In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

806 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 47

12 0 0
By yurikurama24

Chapter 47

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng makalabas ng ospital si Ella. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Jarred kahit wala siyang maalala sa nakaraan nila. Minsan gusto niyang maguilty sa panahong bakit nakalimutan niya ang binata at ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Sinabi sa kanya ni Jarred na ang mommy niya ay busy sa maraming bagay. Pero nagsisikip ang puso niya pagnaiisip ang nangyari sa kanya.

"Hindi ba ako mahalaga sayo mommy? Naospital ako at matagal ding walang malay, pero hindi man lang kita nakita. Nakalabas na ako at lahat pero hindi mo pa rin ako nakukuhang dalawin. Hindi man lang kita nakita at nakasama. Wala nga akong idea kung ano ang itsura mo. Ayaw mo po ba sa akin?" tanong ni Ella sa kawalan habang nakatingin sa malawak na kalangitan.

Sa durasyon ng pag stay niya sa bahay ni Jarred ay doon lang siya naglalagi sa may garden. Lalo na at sila lang naman ni Manang Lena ang nandoon sa bahay. Umaalis kasi si Jarred dahil may trabaho daw ito. Hindi na rin naman siya nagtanong kung ano.

Minsan naitanong niya kay Jarred kung may kaibigan siya. Mayroon naman daw. Pero hindi naman sinabi sa kanya kung sino. Dahil maaalala din naman daw niya ang mga ito pagdating ng tamang panahon. Siguro nga, kaya hindi na lang siya muling nagtanong.

Dumating ang tanghalian at umuwi si Jarred para sabay silang kumain. Umalis na rin ito pagkakatapos nilang kumain. Tapos ay uuwi ng medyo maagap sa gabi para sabay na silang magdinner. Paulit-ulit lang. Ganoon ang routine nila sa araw-araw.

Hindi niya masabing nagsasawa na siya dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya noon ang gusto lang talaga niya ay maalala ang lahat. Kung kailan, hindi niya alam. Gusto man niyang pilitin ang sarili, hindi naman niya magawa.

Maliban lang sa mga bagay na paulit-ulit niyang nakikita ang sarili na umiiyak at nagmamakaawa. Hindi malaman ni Ella kung parte ba iyon ng nakaraan niya o kung ano man, hindi niya alam.

"Ella, ayos ka lang ba dito? Kailangan kong magtungo ng palengke."

Napatingin siya kay Manang Lena. Nakangiti ito sa kanya, ngunit ramdam niyang ayaw siya nitong iwan. Lalo na at mag-isa na lang siya sa mga oras na iyon. Umalis din si Jarred at may pupuntahan.

"Ayos lang po ako dito manang. Nakakalakad na rin naman po ako. Gusto ko lang po dito sa may garden. Nakakarelax po ang magandang paligid at ang asul na langit.

"Ganoon ba? Sige hija aalis na ako."

"Opo, ingat po kayo."

Habang nagmumuni-muni at nag-iisip si Ella sa mga bagay-bagay ay nagulat na lang siya ng biglang may nagbukas ng gate at bigla na lang sumigaw.

Napaupo siyang bigla ng ilang beses nitong tinawag ang pangalan ni Jarred. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ng makita siya.

"Ella!" malakas na tawag ng babae sa kanya. Mabilis itong lumapit sa kanya, pero nag-iwan ng layong dalawang dipa mula sa pwesto niya.

Nakaramdam tuloy siya ng takot dahil sa itsura ng babae. Nakakalakad na naman siya kahit walang alalay. Magaling ang therapist na umaalalay sa kanya kaya mabilis lang siyang makarecover sa nakalipas na ilang buwan.

Ngunit sa galit na nakikita niya sa mukha ng babae ay hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin. Hindi niya ito kilala ngunit alam niyang siya ang hinahanap nito dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya, at sa mga titig nitong kung magkakamali siya ay makakaranas siya ng pananakit.

Halos magbuhol-buhol ang pagtibok ng puso niya sa kaba na kanyang nararamdaman mula sa babaeng kaharap. "Ano bang kasalanan ko sa kanya?" tanong pa ni Ella sa isipan.

"Ang kapal din ng mukha mong bumalik dito! Umalis ka na di ba? Lumayas ka na! Pero ang kapal ng mukha mong bumalik. Alam mo bang nagalit sa akin si Jarred noon pero kasalanan mong lahat iyon. Magiging akin na siya pero dahil nagpakita ka, nawala na naman sa akin si Jarred! Bakit hindi ka pa tuluyang namatay!?" may pang-uuyam sa boses ng babae na hindi malaman ni Ella kung bakit gusto niyang maiyak sa tanong nito.

Gusto niyang malaman kung ano ang relasyon ni Jarred sa babaeng kaharap. Kung bakit may ganoong pakiramdam na parang hindi kayang tanggapin ang puso niya sa mga oras na iyon.

Ang tanong pa nitong halos magpaluha sa kanya. "Kailangan ba talagang sagutin ko kung bakit hindi pa ako namatay? Hindi ko alam ang isasagot ko," malungkot na sagot ni Ella na hindi malaman kung tama ba o mali ang sagot niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago, palagi ka pa ring bait-baitan. At ako? Kontrabida sa buhay mo dahil inagaw mo si Jarred sa akin. Hindi ka ba nag-iisip! Sampung taon ang tanda ni Jarred sayo pero pinatulan mo pa rin. Huwag mong sabihing dahil high school crush mo siya."

Gulat ang rumihistro sa mukha ni Ella sa kaalamang iyon. "Sobrang tagal na pala," aniya sa isipan.

"Bakit hindi mo maalala?"

Gusto sana niyang sagutin ang babae na hindi naman talaga niya naaalala ang lahat. Kaya lang sa itsura nito, mukhang manunugod talaga. Ayaw niyang pagbuhatan siya nito ng kamay. Hindi pa niya kayang ipaglaban ang sarili niya, gayong ngayon lang unti-unting bumabalik ang lakas niya at nito lang siya ulit nakakalakad ng hindi inaalalayan ng saklay. Mula sa loob ng bahay nakapaglakad siya dala ang panlatag niya sa damuhan at unan ng walang inaasahang saklay. At sa kanya malaking achievement na iyon.

"Kung nakalimutan mo ipapaalala ko sayo. Ako dapat ang magiging girlfriend noon ni Jarred pero umeksena ka sa buhay namin at nawala sa akin ang atensyon ni Jarred. Mang-aagaw ka. Tapos ng iwanan mo siya at nagkita kaming muli nagkaroon ng pagkakataong maging akin siya. Pero heto at bumalik ka na naman para agawin siya sa akin. Napakalandi mo!" sigaw nito at mabilis na nilapitan siya.

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Ella. Halos mag-init ang kanyang mga mata sa sakit ng sampal na iyon.

"S-sino k-ka ba? Hindi n-naman kita k-kilala," umiiyak na saad ni Ella na ikinangisi lang ng babae.

"Bagay pala sayo ang umiiyak. Mukha kang inosente, pero malandi at mang-aagaw ka!" singhal ng babae sa kanya bago siya nito sinabunutan at pinilit na itinayo.

Nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa biglaang pagtayo. Nahihirapan pa siyang maglakad pero kinaladkad siya ng babaeng hindi niya kilala.

"S-sino k-ka ba?" umiiyak ng saad ni Ella pero hindi siya pinapakinggan ng babae. Pinipilit pa rin niyang makawala dito kahit sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa buhok niya.

"Kailangan mo ng mawala sa landas namin ni Jarred  akin lang siya! Naiintindihan mo! Akin lang si Jarred!" malakas nitong sigaw.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawang makawala ni Ella sa pagkakasabunot ng babae sa buhok niya. Iyon nga lamang ay nawalan ng balanse si Ella kaya bigla itong bumagsak sa sementong upuan na nandoon. Tumama ang ulo ni Ella doon, dahilan para mawalan siya ng lakas at mapahiga sa damuhan.

Tulalang nakatingin si Ella sa asul na kalangitan hanggang sa unti-unting nagsalimbayan sa kanyang isipan ang mga bagay na hindi niya inaasahang papasok sa isipan niya.

"Jarra," mahina niyang usal ng maalala ang isang bata na maliit man ngunit kamukha niya. Hanggang sa maalala niya kung sino ang babaeng kausap niya ngayon. "M-mommy," naguguluhan niyang sambit sa isang babaeng medyo kamukha niya ngunit malabo lang niyang nakikita. "J-Jarred," lumuluhang usal ni Ella hanggang sa magdilim ang kanyang paningin.

Napaupo naman bigla sa damuhan si Kisha dahil sa nawalan ng malay si Ella. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Ella. Ngunit nakita niya kung paano humampas ang ulo ni Ella sa upuang nandoon.

"E-Ella, gumising ka?" nauutal pang saad ni Kisha dahil hindi niya malaman ang gagawin. Hindi naman sobrang malala ng pagkakatama ng ulo ni Ella sa sementadong upuan pero bakit ganoon ang reaksyon nito.

Ilang beses pang tinapik ni Kisha ang pisngi ni Ella kaya sigurado siyang wala talaga itong malay. Sa katunayan ay natatakot talaga siya sa nangyayaring iyon sa dalaga. Sila lang dalawa ang nasa bahay ni Jarred. Wala din ang matandang katulong.

Gusto lang naman niyang komprontahin si Ella ngunit hindi niya inasahan ang bagay na iyon. Alam niyang umalis si Ella at hindi niya alam ang nangyari dito. Nabalitaan lang niya sa isang empleyado ni Jarred na matagal na hindi pumasok sa trabaho si Jarred dahil sa babaeng nasa bahay nito. At doon niya napag-alamang si Ella na naman ang babaeng iyon.

Nanginginig man ang kamay ay pinilit niyang tinawagan ang numero ni Jarred. Naka ilang ring din iyon ngunit wala yatang balak sagutin ng binata ang tawag niya.

"Please Jarred answer the phone," mariin niyang saad ngunit wala talagang sagot mula sa binata.

Habang nagpapanic ay dumating na rin si Manang Lena na siyang una niyang hiningan ng tulong.

"Please help me manang. Hindi ko alam ang nangyayari kay Ella. Oo nga po at nauntog siya sa sementong upuan pero hindi malakas. Tapos ay nawalan na ng malay. I call Jarred pero hindi niya sinasagot ang tawag ko," mabilis na paliwanag ni Kisha habang hila-hila ang kamay ni Manang Lena.

"Diyos ko!" hindi mapigilang bulalas ni Manang Lena ng makita ang kalagayan ni Ella. Tumawag na rin si Manang Lena ng ambulansya bago tinawagan si Jarred.

"What happened manang?"

"Jarred umuwi ka na muna. Nawalan ng malay si Ella. Mamaya ko na ipapaliwanag nakatawag na rin ako ng ambulansya."

"I'm on my way manang," ani Jarred at mabilis na naputol ang tawag.

Hindi na naman nakapagsalita pa si Kisha habang nakatingin kay Ella. Namumutla ito na mas lalong ikinatakot niya. Nagmahal lang naman siya, pero wala siyang planong makapanakit na aabot sa ganoon. Ngayon niya na realize na mali siya sa lahat ng ikinikilos niya. Parang bigla na lang siyang natauhan na sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat.

Dahil mas malayo ang ospital na pinanggalingan ng ambulansya kay sa opisina ni Jarred ay halos sabay lang na dumating ang mga ito.

"Manang ano bang nangyari?" mariing tanong ni Jarred. Ngunit hindi na nakasagot si Manang Lena ng sumabat si Kisha.

"I told you mamaya. I'm sorry, it was my fault. But please forgive me. In just a snap I realized my mistakes. Alam kong hindi kapani-paniwala kasi biglaan. Basta ipapaliwanag ko ang lahat. Dalahin muna natin si Ella sa ospital," natatarantang saad ni Kisha.

"Sino pong sasama sa ambulansya?" tanong ng lalaking siyang naglapat ng paunang lunas kay Ella. May dugo kasi ito sa may noo na hindi napansin kanina.

"Can I borrow your key. Coding kasi ako kaya nagtaxi lang ako patungo dito. Ikaw na ang sumama kay Ella susunod ako."

Hindi na rin naman nagpatumpik-tumpik pa si Jarred at mabilis na iniabot kay Kisha ang susi ng kotse niya at sumampa siya sa ambulansya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Ella sa kamay niya, indikasyon na nagkakamalay ito.

"J-Jarred," anito ng magmulat ng mga mata.

"Relax sweetheart, dadalahin ka namin sa ospital."

"M-mahal k-kita J-Jarred," ani Ella kaya naman natigilan si Jarred. Ngunit hindi na muli nagsalita si Ella.

Napansin na lang ni Jarred na hinawakan ng isang nag-rescue ang parteng leeg ni Ella.

"Natutulog na lang siya sir ngunit mukhang maayos naman ang kalagayan niya. Malapit na rin po tayo sa ospital," sabi ng rescuer. Bagay na ikinapanatag niya.








Continue Reading

You'll Also Like

131K 6.8K 23
Chen Yanyan was hated by that man, despised, ignored, that man even wanted him dead! ...D-didn't he?! Then why... Why was that man suddenly clinging...
1M 25.1K 39
"I want a divorce." And just hearing him say that my whole world that seemed to revolve around him stopped. Gathering myself I barely managed to spea...
739K 25.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
141K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?