In Love With The Sinner (Sinn...

yurikurama24 által

728 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... Több

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 44

14 0 0
yurikurama24 által

Chapter 44

Pagbukas pa lang ng kwartong kinaroroonan ni Ella sa ospital ay bumuhos na kaagad ang mga luha ni Elizabeth.

Mula naman sa pagkakaupo sa may couch ay napatayo bigla si Byron. Hindi kasi niya inaasahan ang biglaang pagpasok ng babaeng umiiyak na ngayon ay nasa tabi na ni Ella at tinatawag ang pangalan ng dalaga. Hanggang sa napansin niya si Jarred na nagtungo sa kanyang tabi.

"A-anak, E-Ella, nandito na si mommy. Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa at nasabi ko sayo. A-alam ko anak na malaki ang kasalanan ko sayo. H-hayaan mo n-namang m-makabawi si m-mommy sayo. W-wake up sweetheart. Gumising ka na."

Napatingin lang si Byron kay Jarred ng magyuko ito ng ulo. Nandoon ang awa niya sa mga taong nasa loob ng silid na iyon. Dahil sa kasalanan ng isa. Marami ang nagkasala at mayroon pang napahamak. Sa haba ng panahon na lumipas. Habang nakakulong pa sa alaala ng nakalipas ang lahat. Hindi mawawala ang dulot na sakit na kinasangkutan lang ng isa pero lahat ng nasa paligid nito ay nagdusa.

Matapos ang mahabang pag-iyak ni Elizabeth ay ipinakilala ni Jarred ang ginang kay Byron. Naglahad pa ng panalangin si Byron para sa kaligtasan ni Ella bago ito nagpaalam na babalik na sa monasteryo.

Kinabukasan ay binisita ng doktor si Ella. Ganoon pa rin, wala pa ring response ang dalaga. Noong bandang hapon ay dumating sina Nald at Teo ng ospital.

Natahimik naman bigla si Elizabeth ng magsimulang umiyak si Nay Angela habang yakap-yakap ang kamay ng walang malay na si Ella. Ganoon din si Maric na madaming sinasabi kay Ella na payo. Sayang nga lang at hindi iyon naririnig ng dalaga.

"Ella naman eh, bakit mo ito ginawa? Pagbabayaran talaga ng baliw na babae na iyon ang lahat ng sinabi niyang kasinungalingan sayo. Bakit hindi ka nagtanong sa bwisit mong ex. Ella naman eh. Di ba sabi ko pa sayo tibayan mo ang loob mo. Madaming nagmamahal sayo. Nandito pa ako, sinabi ko pa noon sayo na hindi na lang ako mag-aasawa para lang masamahan kita habang buhay. Gumising ka na Ella. Isang buong araw ka ng tulog," humihikbing saad pa ni Maric.

"Ella anak, nandito na kami ni Maric, gumising ka na ha. Kami muna ang mag-aalaga kay Jarra. Dapat sabay na kayong magpagaling ha," dagdag pa ni Nay Angela at hinalikan pa ang kamay ni Ella.

Tahimik lang na nagmamasid si Elizabeth. Hindi niya kilala ang dalawang kasama ng kaibigan ni Jarred. Ngunit nararamdaman niyang naging parte ang dalawa ng buhay ni Ella noong panahong wala ang anak sa tabi niya.

Nang maupo si Nald at Teo sa tabi nila ay ikinuwento ng mga ito ang naging papel ng mag-ina sa buhay ni Ella at Jarra.

Nandoon rin ang pagkasabik niyang makilala ang apo. Na sinabi niya sa kanyang sarili kahit sino man ang maging ama nito, ng sabihin ni Jarred na ipina DNA test nito ang bata, ay hindi na mahalaga. Ang mahala lang sa kanya anak ito ni Ella.

Nahihiya siya sa anak sa mga oras na iyon. Ibang tao ang kasama nito sa panahong kailangang-kailangan nito ng karamay. At siya, sino ang kasama niya? Ang hayop na nanamantala sa kainosentehan ng kayang anak. Ang demonyong naging dahilan ng pagkasira nila bilang mag-ina ang pagkikipaghiwalay ng kanyang anak sa lalaking pinakamamahal nito.

Nilapitan ni Elizabeth ang mag-ina ng tumigil ang mga ito sa pag-iyak. Sabay namang napasinghap si Nay Angela at Maric ng makilala ang babae. Sa itsura pa lang kasi nito alam nilang ito ang ina ni Ella.

"Pasensya na kung naging ganito ang reaksyon naming mag-ina kay Ella."

"Naiintindihan ko at gusto kong magpasalamat sa inyong mag-ina. Kulang ang salitang pasasalamat sa ginawa ninyo sa anak ko. Ako ang kanyang ina pero tinalikuran ko siya. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya. Pero kayo hindi ninyo kilala ang anak ko pero tinanggap ninyo ng buong buo at walang halong panghuhusga. Salamat, maraming salamat," masayang saad ni Elizabeth kahit lumuluha.

"Matanong ko lang po ha, ano po bang naging problema ni Ella?" sabat ni Maric ng magkatinginan si Jarred at Elizabeth.

Tama bang ikwento nila ang parteng iyon ng buhay ni Ella sa iba? Kung tutuusin kailangan nilang ingatan ang privacy ni Ella. Pero hindi naman ibang tao ang mga nakapaligid sa kanila sa mga oras na iyon. Kahit si Nald at Teo ay iba ang turing kay Ella. Hindi lang ito basta girlfriend niya noon. Para sa dalawa ay kaibigan at pinahahalagahan ng mga ito si Ella. Kung tutuusin nga kung nakinig lang sana siya dalawa. Baka matagal na nilang alam ang pinagdaanan nito at hindi na sila umabot sa sitwasyon iyon.

Kahit mahirap ikwento ng paulit-ulit ang pinagdaanan ni Ella ay pinilit ni Jarred ilahad sa mga ito ang pinagdaanan ng dalaga. Si Jarred na nagkukwento ay hindi mapigilan ang maluha. Ganoon din ang mga nakikinig sa kanya.

Hindi nila namalayan na sa pag-iyak ni Maric ay nakayakap na pala siya kay Nald. Habang ang binata ay mukhang wala sa sarili ang ginagawang pag-alo sa dalaga.

"Ella, sweetheart aalis muna kami ng mommy mo. Mabilis lang kami, isasama ko lang sila kay Jarra. Si Nay Angela at Maric muna ang magbabantay kay Jarra at babalik kami dito ng mommy mo, hmmm. Nandito naman si Nald at Teo alam mo namang mapagkakatiwalaan sila di ba?" malambing na saad ni Jarred.

Nagpaalam lang din muna sila sa dalawa bago tuluyang umalis.

Gustuhin man nilang pagsamahin sa iisang ospital ang mag-ina ay hindi naman pwede lalo na at mga espesyalista ang mga doktor sa ospital na gumagamot kay Jarra. Hindi naman niya mapakiusapan ang mga ito, lalo na at hindi lang naman si Jarra ang may kailangan sa atensyong medikal.

Bago sila nakarating ng ospital at pinatigil muna ni Maric sa isang palengke nadaanan nila si Jarred.

"Bakit?"

"Baka namimiss ni Jarra na kumain ng lychee," naluluhang saad ni Maric.

"Madami akong ipinabili kahapon sa kanya. Pero kung nais mo sige kahit kaunti lang. Mahalaga galing sayo," napangiti naman si Jarred ng magpasalamat si Maric. Hindi ganito makitungo noon si Maric sa kanya. Pero ngayon mukhang boto na sa kanya ang kaibigan ni Ella.

Napatingin naman siya kay Nay Angela na tahimik lang ng bumama si Maric.

"Pwede mo bang sundan ang anak ko. Hindi iyon sanay dito. Hindi kami sanay dito sa Maynila alam kong hindi siya basta-basta maliligaw pero iba pa rin ang nag-iingat."

"Wala pong problema. Okay lang po kayo dito? Nay, Tita Elizabeth?"

"Oo naman, sige sundan mo na siya," ani Elizabeth at nagpaalam na rin kay Nay Angela.

Dahil parehong nasa back seat ang dalawang ginang ay ginagap ni Elizabeth ang kamay ni Nay Angela. "Salamat sa pagmamahal sa anak ko, salamat sa inyong mag-ina," isang ngiti naman ang isinagot ni Nay Angela.

Ikinuwento nito ang unang pagkikita ni Maric at Ella. Hanggang sa mga nangyari at pinagdaanan ni Ella.

"Mapatawad pa kaya ako ng aking anak Angela? Ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya."

"Mahal na mahal ka ng anak mo. Ni minsan hindi siya nagsalita ng masama tungkol sayo. Hindi lang talaga niya ipinaalam sa amin ang tunay niyang pangalan kaya hindi namin mahanap ang pamilya niya."

"Pero pinahanap ko si Ella. Alam ng Diyos na ginawa ko iyon."

"Napakalayo ng Barbara Elizabeth. Tapos ang bayan namin ay sa San Nicholas pa, pinakadulong bayan ng Barbara."

Napasighap naman si Elizabeth sa nalaman. "G-ganoong kalayo ang biniyahe ni Ella? Ang anak ko, salamat talaga Angela sa pagtanggap sa anak ko. Babawi ako sa inyo ni Maric, pangako."

"Hindi na kailangan, iisa lang naman ang hiling natin sa ngayon ang magising si Ella at gumaling si Jarra. Kung dumating na nasa maayos na kalagayan ang mag-ina. Masaya na kami ni Maric na naging parte ng buhay nila."

Sa unang pagkakataon naramdaman ni Elizabeth ang sobrang pagkukulang niya sa anak. Mas inasikaso pa niya ang kapritso ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng maraming taon kay sa anak na umiiyak gabi-gabi. Sobrang laki ng pagsisisi niya. Isa pa ngayon niya naisip ang malaking kamalian at kasalanan niya sa unang asawa. Kung maiibalik lang sana niya ang panahon, hindi niya tatanggapin ang pagsuyo ni Roi. Pero huli na at nangyari na ang hindi dapat mangyari. Sa ngayon pipilitin niyang bumawi sa anak at sa apo.

Ilang sandali pa at dumating na rin sina Maric at Jarred.

"Ang dami naman ninyong pinamili?" nagtatakang tanong ni Nay Angela.

"Mahihirapan po kasi kayong bumili ng pagkain sa labas kaya po bumili na kami. Isa pa po Nay baka hindi ako madalas makadalaw kay Jarra dahil babantayan ko po si Ella. Pero palagi ko po kayong babalitaan ni Maric. Isa pa po parang sa isang linggo ang next session ng chemotherapy ni Jarra, ilang araw na naman po siyang hirap kumain. Kaya po hanggat pwede ayos lang pong kumain si Jarra. Nakakatuwa nga po at puro healthy foods ang hinihingi niya."

"Dahil kasi kay Ella. Kahit gustuhin ni Jarra na kumain ng mga junk foods hindi niya ginagawa. Para daw gumaling na siya ng hindi na umiyak ang mama niya," sabat pa ni Maric.

Kahit hindi pa nakikita ni Elizabeth ang apo ay talagang nagigiliw na siya dito. Napakaswerte ng kanyang apo sa ina nito habang si Ella hindi naging swerte sa kanya.

Nang makarating sila sa ospital ay nagtungo na sila kaagad sa kwartong inuukupa ni Jarra. Kumatok lang si Jarred at binuksan ang pintuan.

Nakaupo si Jarra sa kama, habang nakatingin sa nurse na nakaupo naman sa silya. Nasa pagitan nila ang isang maliit na table. Habang nagbabalat ng lychee ang nurse.

"Sigurado ka bang uubusin mo ito? Baka kung mapaano ka naman?" tanong ng nurse na hindi yata sila napapansin nakatalikod kasi ito sa pwesto ng pintuan. Habang si Jarra ay wala din yatang pakialam sa paligid dahil mukhang ang inaalisang balat ng lychee lang ang nakikita nito.

"Opo, bakit po pag si Tita Maric ang nagbabalat ng lychee ipinauubos po niya sa akin ang isang bungkos," nakangusong saad pa ni Jarra.

"Hindi ako ang duty kanina kararating ko lang, ay naubos mo ba ang pagkain mo? Ininom mo ba ang gamot mo ng hindi nagpapasaway at hindi ka na nagwawala pag tinutusok ng karayom?"

"Ate nurse three..." iyon kasi ang tawag ni Jarra sa mga nurse nito si ate nurse two at ate nurse one ang dalawa pa. "...inubos ko po kahit itanong mo kay ate nurse two. Isa pa hindi na po ako nagwawala sabi ni Papa Jarred magpagaling na ako para makasama ko na si mama at doon po sa pagtusok ng karayom masakit pa din, pero umiiyak na lang ako at hindi na nagwawala."

Halos matuod naman si Jarred sa narinig. Kung bakit kay sarap pakinggan ng tinawag siyang papa ni Jarra. Parang sa mga oras na iyon gusto niyang maiyak sa sobrang saya. Akala niya ay matatagakan pang tanggapin siya ni Jarra bilang papa nito. Noong kinuhanan sila ng DNA sample, humingi na siya ng permiso kay Jarra na ano ang resulta siya man o hindi ang papa nito ay handa siyang magpakaama sa bata. Tango lang ang sagot nito kaya kahit papaano ay masaya na siya. Pero ang pagtawag nito ng papa sa kanya. Heaven talaga.

"Nurse may isa pang gamot na iinumin si Jarra," napalingon sila ng may pumasok na doktor sa loob ng kwarto. Nagkatinginan naman silang lahat.

"Lolo Angela, Tita Maric," sigaw ni Jarra na mukhang nakalimutan na ang nurse na nagbabalat ng lychee nito.

Nilapitan naman kaagad ni Maric ang bata at mahigpit na niyakap. "Jarra."

"Tita Maric ang mama ko? Nasaan na ang mama ko," hagulhol ni Jarra na wari mo ay nakahanap ng kakampi. "Alam ko po ang nangyari kay mama, sinabi po ng papa nasaan po si mama gusto ko pong makita."

"Tahan na, nandito na kami ni ni inay at kami ay makakasama mo dito. Kaya magpagaling ka na ang mama ko ay palagi nating ipagpray na gumaling na siya. Tahan na."

Lumapit din si Nay Angela kay Jarra para mayakap ang bata miss na miss na niya ito.

Samantala, tahimik lang na nakatingin si Elizabeth kay Jarra. Kamukhang-kamukha ni Ella si Jarra. Maliit ito base sa tunay na edad nito. Ngunit wala siyang pakialam ang mahalaga ay apo niya ito.

Narinig ni Elizabeth ang pagtawag sa kanya ni Nay Angela kaya naman lumapit siya dito. Palihim pa niyang pinunasan ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi.

"Ikaw ang mommy ng mama ko?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Jarra na ikinatango ni Elizabeth. "Di lola din po kita?" dagdag pa nito na ikinatango niyang muli. "Lumapit pa po kayo sa akin hindi po ako makababa ng kama," utos ni Jarra na hindi niya malaman kung mangingiti o maiiyak. Dahil sa ugaling nakikita niya kay Jarra ay parang xerox copy lang talaga ito ni Ella ng ganitong edad si Ella.

Nang makapalit naman si Elizabeth at nagulat na lang siya ng bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Jarra. "Ako po si Jarra Rein. Anak po ako ni Mama Ella. Huwag na po ninyong kagalitan ang mama ko. Sana po ay mapatawad na po ninyo si mama. Mabait po si mama, pangako po magbabait din po ako para po hindi na ninyo iwanan si mama. Palagi po siyang umiiyak sa gabi at humihingi po ng tawad sa inyo. Palagi po niyang sinasabi na 'mommy sorry, patawarin mo po ako.' Hindi ko po alam kung ano po ang nagawa ni mama sa inyo. Pero promise po mabait po si mama ko kaya patawarin na po ninyo siya,," umiiyak sa saad ni Jarra habang paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Elizabeth.

Lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay naiyak na lang sa sinasabi ni Jarra. Kakaibang pagmamahal ang ibinuhos ni Ella sa anak ganoon din ang anak sa ina.

"Alam ko apo, alam ko. Sana ay mapatawad mo rin ang lola, sana ay mapatawad rin ako ng mommy mo."

Lalo namang napaiyak si Elizabeth sa mga narinig sa apo. Siya ang malaki ang kasalanan sa anak, pero si Ella pa ang humihingi ng tawad. Ang prinsesa nila, si Ella niya. Sa oras na iyon ay taimtim na nanalangin si Elizabeth na sana bigyan pa siya ng pagkakataong itama ang lahat ng pagkakamali niya. Sana ay magising na si Ella. Hihingi pa siya ng kapatawaran sa anak.

Ipinaliwanag nila kay Jarra ang mga nangyari, pero hindi ang parteng pinagdaanan ni Ella. Kahit papaano ay kumalma ang bata. Matapos mapainom si Jarra kinausap ito ni Jarred na aalis sila ng Lola Elizabeth nito para magbantay kay Ella. Habang ang magbabantay sa kanya ay ang Tita Maric nito at ang Lola Angela nito.

Nang makatulog na si Jarra ay nagpaalam na sila kina Maric. Ibinilin din ni Jarred ang mag-ina sa nurse na siyang nakatalaga para magbantay kay Jarra. Hindi na nito kailangang mag stay ng matagal sa kwarto ni Jarra. Pero dahil silang tatlo ang private nurse ni Jarra ay sila pa rin ang magbabantay sa lagay ng bata.

Bumalik na rin sina Jarred at Elizabeth sa ospital kung nasaan si Ella. At umaasa na sana sa mga minutong lilipas pa ay magigising na ang dalaga.





Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.5M 58.6K 75
Previous Title : Tum Jo Nahi Toh Kuch Bhi Nahi He was sitting emotionlessly. He looked toward her in anger. She also looked at him but she was confus...
7K 142 35
JEWEL AREVALO a woman full of dreams for family and herself but in one night it all disappeared because of a night of pleasure and drunkenness change...
807K 12.5K 29
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 77.2K 46
Gwen Bradbury has seen the end. Gwen Bradbury has learned fighting again. ****** Gwen Bradbury's life is...