Sa bahay ni Inami kung saan nakatira din ang mga magulang nya at si Coach Tesuya
"Masyado mo akong pinag alala, akala ko kung napano kana" sabi ni Inami
"Sorry na mommy" sagot ni Sakuhako habang seryosong nakatingin si Kate kay Inami
"Lolo Yutaro, Lola Hinari kamusta na po kayo?" Tanong ni Sakuhako
"Maayos lang nman kami hako" sagot ni Yutaro
"Natutuwa kami na nandito at hindi ka napahamak" sagot ni Hinari
"Teka nasaan si Tandang Tesuya?" Tanong ni Sakuhako
"Nasa hospital sya, dadalawin nga namin sya ngayon" sagot ni Inami
"Ano? Teka" sabi ni Sakuhako
"Wag kang mag alala, ayos lang sya, masakit lang yung paa nya, nagjugging kasi, ayan tuloy sinumpong rayuma, hay" sagot ni Inami
Natatawa na lang si Sakuhako
Nagsalita si Kate
"Tita Inami, Gusto po kitang makausap" sabi ni Kate
"Huh? Sige, pero nag almusal na ba kayo? Nag luto ako ng almusal kasi alam kong dadating kayo" tanong ni Inami
Tatanggi na sana si Kate dahil gusto nya talagang makausap si Inami subalit sumenyas sa kanya si Sakuhako
"Ahhh oo Mommy hindi pa kami nag aalmusal hahaha" sabi ni Sakuhako
Sa hapag kainan, inihanda ni Inami ng almusal ang dalawa
"Matagal tagal narin nang makatikim ako ng luto nyo Mommy Inami" sabi ni Sakuhako
"Hhhmm wag ka na ngang magbiro, kumain na kayo, pasensya na Kate uunahan na kita hindi ako masarap mag luto ehh" sabi ni Inami
Habang si Sakuhako nang tumikim sya
"Uughhhmm" na tamang pigil muntik pa nya mailuwa
Di nahalata ni Inami
"Ano toh? Alam kong hindi masarap magluto si Mommy Inami, nasanay na ako, pero ngayon bakit, dahil kaya ngayon lang ulit ako nakatikim ng luto nya?" Tanong ni Sakuhako sa kanyang isipan
"Masarap ba hako?" Tanong ni Inami
"Ahhh hhmm oo hahaha masarap mommy hahaha" palusot ni Sakuhako
"Kate wag kang mahiya" sabi ni Inami
Kinuha ni Kate ang kutsara nya at tumikim sya nang biglang nanlaki ang mga mata nya, bigla na lang sunod sunod ang subo nya
"Hoy dahan dahan lang baka mabilaukan ka nyan" sabi ni Sakuhako napangiti nman si Inami
"Pareho sila ni Rukawa, ganyan na ganyan din ang reaction nya" sabi ni Inami sa kanyang isipan
"Ang sarap ngayon lang ako nakatikim ng ganito, mas masarap pa sa mga restaurant sa Amerika" sabi ni Kate
"Salamat, Ngayon lang ulit may pumuri sa luto ko" sagot ni Inami
"Ahhhmm" napaiwas ng tingin si Kate at tinuloy na nya ang kinakain nya, makikita sa kanya na ganadong ganado sya
At habang kumakain sya
"Isa siguro ito sa mga nagustuhan ni papa sa kanya, masarap syang magluto" sabi ni Kate sa kanyang isipan
Habang si Sakuhako tinitiis ang lasa ng kinakain nya ngayon hindi nya lang pinapahalata dahil nakabantay si Inami
Maya maya lang
"Ang sarap ang dami kong nakain, hihi salamat po sa masarap na almusal" sabi ni Kate
"Kahit na anong oras pwede kang pumunta dito" sagot ni Inami
Hindi namamalayan ni Kate na nagiging maagan ang loob nya kay Inami, nang maisip nya ito agad syang nagtaray hindi nya alam kung bakit nya ginawa iyon, marahil siguro ay dahil hindi parin nya matanggap na hindi ang totoong ina nya ang nakatuluyan ng kanyang ama
Alam nyang may posibilidad na baka magkabalikan ang kanyang ama at si Inami
"Tita Inami, Mayron sana akong malaman, Ex girlfriend po ba kayo ni papa?" Tanong ni Kate na medyo kinagulat ni Inami
"Yan ba ang dahilan kaya pumunta ka dito? Kaya gusto mo akong makausap?" Tanong ni Inami
"Sagutin nyo na lang ang tanong ko" sagot ni Kate na seryoso ang mukha
"Oo, Matagal nang panahon na iyon, Teenager pa kami nasa high school pa ako, hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit tinatanong mo pa saakin toh" sabi ni Inami
Habang si Sakuhako tahimik lang hindi nakikialam
"Sinabi sakin ni mama na walang kahit na anong relasyon sila ni papa, Kinuwento nya sakin ang lahat, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga nalaman ko, pakiramdam ko dapat hindi ako pinanganak sa mundo dahil isa lang akong malaking pagkakamali na di dapat lumataw sa mundo" na nagsisimula nang umiyak si Kate.
"Simula pa noong bata ako, Hindi ko naramdaman na mayron akong magulang, mainit ang dugo sakin ni mama lalo na si Lola, sa paningin nila isa lang basura o dikaya kasangkapan sa mga ambisyon nila, Nagtatanong ako sa sarili bakit ganun? Yung mga ibang bata mayron silang tatay, nanay pero ako wala? Oo mayron nga ako ina pero isang bacteria lang ang tingin nya sakin, Inggit na inggit ako sa mga batang nakikitang sinusunod sila ng kanilang tatay at nanay sa skwelahan, sabay sabay kumain sa lamesa, Nanonood tv, nagtatawanan, Gusto kong maranasan yun, Pero ang lahat ng iyon ay isang malaking kalokohan lang kaya ang gusto Ahhhhh" napatigil sa pagsasalita si Kate dahil
Bigla na lang syang niyakap ni Inami,
"Tama nah" sabi ni Inami
Di namalayan ni Kate na napayakap na sya kay Inamj habang umiiyak
Habang si Sakuhako natulala sa mga narinig nya, bigla nyang sinara ang kanang kamay nya ar lumabas ang mga ugat sa mga braso nya, hindi nya alam kung bakit na lang sinaniban ng galit
Marahil ay dahil sa mga kinuwento ni Kate sa kanya kagabi noong nag usap sila sa living room ng bahay ni Haniko Shina at Ichiro Suzuki mga magulang ni Zoey
"Oh talaga, So ibig sabihin ikaw na ngayon ang savior ko?" Tanong ni Kate
"Oo, at kahit sino pa sila hindi ako natatakot, dahil wala akong kinatatakutan" sagot ni Sakuhako
"Pumapayag ako sa panaplano mo, Pero sa tingin mo ba eefective yang plano na magpapanggap tayo, na magbofriend at girlfriend? Hakohh gusto mo bang malaman kung sino talaga ako kung anong klase akong babae at kung anong naging buhay ko sa Amerika? Parang impyerno" sabi ni Kate
Napalingon sa kanya si Sakuhako
"Bata pa lang ako, Walang pakialam sakin ang mama ko lalo na ang lola ko, pati narin ang mga kamag anak ko, mga pinsan ko, mga Tita at tito ko ang tingin lang nila sakin ay isang basura, maliban lang kay Kuya Renz" sabi ni Kate
Habang handang makinig si Sakuhako sa ikwekwento sa kanya ni Kate
"Sampung taon gulang palang ako, nang ipagkasundo ako sa isang mayamang anak ng business partner ni Lola sa companya, Sya si David kababata ko nagkakilala kami noong walong gulang palang kami, mabait sya ngunit nagbago sya" pagsisimula ng kwento ni Kate
13 years old si Kate at 16 years old nman si David 1st year high school tatlong taon ang agwat nila
Isang sikat na basketball player si David na may pag asang makuha sa isang malaking Team sa Amerika
Sa junior high school sya ang leader ng isang gang group na kung saan may mga babae
Pagdating ni Kate sa kanilang room kasama si Renz na 2nd year junior high school
Naabutan ni Kate na may isang babaeng nakaupo sa kandungan ni David isang white American hair
"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni David
Nasa pinto lang ng room si Kate habang si Renz nakatingin ng masama kay David
High School na si David, kasama ang ilang miyembro ng gang, nagyoyosi pa sila sa loob ng room
"Umalis ka nga dyan" na tinulak ni David ang babaeng naka kandong sa kanya
"Hindi mo dapat ako ginaganito porket nandyan na ang babaeng yan" sabi ng babae na ang pangalan ay Danica
"Tumahimik kah, Alamin ko kung anong position mo dito, Alamin mo kung ano ang ibig sabihin ng Fuck Buddy" sagot ni David
Habang si Kate sukang suka sa narinig nya di na lang pinahalata
"Ngayon Kate halika dito maupo ka dito, Pasensya na kung may ibang babae na umupo dito" sabi ni David habang nakatayo lang si Kate sa pinto ng room nya
"Ang sabi ko halika kah ditohhh" sigaw ni David na kinabigla ni Kate na may kasamang takot ang nararamdaman nya habang si Renz walang magawa kundi ang manahimik lang
Lumapit si Kate at hinawakan sya ni David sa bewang nya pinaupo sa kandong nya sa dalawang hita nya mababakas sa mukha nya na pipilitan lang sya
"Alam mong ikaw ang Prinsesa dito walang simulan sa kanila ang makakapalit sayo, Alam mo nman yun Kate
"David, Diba sabi ko sayo, tigilan mona paninigarilyo mo? Dahil makakasama yan sa kalusugan mo, at sa babasketball mo at ayoko ring makaamoy ng usok" sabi ni Kate
"Narining nyo sinabi nya? Patayin nyo yosi nyo" utos ni David sa mga kasama nya habang galit na galit ang ilang mga babae kay Kate
Kaya agad na itinapon at pinatay ng mga kasama nya ang sigarilyo nila
Nakita ni David na nakatayo parin si pinto ng room si Renz masama ang tingin sa kanya
"Anong yang tingin na yan ahh Renz? Lumayas kah" sabi ni David
Di nagsasalita si Renz
"Anong gusto mo sakit ng katawan?" Sabi ni David
Sumenyas si Kate kay Renz, kaya umiwas na ng tingin si Renz, ilang beses na kasi syang binugbog ng gang ni David, kahit malaki sya kung pinag tutulungan nman sya ng limang tao ay talagang di nya kakayanin
Umalis na lang si Renz na matindi ang pag aalala nya kay Kate
"Walang kwentang basura akala mo nman may ibubuga puro hangin lang nman katawan nya" sabi ni David
"David ano kaya kung bigyan namin sya ulit ng leksyon?" Tanong ng kasama ni David
Napatayo si Kate umalis sa pagkakaupo nya sa hita ni David
"Wag, pakiusap wag nyo syang saktan" sabi ni Kate
"Sino nagsabi sayong umalis ka dito pagkakaupo mo? Oh baka nman gusto mong gulpihin namin si Renz" sabi ni David
"Ayoko na, sukang suka na ako, Sumusubra kana David" sabi ni Kate
"Ano? Tumatanggi kana ngayon? Baka nakakalimutan mo na ang basurang pamilya mo, kung hindi samin baka sa basurahan na kayo nakatira, Wag mong hintayin na magalit ako, umupo ka dito dahil kung hindi, papatayin namin si Renz" na mala dyablong mga mata ni David
Di makagalaw sa takot si Kate alam nyang seryoso si David sa mga sa mga sinabi nya
Kaya bumalik sya, umupo sya sa kandungan ni David habang nakapatong ang braso ni David sa hita nya
Napapikit na lang sya, Dahil sa laki ng utang ng lola nya, walang magawa si Kate, At higit sa lahat utos din ng lola nya at ni Jasmin na sundin ang lahat ng ipag uutos ni David sa kanya
Nang yari ang pagbabago ni David noong 13 taong gulang palang sya, active sya sa basketball, sinusuportahan sya ni Kate, nanonood sya habang nag checheer
Ginagawa ni David ang lahat ng ito para sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina na may cancer
Subalit nagbago ang lahat nang bumisita si David sa office ng kanyang ama na syang president ng kumpanya
Sa pinto palang ng office ng kanyang ama ay may naring syang
"AHHHH AHHHH UUHHHH PRESIDEEEHHT" huni ng isang babae
Pagbukas ni David ng pinto nakita nya ang kawalang hiyaan na ginawa ng kanyang ama at ng secretary ng kanyang ama, parehong walang damit
At nakahiga sa lamesa ang babae kitang kita ni david ang lahat at nang makita na sya ng kanyang ama, napatakip sa katawan ang babae
"David, nandyan ka pala" sabay sinara ng kanyang ama ang zepper nya
"Ikaw, Bakit? May sakit si mommy at ikaw, GGRAHHHH Papatayin KITAHHHH" SIGAW NI DAVID
At makalipas lang ng isang linggo namatay ang kanyang ina, doon na nagbago si David, na parang naging masamang tao narin
Subalit kahit na ganun, Hindi magawang saktan o gawan ng masama ni David si Kate, Kagaya ng ginawa nya sa ilang mga babae
Active parin sa pagbabasketball si David subalit hindi na sya ganon ka sigla maglaro dahil wala na ang kanyang ina