

Ilang tapik sa balikat ang nagpagising kay Jarred. Mumukat-mukat pa ang kanyang mga mata ng pilit niyang iminulat ang mga mata. Parang wala siya sa sarili ng mga oras na iyon. Para siyang lasing na hindi niya maipaliwanag. Sa pakiramdam niya ay masyadong mahaba ang naitulog niya sa hindi malaman na kadahilanan.

Iniaadjust pa niya ang mga mata sa liwanag ng ilaw sa kwartong iyon hanggang ma makuha niyang makaupo.

"Sir ayos ka lang?" tanong ng nurse na nasa harapan niya ngayon.

"Anong nangyari?" nag-aalangan niyang tanong ng medyo nakabawi siya sa sobrang kaantukan.

"Sir, kanina ka pa naming ginigising dahil iinom po sana ng gamot si Ms. Aragon. Kaya lang po..."

Napakunot noo si Jarred sa sinabi ng nurse kaya mabilis na hinayon ng kanyang paningin ang bakanteng kama. Wala doon si Ella. May bahid ng dugo ang kama at naiwan ang karayom na nakakabit sa dextrose na siyang nakalagay dapat kay Ella.

"What happened?" naguguluhan niyang tanong na hindi pa rin magsink in sa isipan ni Jarred ang nangyayari. "Where's Ella?"

"Sir iyon na nga po ang gusto naming malaman. Di ba sabi ko po sa inyo na hindi ko po kayo pupuntahan dahil baka magising pa si Ms. Aragon para makapahinga siya ng ayos. Humingi pa kayo ng sleeping pills. Pero bakit parang kayo ang nakainom ng sleeping pills?" tanong ng nurse na ipinagtataka rin ni Jarred. Dahil ang pakiramdam niya ay parang lasing siya sa antok gayong kaya niya ang matagal na puyatan.

"Nasaan si Ella?"

"Iyon na nga po ang problema. Kanina pa po akong thirty minutes na nandito at ngayon po ay five in the morning na. Hindi na po ako nagmonitor ng mula 10pm to 3am. Ngayon lang pong 4:30am. Tapos iyan po ang kama. Wala si Ms. Aragon. Ipinahanap ko na po sa buong ospital si Ms. Aragon pero wala siya. Kanina ko pa rin kayong ginigising," mahabang paliwanag ng nurse na maiiyak na.

Isusuklay sana ni Jarred ang kamay sa buhok niya ng mapansin ang papel na hawak niya. Doon bigla siyang binundol ng kaba. Para sa kanya ang papel na hawak niya. Nandoon ang pangalan niya. Higit sa lahat sulat kamay ni Ella ang pagkakasulat sa papel.

Dahan-dahang binuksan ni Jarred ang sulat. Parang nais ng lumabas ng puso niya sa kinalalagyan nito ng makita ang kabuoan ng sulat ni Ella. Parang ayaw niyang basahin pero kailangan. Sobra talaga siyang kinakabahan.

Jarred, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito, pero gusto ko pa ring gawin ang sulat na ito kahit sa huling pagkakataon. Mahal kita Jarred mahal na mahal mula noong nakilala kita hanggang ngayon. Sana ay paniwalaan mo. Kung natatandaan mo iyong lalaki sa park ng gabing iyon? Hindi ko talaga siya kilala. Maniwala ka. May mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag at sabihin pero hindi ka nawala dito sa puso at isipan ko. Sana mapatawad mo ako sa nagawa kong pag-iwan sa iyo ng walang dahilan. Natakot akong aminin sayo ang lahat. Hindi ko kayang mapahamak ka. At si Jarra, mas magiging masaya ako kung malalaman ko kung sino ang ama niya. Jarred hindi ako nagtaksil, ngunit hindi ko talaga alam kung sino ang kanyang ama.

Napatigil sa pagbabasa si Jarred. Parang pinipiga ang puso niya sa nababasa niya sa sulat. "Poor Ella, my Ella. Sorry," hindi niya mapigilang saad. Para siyang nauupos na kandila. Sobra siyang naaawa at nasasaktan sa mga pinagdaanang hirap ng kanyang minamahal.

Jarred sana kung makikita mo si mommy ihingi mo ako ng tawad sa kanya ha. Sabihin mo sa kanyang mahal na mahal ko siya. Naaalala ko na ang lahat. Alam kong kaya hindi ako gustong makita ni mommy kasi galit siya sa akin. Kasalanan ko din naman pero mas mahal ko siya kay sa sarili ko. Kaya mas mabuting ako na lang ang masaktan huwag lang kayo. Salamat sa maikling panahon na ipinaramdam mong mahal mo ulit ako. Alam kung kasusuklaman mo ulit ako pagnalaman mong natatandaan ko na ang nakaraan ko kaya naglihim ako sayo.

Hindi naman napigilan ni Jarred ang umiyak kahit nasa harap pa niya ang nurse. Sobrang bigat ng puso niya. "Hindi ganoon Ella. Dapat sinabi mong naaalala mo na ang lahat. Para naipaliwanag ko sayo. Oh! Ella," hindi niya mapigilang usal habang patuloy sa pagluha.

Ipinagpatuloy ni Jarred ang pagbabasa sa sulat ni Ella.

For the last time Jarred, I want to see the sunrise. Gusto kong makita ang bukang liwayway. Pagkatapos noon gusto ko ng makasama si Jarra at ang daddy ko.

"No! Ella!"

Napatayong bigla si Jarred at mabilis na lumabas ng kwartong iyon. Narinig pa niya ang oagtawag sa kanya ng nurse ngunit hindi na lang niya pinansin. Mas kailangan niyang mahanap si Ella.

Kahit medyo nahihilo pa siya dahil sa antok ay hinayon niya ang papalabas ng ospital patungo sa kanyang sasakyan. Kailangan niyang mahanap si Ella.

Pagkasakay ng kotse ay mabilis niyang tinawagan ang dalawang kaibigan.

"Hey bro what's up," bati ni Teo na hindi na lang niya pinansin.

"Friendly naman kayong dalawa di ba? Full a string sa pulis, imbestigador kahit na sinong tao I need your help guys."

"What happened? Nakatakas na si..." tanong ni Nald na hindi naman tinuloy ang sasabihin.

"Hindi, pero si Ella ang kailangan kong mahanap. Hindi ko alam kung paano nangyari at ako ang nakatulog ng mahimbing. Nawawala si Ella. Humingi ng sleeping pills si Ella para daw makatulog siya. Oh sh*t iyong ubas," hindi mapigilang bulalas ni Jarred ng maalala ang ubas na sabi ni Ella ay lunukin lang niya kasi napakaliit.

"Anong nangyari?" ulit ng dalawa.

"Nawawala si Ella. Alam ninyong nasa ospital dahil itinawag ko sa inyo kahapon. Naalala na ni Ella ang lahat. I think. Wag naman sana hindi ko kayang mawala si Ella sa ikalawang pagkakataon sa akin. Pero sa tingin ko goodbye letter ang iniwan niya sa akin. Pero hindi ako makakapayag na gawin iyon ni Ella. Isang beses na akong naging tanga dahil gago nga ako di ba. Pero hindi sa oras na ito. Ang sinabi ni Ella gusto niyang makita ang bukang liwayway tapos gusto na niyang makita si Jarra. Oh! God! Nald, Teo nasa ospital lang ang anak namin nagpapagaling. At hindi iyong alam ni Ella. Anong gagawin ko?"

Gulong-gulo ang isipan ni Jarred dahil hindi niya malaman kung saan niya hahanapin si Ella sa mga oras na iyon. Lampas alas singko pa lang at ilang minuto nalang magbubukang liwayway na.

"Tangna Jarred!" sigaw ni Teo. "Sa totoo lang pauwi kami ngayon ni Nald, at kung natatandaan mo saan ba may magandang view pag bukang liwayway. Bundok at dagat lang ang pagpipiliian mo. Walang malapit na bundok sa Maynila pero may apat na malapit na dagat diyan. Mayroong pinakamalapit, mahigit isang oras ang layo. Ikaw na ang pumunta. Tapos ay sa ibang beach magpapatawag ako ng mga pulis na pwedeng makatulong sa atin. Nasaan ka na ba?"

"Inaalala kung saan ang may pinakamalapit na beach na sinasabi mo," nag-aalalang saad ni Jarred nang magsalita si Nald.

"Iyong beach na walang bantay pero open sa publiko. Jarred nadadaanan iyon papuntang Barbara."

"Naalala ko na. Please help me, malapit lang iyon dito sa lugar kung saan ako. Ako na munang bahala doon. Salamat."

"Ingat Jarred," sabay na saad ni Nald at Teo bago naputol ang tawag.

Mas binilisan naman ni Jarred ang pagmamaneho. Alam niya ang lugar na iyon. Sana lang matagpuan niya doon si Ella.

Samantala, hampas ng alon ang biglang nagpagising kay Ella. Madilim pa rin ang paligid. Ngunit ang tubig ng dagat na malayo niyang natatanaw ng mahiga siya sa pwestong iyon ay humahampas na sa kanya ngayon.

"Anong oras na ba? Magliliwanag na ba? Halos high tide na rin."

Mabilis na tumayo si Ella at inihagis sa pinaka pangpang ang kumot na kinahihigaan niya. Basa na rin ang lahat ng suot niya. Pinagmasdan niya ang dagat. Napakalawak noon at para siyang inaakit. Iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Wala sa sariling inihakbang ni Ella ang mga paa patungo sa dagat. Mababaw pa naman ang tubig kahit nagsisimula na ang high tide. Umaabot lang iyon sa kanyang mga paa. Ngunit lumalalim sa bawat paghakbang niya palayo.

"Ang sarap sa pakiramdam ang lamig ng tubig," nakangiting saad pa ni Ella kahit nasasaktan siya. Hindi na rin niya napapansin ang mga luhang bumabasa sa kanyang pisngi.

Sa marahan niyang paglalakad ay unti-unti ng sumisilay ang liwanag ng araw. Kasabay ang lalong pagtaas ng tubig na hindi niya namamalayan o sadyang hindi pinapansin.

"A-ang g-ganda," puri niya sa sumisilip na ang maraming liwanag sa kalangitan.

Lalo lang bumuhos ang mga luha ni Ella, pero nakakaramdam siya ng kaluwagan sa puso niya. Hindi pa rin niya namamalayan na halos nasa baywang na niya ang tubig. Lumalakas na rin ang hampas ng alon. Ngunit patuloy pa rin siya sa paglalalakad.

"I miss you daddy. Gusto na po kitang makita, gusto ko pong maramdaman ang mga yakap mo. Ang pagpaparamdam sa akin na ako lang ang prinsesa mo. Miss na miss na kita. Kunin mo na ako daddy. Para magkasama na tayo."

Nararamdaman na ni Ella ang sobrang lamig ng tubig. Ang hampas ng alon na nagsasabing malakas pa siya at nasasaktan. Kung wala sa tubig siguro sa layo ng nilakad niya baka natumba na siya. Pero sa tubig parang idinuduyan siya.

Nasa dibdib na niya ang tubig ng mapagtanto niya. Napatigil sa paglalakad si Ella at dinama ang kakarampot na liwanag mula sa araw.

"Kaunting sandali na lang sasabog na talaga ang liwanag ng araw at tuluyan ng maglalaho ang dilim," hindi niya napigilang bulalas.

Habang nasa gitna ng dagat ay muli niyang tinanaw ang pinanggalingan niya. Napangiti pa siya ng halos hindi na niya makita ang pangpang.

"Napakalayo ko na pala," saad pa niya ngunit walang takot na mababakas sa kanyang tinig kahit lumalaki na rin ang tubig. Halos mawalan ng balanse si Ella dahil sa malakas na alon na humampas sa kanya. Pero nakabawi siyang kaagad at pinagmasdan ang paghalik ng liwanag ng araw sa karadagatan.

"Isa sa pinakamagandang tanawin na maaari kong baunin sa aking paglisan. Siguro naman ngayon totoo na. Wala na rin naman kasing dahilan para manatili. Ang anak ko lang sana, si Jarra lang sana. Miss ka na ni mama. Masasamahan na kita."

Napatitig si Ella sa kalangitan. Naglalaho na ang dilim at nababalutan na ng liwanag ang buong kalangitan.

"Ang ganda ng paligid at napakapayapa. Sana ay ganito na lang ding kapayapa ang damdamin ko, at ang isipan ko."

Pinuno ni Ella ng preskong hangin ang kanyang baga. Ilang beses pa niya iyong ginawa hanggang sa magsawa siya. Sa oras na iyon isinigaw na lang niya ang kanyang nararamdaman.

"I love you daddy, I miss you po. Makakasama na kita. Makakasama mo na kami ng apo mo. Mommy sorry sa lahat, mahal na mahal kita. Jarred pakiusap patawarin mo ako. Kahit hindi ko na maririnig ang sagot mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!" sigaw Ella ng unti-unti niyang iniangat ang mga paa mula sa kama ng buhangin na agad niyang ikinalutang sa tubig. Hanggang sa dahan-dahan siyang natabunan ng malakas at malaki na alon dahilan para tuluyan na siyang lumubog.








Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 123 43
Blurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa liko...
2.6M 87.4K 105
Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years of finding a decent job that meets Nass...
723K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...