In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

806 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 33

10 0 0
By yurikurama24

Chapter 33

Nakatanaw lang sa labas ng bintana si Ella habang nasa byahe sila. Hindi na lang siya nagsalita at nag-usisa pa kung ano ba ang nais ni Jarred sa kanya. Mas minabuti niyang manahimik na lang.

Pagkarating nila sa bahay ni Jarred ay mabilis itong bumaba, ngunit hindi kaagad umalis sa tabi ng kotse. "Pakibilisan ng kilos at huwag kang tatanga-tanga."

Nasaktan siya sa sinabi ni Jarred. Ngunit hindi na lang siya nagsalita. Sinunod na lang niya ito at nagmadaling bumaba ng sasakyan. Matapos iyon ay sumunod na rin siya sa binata papasok sa loob ng bahay.

"Manang Lena, this is Ella. Siya ang sinasabi ko sa inyo, siya ang makakasama po ninyo dito sa bahay. Pakisamahan naman siya sa maids quarter. Iyong isang kwarto sa pinakadulo," pakilala ni Jarred kay Ella sa kasambahay ng makarating sila sa bahay nito.

Napalunok naman si Ella sa sinabi ni Jarred. Ano pa nga bang aasahan niya. Hindi naman siya isinama ni Jarred sa bahay nito para magbuhay prinsesa. Matagal ng tapos ang yugtong iyon ng buhay niya. Ngayon ay panibagong pakikibaka na naman. Kasama si Jarred sa iisang bahay bilang katulong. Ngunit hindi para sa kanya, kundi para kay Jarra.

"Opo sir," binalingan naman nito si Ella. "Ella pwede mo akong tawaging Manang Lena," nakangiting saad pa ng matanda. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Ella dahil mukhang mabait si Manang Lena.

"Lahat ng pwede ninyong ipagawa kay Ella ay iutos ninyo. Hindi siya nandito, para lang tumanga. Katulong siya dito," idiniin pa ni Jarred ang salitang katulong.

"J-Jarred," nauutal niyang tawag sa binata ng ngisian siya nito.

"Just call me sir. Wala akong naaalalang relasyon na mayroon tayo para tawagin mo akong Jarred."

Napayuko na lang ng ulo si Ella, sa pagkapahiya sa pagkakataong iyon. Tama ito, wala naman silang relasyon para tawagin lang ito sa pangalan nito. Maliban sa pagiging boss niya ito. Higit sa lahat katulong lang siya sa bahay na iyon kaya siya isinama ng binata. Nakatingin lang sa kanila ni Manang Lena at tahimik na nagmamasid.

"S-sir J-Jarred, k-kailan ko pwedeng m-makita ang a-anak ko?" kinakabahang tanong ni Jarred ng lumabas ang ngisi sa labi ni Jarred.

"Manang pakisamahan po si Ella sa kwarto niya. Hayaan na lang po muna ninyong magpahinga siya ngayon. Bukas na ninyo ituro sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Sa library lang po ako. Pagkatapos po ninyo pakihatiran ako ng kape."

"Sir Jarred," aniya ngunit hindi na siya pinansin ng binata.

Nasundan na lang ni Ella ng tingin ang likuran ni Jarred. Hindi man lang nito pinansin ang tanong niya tungkol kay Jarra. Wala man lang siyang balita sa anak kung nasaan ito. Bagay na labis na ipinanlulumo niya.

"Tara na Ella, ihahatid na kita sa kwarto mo."

"Manang wala po bang batang dinala dito si Jarred? I mean si Sir Jarred po."

Napailing lang ang matanda. "Wala hija. Ang alam ko lang ay umuwi siya noong isang araw, ngunit nag-iisa lang naman siya ng dumating dito. Kasunod ay umalis kahapon at ngayon nga lang dumating ng kasama ka."

"Ganoon po ba? Pero manang kung may maririnig man po kayong balita tungkol sa anak kong si Jarra pakiusap po, balitaan po ninyo. Ilihim na lang po sana ninyo kay Jarred. Kay Sir Jarred," napatango na lang ang matanda sa sinabi ni Ella.

Sa katunayan ay wala naman talagang alam ni Manang Lena. Isa ay ipinagtataka talaga niya ang pagdadala ni Jarred kay Ella sa bahay na iyon. Gayong kaya pa naman niya ang lahat ng gawain sa buong kabahayan.

"Sige hija, tara na sa magiging kwarto mo."

Inilibot ni Ella ang mga mata sa kabuoan ng kwarto. Malawak at malinis iyon. Mukha itong mini apartment kung titingnan. May maliit itong banyo, at air-condition. Pakiramdam niya kahit papaano ay namiss niya ang ganoon kwarto. Kahit mas maliit iyon sa dati niyang kwarto sa bahay ng mga magulang niya ay nakakamiss pa ring matulog sa isang silid na may air-con.

Napahugot na lang ng hangin si Ella. Naalala na naman niya ang lahat ng sakit na dulot ng kahapon. Akala niya, mapapaghilom na ng panahon ang sakit. Ngunit ngayong nasa Maynila na naman ang sakit at bangungot na kanyang naranasan ay parang kahapon lang nangyari lahat.

"Ayos ka lang Ella?"

Napatingin siya kay Manang Lena ng punasan nito ang luhang dumadaloy na pala sa kanyang pisngi.

"Ayos lang po ako."

"Magpahinga ka muna. Mamaya mo na ayusin ang mga gamit mo. Magluluto ako at gigisingin kita mamaya. Alam kong gutom ka na."

"Salamat po."

"Sige na lalabas na rin muna ako. Pag may kailangan ka nasa kusina lang ako."

Paglabas ni Manang Lena sa kwartong iyon ay saka lang niya hinayon ang kama para mahiga at matitigan ang kisame. Kung kasama lang sana niya sa mga oras na iyon si Jarra siguradong, masayang-masaya ang kanyang anak.

Hindi na ito sobrang maiinitan dahil air-condition ang kabuoan ng kwarto. Malambot ang kama, hindi katulad ng kinahihigaan nila sa probinsya. May foam din naman, ngunit hindi kasing lambot ng kinahihigaan niya ngayon.

Mas lalo lang bumuhos ang kanyang mga luha. "Miss na miss na kita anak. Kung alam ko lang kung saan ka dinala ni Jarred, pupuntahan kita at itatakas sa kalupitan niya. Ngunit hindi ko talaga alam anak," umiiyak na saad ni Ella hanggang sa dalawin siya ng antok.

Noong araw ding iyon ay hindi na rin niya nakita si Jarred wala siyang alam kong saan ito nagpunta. Kasabay naman niyang kumain si Manang Lena. Hindi na rin naman niya tinanong ang matanda kung umalis ba ito ng bahay o ano.

"Ella, tapos ka na?"

Napatingin naman siya sa pinagkainan niya. Nakakain naman siya ng konte at para sa kanya ay sapat na iyon.

"Opo, salamat po."

"Hindi ka ba nasarapan sa niluto ko?"

"Naku hindi po ganoon. Manang Lena, nalulungkot lang po talaga ako. Hindi ko po alam kung anong plano sa amin ni Jarred na mag-ina."

"Hija, bakit naman itatago ni Sir Jarred ang anak mo? Isa pa wala naman siyang batang dinadala dito. Kaya nakakapagtaka."

"Mahaba pong kwento Manang Lena, pero sana po makita ko na po ang anak ko at magpapakalayo-layo na po kami."

"Hindi naman masamang tao si Sir Jarred Ella. Sa katunayan napakabait noon."

"Alam ko po manang. Basta po mahabang kwento."

"Sige na Ella ako ng bahala dito. Bukas ituturo ko sayo ang mga dapat linisan."

"Sige po."

Kinabukasan na ng makita ni Ella si Jarred. Napayuko na lang siya ng daan siya nito. Ngunit hindi ito lumampas ng makita siya.

"Make me a coffee. Pakiready din ng breakfast ko sa may garden," utos sa kanya ni Jarred na hindi malaman ni Ella ang kanyang gagawin. Si Manang Lena na kasi ang naghahanda ng pang umagahan.

"Move Ella. Hindi kita dinala dito para tumanga lang."

"Sorry po, naready na po kasi ni Manang Lena ang pagkain po ninyo sa may dining."

"Problema? Di ilipat mo. Sundin ko ang utos ko. Napakasimpleng bagay lang Ella ng iniuutos ko. Gamitin mo ang utak mo."

Unang araw pa lang niya sa bahay ni Jarred, nasasaktan na siya. Siguro nga tanga siya para tanggapin na lang ang lahat ng sinasabi ni Jarred. Paano naman niya hindi tatanggpin? Hawak nito si Jarra.

"Sir Jarred, h-heto na po ang iniutos po ninyo," inilapag na lang ni Ella sa table na naroon ang breakfast ni Jarred at ang kape nito. Hindi naman siya pinansin ng binata at nagpatuloy lang ito sa ginagawa sa harap ng laptop nito.

Nang masiguro ni Ella na wala ng ipag-uutos si Jarred umalis na siya sa tabi nito at ipinagpatuloy na lang ang naunang ginagawa.

"Aalis ka?" hindi napigilang tanong ni Ella ng makita niyang bihis na bihis si Jarred.

Napangisi naman ito at lumapit sa kanya. Halos manindig pa ang balahibo ni Ella ng maramdaman niya ang mainit na hininga ni Jarred sa pagitan ng kanyang batok at tainga.

"J-Jarred,"

"I'm not your Jarred sweetheart. I'm your boss," mapang-uyam na saad ni Jarred na ikinapikit ni Ella.

"S-sir, pwede bang m-malaman kong nasaan ang a-anak ko?"

Tumayo naman ng si Jarred sa harap ni Ella at pinaraan ng daliri ang kalat na buhok nito sa pisngi. "Si Jarra? Hindi ko sasabihin kung nasaan si Jarra. Pero may ipapakita ako sayo kaya tingnan mong mabuti."

Hinugot ni Jarred ang cellphone niya sa bulsa at may pinindot doon na kaagad ding nagplay sa cellphone ni Jarred ang isang madilim na paligid na at halos wala kang makikitang liwanag.

Hindi pa maunawaan ni Ella kung ano iyon. Hanggang sa makarinig siya ng kaloskos. Patuloy pa rin sa pagplay ang video kahit puro dilim lang iyon nang makarinig siya ng isang hikbi. Ang hikbing kilalang-kilala niya.

"Mama? Mama nasaan na po ikaw? Ayaw ko po dito. Mama, mama," paulit-ulit na saad ni Jarra. Hindi siya pwedeng magkamali. Boses iyon ng kanyang anak. Umiiyak ito sa video na iyon at tinatawag ang pangalan niya. Pero hindi naman niya nakikita kung nasaan ang kanyang anak. Halos madurog ang puso niya sa pagmamakaawa ni Jarra.

Binalingan niya si Jarred at walang pag-aatubiling sinuntok niya si Jarred sa dibdib nito. "Hayop ka Jarred. Ano bang kasalanan sayo ni Jarra para ilayo mo sa akin at pahirapan ng ganito? Ako na lang Jarred ako na lang. Wag naman ang anak ko," nanghihinang saad ni Ella hanggang sa mapaupo na lang siya sa sahig.

Hindi naman pinansin ni Jarred ang pananakit ni Ella. "Mamaya ipapakita ko sayo, iyong kung paano ko pahirapan ang anak mo," tumatawang saad pa ni Jarred hanggang sa iwan siya nito.

Masakit ang puso niya sa kalagayan ng anak. Ngunit ano ba ang magagawa niya, kung hindi niya alam kung nasaan ito. Pero gagawa siya ng paraan hindi maaaring wala siyang gawin para hindi malaman kung nasaan ang anak.

"Magkakasama din tayo anak, hintayin mo lang si mama ha. Lakasan mo pa ang loob mo Jarra."








Continue Reading

You'll Also Like

62.5M 2.6K 6
Brielle Newman A 21-year-old girl who was struggling to make life comfortable for herself and her niece, Delilah. Her sister left the baby the minute...
851K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
111K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...