Ruling the Game

By Azureriel

29.1K 444 875

Walang blurb para exciting. -Azi More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 12

576 18 35
By Azureriel



Chapter 12





Um-echo sa apat na sulok ng classroom ang pag-boo ng mga kaklase namin kay Tristan. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding pagkapahiya kahit anong tago pa ang gawin. Ang iba naman ay natahimik sa sinabi ni Kessiah. Nagpapagpag lang? Tangina.


I couldn't believe that she could say those words in front of a male dominant section. But she was Kessiah. I shouldn't be surpised at all. She always does the unexpected. Sobrang vocal at prangka niyang tao. Sasabihin niya kahit ano. Bakit pa ba ako nagtataka?


"H-Hindi mo lang matanggap na may bago na ako kaya mo sinasabi iyan."


"Wala naman akong paki kung may bago ka na."


"Talaga lang, huh? Eh patay na patay ka nga sa akin."


Tumawa si Kessiah. Iyong tawang sarkastika, nakakakilabot, at mapanghusga.


"Naniwala ka naman."


"A-Anong sabi mo?"


"Do you really think magkakagusto ako sa 'yo? Masyadong mataas standard ko para magkagusto sa kagaya mong womanizer..." Humakbang siya ng isa palapit kay Tristan. Bawat hakbang ay may kasamang paglalarawan. "... cheap, unhygienic, gaslighter, maniac, at manipulative sadboi na nananakot ng mga minor."


"Boooooooohhhhh!"


"Wala ka pala, pre!"


Tumaas ang isang sulok ng labi ni Tristan na pilit pa ring tinatago ang pagkapahiya. Tiningnan nito ang babaeng nakatayo sa harapan niya. Acting cool pa rin si Kuya. In karakter talaga siya oh.


"Eh kung sabihin ko kaya sa kanila na may nangyari sa atin?"


"Don't worry wala namang nangyari sa amin."


"I took you. We had sex, right?"


Tiningnan ko ang reaksyon ni Kessiah at wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. She wasn't even bothered by his words!


"Come on, tell them... tell them how b*tch you are."


"Eh ano naman kung may nangyari sa atin?"


"You had sex with me. And you're no longer a virgin when we did that. I wonder how many men have f*cked you. You should be ashamed of youself. Ang landi mo. Ang dumi-dumi mo, Kessiah."


Kumuyom nang mariin ang mga kamay ko. I was about to throw him a punch because of his wordings when Kessiah said something.


"Really, huh? You think I'm dirty for having sex with you? So kanino galing ang dumi? Sayo?" Tumawa si Kessiah nang mapang-insulto. "My goodness. Kadiri ka. Kasi kung ako marumi, ikaw basura."


"What did you f*cking say?"


"Do you really think I would see myself less for having sex?"


She let out a sarcastic laugh.


"Ano namang tingin mo sa t*te mo life changing?"


"I-Ikaw na babae ka..."


"Ni hindi man lang nga umabot sa puson mo 'yan? Tanginang t*te iyan ang itim at libagin. Sa 'yo na itlog mong hindi pantay at kasing kulubot ng siko mo."


"T-Teka foul na 'yon ah."


"Grabe wala talagang preno."


Narinig kong usapan ng dalawa kong kasama.


"I have a pictographic memory."


"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, Kye?" takang tanong nila Vaughn.


Binasa ko ang pang-ibabang labi.


"She's like a mirror---a reflection of people around here. She's quiet because she knows when to talk and not. And once she does, be prepared... kasi siguradong depress aabutin mo kapag iyan nang-trashtalk sa 'yo."


"Ang kapal ng mukha mong isultuhin paglalalake ko!" Nag-aalburuto na si Salaz sa galit.


"Insult me and I will insult you. I don't care who you are and where you came from. Once you disrespect me, I will f*cking disrespect you."


"Demonyo ka. Dapat sa kagaya mo mapunta sa impye-rno."


"Galing na ako roon. Umahon lang ako rito para sunduin ka." Ngumisi si Kessiah.


"Gago ka ah!" Sinugod ito ni Tristan ng sampal pero parang hangin lang na naiwasan iyon ni Kessiah.


Sobrang bilis na tipong hindi kami nagkaroon ng pagkakataong tumakbo upang pumagitna sa nangyayari. Sinubukan pa ni Tristan na huwag mapasubsob sa lamesa nang ma-out of balance siya pero masyadong mabilis ang babaeng iyon.


Nakapamulsa nitong itinaas ang isang binti at iginiya ang batok ni Tristan pasubsob sa lamesa. Narinig na lang namin ang sigaw nito. Sobrang lakas ng impact. Lahat ay napaatras, walang gustong lumapit... walang nais makialam. Lahat takot.


"T-Tama na. A-Ang sakit!"


"Do you want this to stop?"


"O-Oo."


"Beg..." Diniinan pa nito kaya halos mamilipit si Tristan sa sakit. "Beg to those ladies you hurt."


"A-Ayoko..."


"Ayaw mo?" Hindi sumagot si Tristan, nagmamatigas. "Fine."


Pinakawalan siya ni Kessiah at parang lantang gulay na napasalampak lang ang mukha ni Tristan doon sa lamesa. Hinang-hina ito, pinagpapawisan, at habol ang hininga.


"Madali naman akong kausap." Tiningnan ni Kessiah ang suot na relo. "Oh, I still have class. I need to go." Sinakbit nito ang bag at lumabas na ng classroom na parang walang nangyari.


Nagsilapitan ang mga kaklase namin kay Tristan na dumudugo na ang ilong. Kinalingan siyang dalhin sa clinic dahil bigla na lang siyang nag-passed out nang magtangkang itong tumayo.


"Deserve," pabulong na sambit ni Vaughn nang dumaan sa harapan namin sila Tristan. "Kalalakeng tao sl*tshamer."


"Iyon na iyon? Sayang akala ko pa naman pahihirapan pa lalo ni Kessiah. Nag-e-enjoy na ako kanina. Nakakabitin ah."


"I doubt this will end here."


Napatingin sila sa akin dahil sa sinabi ko.


"At anong ibig mong sabihin?"


"Kilala ko siya... alam kong hindi iyon matatapos dito."


"Buti, dre, nakaya mong magpigil noong sinabing may nangyari sa kanila."


"Hindi naman totoo iyon."


"Weh? Eh bakit sabi ni Kessiah..."


"It's just part of her game." Tumawa ako. "Galing niya, 'no?"


"Pero para saan? Hindi ba parang inilalagay niya lang sa alangin sarili niya? Na parang pinapatutuhanan niya lang ang mga sinabi ni Tristan."


"Patalikod siya kung kumilos. Alam kong noon pa lang napaghandaan niya na ito. Iyong pakikipag-close niya kay Tristan, alam kong planado rin iyon."


"Para saan?"


"A revenge maybe?" Nagkibit-balikat ako. "I know she's up to something. Parang isang laro na siya ang kumu-control ng lahat. At iyong pagsipa niya kanina kay Tristan... it wasn't yet the revenge I'm talking to. Probably, it was just a warning."


"W-Warning? Warning para saan?"


"For her next move. When Tristan did not agree to what she wanted, it gave her signal to do the main plan... to continue the biggest revenge she can do to that assh*le."


"Iyon bang magmakaawa at humingi ng tawad sa mga niloko niyang babae?"


"Pwede. Ewan. Ang hirap niya rin kasing basahin. Masyado siyang tahimik kung kumilos. But look, when Tristan didn't obey her, she just left. Tingin n'yo ba aalis lang siya nang ganon-ganon lang after being insulted and slvtshamed publicly? Definitely not." Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Wala akong ideya sa kung anong pinaplano niya pero kung ano man iyon... siguradong mag-e-enjoy tayo."


"Kayo lang. 'Geh una na ako mga, dre. May klase pa. Update n'yo na lang ako."


Sa upuan na namin itinuloy ni Vaughn ang pag-uusap. Ilang saglit pa at dumating na ang prof. Nakabalik na rin si Tristan na nagyayabang pa sa klase na wala lang sa kaniya ang nangyari. Nahimatay na lahat-lahat kanina, feeling cool pa rin.


"Okay let's move to the next presentor. Mr. Salaz?"


"Yes, ma'am.." Kaagad na tumayo si Tristan at naglakad papunta sa unahan.


"The floor is yours, Mr. Salaz."


Ngumiti lang si Tristan at isinaksak na ang flash drive. Maya-maya pa ay nag-play na iyon.


"Good morning. Here's my presen---what?" Kumunot ang noo niya nang magbulungan ang buong klase.


"Grabe," nawika pa nga ng katabi kong si Vaughn. "Lala, men."


"Mr. Salaz, anong ibig sabihin nito?" Napatayo sa galit ang aming propesora.


"Po?" Nilingon ni Tristan ang malaking screen sa likuran niya at para siyang tinakasan ng kaluluwa nang makita ang naka-présent doon.


Those were screenshots of his dirty convos. May mga explicit contents niya at pamimilit sa mga babae na mag-send ng nudes. Taranta niyang pinatay iyon. But it's already too late. Nakita na namin. Alam na ng lahat ang mga kababuyan niya. Pati mga minor ay hindi niya pinalampas. Nakakadiri.


"Ma'am, m-magpapaliwag po ako."


"You will. In my office. Now."


"Ayaw mo talaga?"


Narinig naming nag-play sa speaker ang isang recorded call. At batid naming naririnig din iyon ng iba pang estudyante sa buong eskwelahan ngayon.


"Not interested."


"T-Teka si Kessiah iyon, 'di ba?"


"Really, huh? You would like it for sure. Wala eh... hindi mo man lang ako pina-score kanina. Anyway, I sent you my d*ck. How was it? I bet you want to s*ck it now, honey--- hey, are you still there? Hello?"


And we all heard the beeping sound. The call ended that way as it left everyone in silence. But that silence was suddenly cut off by our phones when it vibrated. Everyone got the same message.


It was a photo of a d*ck with the caption...


"Kaninong t*te 'to? Pakalat-kalat."


Nagkaingay ang buong klase. Paglingon ko sa pinto, nakita ko si Kessiah na nakatayo roon at pinapanuod ang mga nangyayari. Kinilabutan ako sa paraan ng pagngiti niya.


"Imbento talaga iyang si Tristan. Wala naman palang nangyari."


"Kadiri pati mga minor hindi pinalampas."


"Oo nga. Naka-hide names at photos pero base sa convo mga high school student iyong iba."


Nang muli kong lingunin ang kinatatayuan niya kanina ay wala na siya roon.


"This is a serious offense, Mr. Salaz. In my office, now!"


Maaga kaming na-dismiss dahil sa iskandalong kinasangkutan ng isa naming kaklase. Napuno ng bulungan hindi lang ang buong klase kundi ang buong ekswelahan. Lahat ng estudyante ay iyon ang pinag-uusapan.










"So she really did that on purpose, huh?" Ipinatong ni Jak ang pagkain niya sa lamesa namin. "Kaya ba siya nakipag-close?"


"Siguro umpisa pa lang alam na niyang ginamit siya sa pustahan nila Tristan. Kaya sumakay siya at nagpanggap na gusto ito habang tahimik na kumikilos. Sinadya niyang mapalapit dito upang makuha ang mga iyon... para mae-expose siya."


"Tuwa ka naman, Kye."


"What?"


"Kasi hindi totoo iyong sa kanila. Selos na selos ka kaya noong sweet sila."


"Hindi ako nagselos, okay? Tigilan n'yo nga ako d'yan." Sumubo ako ng fries.


"Pero paano niya nakuha iyong mga convo? Malabo namang ibinigay ni Tristan sa kaniya account niya."


"Hacking."


Napatingin kami kay Gelo na kadarating.


"Hacking?"


"Narinig ko lang sa library kanina."


"H-in-acked ni Kessiah? Marunong pala siya, Kye?"


"Malay ko." Nagkibit-balikat ako. "Pero mahilig siya sa computer. Lately rin nakikita ko siyang may tina-type na mga codes na hindi ko naman maintindihan. Akala ko cheat lang sa laro."


Tinapik ni Vaughn balikat ko. "Ingat ka, pre. Baka bukas account mo na ma-hack niya."


"Wala naman akong n*des. Hindi rin ako tirador ng minor. At kung may n*des man ako... at least ito may maipagmamalaki."


Nagtawanan kaming apat.


"Naku, dre, hindi ka pwedeng mambabae online. Hacker si Kessiah."


"Mga baliw."


"Edi sa personal," suhestyon naman ni Jak.


"Gagu, men, sharpshooter iyon. Gusto n'yo ba akong mabaril?"


Pinagtawanan lang ako noong apat. Natanggal si Tristan sa pwesto niya sa student council. Okay lang dahil wala naman talaga siyang ambag sa eskwelahan. He only ran for the position for more exposure. Binoto naman ng iba kasi sikat. Hayss... hirap nilang ipagtanggol.


Matapos kumain ay nagkaniya-kaniya na kami. On the way ako papunta sa Botanical Library nang mapatingala sa building nila Kessiah. Nakita ko siyang nakatayo roon, hinahaplos ang metal railings. This wasn't the first time that I saw her standing on the rooftop of their four storey building. Paborito niya yatang tambayan iyon dahil palagi ko siyang nakikita roon kapag walang klase.


My phone vibrated. Manager ko lang. He just reminded me of our upcoming photoshoot. Nang tingalain kong muli ang rooftop ay wala na roon si Kessiah. Mukhang bumalik na sa klase niya. Tumuloy na rin ako sa lakad ko at doon tumambay habang naghihintay ng sunod na subject. Nasa bahay na si Kessiah nang makauwi ako.


"You should have texted me para naihatid kita sa talyer to pick up your car. Did you commute ba?"


"No," tipid na sagot ng babaeng nakahilata sa mahabang sofa at nanunood ng TV.


"Sinong naghatid sa 'yo?"


"Quin."


"Quin?" Familiar.


"A friend. Bumisita siya sa MHU kanina for his transcript. Inaya niya akong magkape pagkatapos ng klase ko. Tapos dinaanan namin iyong kotse." Binalingan niya ako ng tingin. "Ikaw, bakit ngayon ka lang? Alas cinco na. Ganiyan ba ang uwi ng matinong lalake?"


"W-What?"


Inirapan niya lang ako at bumalik na sa panunuod. Sinubukan ko pa siyang kausapin pero hindi na siya namamansin. Umakyat na lang ako sa taas upang makapagpalit ng damit. Na-drain ako sa last subject namin kanina kaya nakatulog agad ako. Madilim na sa labas nang bumaba ako sa sala. Nadatnan ko si Kessiah na natutulog. Patay na ang ilaw roon pero nakabukas pa ang TV.


"Tinulugan na naman po niya."


Napailing-iling na lang akong kinuha ang remote sa kamay niya at pinatay iyon. Binuhat ko si Kessiah at dinala sa kuwarto niya sa taas. Maingat ko siyang inihiga sa kama at kinumutan. Sobrang himbing ng tulog niya na hindi man lang siya nagising.


"How can someone look innocent like this after exposing someone's dirty deeds?"


She looked like an angel when she was sleeping. Seems like a soft girl that needs to be protected and an innocent baby that needs to be treated with gentleness.


"What a deceiving innocent face." Pinatay ko na ang ilaw at lumabas na.








"How did you do that?" tanong ko sa babaeng kaharap kong mag-breakfast.


"Did what?"


"I didn't know na marunong kang mang-hack."


"Basic."


"Saan ka natuto?"


"Sa kaibigan ko lang." Uminom lang siya at sinakbit na ang bag.


"Friend? Iyong Quin ba?"


"Oo." Tumayo na siya. "Maaga start ng klase ko ngayon. Mauuna na ako sa 'yo."


"Wait. You know what? Medyo nawiwirduhan na talaga ako sa 'yo. Marunong kang mang-hack. Tapos ang galing mong humawak ng baril. Saan mo ba natutuhan mga iyon?"


"Valorant."


"Ginagago mo ba 'ko?"


Pinaningkitan ko si Kessiah pero humikab lang siya at iniwan na ako.


"I had friends there, but they already graduated a few years ago."


Probably the aerospace or legma. May kaibigan nga talaga siya.


Nagmadali na ako nang makita ang oras. Suspended si Tristan ng ilang linggo kaya hindi ito nakapasok. Naging laman siya ng chismis sa buong unibersidad. Wala namang nagkalakas ng loob na magreklamo dahil takot ma-expose ang sarili sa kahihiyan kaya walang naisampang kaso.


But with the humiliation that he was going through now, doon pa lang naigante na sila ni Kessiah. Na-expose na siya kaya wala na siyang mukhang maihaharap pa. I heard din na pababa na nang pababa followers niya sa soc-med. Deserve.










"Kumusta kayo ni Kessiah?" biglang tanong ni Vaughn habang nasa locker room kami ng varsity team.


We had an intense training kanina at ngayon ay katatapos lang naming mag-shower.


"Anong kinalaman niyan sa magiging strategy natin sa nalalapit na game?"


"Baka mas ganahan kang maglaro kapag nandoon siya para manuod."


"Anong baka Vaughn? Siguro iyan."


"Nandoon man siya o wala, gagalingan ko pa rin. You know me, I always give my best in everything. Competitive 'to, men." Isinara ko lang ang locker ko at um-exit na bago pa nila ako asar-asarin.


I wore my complete uniform as required at school, except PE day. Humanap lang ako ng pwedeng mapwestuhan to do my make up. I found myself in a bench area with tables. I just put sunscreen on my face, some primer, and a light weight foundation on top of it. Hindi ko pinansin ang ilang kalalakihang dumadaan na napapatingin sa akin.


Puyat ako lately dahil sa studies kaya ang putla ko. I put a little amount of blush on my cheeks para medyo mamula-mula naman ako kahit papaano. Pinatungan ko iyon ng loose powder at naglagay din ako ng tinted lipbalm. Inayos ko lang buhok ko at nag-spray na ng pabango. And there, fresh na ako ulit. Just a normal daily routine of me sa campus.


I remembered I haven't eaten anything since we started our practice kanina kaya dumiretso na muna ako sa cafeteria to grab some food.


"Kumain na kaya siya?"


Bigla na lang akong napatanong ng ganoon habang nakapila ako sa counter. Out of nowhere, I ordered food and drinks for her. At ngayon ay wala na akong ibang choice kundi ang dalhin ang mga iyon sa kaniya kaysa naman masayang.


Ngayon ko lang din kasi napagtanto na ilang buwan na kaming nasa iisang university pero never pa akong nakapunta sa classroom niya. Hindi rin kami nagsasabay kumain o nag-uusap man lang kaya wala akong ideya sa ginagawa niya tuwing lunch break.


"Dito ba 'yon?" Tiningala ko ang pinto.


"May kailangan ka?" tanong ng lalakeng nakapansin sa akin.


"Aeronautical? Class III - A?"


"Yup. Bakit?"



"I'm looking for..."


"Si Kessiah? Nasa loob."


"Paano mo nalaman na siya pinunta ko rito?"


"Tss, malabo namang ipagdala mo kami ng pagkain, pre, tapos iisa lang. Malamang para sa babae iyan." Napailing-iling ito bago sumilip sa loob. "Nandoon siya sa upuan niya. Pasok ka."


Medyo maingay nang pumasok ako dahil walang prof. Natahimik naman silang lahat at napatingin sa akin... At ang sama ng tingin nila. Nalihis naman doon ang atensyon ko nang ituro sa akin nung lalake iyong babaeng pinunta ko. Nakita ko siyang nakaub-ob sa lamesa at natutulog.


"Tinulugan niya iyong masungit na prof kanina."


"What the..." nausal ko matapos igala ang mata sa buong silid.


Puro lalake. Si Kessiah lang ang babae.






—Azureriel

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 391 62
Hey! I am Y/N (your name) Y/L/N (your last name) and I am 16. I live in Oslo, Norway. My parents got divorced when I was 10....anyways I live only wi...
171K 6.6K 25
{DISCONTINUED} y/n l/n cousin of takemitchi hanagaki is very rich as her mother owns a business which is very well known along with her brother. One...
8.7K 176 30
*MATURE CONTENT* Reine finally returns to her pack after four years of being away. Four years of learning, maturing and growing into the woman she be...
25.7K 645 81
天降竹马Alpha Status : 78 Chapters + 3 extra (Completed) Author : Chen hit Yu Jiu is a beta, good looking, good at learning basketball and playing well...