Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako

127 10 3
                                    

Para maging ganap na studyante ng Basketball Association kaylangan makapasa muna si Sakuhako sa isang pagsubok na binigay ni Daisuke, ang talunin si Kaite

Si Kaite ay tatlong buwan palang nag tratraining sa association, hindi sya tumaas ng kamay ngunit sya pa ang pinili ni Daisuke para harapin si Sakuhako

Magawa kayang matalo ni Sakuhako si Kaite o ngayon palang bagsak na sya

Habang drinidribble ni Kaite ang bola, pinagmamasdan ni Sakuhako ang kalaban nya

"Paano naging basketball player ang bansot na toh? Ang liit ng katawan nya, pero sabi nga ni manong hindi basehan ang itsura para sabihing hindi sya magaling, hindi sya matatanggap dito kung hindi sya magaling" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan

Tumakbo na si Kaite handa sa depensa si Sakuhako, nang makalapit na si Kaite biglang kumanan sya kay Sakuhako

"Ano?" Gulat na si Sakuhako

Upang makalusot iniyuko ni Kaito ang kalahati ng katawan nya lumusot sa nakataas na kanang braso ni Sakuhako habang drinidribble nya ang bola

At mabilis na gumawa ng leyap shot

"Ang galing mo Kaite" sigaw ng mga nanonood na kapwa studyante rin ng association

"Ggrahhh hoy ikaw hindi porket nakalusot ka magaling kana, ngayon ako nman ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling" sabi ni Sakuhako pinulot nya ang bola

Habang si Daisuke na nanonood

"Walang duda anak nga sya ni Kuya Sakuragi, parehong mayabang mag salita" sabi ni Daisuke sa kanyang isipan

Drinidribble ni Sakuhako ang bola lumapit sa kanya si Kaite nakataas ang depensa

Kumanan kumaliwa si Sakuhako, ganyan din ang ginagawa ni Kaite habang nakataas ang dalawang braso

"Bakit hindi ako makalusot sa bansot na toh ggrahhh" na nagsisimula ng mainis na si Sakuhako

At nang pagkanan ni Sakuhako biglang tinapik ni Kaite ang bola pababa, mabilis syang tumakbo

"Ggrahhhh ikaw! Bumalik ka dito humanda kahh" galit na galit na hinabol ni Sakuhako

Makita ni Kaite na nasa likuran na nya si Sakuhako, at dahil sa subrang inis dina nag isip isip pa tinapik ni Sakuhako ang kamay ni Kaite imbes na bola

"Ahhhh" nanlaki ang mga mata ni Sakuhako at unti unti silang nagkatinginan ni Kaite na parang bumagal ang oras, at unti unting bumagsak ang dalawa

"Foul Pushing, kay Kaite parin ang bola" sabi ni Daisuke na nagsilbing referee

"Kaite" napasigaw na si Renz isa sa studyante ng basketball association

"Ayos lang ang pinsan mo Renz" sabi katabi ni renz na nanonood isa rin sa studyante ng association

Tumayo si Sakuhako habang si Kaite nakaupo parin sa sahig

"Ikaw" sabi ni Sakuhako

"Kuya Daisuke, matanong ko lang kung matalo ako dito anong mangyayari?" Tanong ni Sakuhako

"Simple lang, hindi ka namin tatanggapin, makakauwi kana" sagot ni Daisuke

"Ganun ba?" Sagot ni Sakuhako sabay harap kay Kaite

Nakatingin si Sakuhako kay Kaite at mukha nman naiilang si Kaite

"Ayoko na sumusuko na ako" sabi ni Sakuhako

"Huh?" Medyo nabigla si Kaite

"Bakit ka sumusuko? Hindi moba narinig ang sinabi ko kanina lang? Hindi ka namin natatnggapin dito bilang studyante" tanong ni Daisuke

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon