In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

804 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 35

11 0 0
By yurikurama24

Chapter 35

Habang hinihintay ang pagdating ng doktor ay matiim lang na nakatingin si Jarred kay Ella. May kung ano sa puso niya na hindi niya kayang maipaliwanag. Awa? Iyon talaga ang totoong naramdaman niya kay Ella.

"Sweetheart," bulong niya sa isipan at inalala ang mga pagkakataong kanya pa ang dalaga. Napahilot pa siya sa sentido. Hindi niya kayang pigilan ang sarili. Nilapitan niya si Ella at hinaplos ang maganda nitong mukha. Ipinikit niya ang mga mata. May kung anong tuksong nagtulak sa kanya para halikan ang dalaga sa noo.

"Ella," gusto talaga niyang malaman ang lahat ng nangyari dito sa nakalipas na mga taon. Hindi naman niya alam kung anong magiging desisyon niya sakaling malaman niya ang totoo. Pero sa nakikita niya kay Ella kailangan talaga nila ng malinaw na pag-uusap. Kailangan niyang malaman ang lahat.

Ilang sandali pa at dumating na rin ang doktor na siyang susuri kay Ella. Una nitong tiningnan ang vital signs ni Ella. Everything is normal. Ikinuwento rin ni Manang Lena ang totoong nangyari bago nawalan ng malay si Ella. Nakikinig lang naman si Jarred na mas lalong nagpaigting ng kagustuhan niyang malaman ang lahat-lahat sa dalaga.

Napailing na lang siya sa isiping, bakit ba gustong-gusto niyang alamin ang lahat? Handa na ba siyang malaman kung sino ang ama ng anak ng babaeng minsan ay minahal niya. Ang sagot ay hindi niya alam.

Alam din naman ni Jarred na g*go siya. Pero sa tingin niya mas g*go ang lalaking nakabuntis kay Ella. Tapos matapos nitong makuha ang lahat sa babaeng dating minahal niya. Iniwan lang ito kasama ng anak nito.

Nagulat pa si Jarred ng makarinig ng pagtikhim. Medyo malayo na rin pala ang narating ng kanyang isipan.

"Dok kumusta siya?"

Nakamasid na lang sa kanila si Manang Lena at mariing pinapasadahan ang natutulog na si Ella. Maayos na rin naman ang damit nito. Dahil makatapos niyang tumawag ng doktor ay tinawag siya ni Jarred para palitan ng damit si Ella.

"She's fine. Pero tulad ng sinabi ninyo na reaksyon niya sa isang bagay na wala namang kakaiba lalo na at isang tanong lang naman. I think she needs a medical attention."

"What do you mean doc?"

"I'm not sure kahit sabihing doktor ako. Maraming pagsusuri ang kailangan niyang pagdaanan. I think she's suffering from a trauma. A thing, a words or even a question just what you say. Pwedeng magpa-trigger sa pinagdaanan niya. Basta kausapin ninyo siyang mabuti. Isa pa peace of mind. Makakatulong iyon sa kanya. Higit sa lahat ilapit ninyo siya sa doktor na bihasa sa larangang iyon."

Matapos ang ilan pang paalala ay nagpaalam na rin ang doktor. Inihatid naman ito ni Manang Lena hanggang sa makalabas ng gate.

Doon dahan-dahang nilapitan ni Jarred ang natutulog na si Ella. Mas malinaw na niyang nakikita ngayon ang pugto at ang malalim na itim na nakapalibot sa mata ng dalaga. Halatang walang maayos na tulog at palaging umiiyak. Alam niyang may kasalanan siya. Inilayo niya dito si Jarra. Pero isa lang naman ang gusto niyang malaman ang katotohanang dahilan kung bakit basta na lang siya iniwan ni Ella.

"Don't you trust me Ella? Siguro nga manhid ako para maging bulag sa pinagdaanan mo. Pero nasaktan lang din naman ako. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit mo nagawa na iwan ako. Paliwanag lang Ella, pipilitin kong intindihin ang mga bagay-bagay. Isa pa pangako isang matinding rason lang Ella ibabalik ko sayo ang anak mo at hindi na kita guguluhin pa," pagkausap pa ni Jarred sa natutulog na si Ella.

Alas dos na ng madaling araw ng magising si Ella. Masakit ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay gusto niyang masuka. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ay pinilit niyang takbuhin ang banyo. Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nasusuka, dahil nalipasan siya ng gutom.

Habang nakahandusay sa sahig ay naramdaman na lang ni Ella ang paghagod ng mainit na kamay sa kanyang likuran. Hindi naman niya nakikita kung sino iyon. Pero sa presensya pa lang nito, kilala niya ang nasa tabi niya. Si Jarred.

Matapos sumuka ng wala namang inilalabas na kung ano ay pinilit ni Ella na makatayo para makapagmumog. Ngunit dahil sa panghihinang kanyang nararamdaman ay hindi niya kinayang makatayo.

Naramdaman na lang niya ang pag-alalay sa kanya ni Jarred. Hindi ito nagsasalita ngunit parang alam na nito ang nais niya. Matapos makapagmumog ay naramdaman na lang niya ang pag-angat niya sa ere. Hindi na siya hinayaan ni Jarred na maglakad, binuhat na siya nito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" anito ng maibaba siya sa kama. Hindi siya nito inihiga, pero inilapag siya nito ng nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.

"A-anong n-nangyari? Bakit ka nandito? Ibig kong sabihin anong oras na? Bakit nasa kwarto kita? A-alam kung b-bahay mo ito, p-pero..." hindi natapos ni Ella ang sasabihin ng patigilin siya ni Jarred.

"Relax Ella, nawalan ka ng malay kagabi. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sayo. Pero pwede bang sabihin mo sa akin ang problema mo?"

"Wala naman akong problema. Ang gusto ko lang ay makasama ang anak ko," nag-iwas ng tingin si Ella.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Bakit hindi mo sabihin sa akin ang lahat Ella? Ella alam ko bang ang hirap mangapa sa dilim? Pinipilit kong maka move on. Siguro nga move-on na ako sayo," nag-iwas ng tingin si Jarred. "...hindi na kita mahal."

Napatango na lang si Ella sa sinabi nito. "Alam ko at mabuti kunb ganoon."

"Pero gusto ko pa ring malaman ang dahilan mo!"

"Kalimutan mo na lang ang lahat. Dahil ako pilit kong kinakalimutan ang lahat. Huwag na nating balikan please. Isa pa ibalik mo na sa akin si Jarra," pakiusap pa ni Ella.

"Darating tayo sa part na iyan."

Hindi na lang sumagot pa si Ella. Hindi na rin naman kinulit ni Jarred ang dalaga. Tumayo si Jarred at hinayon ang bedside table malapit kay Ella.

Doon lang napansin ni Ella ang isang vacuum tumbler, isang kutsara, mangkok baso ng tubig at gamot. Pinanood lang niya si Jarred habang isinasalin nito ang laman ng tumbler sa mangkok. Sa tingin niya ay lugaw iyon. Dahil sa cold or heat lock naman ang lalagyan na iyon ay umuusok pa ang lugaw ng maisalin ito sa mangkok.

"Kainin mo ito. Alam kong hindi ka pa kumakain sabi ni Manang Lena. Hindi naman namin alam kung anong oras ka magigising kaya naman nagpaluto na lang ako ng lugaw kay manang. Kumain ka na, pagkatapos ay magpahinga ka na."

Seryoso lang si Jarred ng titigan niya. Wala siyang maapuhap kung ano ang damdamin nito sa mga oras na iyon. Wala siyang makapang awa o galit dito. Ang pakiramdam lang niya ay dapat sundin si Jarred sa sinabi nito.

Inilapit naman ni Jarred ang table sa tabi ng kama. Inalalayan din naman nito si Ella na makaayos ng pwesto.

Habang sumusubo si Ella ay ramdam niya ang mainit na titig ni Jarred. Hindi niya alam kung paano niya naubos ang laman ng mangkok dahil sa paninitig nito. Pero dahil sa nagugutom na rin siya kaya siguro hindi niya namalayan.

Akmang tatayo siya para sana dalahin sa kusina ang pinagkainan niya ng pigilan siya ni Jarred. "Stay here. Take a rest. Ako na ang bahala dito," ani Jarred ng alalayan siya nitong maupong muli ng maayos sa kama habang nakasandal sa may headboard. "Mamaya mahiga ka na rin at bumalik na sa pagtulog. Mukha namang kahit papaano ay maayos ka na. Magpapahinga na rin ako."

Napahabol na lang ng tanaw si Ella kay Jarred palabas ng pintuan, habang dala nito ang tray na kanyang pinagkainan.

Napahugot na lang ng hangin si Ella at nagsimula na namang maglandasan sa kanyang pisngi ang mga luha sa kanyang mga mata. Nandoon na naman ang kirot ng kahapong nagdaan. Naalala na naman niya ang panahong kanya pa rin si Jarred. Pero alam naman niyang wala ng puwang para sa kanya ang pag-ibig na nagdaang iyon sa ngayon. May bago na ito at alam niyang ang babaeng iyon ang mas nababagay kay Jarred at hindi ang isang katulad niya.

Mataas na ang araw ng magising si Ella. Kung hindi pa niya naramdaman ang init ng sinag ng araw sa kanyang mukha ay hindi pa siya magigising.

"Pasensya ka na Ella, hinawi ko kasi itong kurtina."

"Manang Lena, pasensya na po kung tinanghali po ako ng gising. N-nagalit po ba si S-sir J-Jarred?" gulat na tanong ni Ella ng bigla siyang bumangon. Mabuti na lang at naalalayan siya ni Manang Lena kaya hindi siya bumagsak sa sahig.

"Huwag kang magmadali. Isa pa tayo lang dalawa ang nandito. Umalis si Sir Jarred kaninang umaga may problema yata sa trabaho niya. Kaya hinayaan na kitang makapagpahinga. Isa pa alam kong pagod ka rin sa dahil sa dami ng nilabahan mo kahapon."

"Ayos lang ako manang, ano po bang nangyari kahapon? Sa totoo lang po ang natatandaan ko lang ay noong magkausap tayo. Tapos wala na po akong maalala."

"Kalimutan mo na iyong kagabi. Ako na ang nagtuloy ng nilalabhan mo kahapon. Kung hindi ka na rin naman makakatulog ay tara na sa kusina. Sabayan mo akong kumain."

"Kung ano man po ang nangyari kagabi pasensya na po. Wala po akong gaanong maalala. Nagising na lang po ako kaninang madaling araw na nandito si Jarred. Inasikaso po niya ako."

"Mabuti kong ganoon Ella. Binantayan ka niya. Sinabi niya iyon sa akin kagabi kaya mas nauna na akong natulog kay sa kanya. Ano tara na?"

"Sige po, salamat po Manang Lena. Salamat po sa pag-intimdi po sa akin kahit po ganito ako na dapat katulong po ninyo dito, pero parang nagiging pabigat pa po ako."

Nilapitan naman ng matanda si Ella at niyakap. "Ella, hindi ka pabigat sa akin. Natutuwa pa nga akong may kasama dito. Tulad ngayon, kung wala ka solo lang ako dito. Lalo na at hindi naman halos nag-stay dito si Sir Jarred. Kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Isa pa hayaan mo at gagawa ako ng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa anak mo."

"Salamat po Manang Lena. Isa pa po mayroon po ba kayong alam na pwedeng mapagpaloadan? Hindi na po ako nakatawag sa mga kumupkop po sa akin sa probinsya."

"Sige mamalengke ako mamaya. Gusto mo bang sumama?"

"Sige po."

Nasa grocery lang sila ng mga oras na iyon habang namimili si Manang Lena ang mga gulay at prutas. Kasunod lang naman siya mg matanda ng bigla niyang matanawan ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Napatalikod siyang bigla dahil ayaw na niyang bigyan pa ito ng sama ng loob pag nakita siya. Nag-iisa lang naman ito, ngunit ayaw niyang makikita siya nito.

"M-manang, u-umuwi na t-tayo," ani Ella sa naiiyak na tono.

"May problema ba?"

"U-umuwi na po t-tayo."

"Sige na Ella, basta huwag ka ng umiyak ha," anito na ikinatango niya. Nakayakap lang si Ella sa braso ni Manang Lena.

Gusto mang magtanong ng matanda sa nangyayari kay Ella ay hindi na lang siya nagtanong. Ayaw rin naman niyang maulit na naman ang nangyari sa nagdaang gabi. Mabuti na lang at tapos na rin naman siyang mamili  kaya naman mabilis na silang nagtungo sa counter. Matapos makapagbayad ay nagpahatid na sila sa paradahan ng tricycle. Ayaw din namang sumakay ni Ella sa taxi kaya sa tricycle sila sumakay sa mga oras na iyon.









Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 123 25
Paano mo ipagpapatuloy ang iyong pagmamahal kung nalaman mong mali na ito simula pa lang? Ano ang gagawin mo kung pati ang langit at batas ay tutol s...
3.9K 124 43
Blurb Rodrigo Cardenal, isa sa tinitilian ng mga kababaihan sa loob ng palengke ng San Lazaro. Matangkad, matipuno higit sa lahat gwapo. Pero sa liko...
847K 29.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5M 58.7K 75
Previous Title : Tum Jo Nahi Toh Kuch Bhi Nahi He was sitting emotionlessly. He looked toward her in anger. She also looked at him but she was confus...