In Love With The Sinner (Sinn...

By yurikurama24

799 6 8

Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue

Chapter 32

12 0 0
By yurikurama24

Chapter 32

Tahimik lang si Ella habang binabagtas nila ni Jarred ang daan pabalik ng Maynila. Ano pa bang aasahan niya? Syempre taga roon si Jarred. Ang hindi lang niya alam kung bakit nasa San Nicholas ito ngayon at ginulo ang tahimik nilang buhay sa probinsya. Kung tutuusin wala na naman talaga siyang koneksyon na kay Jarred buhat ng naghiwalay sila. Pero silang mag-ina na nananahimik, siya itong muling sumulpot sa buhay nila ngayon. Bakit parang kasalanan pa niya na nakita siya ng binata? Gayong hindi naman talaga niya ito nakita kung saan man siya nakita nito.

Napabuga na lang ng hangin si Ella. Hindi kasi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagsama niya kay Jarred. Kung makikita ba niya ang kanyang anak kung saan man sila pupunta. Sa katunayan, miss na niya si Jarra.

"Jarred, ano ba talagang plano mo? Tahimik na ang buhay namin ni Jarra sa probinsya. Bakit kailangan mo pa kaming guluhin na mag-ina?"

Napangisi lang si Jarred sa tanong na iyon ni Ella na wari mo ay may nasabing nakakatawa ang dalaga. "Wala naman akong balak guluhin ka kung hindi ka nagpakita. Kaya lang sad to say sweetheart, bakit kasi ipinakita mo pa muli sa akin ang maganda mong mukha? Kaya bumalik sa akin ang lahat ng masakit na pangyayari na ginawa mong panggagago sa akin."

"Tigilan mo ako sa pagtawag mo sa akin ng..." napapikit na lang si Ella sa sobrang inis kay Jarred.

"Why sweetheart? Nasasaktan ka bang maalala kung gaano ka na sana kaswerte sa akin noon?" mapang-uyam pa nitong tanong.

Sa halip na itanong kung saan nito dinala si Jarra o kung makakasama ba niya ang anak ay nanahimik na lang siya.

Sinulyapan niya ulit si Jarred. Ayaw na niyang kausapin ito gayong sa tingin niya ay hindi ito matinong kausap sa mga oras na iyon.

"Kung alam mo lang talaga Jarred. Kung kaya ko lang sabihin sayo ang lahat ginawa ko na."

Ipinikit na lang ni Ella ang mga mata. Parang nais na naman kasi ng mga mata niyang maglaglagan ang mga luha doon. Ayaw niyang makita ni Jarred na mahina siya. Lahat gagawin niya para maging malakas, para sa anak niya.

Nakailang stop over din sila bago nila narating ang Maynila. Umaga na rin ng mga oras na iyon. Kahit sabihing nakaupo lang siya ay pagod na pagod pa rin siya sa byahe.

Pumasok sila sa isang subdivision. Magaganda at malalaki ang bahay na nandoon. Sa tingin ni Ella ay mula sa bungad ay nasa sampung minuto din ang kanilang byahe bago narating ang isang malaking gate.

Ilang busina ang ginawa ni Jarred bago bumukas ang gate. Isang may edad ng babae ang nagbukas noon. Sa tingin ni Ella ay nasa mid fifties na ito.

Matapos ipasok ang sasakyan ay mabilis na bumaba si Jarred at hindi man lang yata siya naalala na kasama nito.

Malayo na si Jarred sa kotse ng mapagpasyahan niyang bumaba. Ngunit naka lock ang pintuan mula sa labas. Sinubukan niyang alisin ang lock ng sasakyan mula sa loob ngunit hindi maalis ang lock kahit ang mabuksan ang bintana.

Ilang beses pa niyang tinawag si Jarred at kinalampag ang sasakyan ngunit wala namang makarinig sa kanya. Nakita din niya ang pagpasok ng matandang babae sa loob ng bahay at hindi na narinig ang tawag niya.

Nasa tatlumpung minuto na rin ang nakakalipas at kinakapos na rin siya ng paghinga. Ngunit wala pa ring bumabalik para pagbuksan siya, ng kotse. Naisip na naman niya ang anak. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay hindi na talaga sila magkikita pa ng anak.

"J-Jarra, m-mahal na m-mahal ka ni m-mama ha. Sa h-haba ng p-pinagdaanan n-natin d-dito lang pala a-ako m-mamamatay. Basta a-anak p-palagi mong t-tatandaan m-mahal na m-mahal kita. D-dahil a-anak k-kita," naluluhang saad ni Ella. Habang hinahabol pa rin ang paghinga.

Samantala, pagkababa ni Jarred ng sasakyan ay tumuloy kaagad siya sa sariling kwarto para ipahinga ang pagod na katawan. Nasa labinlimang minuto din siyang nakahiga ngunit hindi naman siya dalawin ng antok. Kaya naman pinili na lang niyang magtungo ng banyo para maligo. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam ng lumapat ang malamig na tubig sa kanyang hubad na katawan.

Matagal din siyang nakatitig sa salamin matapos niyang maligo. Inalala niya ang mukha ni Ella habang nariring ang iyak ng anak nito. Oo nga at galit siya kay Ella, ngunit wala siyang balak saktan ang bata.

"Pasensyahan na lang tayo Ella, kung anak mo ang kahinaan mo. Mas lalo ko siyang gagamitin sayo," napailing pa si Jarred habang naaalala ang sakit sa mukha ni Ella habang naririnig ang boses ni Jarra na umiiyak.

Sa katunayan hindi naman talaga niya pinagmamalupitan si Jarra. Gusto lang niyang iparamdam kay Ella ang kalupitan kaya naman ganoon ang ginagawa niya, isa pa ay para mapasunod ito. Kahit iba naman talaga ang tunay na sitwasyon ni Jarra.

Ang pag-iyak ni Jarra na narinig ni Ella ay noong kinukuhanan ito ng dugo ng doktor para sa paghahanda sa katawan ng bata para sa chemotherapy. Hindi naman kasi basta-basta ang nagpapagamot sa ganoong sakit. Kailangan pa rin ng masusing pag-aaral sa katawan ng bata kung kakayanin ba nito ang chemotherapy. Lalo na at napakabata pa nito at napakaliit. Ang tawag naman sa kanya ay utos din niya na pagkukuhanan ng dugo si Jarra ay tawagan siya at iyon ang narinig ni Ella noong nasa probinsya pa sila.

Ilang minuto pa ang itinagal niya sa harap ng salamin bago niya napagpasyahang lumabas ng banyo. Lumabas na rin siya ng kwarto matapos makapagbihis.

"Manang Lena, pahingi po ako ng kape," utos ni Jarred ng makarating siya sa may kusina. Naupo pa siya sa upuang nasa may dining table.

Mabilis din naman iyong sinunod ng kasambahay. "Sir Jarred, heto na po," nakangiti pa ang matanda ng ilapag nito ang kape sa kanyang harapan.

Napatango na lang si Jarred bilang sagot. Nandoon pa rin siya sa malalim na pagmumuni-muni ng bigla niyang maalala si Ella. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid ngunit hindi niya makita ang dalaga na ipinagtaka niya.

"Si Ella po Manang Lena?" wala sa sariling tanong ni Jarred na ikinakunot noo ng matanda.

"Ella? Sino pong Ella sir? May kasama po ba kayo?"

"Oo manang may kasama ako. Wala po ba kayong nakita na kasunod kong bumaba sa kotse kanina?"

"Sir solo ka lang pong bumaba sa koste mo. Wala po akong nakita na kasama mo. Maliban na lang kung naiwan mo siya doon sa loob ng kotse mo. Hindi pa naman po nabubuksan iyon sa loob pagnakalock na sa labas."

Bigla namang napatayo si Jarred, mula sa pagkakaupo. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang natakot sa kaalamang nasa loob pa ng kotse niya si Ella.

Pagdating niya sa harap ng kotse niya ay doon lang niya napansing nailock pala niya iyon. "Manang stay here. Kukunin ko lang ang susi ko," utos niya sa matanda.

Mabilis namang tinakbo ang Jarred ang papasok sa loob ng bahay. "P*tang *na," inis niyang saad ng hindi niya agad makita kung saan niya naipatong ang susing iyon. "Kung kailan kailangan, saka naman nagtatago," dagdag pa niya, ng maalala na hindi niya iyon naalis sa bulsa ng suot niyang pantalon kanina.

Halos liparin ni Jarred ang pababa ng hagdanan ng makuha niya ang susi.

Malayo pa lang ay ini-unlock na niya ang lock ng sasakyan. Mabilis namang binuksan ni Manang Lena ang pinto ng passenger seat. Tumambad sa kanya ang isang babaeng halos panawan na ng malay, at mabagal ang paghinga. Basang-basa pa ng pawis ang buong katawan.

"Hija," tawag pa ni Manang Lena ng tuluyan ng mawalan ng malay si Ella.

"Sir Jarred!" sigaw nito na ikinatakbo ni Jarred ng mabilis.

"Ella!" ani Jarred ng makalapit ito sa dalaga.

"Mahina po ang kanyang pulso. Baka po kailangan na ninyo siyang dalahin sa ospital," nag-aalalang saad ng matanda.

Mabilis na ibinaba ni Jarred ang bintana ng sasakyan. "Manang ikaw na muna ang bahala dito. Pabukas po ng gate."

Pagdating nila sa pinakamalapit na ospital ay mabilis naman silang inasikaso sa emergency room. Nilagyan agad ng oxygen si Ella ng nurse na nandoon. Mabuti na lang at kahit sabihing mahina ang pulso ni Ella sa mga oras na iyon ay hindi naman siya naubusan ng oxygen.

May dumating na ring doktor na siyang nag-asikaso sa dalaga. Sa ilang minutong naka oxygen ni Ella ay unti-unti na ring bumalik ang kanyang normal na paghinga.

"She's safe now sir. Pero hayaan na po natin siyang naka-oxygen. Pagnagising po siya ay pwede na rin po ninyo siyang iuwi," pagkasabi noon ay umalis na muli ang doktor. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Jarred.

Nagtungo na rin muna si Jarred sa billing para mabayaran ang bill ni Ella. Ayaw na rin naman niyang mag-abala mamaya sa pagbabayad pag magising ito.

Habang nawalang malay si Ella ay naupo lang siya sa tabihan nito. Wala sa sariling hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Bumalik sa alaala niya ang lahat ng masasayang araw na nakasama niya ito. Her innocent and sweet Ella. Hindi niya alam kung ano ang mali niya kung bakit nagawa siyang lokohin ng dalaga. Hindi niya gusto ang maghiganti. Kaya lang pagnaaalala niya ang lahat ng sakit na idinulot sa kanya ng dalaga nabubuhay ang kagustuhan niyang maramdaman din nito ang paghihirap niya.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pag-ungot ni Ella. Kahit naman alam niyang hindi naramdaman ni Ella na hawak niya ang kamay nito ay napatikhim pa rin siya at dahan-dahang tumayo sa gilid nito.

Hinarap niya si Ella at mariing tinitigan. "Kung maayos na ang pakiramdam mo, aalis na tayo."

"Bakit hindi mo pa ako hinayaang mawala? Bakit hindi mo pa ako hinayaang mamatay?" tanong ni Ella habang dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga at inalis ang oxygen na nakalagay sa kanya.

Muling naupo si Jarred sa silyang kinauupuan niya kanina. Hinawakan pa niya ang mukha ni Ella at inilapit sa kanya. "This is not the right time sweetheart para mamatay. Madami ka pang dapat pagbayaran para mamatay na lang ng ganoong kabilis," may diing saad ni Jarred.

Hindi na siya nagulat sa sinabi ng binata at tinalikuran na lang siya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ella.

"Kung hindi lang kasalanan ang magpakamatay Jarred. Matagal ko ng ginawa," bulong pa niya bago sumunod kay Jarred na papalabas na ng emergency room.








Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
105K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
62.5M 2.6K 6
Brielle Newman A 21-year-old girl who was struggling to make life comfortable for herself and her niece, Delilah. Her sister left the baby the minute...