Among Dapitan (Coast Series #...

By erhlsapphire

466 21 1

COAST SERIES #2 Civil engineering Zack Bueneventura from UST only wants one thing to happen, to make his pare... More

PROLOGUE
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13

04

18 2 0
By erhlsapphire

"Kailan po deadline, Ma'am?"

Palabas na sana ng pinto ang prof namin ng bigla 'ko itanong 'yon. Nag papagawa kasi s'ya ng Temple of Olympian Zeus Athens. Seryoso naman s'ya lumingon sa 'kin. Kinakabahan na 'ko ngayon, ah.

"By next day."

Kaagad nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung paano ko na pagsasabaysabayin ang isa ko pa plates na naka tambak sa condo. Kinalma ko na ang sarili ko at hindi na muna nag salita.

"Punong-puno ang schedule ko today."

Tinignan ko pa ang notes ko sa cellphone ko, hindi ko na alam kung paano ko pag sasabay-sabayin ang iba ko pa gagawin. Kailangan ko pa mag review para sa structural design. Mapapanot na yata ako sa sobrang stress. Welcome to college talaga!

Noong break time, nag libot muna ako sa Dapitan para don nalang gawin ang plates ko. Nag hanap pa ako na pwede ko i-paint na buildings para sa architectural technology. Habang nag lalakad, nahagilap ng mata ko sila Zack, Bricks, and Celine.

"Dumagdag pa sa stress ko, ah."

Gusto ko mainis pero mas kailangan ko tapusin ang plates ko. Nakahanap na ako na pwede ko i-paint na building. I took a photo, para naman hindi ako pabalik balik dito.

"Akisha!" malas naman, nakita pa ako ni Bricks.

Kunwari nag hanap pa ako kung sino ang tumawag sa 'kin kahit alam ko naman kung kanino boses 'yon. Talaga lumapit pa s'ya sa 'kin kaya sinundan naman s'ya ng dalawa.

"Ikaw pala, Bricks." I laughed. "Anong ginagawa mo rito?" I asked him.

"Kakain sana, eh. Ikaw?" tanong n'ya, pag lapit.

"Nag hahanap lang ako ng mga building na gagawin ko para sa plates ko, nakaka stress na nga, e. Pero tapos na naman na."

"Na s-stress ka pa n'yan?" natatawang turo n'ya sa mukha ko.

"Ito naman, bolero masyado!" sabi ko rin sa kaniya, sabay tawa.

"Bricks," iritableng tawag sa kaniya ni Celine. "Come on, we'll run of the time to eat."

Tumungo naman s'ya at kaagad nilingon ni Bricks. Ramdam ko naman ang titig ngayon sa 'kin ni Zack. Kakain na sila, bakit hindi pa rin sila umaalis? Wala naman ako ma o-offer na pag kain sa kaniya.

"Did you eat already?" he asked.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan n'ya na hinihintay s'ya. Nakakahiya naman kung sasabay pa ako sa kanila, baka naman kasi mailang sa 'kin 'tong si Celine. Baka sabunutan nalang ako habang kumakain kami.

"Ah, hindi pa. Marami pa akong ginagawa."

"You can eat, Bricks," nilingon n'ya ang dalawa kaibigan n'ya kaya nag taka ako. "Kumain na kayo."

"What? Why?" maarteng tanong ni Celine.

"You can eat without me, Celine," madiin na sabi ni Zack.

"Tara na, Celine!" nakangiting hinila ni Bricks si Celine paalis.

Kahit alam ko masama ang loob ni Celine, nag pahila pa rin s'ya sa kaibigan.

"Uh, hindi pa ako kakain dapat sumunod ka na sa mga kaibigan mo," sabi ko, habang nag lalakad.

"They can eat with me, Akisha."

Tumungo nalang ako, buong week end hindi kami nag-usap or nag kita man lang. Baka kasi busy din s'ya sa family bonding nila. Okay lang naman sa 'kin 'yon!

Tsaka ngayon, s'ya na ang gumagawa ng moves para mag sama kami, ah. Dapat lang para naman may ambag s'ya sa relasyon namin 'to!

"Hindi ka pa kakain?" tanong ko pag kaupo, balak ko dito nalang gumawa ng plates ko sa Gazeebo dahil may mga bench dito.

Hindi pa mainit. Nilagay ko naman kaagad ang mga materials ko at sinimulan ang pag dra-drawing.

"I'll just buy something for us to eat."

Sabi ni Zack at tumayo na. Hindi ko na siya pinanood na umalis dahil ayoko maistorbo sa ginagawa ko. Masyado ako focus.

"Pangit!"

Ilan beses ko na tinatapon sa gilid ko ang mga sketch paper. Na s-stress na ako sa mga pinag gagawa ko ngayon. Baka kulang lang ako sa kiss? Joke.

Tsaka ko na nga iisipin ang pag lalandi ko, ang dami ko pa pwedeng gawin at hindi ko alam kung matatapos ko pa 'to sa susunod na araw. Gusto ko umiyak!

Ilan sandali pa dumating na rin si Zack na may dalang paper bag at dalawang bottled water.

"Wala ka gagawin?" tanong ko, pag karating n'ya.

Nilapag n'ya lang ang tapsilog sa harap ko, kahit hindi ko pa tinitignan 'yon dahil naamoy ko ang tapa don. Umupo naman s'ya sa tabi ko at naramdaman ko ang titig n'ya sa 'kin.

"Wala, natapos ko na last week."

Wow, dati 'wala' lang ang sagot n'ya. Baka naman nag pro-progress na ang utak nito? Tinapunan ko lang ng tingin ang tubig at tapsilog na nasa harapan ko, wala pa balak kainin 'yon.

"Eat first, Kish."

Bakit parang naiihi talaga ako kapag tinatawag n'ya ako sa nickname na ginawa n'ya sa 'kin? Tumungo lang ako at walang pa plano kainin ang binili n'ya. Ang kapal naman ng mukha ko para kumain pa sa lagay kong 'to.

"Mamaya," seryosong sagot ko, hindi pa rin s'ya tinitignan.

"I can help you with what you are doing, we can study in your condo."

Dahil don, napa angat na ang tingin ko sa kaniya. Mukhang seryoso siya sa mga binitawan n'ya salita, ah.

"Talaga? As if naman na kaya mo mag drawing," sabi ko at binalik na ang atensyon sa pag dra-drawing.

"I can draw," he said in monotone.

Tumungo lang ako sa kaniya at hindi na pinansin. Sana Architecture nalang ang kinuha mo sir at hindi na Civil Engineering. Pagkatapos ko sa base ng plate ko tumingin ako sa kaniya.

Seryoso at bored lang s'ya nag sskecth sa pad ko. Nag-unat pa ako sabay tingin sa ginagawa n'ya. Napanganga naman ako ng makita na drina-drawing n'ya pala ako.

"Bakit gulo-gulo buhok ko d'yan?" naiinis na tanong ko.

"Kasi magulo naman talaga ang buhok mo?" tumatawang sabi n'ya.

He draw me, naka side view ako don habang seryoso nagawa ng plates. Infairness, ah. Magaling mga s'ya mag drawing! Nakakatuwa naman.

Kaagad ko naman tinignan ang sarili ko sa reflection ng salamin. Magulo nga talaga ang buhok ko dahil naglaglagan na ang ibang hibla ng buhok ko. Sino ba naman kasi hindi ang ma s-stress sa ginagawa kong 'to 'di ba?

"But still, you look pretty."

"Bolero!" sabi ko.

Napatingin naman kaagad ako sa relo ko upang tignan kung ano oras na. Napanganga naman ako ng makita kung anong oras na.

"Hala, five minutes nalang!" natatarantang sabi ko.

Kaagad ko naman inabot ang tapsilog na binili n'ya. Sunod-sunod naman ang subo ko, hindi ko na nga yata nangunguya ang tapa, e. Sinusundan ko na kaagad 'yon ng paglunok ko ng tubig.

"Kisha, take it easy," nag-aalalang sabi ni Zack.

Habang ngumunguya, inayos ko na kaagad ang mga materials na ginamit ko. Tinutulungan naman ako ni Zack. Ang iba, niyayakap ko na at nag madali tumakbo papunta sa building namin. Nakasalubong ko pa ang prof ko sa hallway kaya talaga nag mamadali na ako tumakbo. Muntik pa ako madulas, malas!

"Muntik ka na ma-late," bungad sa 'kin ni Claire, pagkaupo ko sa tabi n'ya.

Hindi ko na nagawa mag salita dahil pumasok na ang prof namin. Habang nakikinig, patago naman ako gumagawa ng reviewer. Kanina lang kasi in-announce ng prof namin na may long quiz kami bukas. Pinapanalangin ko naman na hindi ako mahuli, kunwari nag ta-take down notes nalang.

"Yas, our multitasking queen," natatawang bulong sa 'kin ni Claire.

Nasa index card ang reviewer ko dahil mas nasasanay ako don kasi mabilis ko lang makabisado. Kapag masyado naman mahaba, pini-print out ko nalang.

Hanggang lumipas ang uwian at nag mamadali na ako na lumabas ng building namin. Pinapanalangin ko na sana hindi traffic, malas dahil wala akong nagawa. Traffic.

What a bad day, right?

Gusto ko maiyak habang nasa jeep ako. Nilabas ko naman kaagad ang sketch pad ko upang tapusin ang base ko. Ililipat ko pa 'to sa illustration board. Hassle.

Alam ko naman na relate ang ibang studyante sa ginagawa ko ngayon sa jeep. Wala naman akong paki sa iisipin nila. Mas mahala ang grades ko 'no!

Consistent Dean's Lister yata 'to!

Kung pa pipiliin ako kung commute or gagamitin ko ang sasakyan ko ang gagamitin ko tuwing uuwi. Mas pipillin ko ang pag co-comutte. Nakikita ko kasi ang ibang struggles ng iba tao kapag nag co-commute ko, e. Hindi naman sa natutuwa ako. Nakikita ko lang talaga kung paano ang takbo ng buhay.

Ang iba may priviledge ang iba naman, wala. Pakiramdam ko kasi sa pag co-comutte ko nakikita ang ibang tao kung papaano sila lumalaban sa buhay nila.

Ang dami ko ng hanash!

Pagkarating ko sa condo, hindi na muna ako nag palit ng unifrom. Tinanggal ko lang ang unifrom ko kaya natira nalang sa 'kin ang white na sando ko. Tinapon ko naman kung saan nalang ang black shoes ko at pinusod ang buhok sabay salampak ng sarili sa sahig.

Hindi ko alam kung ilan oras na 'ko naka salampak ng ganon sa sahig dahil na agaw lang ng atensyon ko noong tumunog ang cellphone ko.

unobueneventura: omw.

Akala ko hindi s'ya tutuloy sa condo ko. Mukhang tinotoo nga n'ya ang sinabi n'ya, ilan sandali pa tumunog na ang doorbell ng condo ko. Nagmamadali ko naman pinunasan ang kamay ko.

Pagka bukas ko pa lang ng pinto, nakita ko si Zack na may hawak na libro at naka salamin pa. Mukhang bagong ligo pa s'ya dahil naamoy ko pa ang sabon at shampoo na ginamit n'ya, basa pa ang iilan hibla ng buhok.

Samantala akong ito, mukhang ewan. Hindi ko na nga alam kung ano ang itsura ko ngayon, e.

"Grumpy," he said.

Nagulat pa ako ng pinunasan n'ya ang gilid ng pisngi ko gamit ang isang daliri n'ya. Hindi ko napansin na nalagyan na pala ng pintura ang pisngi ko.

"Come on, pasok," alok ko. "Sorry, medyo magulo hindi ko pa kasi nagagawa mag linis ang dami ko pa talaga kailangan tapusin tapos-"

"It's okay, Kish."

Naputol ako sa pag e-explain ng mag hanap s'ya ng pwesto sa sala. Maingat pa s'ya nag lalakad hanggang makarating sa couch. Nag kalat kasi ang manila paper na naka latag sa lapag, baka kasi matapunan ng pintura ang sahig. Ang iba paint brush naman napabayaan ko na kung saan-saan.

"Ano pala ang gusto mo? Water? Juice?" natatatarantang tanong ko.

"it's okay, Kish. Go back to what you were doing."

Wala naman ako inaksaya na oras ng sabihin n'ya 'yon. Minsan, tumitingin naman ako sa kaniya. Seryoso lang s'ya don habang may sino-solve ng something. Kapag math, mahina ako d'yan!

"Have you eaten?" he suddenly asked.

"Ah, hindi pa," sabi ko habang nag to-touch ng plates. Konting touch nalang naman.

"It's passing one midnight," dahil sa sinabi n'ya umangat ang tingin ko sa orasan.

Mag a-alas dos na nga, eh! Ang dami ko ginagawa kaya hindi ako nakaramdam ng gutom. Tsaka ko lang na-realize 'yon ng tanongin ako ni Zack.

"Okay lang hindi pa naman ako gutom," sabi ko.

"I will cook."

Tinuro ko lang sa kaniya kung saan naka lagay ang iba ingredients ko. Makikita naman kaagad 'yon sa cabinet kaya hinaayan ko nalang s'ya na mag kikilos sa condo ko. For the first time ng pag cra-cram ko, hindi ako matutulog ng hindi gutom.

Minsan kasi nakakaligtaan ko na talaga na kumain lalo na ang matulog. Lalo kapag weekend kung alam ko naman na wala akong gagawin kinabukasan. Babawiin ko rin naman ng tulog 'yon.

Naririnig ko naman s'ya na kumikilos sa kusina. Natapos ko na rin sa wakas ang Olympian Temple.

Pumasok naman ako sa kwarto upang kunin ang plates na hindi ko pa natatapos, yung last time na sabay kami gawin ni Ke ang plates namin. Main building 'yon ng UST. Hindi na naman ako mahihirapan dito dahil patapos na rin naman.

"Come on. Let's eat, Kish."

Rinig ko sabi n'ya, napa baling naman ako sa orasan. Fuck, 2:39. Kapag pumatak pa ang three kailangan ko na mag review. Tumungo naman kaagad ako upang tumayo na. Wow, he cooked adobo.

"San ako pwedeng tumulong?" tanong n'ya.

"Nako wag na, Zack! Malaking tulong na rin 'tong pag luluto mo sa 'kin, first time ko matutulog ng hindi gutom kapag marami talaga ako ginagawa, nakaka ligtaan ko na rin kumain."

"No worries," sabi n'ya.

Sabay kami kumain, hindi ko pa natatapos ang kinakain ko bigla naman tumunog ang alarm ko. Tumayo naman ako upang patayin 'yon. Fuck, yung isa ko pa plates. Pero next week pa naman ang pasahan 'non, uunahin ko na muna ang mag review!

"What is that for?" tanong n'ya.

"Kailangan ko na mag review," sabi ko, kinuha ko naman kaagad ang index ko, uumpisahan na ang pag re-review. Nagulat pa ako nang sumunod s'ya, hindi pa nga s'ya tapos kumain! "Kumain ka na muna don, okay lang ako."

"No, I'll help you with that."

Wala na akong magawa ng kuhain n'ya ang index sa kamay ko. Tumungo naman ako at umupo nalang sa couch sa sala. He asked a question at sinasagot ko naman 'yon, minsan tumitigil kami dahil ko nasasagot ang mga tanong. Naka ilang ulit pa kami dahil ko ma ide-dentify ang mga particular question n'ya. Halos maiyak na ako dahil naka sampung ulit pa yata kami hanggang sa ma-satisfied na ako sa sampung ulit namin ng question.

"Alas singko na pala? You need to sleep na, Zack. Maaga pa yata ang class mo bukas, okay na ako. Ako na ang bahala sa mga hugasin."

"Ako na ang mag huhugas," tatayo na sana s'ya ng hilahin ko ang laylayan ng shirt n'ya upang pigilan. "What the-"

Kaagad naman ako napa higa sa couch ng akma babagsak s'ya sa 'kin, mabuti nalang at napa hawak s'ya sa tuktok ng sandalan ng couch, kung hindi baka mapatungan n'ya ako.

"Uh..." nahihiya ani ko ng ma-realize ang posisyon namin dalawa.

Nanlaki rin naman kaagad ang mata n'ya dahil sa pwesto namin. Pakiramdam ko may namuo sa lalamunan ko at hindi na nagawa mag salita pa. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Pulang pula na yata ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan.

Pumasok nalang tuloy ako sa banyo upang maligo na. Ang kapal talaga ng mukha ko kung lalandi ako ng ganito ang itsura ko. Pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko na!

"Hala, bakit mo nilinis?!"

Pagkalabas ko, nakita ko kaagad na naka tabi na ang mga kalat ko sa gilid ng sala. Even my plates! Naka takip na 'yon ng plastik sa tabi ng kwarto ko. Kaagad ko naman nilibot ang paningin ko ng makita na sobrang linis ng kwarto at sala ko, pati ang black shoes ko nakatabi na rin!

"Just rest, Akisha."

"Nakakahiya naman, Zack! Promise i-treat kita!" hindi na masukat ang kahihiyan ko ngayon dahil sa mga ginawa n'ya sa 'kin. "Hindi mo naman responsibilidad 'to, e."

"No worries, just rest. Okay?" hinawakan naman n'ya ang tuktok ng buhok ko bago guluhin 'yon. "Goodnight, Kish."

Pinagmasdan ko naman s'ya ng tingin. Nginitian naman n'ya ako bago lumabas ng condo ko, na wala yata lahat ng stress na naramdaman ko kanina, ah. Bago matulog, binanggit ko muna ang mga answer na ni-review ko, kung may naalala pa ba ako.

Pero nalala ko lang ang ngiti n'ya bago lumabas ng condo ko, joke. Syempre meron naman.

"Grabe sobrang pinagaan n'ya ang araw ko," I said in tired tone.

Dahil sa pagod, kusa nalang pumikit ang mata ko. Nagising nalang ako dahil sa ingay na ng gagaling sa alarm ko. Tumayo na ako upang maka pag hain ng almusal.

unobueneventura: morning

Nanlaki naman kaagad ang mata ko. What a good morning talaga ko!

akishavladenx: goodmorning :) thank you ulit!

unobueneventura: stop thanking me, as if I saved your life.

akishavladenx: napaka life saver kaya ng pag tulong mo sa 'kin kagabi ano kaba solid kababata ka talaga. joke HAHAHAHAHA walang humpay ako mag papasalamat lalo na sa magulang mo kasi pinanganak ka nila.

Seen.

Ayan nanaman s'ya! Mag papansin pero hindi nanaman ako papansinin.

akishavladenx: napuyat ka siguro 'no?

unobueneventura: not really.

I just replied 'okay' then I went to my room. Kinuha ko ulit ang reviewer ko to over look my reviewer. Mahirap na baka may makalimutan ako, e. Habang nag aalmusal tuloy ako, kinakausap ko ang sarili ko. Sana pala nag teacher nalang ako. Kebs!

Naligo na ako at nag-commute papasok ng UST. May mga nakikita pa akong kakilala ko kaya wala akong humpay sa pag kaway. Tumaas naman ulit ang leeg ko, unat na unat na yata. Nag baba kasali kasi ako na makita ang crush ko, hindi ko pa kasi alam ang oras ng pag pasok n'ya.

Mabilis lang dumating ang mga prof ko. Kaya naman hinanda ko na ang sarili ko ng dumating ang schedule n'ya. Dumating ang prof namin kaya naman ni-relax ko na ang utak ko. Baka mamaya ma-mental blocked ako, e.

"Got a higher score, Vlandenx."

Napatakip kaagad ako ng bibig ko ng i-announce na ng prof namin ang bawat scores ng long quiz. Gosh, malapit pa naman na ang midterm so kailangan ko talaga mas mag hatak ng grades.

"Hi, asan si Zack?" tanong ko kay Bricks.

Napag desisyunan ko kasi na ngayon s'ya ilibre kaya naman pumunta na kaagad ako sa building nila. Andon si Celine, nag pho-phone. Ngunit wala si Zack.

"Hala, nag-cutting 'yon si Zack ng dalawang subject namin para gawin ang report namin bukas, e," wala sa sariling sabi n'ya.

Napatakip naman s'ya ng bibig dahil sa sinabi n'ya. Kaagad naman ako nag taka. Dahil ba sa 'kin? Tinulungan n'ya ako kagabi kaya for sure, wala s'ya magandang tulog ngayon. Nakaka guilty naman!

"Asan s'ya?" nag-aalalang tanong ko.

"Ah... nasa Library," napakamot nalang s'ya ng ulo habang pilit ng naka ngiti sa 'kin.

Nagpa salamat naman kaagad ako sa kan'ya at nag madali na tumakbo papunta sa kabilang building. Pagpasok ko, nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko kaagad s'ya napansin dahil naka yuko s'ya sa desk habang naka bukas ang laptop sa harapan n'ya.

"Is he sleeping?"

Kaagad naman ako nag lakad patungo sa kaniya. Nakikita ko naman na mabilis ang pag hinga n'ya. Guilt hint me so hard. Dapat hindi ko na s'ya pinayagan na tulungan ako kagabi, e.

Hindi ko s'ya ginising, dahan-dahan ko naman hinila ang upuan sa harap n'ya at hinarap ang laptop n'ya sa 'kin. Tama nga si Bricks, gumagawa s'ya ng presentation ngayon. Nakita ko naman ang notes n'ya, mukhang ililipat nalang naman n'ya ang notes n'ya sa laptop. May mga templates na naman s'ya ginawa kaya cina-copy ko nalang. Pagkatapos, dahan-dahan ko s'ya ginising. Gusto ko pa sana mag alarm kaso baka naman pagalitan kami ng nag babantay.

"Hey, Uno," dahan-dahan ko tinapik ang balikat n'ya.

"Hmm," he hummed, halatang pagod na pagod. "Shit," kaagad s'ya napa ayos ng upo kaya medyo nagulat pa ako.

Nanlaki ang mata n'ya ng ma-realize na naka tulog pala s'ya. Inayos naman n'ya ang buhok n'ya sabay kusot ng mata. Kinuha naman n'ya kaagad ang laptop n'ya.

"Shit... shit," natatarantang sabi n'ya habang nag ty-type ng password sa laptop. "Tapos na?" he asked his self. "Did you finish this?" turo n'ya sa presentation n'ya.

"Oo," nahihiyang sagot ko naman. "Marami ka pala gagawin kagab dapat hindi mo na ako tinulungan, Zack. Kaya ko naman 'yon may time management naman ako-"

"You don't need to feel guilty about me, Kish. Alam ko ang ginagawa ko," he cut me off.

"Yes, pero hindi mo na maalis sa 'kin 'yon, Zack. Dapat mas inuna mo ang mga dapat ni gawin kaysa tulungan mo ako, na-appriciated ko naman ang ginawa mo pag tulong sa 'kin pero pano naman yung sarili mo?"

"Have you eaten?" pag-iiwas n'ya ng topic.

Hindi ko alan kung magagalit ba ako dahil sa inaakto n'ya. Palagi nalang ako ang inaalala.n'ya, masyado naman siya selfless.

"Ikaw? Kumain ka na ba?" dahan-dahan s'ya umiling.

Napatawa naman ako ng mahina at tumayo na, niligpit naman n'ya ang laptop n'ya. His hands looks so soft. Hinila ko naman kaagad ang kamay n'ya palabas ng library.

"Ah, sorry..." kaagad ako napa bitaw don ng ma-realize ang ginagawa ko.

Sorry direk, na-overwhelmed lang.

I heared his chuckled. Gusto ko tuloy mag pakain sa lupa dahil sa ginawa ko. Kung ano-ano nalang kasi ang pumapasok sa isip ko, e.

"Tara lunch, Dapitan?" I asked him.

"Sure."

Mukhang napapa dalas na kami sa Dapitan, ah. Halata naman na ayaw n'ya mag-drive, sayang lang din naman sa oras. Napatingin naman ako sa relo ko, may 15 minutes pa naman kami. Keri pa 'yan.

"Saan ka mag lo-long week end?" I asked him.

"Wala pa kami plan though."

Nakatingin lang kami pareho sa menu habang nasa Jollibee, nag cra-crave daw kasi s'ya sa sundae.

"Tuesday ngayon, e."

Tumawa lang s'ya dahil sa sinabi ko. He ordered a meal for himself kung ano ang in-order n'ya ganon nalang din ang akin. Para feeling ko nag sha-share kami ng meal. Eme!

S'ya ang nag bitbit ng tray, ako naman ang kumuha ng mga utensils. Pinunasan pa n'ya ng tissue 'yon bago ibinigay sa 'kin.

"Naka tulog ka ba talaga kagabi, huh?" bigla tanong ko habang kumakain kami.

"I said, don't worry about me, Kish."

Gusto ko pa mag reklamo dahil sa sinabi n'ya pero hinayaan ko nalang 'yon. Ayoko dumaldal habang kumakain. Baka mapunta lang sa bibig ang kinakain namin at hindi sa tiyan.

Natapos na rin naman kami kumain kaya niligpit na namin ang pinag kainan n'ya. Lalo lumaki ang ngiti ko ng dalhin n'ya pababa ang tray ng pinag kainan namin kasama na rin don ang mga plato na ginamit namin. Akala ko papasok pa s'ya sa loob para s'ya na rin ang mag hugas, eh.

"Uno? Bakit Uno?"

Hindi ko pa rin talaga mapigilan ang pag dadaldal ko sa kaniya habang nag lalakad kami pa puntang UST. Para naman akong mahinhin ngayon dahil nasa likod ko pa ang dalawang kamay ko.

"Pangalan ng lolo ko, sinunod sa 'kin."

Napa 'ah' nalang ako dahil sa sinabi n'ya. Wala na ako maitanong, ah!

"How about you? Bakit Akisha?"

"Ang sabi ng Mommy ko Japanese name daw 'yon meaning, Intelligient. Well given na naman ngayon dahil matalino naman ako, eme!" mayabang na sabi ko.

Tumungo-tungo naman s'ya. Kahit wala naman kami lahi japanese, ewan ko ba kay Mommy mga trip din sa buhay.

"Cool," he said.

"Sige na, baka ma-late ka pa. Ingat, Uno!" kumaway muna ako sa kaniya bago tumakbo papunta sa building namin.

My day went so smooth. Inaya ko naman si Ke na pumunta rito sa condo ko para sabay namin tapusin ang plates namin. Pagkarating ko, sakto kakapasok lang ni Ke sa lobby kaya sabay na kami nag tungo sa condo ko.

Nakabihis na s'ya, hindi na naka unifrom. Mukhang umuwi muna s'ya bago pumunta rito.

Inayos ko naman ang table ko upang don nalang gumawa. Nasa lapag naman si Keziah, bago ang plates na ginagawa n'ya.

"Inom kaya tayo pag tapos, Ke?" sabi ko habang nag pa-paint.

"Saan?" seryosong tanong n'ya.

"Dapitan?" tanong ko.

"Yayain natin sila, tignan ko lang kung sino ang online," kinuha naman n'ya ang cellphone n'ya sa gilid ng TV. "Wala, e. Ayan! Nag-online si Avi!"

"Yayain mo, baka may ginagawa sila Lynette. Malapit na rin ang Midterm, eh."

"Okay!" nakangiting sabi n'ya. "Sige raw, sunduin daw natin s'ya!"

"Sige, tapusin lang kamo natin 'to."

Ayoko naman nadiliin ang plates ko, makaka pag hintay pa naman ang alak d'yan. Nauna matapos si Ke kaya niligpit na rin n'ya ang ginagawa n'ya, ganoon din ako.

Naligo na muna ako pakiramdam ko kasi ang lagkit ko na. I just wore a simple purple top and mom jeans. Nag sandals lang ako para hindi hassle sa pagdri-drive.

"Tara!" masayang sabi ko.

Chill inuman lang naman ang sabi namin, ayoko masyadong mag pakalasing. Siguro naman deserve ko 'to dahil sa dami ko na-achieve. Una natapos ko ang plates ko on time, pati na rin yung isa. Nakakuha pa ako ng mataas na grades!

"Sam mig lang akin," sabi ko kay Ke kaya um-order na s'ya. "Kamusta kayo ni Liam, Avi?" baling ko naman sa kaniya.

"Okay naman, stable na naman s'ya sa trabaho n'ya ngayon," sabi n'ya habang nilalaro ang tissue, hindi naman naka tingin sa 'kin.

Nasa pop-up kami ngayon. Parang food court 'to. Marami din kasi murang beer dito, e.

"Wala naman kayo nagiging problema?" nakangiting tanong ko.

"Wala... wala pa," tumawa s'ya ng mapait.

Hindi kasi mahilig mag open up si Avi pag dating sa mga nangyayari sa buhay n'ya. Kailangan mo pa s'ya tanongin ng mga bagay na kung ano ang nangyayari sa buhay n'ya.

"Si Zack ba 'yon?" kinalabit ako ni Ke, kaya napatingin ako sa apat na lalaki dumaan nasa kabilang table sila kaya kitang-kita namin. Nakatalikod naman sa direction ko si Zack, kaya hindi ako napapansin.

"Oo."

Tatayo na sana ako ng bigla may lumapit na babae sa kanila, hindi ko kilala 'yon at hindi ko naman nakikita sa UST. Sino 'yon?

Ang ganda ng babae, sobrang puti at mukhang korean. Mukha s'ya international model. Nakakahiya namaj kung lalapit ako so, h'wag na. Wag nalang.

"Bagay sila, ah." Mapait akong tumawa habang naka tingin sa kanila.

Hindi ko kilala ang mga kasama ni Zack, hindi din naman n'ya kasama si Bricks pati na rin si Celine. Napalagok naman ako ng beer ng mag umpisa sila mag tawanan ng babae kasama n'ya.

"Nakaka hinga ka pa ba Akisha?" nag aalalang tanong sa 'kin ni Ke.

"Oo," naiinis na sagot ko.

Ayoko na sila tignan dahil kumikurot lang din ang dibdib ko. May girlfriend na ba s'ya?

Kung may girlfriend na s'ya bakit kailangan n'ya akong i-post? Bakit kailangan n'ya akong tulungan sa mga ginagawa ko kahit na madami s'ya kailangan tapusin? Bakit, bakit palagi n'ya akong sinasamahan sa Dapitan kapag niyaya ako s'ya?

Kahit ayoko isipin ang mga 'yan, hindi ko maiwasan. Lalo na wala naman akong pinang hahawakan ngayon. Wala naman kami.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa relasyon namin ngayon, e. Baka naman ako lang ang nag-iisip ng mga bagay na ganyan? Baka ako lang ang nag-iisip na...

Gusto n'ya ako.

Ang labo kasi ang labo n'ya.

"Sino kaya 'yan?" tanong din ni Avi.

"Baka..." napabaling silang tatlo sa 'kin. "Baka girlfriend..."

____________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 2.9K 32
Quackity knew that Las Nevadas used to be your average top tier casino; With any and every kind of gambler and person. From the skilled to those just...
167K 5.9K 23
Emma Swan and Regina Mills are the typical arch enemies of Storybrooke, getting along just enough to please their son, Henry. However, when a series...
3.2M 261K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
30.8K 4.2K 20
~~Your eyes say more than your lips ever could and your hands touch part of me that I didn't known existed~~ 🔞 Don't read this if you're under 18 🔞