Awitan Natin Ang Ulan | Glady...

By write4funlol

1.9K 46 3

phr classic More

Teaser
01
02
03
04
05
06
08
09
Epilogue

07

100 3 0
By write4funlol

CHAPTER SEVEN

TINIIS ni Guia ang lahat ng paghihirap sa

relasyon nila ni Nico. Tiniis niya ang galit ng

ama, ang hindi nila pagkakaunawaan at ang

pagkakaroon ng lamat ng kanilang pamilya.

Kinausap na rin siya ng mga kapatid. Paulit-­‐‑ulit

na siyang pinagsabihan ng mga ito.

Patuloy siyang iniwasan ni Nico at alam niya

iyon. Kaya’t minabuti niyang magpasama kay

Karen upang kausapin si Fer.

“Nandito siya kahapon, nagbilin na male-­‐‑late

siya ngayon at kung sakali daw na pupunta ka

ngayon, sabihin ko na lang daw ang message

niya.”

Maski paano‘y na-­‐‑excite si Guia sa puntong

may iniwan namang message si Nico para sa

kanya.

“Pinasasabi na lang na marami daw siyang

trabaho at problema. Basta, pupuntahan ka na

lang daw niya kapag maluwag na siya.”

Nakadama siya ng matinding sakit at

pagkainsulto. Akala mo ay kung sino lang siyang

babae kung pagsabihan ng ganoon.

“S-­‐‑sige, Fer. Salamat.”

Lumayo na sila sa classroom nina Nico.

Dumaan sila ni Karen sa isang comfort room ng

mga babae, agad siyang pumasok doon. Sa isang

cubicle, hindi napigilan ni Guia ang sarili. Doon

niya inilabas ang lahat ng sama ng loob. Umiyak

siya nang umiyak. Inalo siya ni Karen.

“T-­‐‑tama na, tahan na.”

“Hès so unfair, Karen. I gave up everything

for him! Everything! Hès so unfair!”

Niyakap siya ng kaibigan, awang-­‐‑awa ito sa

kanya. “A-­‐‑alam mo naman pala, tama na, tigilan

mo nàyan. It's about time para isipin mo ang

sarili mo.”

“K-­‐‑Karen, mahal na mahal ko si Nico. Hindi ko

alam kung paano ang mabuhay nang wala siya.”

“Maraming lalaki, Guia, you deserve much

better than him. Kung nagagawa ka na niyang

saktan at bale-­‐‑walain, dapat humanap ka na ng

lalaking magmamahal at mag-­‐‑aalaga sàyo.”

SA KABILA ng lahat ng pananakit ni Nico ay

hindi pa rin sumuko si Guia. Naglakas-­‐‑loob

siyang puntahan ito sa pinagtatrabahuhan.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” iritableng tanong

ni Nico.

“Nico, please. Mag-­‐‑usap tayo. Nahihirapan na

ako.”

“Guia, may trabaho ako. Gusto mo bang

matanggal ako dito dahil sa ginagawa mo?”

“Hihintayin kita maski anong oras.”

Tiim-­‐‑bagang si Nico. “Sandali!”

Paglabas ni Nico ay nakapagpalit na ito ng

damit. Kaagad itong pumara ng taxi, at sumakay

sila. Ilang sandali pa’y pumasok ang taxi sa isang

motel. Miss na miss na niya si Nico kaya hindi na

siya tumutol nang dalhin siya nito sa lugar na

iyon.

Nakayakap siya sa hubad na katawan ni Nico,

kapwa sila nakabalot ng kumot.

“Ano kaya kung magsama na tayo?” Siya pa

mismo ang nag-­‐‑alok niyon kay Nico.

Bumangon si Nico. “Alam mo namang hindi pa

ako handa.”

“Hindi ko naman sinabing pakasalan mo ako,

ang sabi ko lang ay magsama na tayo.”

“Para ano? Para lang tayong magbabahay-­‐‑

bahayan niyan.”

“Para mapagtulungan natin ang problema mo.”

“Isa lang naman ang problema ko, ang nanay

ko. Hindi ko alam kung paano ko siya

mabibigyan ng maayos na buhay. Gusto ko

siyang gumaling. Gusto kong maranasan niyang

muli kung paano ang mabuhay ng normal.”

“N-­‐‑nasubukan mo na ba siyang ipasok ng

hospital?”

Umiling si Nico. “W-­‐‑wala akong pera.”

Naawa siya sa sinabing iyon ni Nico.

“Paano siya gagaling kung hindi mo

susubukan?”

Bumangon si Nico at nagsimula nang magbihis.

“Hindi ko alam, Guia. Bastàt gusto ko siyang

gumaling. Gusto kong ipagkaloob sa kanya ang

lahat ng magagandang bagay at karanasan dito

sa mundo. Bago man lang siya tuluyang

pumanaw.”

“Bakit ba pulos ang nanay mo ang nasa isip

mo, Nico?”

Napatda si Nico sa tanong niya.

“Ako, kailan mo ako iisipin? Kailan mo

patutunayan na mahal mo ako?”

“Wala naman akong ipinangakong maski ano

sàyo, hindi ba?” tahasang sabi ni Nico.

Hindi makapaniwala si Guia sa mga narinig.

“K-­‐‑kaya ba parang ang dali sa‘yo na mawala

ako?”

“Kaya nga ba sabi ko sàyo noon pa, lumabas

ka na sa buhay ko, dahil walang mangyayaring

mabuti sàyo. Masasaktan lang kita.”

“B-­‐‑bakit? Dahil hindi mo ako kayang mahalin

ng totoo?”

“Dahil hindi ko pa kayang magmahal ng

totoo.”

“Dahil sa nanay mo.”

“Alam mo kung gaano ko siya kamahal.”

“To the point na isakripisyo mo pati ako?”

tanong ni Guia kay Nico. Inihanda niya ang sarili

sa magiging sagot ng nobyo.

“Kung kinakailangan, bakit hindi?”

Parang sinampal ng malakas si Guia sa sagot ni

Nico.

“N-­‐‑Nico, bale-­‐‑wala ba sàyo ang lahat ng ito?

Ang lahat ng pag-­‐‑ibig ko sàyo?”

“H-­‐‑hindi ko alam, ang tiyak ko lang sa sarili ko,

masasaktan lang kita. Kaya habang maaga, iwan

mo na ako. Huwag mo nang pahirapan ang sarili

mo sa akin.”

“Bakit nagsasalita ka ng ganyan sa akin?”

Nagtama ang paningin nila, matatag ang

mukha ni Nico.

“Your dad offer me an amount na hindi ko

kayang tanggihan, layuan lang kita.”

Tinakasan ng kulay ang mukha ni Guia,

nanlamig ang buong katawan niya.

“He offered me half a million, halaga ng isang

mamahaling kotse.”

“T-­‐‑tinanggap mo?” Basag ang tinig ni Guia.

Umiling si Nico. “P-­‐‑pinag-­‐‑iisipan ko pa.”

“T-­‐‑tatanggapin mo?”

“Nasa akin na ang tseke, pinag-­‐‑iisipan ko kung

tuluyan kong tatanggapin o isosoli ko sa kanya.”

“N-­‐‑Nico—”

“But I guess, mas kailangan ko ang pera para

sa future ko at sa nanay ko. Gusto ko siyang

gumaling.”

Napuno ng galit ang mukha ni Guia. Isang

malakas na sampal ang tinanggap ni Nico.

Tiniyak niya sa sariling ang lalaking labis niyang

minahal ay kamumuhian na niya hanggang sa

huling hibla ng kanyang hininga.

PAG-­‐‑UWI niya ay tinungo niya ang silid ng

kanyang mga magulang. Sinumbatan niya ang

kanyang ama sa ginawa nito.

“Binayaran n'yo si Nico para lang layuan ako!

Anong klase kayong ama?”

“At ano ring klase ng lalaki ang Nico nàyon?

Tinanggap niya ang tseke, ibig sabihin ay mas

mahalaga sa kanya ang pera kaysa sàyo.”

“Tinapatan n'yo ang pangangailangan niya!”

“Kung talagang mahal ka niya, hindi siya

papayag na magkalayo kayo! Ipaglalaban ka niya

sa akin! Patutunayan niyang karapat-­‐‑dapat mo

siyang mahalin!”

Ang sakit-­‐‑sakit ng nararamdaman ni Guia

nang mga oras na ‘yon. Hindi niya matanggap

ang ginawa ni Nico sa kanya. Tama ito nang

sinabi sa kanya noon. Hindi pa nga niya

lubusang kilala ang pagkatao nito. At sa

pagkakataong iyo’y hindi na niya kayang

tanggapin si Nico. Sapat na ang lahat para isiping

tapos na ang lahat sa kanila. Kailangan na niyang

limutin ang lalaking pinakaiibig.

SA LOOB ng kanyang silid ay inalo siya ng

kanyang ina.

“M-­‐‑Mom—”

“Guia, anak.”

“A-­‐‑ang sakit-­‐‑sakit, Mom.”

Niyakap siya ng ina habang umiiyak. “H-­‐‑

huwag kang magagalit sa amin lalung-­‐‑lalo na sa

daddy mo. Mahal na mahal ka namin. And your

dad wants the best for you.”

“A-­‐‑alam ko, Mom. Nasasaktan lang ako kasi

napatunayan kong hindi karapat-­‐‑dapat mahalin

si Nico. Hès not worth it.”

“Pero alam kong kaya mòyan. Believe me,

iha, mao-­‐‑overcome mo rin ang lahat. May

darating na para sàyo kung saan matatagpuan

ang tunay na kaligayahan.”

“Thanks, Mom. At least, alam kong nandiyan

pa rin kayo para sa akin. It makes me feel better.”

Niyakap siya ng ina. Unti-­‐‑unting nabawasan

ang sakit ng sugat na nilikha ni Nico sa puso

niya.

ANG SAKIT-­‐‑SAKIT ng kalooban ni Nico nang

mga sandaling iyon. Malaking halaga ang nasa

kamay niya, ngunit nawala naman nang tuluyan

sa kanyang buhay si Guia. Natuon ang kanyang

pansin sa natutulog na ina. Nilapitan niya ito at

umupo sa gilid ng papag.

“'Nay.” Hinaplos ni Nico ang mukha ng ina.

“A-­‐‑ang laki-­‐‑laki ng ipinagpalit ko para sàyo,

'Nay. Mahal na mahal ako ni Guia at lahat ay

ginawa niya para sa akin.”

Garalgal na ang boses ni Nico.

“Kahit kailan ay wala akong sinabi at

ipinangako sa kanya, wala akong ipinangako,

pero nanatili siyang tapat at nagmamahal sa

akin.”

Umagos ang luha sa pisngi ni Nico.

“S-­‐‑sinaktan ko siya. Ipinagpalit ko siya sa

kinabukasan nating mag-­‐‑ina kahit alam kong

hindi niya ako mauunawaan. At saka, alam kong

habang nasa ganyan kang kalagayan ay hindi

tayo matatanggap ng lipunang ginagalawan

niya. Paulit-­‐‑ulit ko lang siyang masasaktan.”

Pinahid ni Nico ang luha sa pisngi habang

patuloy siya sa pagsasalita. Sinasabi niya iyon sa

ina, ngunit mas sinasabi niya iyon sa sarili. Mas

kinukumbinse niya ang sarili na tama ang

kanyang naging desisyon.

“K-­‐‑kahit kailan, hindi ko sinabing mahal ko

siya. Hindi na niya siguro malalaman iyon.

Mahal na mahal ko si Guia, 'Nay. Katumbas 'yon

ng buhay ko. Ngunit hindi kita kayang pabayaan.

Kailangang mamili ako ng mamahalin at

paglilingkuran. Hindi ko kaya nang sabay. Hindi

ko kayang makita na naghihirap ka at naghihirap

din siya sa akin. Ayokong patayin ang mga

pangarap niya dahil lang sa akin. 'Nay,

naiintindihan mo ba ako?”

Naalimpungatan si Aling Sabel. Nang

magmulat ito ng mga mata ay tumambad dito si

Nico na lumuluha. Wala itong nagawa kundi ang

pakinggan ang mga sama ng loob ng anak.

“H-­‐‑hindi ako naiintindihan ni Guia, 'Nay.

Maski anong gawin ko, hindi niya mauunawaan

ang pagmamahal ko sàyo at ang pagmamahal ko

sa kanya.”

Niyakap niya ang ina. Gaano man kasakit ay

wala siyang gustong pagsisihan alang-­‐‑alang sa

pagmamahal sa ina.

ISANG buwan ang lumipas. Tinapos lang ni Guia

ang isang semestre at nagpasya na siyang

pumunta sa Amerika upang doon ipagpatuloy

ang pag-­‐‑aaral. Tumira siya sa isang kapatid niya

na sa California na naninirahan.

Inihatid si Guia ng kanyang mga magulang at

ni Karen sa airport.

“Susulat ka nang madalas,” bilin ni Karen.

Marahan siyang tumango, niyakap niya ang

kaibigan.

“Sabihin mo sa Ate Laila mo, sa December na

kami makakasunod. Magtatagal kami doon dahil

nga doon ka na mag-­‐‑i-­‐‑stay,” bilin ng ama.

“Yes, Dad.” Naroon pa rin ang munting galit

niya rito.

“Mag-­‐‑iingat ka, Guia. Kung anuman ang

kailangan mo, sabihin mo kaagad sa ate mo,

hindi ka naman nòn pababayaan,” anang

kanyang ina.

“Yes, Mom.”

“Huwag kang masyadong malulungkot,

masasanay ka rin sa buhay doon,” bilin pa rin

nito.

“Kapag nabo-­‐‑bore ka, mag-­‐‑long distance ka

lang sa akin. You know my schedule. Kapag wala

ako, magbilin ka, ako ang magre-­‐‑return call.

Okay?” paalala naman ni Karen.

Huminga siya nang malalim, tinandaan ang

lahat ng sinabi ng ama‘t ina at ni Karen.

Puwede siyang hindi umalis alang-­‐‑alang sa

mga ito. Puwede niyang pagtiisan ang lahat ng

sakit na idinulot ni Nico sa buhay niya. Pero

kilala niya ang sarili, kailangan niyang takasan

ang lahat para maka-­‐‑survive. Minsan na siyang

naturuan ng pag-­‐‑ibig ni Nico na maging

matapang subalit binawi nito ang lakas at

katatagan niya. Nagbalik ang dating kahinaan

niya at pagkaduwag na humarap sa lahat ng

pagsubok sa buhay.

Ilang saglit pa‘y sakay na ng eroplano si Guia

patungo sa ibang bansa. Iniwan niya ang mapait

na alaala ng pag-­‐‑ibig ni Nico.

Continue Reading

You'll Also Like

847K 39.2K 31
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
219K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...