Married To A Monster

By eaniajc

1.2K 188 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... More

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'3
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'21

19 3 0
By eaniajc

Chapter 21

“Pasensya nga pala sa mga pinagsasabi ng kapatid ko kanina” nahihiyang paghingi ko ng paumanhin sa lalaking katabi ko ngayon habang wala sa sariling nakatingin sa labas ng bintana, narito ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at pauwi na kami ngayon.

Hindi na ako nakapag-paalam pa ng maayos kay mama dahil sa nagmamadali akong makaalis, ang imbes na masayang pagbisita ko sakanila ay napalitan ng pagkainis dahil sa hindi matigil-tigil ang bunganga ng napakagaling kong kapatid.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko ngayon pero hindi ko parin siya nililingon “Nah, it's okay. It was fun to hang out with your family, but I wish I have also the chance to meet your little brother and your father but I think that can wait” saad niya kaya tumango tango lamang ako at hindi na sumagot pa.

Naalala ko pa kase yung sinabi ni mama sa akin na wala pang heart donor si Zori, gusto ko siyang bisitahin ngayon pero sa susunod na araw na lamang dahil kasama ko pa ngayon si Stefano...hindi naman sa ayaw ko siyang isama pero alam ko kung gaano kalakas ang pang-amoy ni papa at baka hindi tatalab sakanya yung kasinungalingang sasabihin ko...atsaka ayaw kong madagdagan pa yung mga kasinungalingang pinagsasabi ko sakanya kaya mas mabuting hindi ko muna papalalain itong sitwasyon na ito.

Napansin siguro ni Stefano ang pananahimik ko kaya basta na lamang niya akong pinansin.

“Is there any problem?” nag-aalala at nagtatakang tanong niya dahilan para lumingon ako sakanya at ngumiti bago umiling-iling para ipakaita na wala kahit na meron naman.

Ngumiti ako pero hindi kasing tamis ng ipinapakita kong ngiti “May iniisip lang” sagot ko at agad na iniiwas ang tingin sakanya at ibinalik ang atensyon at tingin sa labas ng bintana.

“Is this all about finding a heart donor for your little brother?”

Mabilis pa sa alas-kuwatrong napalingon ako sakanya pero kampanteng mukha lamang niya ang nadatnan ko habang nagmamaneho sa manibela.

Agad na kumunot ang noo ko “P-Paano mo nalaman? N-Nakikinig kaba sa usapan namin ni mama kanina?” bintang ko dahil hindi naman niya malalaman kung hindi siya nakinig o nakiusisa.

Mabilis naman siyang umiling-iling “I didn't. It's just I was about to enter to your house but unfortunately I heard you and your mother are talking about something like this heart donor thing and as a sign of respect I immediately leave because I know it is bad to eavesdrop some kind of confidential conversation” pagpapaliwanag niya pero hindi ko naman siya papagalitan dahil may narinig siya sa usapan namin ni mama ang importante ay alam niya kung papaano rumespeto ng privacy.

“Anong namang ginawa mo sa mahabang pananatili mo sa labas ng bahay namin?”

Ngumiti siya at sumulyap sa akin bago ibinalik ulit ang tingin sa daan “Playing with your little sister and your cute smelly dog” natatawang sambit niya pero agad akong natigilan sa sinabi niyang smelly.

Si Junju, mabaho?! Imposible?! Parati ko kayang pinapaliguan ang asong iyon– Teka!

Huwag mong sabihin na...argh! Malilintikan talaga yung batang yun sa akin kapag umuwi ulit ako.

Papaluin ko na talaga siya.

“Hindi ka nakukulitan sa kapatid ko?” naghihinalang tanong ko pero ngingiti lamang siyang umiling-iling, bago mapawi ang kanyang matamis na ngiti at napalitan ito ng tipid at hindi gaanong abot hanggang sa mata ang ningning nito.

He sighed like a flood of memories just came and barged in “Nakikita ko sa kapatid mo yung kapatid kong babae” sambit niya pero may kakaiba akong narinig mula sakanyang boses, hindi ko lamang matukoy kung ano ito atsaka– ano daw?! Kapatid?!

Si Stefano may kapatid?! Aba, ngayon ko lang nalaman toh ah. Gaga, ngayon lang naman kase magsisimulang magkwento tungkol sa buhay niya...tanungin mo na dali...alamin mo kung nasaan ang pamilya at kapatid niya...Dali! Ang tagal!

Napabusangot naman ako ng marinig ko ang utos ng walang hiya kong utak pero agad kong tinapunan ng tingin si Stefano na ngayo'y seryosong nakatingin lamang sa kalsada habang nagmamaneho.

“Nasaan na siya ngayon...atsaka anong pangalan niya?” hindi siguradong tanong ko dahil baka hindi niya sagutin pero akala ko lamang iyon.

He sighed again “She's living with my parents in London, and I know that she can't even recognize me anymore because we only saw each other, once” nahihimigan ko na ngayon sakanyang boses ang matinding pagkalungkot “And my mother named her after me, her name is Stefanie. I also want to meet her and I want to play with her too, all day”

Tumango naman ako at hindi na lamang nagtanong pa dahil baka may maungkat pa ako at baka hindi pa siya handa para ikwento sa akin ang tungkol sa pamilya niya.

“There is something bothering you” kapag kuwan ay sambit niya. It's not a questions or request it was statement.

Wala sa sariling tumango ako dahil iniisip ko parin kung saan kami makakahanap ng heart donor. Mahirap makahanap ng heart donor sa mga panahon ngayon, kung pwede nga kapag wala kaming mahanap...itong puso ko nalang.

“I have a friend” nagsimula na namang magsalita ang katabi ko pero hindi ako sumasagot bagkus ay nakikinig lamang ako “He's a cardiologist and he have a connection in foreign countries, and I'll ask him if he can help us find a heart donor for your little brother” salaysay niya at tumango lamang ako pero agad akong natigilan ng saglit kong mapagtanto kung ano ang kanyang sinabi.

Naguguluhan at gulat akong napatingin sakanya na ngayo'y seryoso lamang na nakatuon ang atensyon sa daan, pero dahil ramdam niya na nakatingin ako sakanya ay saglit niya akong sinulyapan bago ulit ibinalik ang tingin sa kalsada.

“What?” tanong niya dahil mukhang nagtataka siya kung bakit ko siya tinitignan.

“Seryoso ka ba sa sinabi mo?”

“Of course, what made you think I'm not?”

Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa harapan “H-Hindi na kase iyon parte sa kontrata, sa pera pa lang nga na ibinigay mo...sobra sobra na. Tulungan mo pa kaya kami sa paghahanap ng heart donor para sa kapatid ko” nag-aalangan na sagot ko.

Saglit siyang natahimik pero kapag-kuwan ay sumagot rin “You are still my wife, Joelorie” he simply said and my heart starts to beat faster “Your problem is my problem too, so don't be ashamed because it's for the sake of your little brother too. Kainin mo muna yang hiyang nararamdaman mo” medyo natatawang sambit niya and my heart stopped from beating faster.

Gago lang?

Pero totoo naman yung sinabi niya na para rin naman sa kapatid ko ito, bakit pa ako tatanggi? 

Napatingin ako sakanya, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon but I felt some different kind of emotions right now.

It feels weird.

Napangiti ako “Stefano” I called his attention.

Saglit niya akong binalingan pero agad ring ibinalik sa harapan ang mga mata “Yes?” nagtataka pero may ngiti sakanyang labi bago sumagot.

Nahuhulog na yata ako sa'yo. Gusto kong sabihin pero nanatiling nakatikom ang aking bibig habang maigi siyang pinagkatitigan.

“Hmm, do you have something to say?” tanong niya ng ramdam niyang tahimik ako.

Agad na nagising ang aking diwa dahil sa sinabi niya, nahihiya namang nag-iwas ako ng tingin dahil sa alam kong nakatingin lamang ako sakanya.

“Salamat sa lahat” Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung wala ka. Gusto kong idagdag pero naduwag na naman ang mga labi ko sa pagsabi nito “Salamat talaga” ulit ko.

Ngumiti naman siya at hindi na muling umimik pa.

Napangiti narin ako ng tuluyan.

–_–_–_–

“Joel”

Napatingin ako sa may-ari ng boses na tumawag sa akin at doon ko natagpuan ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan mula pa noong mga highschool kami hanggang sa matapos kami ng college at hanggang sa nagkaroon na kami ng trabaho, hindi parin magbabago dahil kami parin ang best of bestfriends in the universe.

Si Marvie.

Ngingiti naman akong tumakbo at agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap na agad naman niyang tinugunan. Matagal narin kase noong huli ko siyang nakita magmula noong sa ibang lugar siya nadestisno sa pagtatrabaho kaya nawalay siya sa akin ng ilang buwan at hindi na namin ginambala pa saglit ang isa't-isa para daw may pagbabago.

Noong una ay hindi ako pumayag pero dahil alam kong gusto niya ring maging independent at patunayan sakanyang sarili na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa ay hinayaan ko lamang siya.

She was a very good friend of mine plus she is very beautiful young lady, smart and very kind.

Siya na yung pinakamabait sa mabait na taong nakilala ko sa buong buhay ko, kung sa tutuusin nga para siyang isang kristal na inaalagan at hindi pwedeng mabasag.

She's a fragile woman.

Humiwalay ako sa yakapan namin at napatingin sakanyang mga mata, at kagaya ng dati ay hindi parin siya nagbabago dahil maganda at medyo makinis parin ang mukha na may iilang maliliit na pimples. Hindi kagaya ko na medyo hindi makinis ang mukha dala ng ilang pimples na bumubuo rito.

“Kamusta ka? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sa akin? Alam mo ba na namiss kita?” medyo may bahid ng pagtatampo ang boses ko.

Napangiti naman siya dahilan para lumitaw ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin. 

Gusto ko man siyang irapan pero hindi ko iyon magagawa dahil siya parin naman si Marvie – my bestfriend.

Matamis parin siyang nakangiti “Ngayon lang kase ako naglakas loob na umuwi, dahil namiss ko sina nanay at Lhiana at syempre namiss rin kita kaya nga agad akong dumiretso dito para makita ka” mahinhin at mahinahon na sambit niya. Napangisi ako, kagaya parin siya ng dati napakahinhin parin ng kilos niya at napakaamo parin ng mukha niya, palagi siyang kalmado at ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nagalit o nainis manlang.

Hindi ko siya kinibo, seryoso lamang akong nakatingin sakanya pero sa loob ko ay gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa pagtulis ng nguso niya.

“Sorry na” pagpapa-kyut niya.

Pabalang naman akong napairap “Che!” pagsusungit ko at agad na humalukipkip.

“Sorry na kase bes, babawi ako. Pangako”

“Tsk!”

“Bes”

“Hmp!”

“Bes naman oh. Sorry na bes, libre kita ng lunch topsilog atsaka goto” pangungumbinsi niya pero mas lalo akong humalukipkip.

Kulang...hindi niya pa nababanggit yung paborito ko.

“Hmm, sige idagdag na natin yung lumpia atsaka yung paborito mong turon” panunukso niya at dahil sa sinabi niya ay agad akong napalingon sakanya habang nagniningning ang mga mata ko.

Ngumiti ako “Okay apology accepted. Basta libre mo ako mamaya ha. Wala ng bawian pa” bumungisngis ko, narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

“Takaw mo” biro niya pero nakangiti.

“Whatever!”


Napatingin ako kay Marvie na tahimik lamang na kumakain, lunch na ngayon at hindi nga niya ako binigo dahil talagang inilibre pa niya ako at sobra-sobra pa.

Ang dami nga eh, parang hindi ko yata mauubos.

Yung turon lang naman kase yung pakay ko.

“Ba't antahimik mo?” takang tanong ko ng halos hindi niya galawin ang pagkain niyang nakahain.

Sinulyapan niya ako pero panandalian lamang, nandito kami ngayon sa karinderya ni Aling Mella, dito kase ang paborito naming tambayan at kainan kapag may free time kaming dalawa o kasama pa man sina Lester at Adi.

“Parang may kakaiba kase akong napapansin kay nanay” naguguluhan at mahina niyang sambit.

“Kagaya ng?”

Saglit siyang natahimik at huminga ng malalim “Parang may itinatago siya sa akin” Huh? Ano naman? “May kakaiba kase akong nararamdaman atsaka may kakaiba rin sa mga ikinikilos niya” sambit niya.

Sobra talagang paranoid itong kaibigan ko na ito. Overthinker, malala na toh.

“Paano mo naman nasabi?” tanong ko at agad na nilantakan ulit yung lumpia.

Bumuntong hininga siya “Simula kase noong dumating ako at umuwi parang nagiging malamig yung trato ni nanay sa akin, parati rin siyang may kausap na kung sino sa telepono at kapag nakikita niya ako ay balisa niyang pinapatay yung tawag at titignan muna ako ng matalim bago ako basta-bastang lalampasan” may naramdaman akong hinanakit sakanyang boses.

Napatigil ako at saktong pag-angat ko ng tingin ay hindi sinasadyang napadako ang tingin ko sakanyang likod na imbes na sana sakanyang mukha, medyo may kalayuan ang tinitignan ko mga tatlong kilometro ang layo nito mula sa amin pero napakalinaw ng nakikita ko at hindi ko alam pero parang may tumusok na ano sa puso ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

Patuloy sa pagkwekwento at pagsasalita si Marvie pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa dalawang taong nag-uusap sa labas ng restaurant na katabi lamang nitong karinderya ni Aling Mella.

Nagtatawanan sila at nakita ko pa ang mahinang paghampas ng babae sa braso niya, at hindi naman mukhang nagalit ang lalaki dahil ngumiti pa ito na parang wala lang sakanya ang mahinang at malanding paghampas ng babae sa braso niya.

Wala sa sariling napairap ako at seryosong napatingin sa lalaking patuloy parin sa pakikipag-usap sa babaeng iyon. It really looks like he's enjoying that woman's company, huh?

Napatingin narin ako sa babae at agad itong kinilatis.

She's beautiful, she's gorgeous and she have a body of a model, she have a wavy and silky hair and she have a pure white skin too.

She's like an angel– so perfect. Mga tipo ng mga lalaking katulad niya.

Hindi ko alam pero para akong napaso kaya agad akong nag-iwas ng tingin at pilit na ibinabalik ang atensyon kay Marvie na walang tigil sa pagsasalita pero ang isip ko ay naglalakbay na para bang wala akong naririnig.

He's with another woman.

I have no rights to feel this way but why do I feel something weird in my chest and...and...and...

I don't like it.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 15.6K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
137K 263 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...
335K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
228K 5.1K 73
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad