Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako

104 11 3
                                    

Habang nakikita ni Sakuhako kung gaano kagaling ang mga kasama nya at mga kalaban nya

"Kakainis! Kung tinuruan sana nya ako baka nagagawa kong makipagsabayan sa mga toh" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan na puro depensa at di pinapasa sa kanya ang bola

Habang si Sakuragi na nanonood

"Kitang kita, pasensya na sa sasabihin ko Sakuragi, para sakin hindi karapat dapat na magkaron ng lisensya ang anak mo" sabi ni Gordon

"Yan din ang tingin ko, kung hahayaan natin na makapasa sya, siguradong lalabas na pinasa lang sya dahil anak mo sya, ayaw mo nman siguro na mapahiya ang anak mo" sabi nman ni Yutaro

"Lahat sila ipapasa natin" sagot ni Sakuragi

"Ano?" Na kinagulat ni Yutaro, Gordon habang si Rukawa nakikinig sa kanila

"Mahalaga sakin ang mga batang yan dahil naniniwala ako na sila ang susunod na henerasyon, ang dahilan kaya palagi akong wala, ay dahil naglakbay ako sa ibat ibang lugar para maghanap ng mga batang may potensyal, halos lahat sila mga ulila na sa pamilya, paiba iba man ang itsura ko, sa tulong ng ilang mga kakilala ko nagawa ko silang lahat pagsama samahin dito" sagot ni Sakuragi

Nasa kolehiyo palang si Sakuragi sya na ang naging Chairman ng Basketball Association, at don narin sya nag retiro sa basketball, para makasama ang pamilya nya, subalit hindi parin nawawala sa isip ni Sakuragi ang basketball, nang ipanganak ni Haruko si Haruka ang pangatlong anak nila ni Sakuragi nagsimula nang maglakbay si Sakuragi sa ibat ibang lugar, gamit ang experimento ni Zenes na pwedeng baguhin ang mukha, sinumulan ni Sakuragi ang paglalakbay ang una nyang nakilala ay si Louki, 1st year junior high palang si Louki mahilig na sa babae nagpakilala si Sakuragi sa pangalan na Mr Zen, para pumayag si Louki, sinabi ni Sakuragi na mas maraming hahangang babae kay Louki kung magiging isa syang basketball player at nagawa nga nyang utuin si Louki, don na nagsimulang turuan sya ni Sakuragi ng basketball, pagkatapos ilang buwan nakalipas, binigyan nya si Louki ng isang gate pass para makapasok sa basketball association, at nawala na lang bigla si Sakuragi o Mr Zen

Ganyan din ang naging kaso ng ilang mga studyante ng basketball association, may nakilala silang isang tao na nagturo sa kanila ng basketball pagkatapos bigla na lang aalis ang taong yun, wala silang alam na si Sakuragi iyon

Ganyan din ang naging kaso ni Sakuhako, nakilala din nya si Mr Saurai na si Sakuragi talaga iyon pagkatapos binigyan sya ni Mr Saurai ng gate pass at nawala na lang bigla si Mr Saurai

Si Sakuhako ang huling batang binigyan ni Sakuragi ng Gate pass pero ibang gate pass yun dahil kulay pula na para lamang sa matataas na opisyal ng association kaya nalaman agad nila na ang batang dumating ay anak ni Sakuragi

Apat na bata lang ang hindi dumaan kay Sakuragi, Si Kate, Si Ace, si Lyion at si Renz

Si Kate kusang pumunta dito sa basketball association dala dala ang katibayan na binigay sa kanya ng kanyang ina na si Jasmin, kasama narin si Renz na pinsan nya, para sa hangarin na hanapin ang kanyang ama na si Rukawa

Si Ace nman mismong ang tatay nyang si Sora ang nagrecommenda kaya nakapasok si Ace sa association

Habang si Lyion nman kaya napakasok ay dahil kay Miyagi

"Alam kong sa ilang buwan kong nakasama sila, napamahal na sila sakin, para ko narin silang mga anak, pero sa pagkakataon na ito isa lang ang ipapasa natin sa kanila, Hahayaan ko kayong pumili kung sino sa kanila ang gusto nyong kunin, kayo nang magpatuloy ng hindi ko nasimulan" sabi ni Sakuragi

"Ikaw pala nakahanap sa kanila, Kaya nman pala naiintindihan kona" sabi ni Gordon

"Nong unang bisita ko dito, ang mga batang yan basics lang ang alam nila ibig sabihin ikaw pala nagturo sa kanila ng basics, nang pumasok sila dito don na nakumpleto ang pag aaral nila ng basketball" sabi ni Yutaro

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now