In Love With The Sinner (Sinn...

Por yurikurama24

799 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 41

12 0 0
Por yurikurama24

Chapter 41

"Jarred huminahon ka. Walang magandang maidudulot ang pagiging taranta. Humihingi na ako ng tulong," ani Byron sa pinsan habang hawak ang cellphone at humihingi ng tulong. Tumatawag kasi ito sa pinakamalapit na ospital sa mga oras na iyon.

"By si Ella, paano ako hihinahon? Hindi ko alam, natatakot ako. Si Ella ko," hindi mapigilang pagtangis ni Jarred habang sinasambit ang pangalan ng dalaga. Hawak ni Jarred ang pulso ni Ella. Hindi niya kayang bitawan ang parteng iyon. Doon lang siya kumukuha ng lakas para masiguradong hindi siya iiwan ni Ella sa mga oras na iyon.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Byron. Hindi niya malaman kong gaanong kabilis ang naging byahe ni Jarred gayong alam niyang malayo ang lugar ng monasteryo sa bahay nito. Pero halos wala pang labinglimang minuto ay nandoon na ito.

"Humanahon kang sandali. Isa pa, hindi ka ba nag-iisip Jarred? Sa layo ng bahay mo, sobrang bilis ng pagmamaneho mo," sermon niya.

"Walang ibang masmahalaga kundi si Ella. By, si Ella lang," hindi pa rin nito mapigilan ang pag-iyak.

Walang salitang magpapaliwanag kay Byron kung ano ang mararamdaman sa kalagayan ng babaeng kanina lang ay kausap niya. Nagkaramdam din siya ng guilt dahil dapat ay lumabas na kaagad siya sa may kumpisalan para makausap ito ng mas maayos at hindi iyong umabot pa sa ganito. Ang awa na nararamdaman niya para kay Jarred sa mga oras na iyon ay hindi kayang pahupain ng ano mang salita. Maliban lang sana ay maging ligtas ang babaeng nasa kanilang harapan.

Nakaluhod si Jarred sa harap ni Ella habang patuloy na umiiyak. Hindi nito mahawakan ang dalaga maliban sa may pulso nito. Maaari kasing makasama pa sa dalaga kung may magagalaw na parte ng katawan nito. Umaagos na rin ang madaming dugo na hindi nila malaman kung ano ang dapat gawin para mapigilan iyon.

Ang taong nakabangga kay Ella ay hawak na ngayon ng baranggay tanod sa lugar na iyon. Medyo lasing ito kaya mabilis ang takbo ng kotseng sinasakyan. Ngunit nagpapaliwanag itong ang babae mismo ang sumalubong sa kanya. Mabuti na lang at nakita niya kaagad ang babae. Dahil kung hindi, alam na nila ang pwedeng mangyari sa babaeng nakahandusay ngayon sa gitna ng kalsada.

Ilang sandali pa at dumating na rin ang pulis at ang ambulansya. Mabilis namang isinakay si Ella sa stretcher.

"Sino po ang pwedeng sumama sa pasyente?" tanong ng isa sa kasama sa rescue.

"Go on Jarred. Ako na ang bahala sa kotse mo. Susunod ako sa ospital. Kailangan ko lang magpalit ng damit. Hindi naman pwedeng ganito ang suot ko."

Napatingin si Jarred sa pinsan. Suot pa rin nito ang damit bilang pari kaya naiintindihan niya ito. Isang tango lang ang ibinigay ni Byron at inalalayan si Jarred na makasakay ng ambulansya.

Sinundan na lang ng tanaw ni Byron ang papalayong ambulansya. May ilang nakakilala pa sa kanya na taga roon sa lugar.

Bumalik si Byron ng monasteryo sakay ng kotse ni Jarred.

"Father," ani ng isang ginang na siyang regular na naglilinis sa lugar na iyon.

"Aalis po muna ako manang. Hindi na ako makakapagpaalam kina sister at ngayon ay oras ng pagdadasal nila. May emergency lang po. Magpapalit lang po ako ng damit. Dadalahan ko din po ng ilang damit ang pinsan ko," ani Byron sa nakakaunawang matanda.

Mabilis na hinayon ni Byron ang kwarto niya sa monasteryo at nagpalit ng damit naglagay din siya ng ilang damit na pwedeng magamit ni Jarred.

Sa ospital, halos magkagulo ang mga tao doon ng dumating ang ambulansya. Wala sa sarili si Jarred na sumunod lang sa bawat sasabihin ng pinaka leader ng nag-rescue kay Ella. Hanggang sa mamalayan na lang niyang nasa harapan na pala sila ng operating room.

"Sir, pakitatagan po ng sarili ninyo. The patient was in critical condition. The part of her skull has crack. Pero mas mabuti na po iyong nakalabas ang dugo. Mas delikado po kasi kung may mabubuong dugo sa ulo ng pasyente. Isa pa po mayroon pong crack bone ang pasyente sa may femur niya. Ang buto sa may hita niya. May damage ang buto sa braso at sa kaliwang binti niya. Pero gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya para maligtas siya."

Napaupo naman si Jarred sa sahig sa harap ng operating room ng magsara ang pintuan. Hindi niya alam ang gagawin. Ang takot sa puso niya sa mga oras na iyon ay hindi niya maipaliwanag. Napayuko siya habang hindi mapigilan ang mga luha sa mata.

"Please Ella, lumaban ka. Hihingi pa ako ng tawad sayo. Kahit paghirapan kong muli makuha ko lang muli ang puso mo ay gagawin ko. Pahirapan mo man ako. Tatanggpin ko. Lumaban ka lang sweetheart please. Sorry, sorry Ella, sweetheart. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo na labis kong pinagsisisihan. Ella buhay ang anak mo at nagpapagamot. Naka ilang session na rin siya sa chemotherapy, at may pag-asang gumaling. Please naman Ella, oh. Don't leave me Ella. Ipangako mo. Magpapagaling ka," pagsusumamo ni Jarred habang walang tigil sa pag-iyak.

Napatunghay si Jarred ng magkagulo ang mga nurse at doktor sa loob ng operating room.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Jarred ng may lumabas na nurse at dumaan sa tabihan niya.

"Wala pong dugo sa blood bank ng ospital na match po kay Ms. Aragon kailangan pa po naming tumawag sa ibang ospital," ani ng nurse na nagmamadali.

Hindi malaman ni Jarred kung paano kakalmahin ang sarili. Nasa isang oras ang byahe mula sa pinakamalapit na ospital.

"Oh, God," hindi mapigilang saad ni Jarred ng maramdaman niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig.

Ilang sandali pa ay may tumawag sa cellphone niya. Ayaw sana niya iyong sagutin ngunit ganoon na lang ang kaba ni Jarred ng mapansing iyon ang nurse na nagbabantay kay Jarra.

"H-hello," nauutal pa niyang saad ng sagutin ang tawag na iyon.

"Sir Jarred, sorry po sa abala kung busy po kayo. Kaya lang gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na nagwala po si Jarra kanina. Hinahanap po ang mama niya. Hindi po namin alam ang gagawin. Bigla po niyang hinigit ang dextrose niya kaya po natumba ang bakal na pinaglalagyan noon. Nasugatan po ang bata sa braso niya. Lalo po siyang nagwala ng makakita ng dugo. Kaya po tinurukan po namin si Jarra ng pampakalma. Kaya lang po hindi po namin alam ang mangyayari pag nagising siya."

Halos mahigit ni Jarred ang paghinga sa mga narinig. Hindi tuloy niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya kayang iwan si Ella sa sitwasyon nito. Pero hindi niya kayang pabayaan si Jarra. Lalo na ngayon.

"Sir,"

"Pagnagising si Jarra sabihin mong pupuntahan ko siya mamaya or bukas. So please sabihin mong huwag ng uulitin ang ginawa niya. Pakisabi rin kay Jarra na pag hindi siya magpapasaway at hindi iiyak ay dadalawin siya ng Tita Maric niya. Please."

"Okay po sir, ako na po ang bahala. Gusto ko lang din po talagang ipaalam po sa inyo. Sige po," matapos maputol ang tawag ay muling ibinalik ni Jarred ang tingin sa nakasaradong pintuan. Nandoon na naman ang takot sa kanyang puso.

"Ella," bulong pa niya habang taimtim na nananalangin sa kaligtasan ng dalaga.

"Jarred," ani ng isang tinig na kahit papaano ay napakalma ang magulong puso niya.

"By," nanginginig ang boses ni Jarred dahil sa hindi niya maipaliwanag na nararamdaman.

"Anong nangyayari sayo?"

"Hindi ko alam ang gagawin ko, nasa ospital din ang anak ni Ella na hindi ko alam kung anak ko. Pero ngayon ko nararamdaman anak ko siya. Dahil hindi naman ako ganito sa iba. Pero kay Jarra, nagagawa kong maging malambing sa kanya."

"Ano bang problema ng anak ni Ella?"

"Leukemia, pero nag-a-undergo na siya ng chemotherapy. Pero dahil inilayo ko nga ang mag-ina sa isa't isa, ngayon nahihirapan si Ella dahil sa kagagawan ko. Habang nagwawala si Jarra sa ospital dahil hinahanap niya ang kanyang ina. Nandito si Ella at nag-aagaw buhay. Gulong-gulo na ako By. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

"Maiituwid mo pa ang lahat ng pagkakamali mo Jarred. Hindi pa huli ang lahat," payo ni Byron. "Bago ang lahat ano ng balita kay Ms. Ella?"

Laglag balikat namang tumingin si Jarred kay Byron. Gumuhit na naman ang sobra niyang pag-aalala sa dalaga.

"Kulang ang dugo sa blood bank ng ospital By. Tumatawag pa sila sa ibang ospital para sa dugo. Kaya lang halos isang oras ang layo ng ospital na pinakamalapit dito. Sobra na akong nag-aalala kay Ella."

"Anong blood type niya?"

"O positive."

"Ako na lang ang magbibigay ng dugo sa kanya. I'm O positive. Kay mommy ko namana. Pwede akong maging direct donor, Jarred. Don't lose hope. God is here to guide and protect us no matter what happens. Maniwala at magtiwala ka lang sa kanya. Hindi mo lang napapansin, pero lahat ng nagyayari ay may dahilan. Do you believe in miracle?" biglang tanong ni Byron sa pinsan na ikinatango ni Jarred. "Yeah, we should always believe that He knows everything. That there is a miracle in Him."

Ilang sandali pa ay may lumabas namang doktor na nagmamadali rin

"Doc," tawag dito ni Jarred kaya napatigil ito.

"Mr. Vergara kailangang masalinan kaagad ng dugo si Ms. Aragon. Hindi na kakayaning mahintay pa ang galing sa ibang ospital," nag-aalalang saad pa ng doktor.

"I'm O positive, can I be a direct donor for the patient," sabat ni Byron sa doktor.

"Thank you By," naiiyak na namang saad ni Jarred ng tapikin ni Byron ang balikat niya.

"All for you Jarred," anito bago mabilis na sumunod sa doktor ng sabihin nitong pumasok na ito sa loob ng operating room.

Naiwan namang muli si Jarred sa labas ng operating room dahil bawal siya sa loob. Abot-abot ang kanyang paghingi ng tawad at panalangin na sana ay maligtas si Ella. Higit pa doon na sana ay mabigyan pa siya ng isa pang pagkakataon para maituwid niya ang lahat ng kanyang pagkakamali.

Inabot ng halos dalawang oras sa loob ng operating room si Byron bago ito lumabas. Ngunit pagkalabas nito ay wala pa rin itong balita kay Ella. Kahit sabihing pareho silang nasa loob ay may pagitan namang tela na nakaharang sa kanila.

Nakaupo sa wheelchair si Byron ng ilabas ng nurse. Lalo na at medyo nahihilo pa ito pagkatapos makuhanan ng dugo.

"Thank you By. Salamat sa tulong na ibinigay mo," usal ni Jarred habang patuloy na umiiyak habang nakaluhod sa harapan ni Byron.

"Relax Jarred. Ginawa ko lang ang alam kong tama. Kaya huwag ka ng umiyak. Makakaligtas siya."

"Sana nga By, hindi ko kakayaning may masamang mangyari kay Ella. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin By. Itutuwid ko pang lahat ng pagkakamali ko. Hihingi pa ako ng tawad kay Ella. Susuyuin ko pang muli ang puso niya. Hindi niya deserve ang lahat ng dinanas niya sa kamay ko at sa kamay mg hayop na iyon!" halos sumiklab ang galit sa nga mata ni Jarred ng maalala ang mga sinabi ni Ella.

Naramdaman niyang ang kamay ni Byron na humawak sa kamay niya. "Magiging tama ang lahat sa tulong Niya. Maging matatag ka Jarred. Nandito lang ako para sayo para gabayan ka."

"Salamat By. Maraming salamat."

Ilang oras pa ang kanilang hinintay at naging maayos na rin ang pakiramdam ni Byron. Lumabas na rin ang doktor na siyang nag-opera kay Ella.

"Mr. Vergara," anito. "Ms. Aragon is safe. Pero kailangan nating hintayin kung kailan siya magigising. Lahat ng parte ng katawan niya na may crack ang buto ay nilagyan namin ng bakal. Don't worry Mr. Vergara. Hindi siya mahihirapan sa mga inilagay naming bakal sa kanya. It's safe kahit hindi alisin. Ang kailangan lang natin ay magkamalay si Ms. Aragon within 48hrs. Dahil kung hindi siya magigising I declare her comatose."

Nandoon na naman ang panlulumo kay Jarred. Kahit papaano umaasa siyang magigising si Ella.

Kasunod ng doktor na lumabas ang stretcher na kinalalagyan ni Ella. May benda ang dalaga sa ulo, braso, hita at binti nito.

"Dadalahin na po namin siya sa kwarto niya," ani ng isang nurse na may tulak sa stretcher na kinahihigaan ng walang malay na si Ella. Nakaalalay din doon ang dalawa pang nurse.

Walang salitang tumango at sumunod na rin naman sa mga ito sina Jarred habang inaalalayan ni Byron.



Seguir leyendo

También te gustarán

137K 3.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.5K 55 14
Erica, ang babaeng naging kasintahan na sikat na si Nicolai Gueros known as the Greatest playboy. mahirap paniwaalan pero ang dalaga lamang sya ang t...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
843K 29K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.