Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako

112 10 4
                                    

Nagsimula na ang 2nd half ng laban ng Shohoku at Miyuradai

Sinimulan ni Sakuhako at Otano ang laro na kaagad na nakapuntos sila

Ginaya ni Otano ang ginawang pasa noon ni Akito noong practice game sa Team ni Sakuragi, Ang Slap Direct Pass kung saan mabilis na naka alley oop dunk si Sakuhako

Doon na napansin ni Kate kung gaano kagaling ang mga kadugo ng pinakamagaling na basketball player noon panahon na si Hitogami Sakurou

Si Sakuragi, Sakutou,
Apo sa tuhod na si Sakuragi Jr (Akito), Sakuhako at ngayon si Sakutano (Otano) mga apo ni Hitogami

"Parang kailan lang noong galit na galit sya sa basketball, ngayon napakahusay na nyang maglaro" sabi ni Zoey

"Huh?" Napalingon sa kanya si Kate

"Si hakoh, Noong mga bata pa kami, Ako, si Saku, si Hako at si Ace, palaging naglalaro ng basketball si Saku at Ace, ako nman nanonood lang sa kanila pero si hako ayaw nya mas gusto nyang mapag isa, isang beses niyaya ko syang makipaglaro kila Saku, Pero tumakbo sya at sinabing galit na galit sya sa basketball" sabi ni Zoey

"Magkakabata pala kayong apat" sabi ni Kate

"Oo, dito Kanagawa kami nakatira noon" sagot ni Zoey

"Bakit nagalit si hako sa basketball?" Tanong ni Kate

Medyo napayuko si Zoey

"Dahil nagbago si Saku noong hindi pa sya naglalaro ng basketball silang dalawa ni hako ay malapit sa isat isa pero nagbago ang lahat ng matuto si Saku ng basketball" sagot ni Zoey

"Nabanggit narin sakin yan ni Hako na kaya gusto nyang matuto ng basketball para talunin si Akito ngayon maayos na sila" sagot ni Kate

"Coach Kate, Alam mo ba na" sabi ni Zoey na medyo nakayuko di makita ang mukha nya

"Huh?" Na nagtataka na si Kate.

"Noong bata pa kami palagi kong nakikita si hako na mag isa, nakikita ko na inggit na inggit sya sa kapatid nya dahil nakay Saku ang lahat ng atensyon ng mga tao, Alam mo bang si hako ang unang crush ko" sagot ni Zoey

"Ahhhhh?" Medyo nabigla na si Kate

"Palagi syang nasa sulok at patagong pinapanood ang kapatid nya, ako nman non pinapanood sya kaya naintindihan ko ang pinagdaanan nya, nong nalaman ko ang binabalak nya, pinigilan ko sya pero pinagtabuyan nya ako at sinabi sakin na aalis sya para talunin balang araw si Saku, Umiyak ako sa harapan nya pero diko sya napigilan, Napakasakit sakin ang nangyaring yun" sabi ni Zoey nang maalala nya ang nakaraang noong mga bata pa sila kung saan si Sakuhako ay lumayas sa kanilang bahay

Humarap sya kay Kate at sinabing

"Haha matagal ng panahon yun, mga bata pa kami non, nong umalis si hako, lumipat na kami ng parents ko sa Tokyo, pagkatapos palaging pumupunta sa bahay namin si Saku don na ako na develop sa kanya, hahaha wag mong sasabihin kay Saku mga nalaman mo ngayon ahh baka kung anong isipin nya hihi" sabi ni Zoey

Nakatingin lang sa kanya si Kate ngunit napansin nyang nakatingin si Zoey habang nakatingin kay Sakuhako

"Ikaw Kate anong tingin mo kay hako? Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Zoey

"Ahhnm lam mo nman na nakasama ko sya sa Training School ng basketball association" sagot ni Kate

"Ganun ba? Sa tingin ko yung sinabi nya kanina na kaya gusto nyang asarin ka dahil may gusto sya sayo" Sagot ni Zoey

"Ahhhh? Ganyan nman talaga ang ugali nyan diba? Mahilig talagang mambwisit shaka bakit moba ako dinidikit sa kanya?" Sabi ni Kate

"Bakit? Teka wag mong sabihin na may boyfriend kana" tanong ni Zoey

Suramu Danku: Next Generation 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن