Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet

115 11 5
                                    

Sa Tokyo

"Anong gusto mong pag usapan natin rukawa" tanong ni Jasmin

Sa isang coffee shop magkasama si Jasmin at Rukawa para sa isang mahalagang pag uusap

Tinaggal ni Rukawa ang salamin nya sa mata at ipinatong sa lamesa

"Tungkol kay Kate, Nang galing ako sa Korea para kunin ang lahat ng pera nang naipon ko, Dederetsuhin na kita Jasmin ang 50% ng utang nyo, wag mong iisipin na ginagawa ko to para sa inyo, kundi para to kay Kate" sagot ni Rukawa

"Sa tingin moba papayag sila sa 50%? Alam mo na ginagawa mo yan Rukawa para sa anak mo kung yan lang ang kaya mo wala rin maasahan sayo" sagot ni Jasmin

"Alam ko kaya gumagawa ako ng paraan para makahanap pa ng pera" sagot ni Rukawa

"Yan lang ba sasabihin mo?" Tanong ni Jasmin

"Pagkatapos ng lahat ng ito, gusto kong sa poder kona si Kate" sagot ni Rukawa

"Wala nman akong magagawa, Ikaw ang tatay nya bahala ka" sagot ni Jasmin

Samantala sa Kanagawa sa Shohoku Gym House

Nagtawag ng Time Out ang Shohoko Junior Team dahil sa hindi sila makaporma sa ginagawang opensa at depensa ng mga high school players

Sa bench ng Shohoku habang nakaupo si Sakuhako umiinom ng tubig tumunog ang cellphone nya na nasa jacket nakasabit sa sandalan ng upuan nya

"Kanina pa yan tunog ng tunog bat di mo sagutin" sabi ni Zoey

"Hindi nman yan importante, Alam kong namumuti na ngayon ang buhok nya" natatawang sagot ni Sakuhako

"Malay mo baka si Tita Haruko yan" sabi ni Zoey habang lumingon lang ng mata si Kate kay Sakuhako na katabi lang nya, habang tahimik lang si Akito

Kinuha ni Sakuhako ang cellphone nya sabay lingon ng mata si Kate tinitignan kung sino tumatawag at ang nakita nya ang pangalan ay

"My Little Cat"

"My Little Cat sino nman kaya sya? Babae?" Tanong ni Kate sa kanyang isipan

Sinagot ni Sakuhako sabay loud speaker nya

"Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko" tanong na boses ng isang babae

Medyo nabigla ang mga nakarinig

Dahil dyan tinaggal ni Sakuhako ang loud speaker ng cellphone nya

"Babae?" Sabi ni Althena na nasa likod lang ni Sakuhako nakatayo

"Baka girlfriend nya" sabi nman ni Aimi

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan" sabi ni Althena

Tumayo si Sakuhako at dumistansya sa kanila

"Lumayo pa sya, baka may sekret girlfriend talaga sya" sabi ni Aimi

"Tumahimik kahh" sigaw ni Althena

"Hakohh sino ba yung babaeng yan" sabi naman ni Zairyl

Habang tahimik lang si Kate na nakatingin kay Sakuhako ngunit biglang kumulot ang noo nya

"Namiss moba ang principe mo?" Tanong ni Sakuhako

"Anoh? Pwede ba hindi ito ang tamang oras para magsalita ka ng kung ano ano dyan" sagot ni Hisaka

"Ohhh bakit kaba nagagalit dyan? Diba sinabi ko na sayo na kapag ganitong oras busy ako" Sagot ni Sakuhako

"Wala akong pakialam, pumunta ka dito mamaya kanina pa ako nagugutom wala ang mga maids ko" sagot ni Hisaka Koamoto

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now