Married To A Monster

Von eaniajc

1.1K 119 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... Mehr

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'3
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'21
C'22
C'23
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'24

12 1 0
Von eaniajc

Chapter 24

It's early for you two to get married.

Ilang beses akong napakurap dahil sa sinabi ni mamala. Nakagawa pa ng ingay ang biglang pagbitiw ko sa kutsara.

Anong ibig sabihin niya roon?

Na masyado pang maaga dahil hindi pa namin kilala ng lubusan ang isa't-isa?

Napatingin ako kay Stefano, na mukha ring natigilan pero tahimik lang na nakatingin sa akin.

I signaled him using my eyes but it looks like he can't get over about what his grandma just said.

Nag-iwas ako ng tingin at napatitig sa pagkaing nasa harapan ko. Ang akala ko mabait siya? Bakit mukhang ayaw niya sa akin?

Kilala niya ba si Gwyne?

At nagtataka kung bakit ako ang pinakasalan ng apo niya?

Ipinakilala na kaya ni Stefano si Gwyne kay mamala?

Kaya ganon na lamang yung tinuran niya?

Ayaw kong mag-isip isip ng kung ano-ano...masakit sa utak na para bang bibiyakin sa sobrang sakit at ayaw kong magkaroon ng kahit anong hinala dahil baka totoo lamang ito at baka maapektuhan pa ako kahit na hindi naman dapat.

“What do you mean by that, My?” pagbasag ni Stefano sa katahimikan na namumutawi sa pagitan naming tatlo.

This house looks big yet I feel suffocated.

Hindi parin ako nag-aangat ng tingin pero mukha namang sasagot si mamala sa tanong ni Stefano.

“Oh sorry...did you misinterpret about what I've just said?” natatawang sambit niya, her laughs looks convincing.

Misinterpret? Pero anong ibig niyang sabihin roon?

Walang sumagot ni isa sa amin ni Stefano, pareho lang kaming tahimik.

“What I mean by that is, it's too early for you two to get married because you didn't wait for me to get better so that I can witnessed my lovely grandson to be married to someone like you, Joelorie” she said sincerely,first time calling me in my name at doon ay nag-angat ako ng tingin para masilayan ang kanyang mukha na ngayo'y nakangiti.

“But don't get me wrong, hija. The first time I saw you...I know that you're good influence to my grandson and you can bring good things in his life” dagdag niya pa dahilan para mapangiti ako ng tipid.

Oh, how I wish that's all true because me and him will never ever be together, it is all part of the act and it was a contractual marriage in the first place.

“That's good to hear, My” nakangiting sambit ni Stefano “I thought that you'll be angry because I betrothed without your consent”

“Hindi naman, why would I be angry... instead I was very happy because I can now finally leave you with someone that will take care of you like I do” ngiti ni mamala na mukhang nagpapaalam na.

“My”

Pagsaway ni Stefano sa napakaseryosong boses.

Mahina namang humalakhak si mamala “Why? I'm just being ready” pagkibit-balikat niya at nagbaling ng tingin sa akin “So hija”

“Bakit po?”

“Tell me about yourself”

Napatigil ako at muntik ko nang mabitawan ulit yung kutsarang hawak ko na ngayon.

“H-Ha?”

Ngumiti siya at napakagaan ng pagngiti niyang iyon “I want to know more about my grandson's lovely wife” bigla naman akong pinamulaan ng mukha.

“U-Uhm, ano po wala pong ano...masyadong nakakainteres na malaman tungkol sa buhay ko po, mamala” nahihiyang sagot ko.

Natawa naman siya sa sagot ko.

“Imposible hija, lahat tayo ay may may nakakainteres na buhay dahil lahat tayo ay may iba't-ibang istorya” she smiled “But anyway, I will not force you to tell me about yourself...just let me ask you a questions” dagdag niya dahilan para gapangan ako ng kaba.

Questions? May ‘s’ so ibig sabihin madami?

Anong gagawin ko?!

Napatingin ako kay Stefano at umaasang matutulungan niya ako pero tumango lang ang loko dahil mukhang may tiwala siya na hindi ako sasablay.

Pero wala akong tiwala sa sarili ko dahil baka may masabi akong wala sa pinag-usapan namin.

“What is your first impression to my apo?” unang tanong niya.

Bigla naman akong napangiti sa hindi malamang kadahilanan at napatingin kay Stefano na ngayo'y nakatingin sa kanyang pagkain na mukhang iniiwasan niya ang mga mata ko.

“Uhm, ano po mamala. Noong una ko po siyang makita ay napaka-ubod po niya ng sungit...palagi pong nakakunot yung noo at kung magsalita ay napaklalim at napakalamig ng boses niya po”

Napangiti naman ako ng makita kong naniningkit ang mga mata ni Stefano, nginitian ko ulit siya...ngiting proud na proud.

Mas lalo naman akong napangiti ng marinig ko ang tawa ni mamala dahil sa sinabi ko.

“That's true indeed. Hindi ko nga alam kung saan ba ipinaglihi ang batang ito...noong bata pa kase siya ay ganyan na siya...four years old palang eh napakatipid nang magsalita...ang akala ko nga ay late bloomer siya pero noong inobserbahan ko siya ay ganun naman talaga siya...talagang nagmana sa ama” natatawang sambit ni mamala kaya tuloy ay nakitawa narin ako.

Napatingin naman ulit ako kay Stefano na ngayo'y napakaseryoso at walang anumang emosyon na namumuo sakanyang mukha, maliban lamang sa nandidilim ang paningin niya. Hindi ko alam pero mukhang may nasabi yata si mamala na hindi niya nagustuhan.

“So anong nagustuhan mo sa apo ko, hija?” biglang tanong ni mamala kaya nabaling ulit sakanya ang mga mata ko.

Bigla naman akong natigilan at ang ngiti sa aking mga labi ay nabura.

Hindi ko alam kung bakit pero sa ngayon gusto ko munang magpakatotoo, sa sakanila man o sa sarili ko.

At sa tanong ni mamala ay nakuha namin ang atensyon ni Stefano dahil napatingin siya sa gawi namin, alam niya kaseng hindi namin iyon nasama sa praktis.

At alam ko rin. Pero kung ano man ang maririnig niya ngayon ay alam kong hindi siya maniniwala pero ayos lang, dahil basta ang importante sa akin ay magpapakatotoo ako sa aking sarili at sa harapan ni mamala.

“Noong una po ay ang akala ko, napakasama niyang tao dahil nga po sa unang impresyon ko sakanya pero habang tumatagal mas lalo ko po siyang nakikilala at doon ko napagtanto na hindi naman pala ganun kasama ang ugali niya dahil sa totoo lang po ay mabait at napakaalalahanin po niyang tao...at noong isinama ko po siya para bisitahin ang pamilya ko ay sa hindi malamang kadahilanan ay napakagaan na agad ang loob ng pamilya ko kay Stefano dahil nakikipagtawanan at makikipagkwentuhan ang mga ito sakanya kaya doon ko napagtanto na siya na...” saglit akong tumingin kay Stefano na ngayo'y nakatulala lang habang nakatingin sa akin, nginitian ko siya.

“Na kahit ano man ang mga posibleng malaman ko sakanya ay, tatanggapin ko parin siya ng buong puso at hindi labag sa aking kalooban” dagdag na sagot ko “Dahil nagustuhan ko siya kung sino man siya...walang rason at walang anumang dahilan dahil buong-buo ko siyang nagustuhan...mula ulo hanggang sa talampakan niya” mahinang tawa ko at nakitawa narin si mamala.

Ngingiti si mamala na tumingin sakin “Napaka-swerte naman ng apo ko sa'yo dahil ramdam ko na totoo ang mga tinuran mo”

“Opo, dahil ganun naman po diba? Love has no reasons at all, dahil kusa mo itong mararamdaman”

“That's true, hija. That's what I felt to Stefano's grandfather...I fell inlove with him without any reasons...I just woke up and realized that I love him”

Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Ramdam kong tahimik lang si Stefano habang nakatingin sa amin ni mamala. Mukhang ayaw niya kaming abalahin kaya nakikinig lamang siya.

“Buti hindi naman pinapasakit ng apo ko ang ulo mo?” tanong ulit ni mamala at narinig ko ang pagsaway ni Stefano pero hindi siya pinansin nito.

I smiled awkwardly “H-Hindi naman po”

“Kailan niyo ako mabibigyan ng apo sa tuhod?”

Bigla naman akong naubo.

“P-Po?”

“I already want to see my great-grandchild from Stefano before I leave this world”

Mas lalo naman akong naubo.

Wala sa plano iyon.

“M-Matagal pa naman siguro, mamala” Sorry to disappoint you, mamala but that's not gonna happen.

Kumunot ang noo niya “Matagal pa na ano?”

“N-Na mawawala po kayo dito sa mundo...I believe mamala, malakas pa po kayo baka nga po makita niyo pa po yung kaapuapuhan niyo sa magiging anak ni Stefano” pangungumbinsi ko pero hindi siya umimik at tahimik lang na tinignan ako.

Lumungkot ang kanyang mga mata “Thank you for your positivity, hija but that's not gonna happen because I already feel like I need to say goodbye in any moment” she said sadly.

Narinig ko ulit ang pagsaway ni Stefano pero tinapunan lamang siya ng tingin ni mamala at tipid na ngumiti.

I feel her...kapag talaga ramdam mong mamamaalam kana ay parang kusa nalang lumalabas sa bibig mo ang mga gusto mong sabihin bago ka mawala sa mundong ito.

“Ma–”

Pinutol niya ang ano mang sasabihin ko.

“Pero anyway, hindi tayo naririto ngayon para advance na i-celebrate ang magiging libing ko...nandito tayo para magkwentuhan” ngiti niya.

Ngiting parang walang sakit, ngiting parang walang dinaramdam, at ngiting walang halong kapekehan.

“O-Opo mamala”

Sumang-ayon na lamang ako dahil mukhang ayaw niyang pinag-uusapan tungkol sa sakit niya.

“Last question na hija”

Ngumiti ako “Ano po yun, mamala?”

Saglit niya akong tinitigan at nakita kong naging seryoso ang kanyang mukha habang tinititigan ako na para bang ang susunod niyang tatanungin ay napaka big deal para sa aming tatlo na naririto ngayon.

Pero nanatili parin ang ngiti sa aking mga labi ngunit agad itong naglaho dahil sa mga salitang kanyang binitawan.

“Mahal mo ba talaga ang apo ko?” seryosong-seryoso na tanong niya dahilan para matigilan ako.

Nag-iwas naman ako ng tingin at natagpuan ko ang mga mata ko na nakatingin kay Stefano.

Ngumiti ako pero may bahid ng pait.

“Mahal na mahal po, sobra”

–_–_–_–

Napaigtad ako dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Kasalukuyan akong naririto sa kwarto ko at nagkukulong dahil sa ayaw kong makita si Stefano.

Nahihiya ako dahil sa nasabi ko kanina sa bahay ni mamala, na para bang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa sa tuwing nagkakaharap kaming dalawa.

Ano ba kaseng naisip ko at sinabi ko na mahal na mahal ko siya at may pa sobra pa talaga ha?

Ano yun rebisco? May pasobra dahil espesyal siya?!

Walang buhay ko namang kinuha yung cellphone ko at sinagot ang tawag kahit na hindi pa tinitignan kung sino yung caller basta ko na lamang na iniangat ito.

“Hello?” I greeted lifelessly.

Napahagikgik naman ang nasa kabilang linya dahilan para makilala ko ang boses nito “Hello Joel!”

“Anong kailangan mo, Marvie?”

Makakapunta ka ba bukas sa birthday ko?” she asked full of hope. Napailing-iling naman ako. Bukas na pala ang bilis ng panahon.

Atsaka hindi naman kailangan na itawag niya ang tungkol sa kaarawan niya sa akin, dahil sa kaibigan ko siya ay pupunta naman talaga ako, at dahil narin sa gusto kong umalis dito sa bahay...ayaw kong  makasalubong o makita ang taong iyon dahil sa pagkapahiyang ginawa ko sa sarili ko.

Ngumiti ako “Tsk, oo naman, pwede bang mawala ako sa isa sa mga pinakamahalagang araw sa buhay ng bestfriend ko?”

Napatili naman siya Yieeeeee, I love you bes, alam ko naman kaseng pupunta ka eh gusto ko lang i-confirm dahil baka makalimutan mo...makakalimutin ka pa naman” ramdam ko naman na napairap siya sa pagkakataong ito.

Napairap naman ako.

Sana nga makakalimutin na lang ako para madali kong makalimutan kung ano man yung nasabi ko kani-kanina lang.

Hindi naman sa parang na-pressure ako dahil sa nasa harapan ako ng lola ni Stefano, kundi dahil sa ramdam ko na iyon talaga ang tama at gusto kong sabihin dahilan para mas lalo akong mahiya.

Eh, anong ibig sabihin nun?

“Bes?”

Napakurap-kurap ako “H-Ha?”

“Kanina ka pa tahimik, ang akala ko inend-call mo na”

Tumikhim ako “S-Sorry may iniisip lang” pagtawa ko para mawala yung awkwardness sa atmosphere kahit wala namang ibang tao rito maliban sa akin.

“Sinabihan mo na ba sila Lester at Adi?” pag-iiba ko.

“Done na po, ma'am! Mga 5:00 pm dapat nandito kana. Atsaka ang sabi nila eh magkita-kita nalang daw tayo doon sa bar dahil mauuna po sila at maghahanap pa daw sila ng gwapings?” parang inosenteng sambit niya dahil pati pagsabi ay hindi sigurado.

“Ganun naman talaga ang dalawang iyon, hindi na nagsawa sa paghahanap ng mga gwapo” umiling-iling na sambit ko habang ngingiti.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya Hayaan niyo na po dahil kasiyahan naman nila iyon eh. Ikaw ba kailan ka maghahanap? Gusto mo ireto rin kita kagaya ng kay Adi?”

Nanlalaki ang mga matang umiling-iling ako.

“No way!”

Hindi ko alam pero ayaw ko yung ideyang yun. Parang hindi ko lang gusto, pero noon naman wala lang sa akin dahil magsasawa rin ang mga kaibigan ko sa pagrereto sa akin pero ngayon kahit ireto nila ako ngayon ay tatanggihan ko agad dahil pakiramdam ko ay mali.

Napaka-defensive mo yata, ate? Anong nangyari sa'yo?”

Nahihimigan ko ang pagtataka sa boses niya “W-Wala basta ayaw ko lang”

“Biro ko lang naman, mukha na kaseng inlove ka eh” malakas na halakhak niya, halakhak ng tagumpay.

Huh?

“A-Ano–P–Paano m–mo nasabi?” nauutal na tanong ko.

“Wala lang kase nga ano...nakikita ko na madalas na ang pagiging tulala mo na parang nag-iimagine ka tapos ngumingiti ka pa ng mag-isa atsaka naalala mo noong nagkita tayo, yung araw na naabutan kitang hinahawakan mo yang–”

“Happy Birthday, Marvie. More birthdays to come, babaita...babye! See you on Saturday!” mabilis na sambit ko at agad na pinatay ang tawag.

Gusto ko na lamang na batukan itong sarili ko dahil sa hindi ko napapansin na, inoobserbahan na pala ako ni Marvie...nakakahiya tuloy dahil naabutan pa niya ako noong araw na iyon na ganun yung lagay ko.

Napailing-iling ako.

Pero totoo nga kaya?

Napalunok ako.

N-Na i-inlove ako?

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

11.7K 256 55
sunrays is like love When it touched your skin youll feel warmth just like love its bright and warm Pero kapag tumagal at hinayaan pwede kading masa...
4.1K 114 12
You grew up neglected by your mother who was rarely home. Your life was considered average, but after a peculiar day at school your home wasnt the s...
18.2K 388 19
Two teenagers. Two past histories. One of the teenagers was this bright sparkly bubbly girl who always had a smile On her face. She loved to flirt a...
4.5K 64 7
❝ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡... Barcelona's golden boy falls for Real Madrid's arrogant golden girl. ❞ ──────────── 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀 & 𝐈𝐑𝐋 Pedri Gon...