Married To A Monster

Da eaniajc

1.2K 188 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... Altro

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'3
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'21
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'20

19 3 0
Da eaniajc

Chapter 20

“Kuya, kamusta naman po si ate sa trabaho niya?” tanong ni Zariana kay Stefano maka kuya naman ito parang kapatid lang ha at mabuti na lamang ay hindi na ito nakaupo sa hita ng lalaki bagkus nakaupo ito sa tabi niya.

Nabanggit ko narin kase kay Zariana na boss ko sa pinagtatrabahuan ko si Stefano at hindi ko naman alam na nakikinig pala siya, ang akala ko talagang nasa cellphone lang ni Stefano yung atensyon niya. 

Natatawa naman siyang binalingan ng tingin ni Stefano bago ibinalik ang atensyon sa akin “She's...hmm...kinda demanding” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Stefano.

Ano?! Demanding?! Kailan pa ako nag-demand?!

Aangal na sana ako ng matigilan ako pagkakita ko kay mama na bitbit ang mga pinamili sa tindahan, mabilis naman akong tumayo at agad na lumapit sakanya para kuhanin yung dala niya, agad naman niya itong ibinigay.

Sinabi ko naman na maupo na lamang siya at ako na lamang ang maghahanda ng meryenda pero umangal siya at dahil sa mapilit ako ay wala siyang ibang nagawa kundi sumunod sa sinabi ko.

Ayaw ko kasing nakikita na napapagod si mama, kaya mas mabuti na lamang na magpahinga muna siya habang naririto ako. Iniwan ko naman silang tatlo sa sala at agad na nagtungo sa kusina para ihanda yung kakainin namin.

Hindi naman ako nagtagal at agad ko itong naihanda, akmang dadalhin ko naman ito sa sala kung saan naroroon sina mama at Zariana kasama si Stefano pero agad akong natigilan ng madatnan ko ang senaryong hindi ko inaasahan ang akala ko pa naman ay ang madadatnan ko ay tahimik at seryosong nag-uusap pero agad akong natigilan ng makita ko ang tatlong tao sa sala na nagtatawanan habang nagkwekwentuhan na para bang yung pinagkwekwentuhan nila ay sobra talagang nakakatawa.

Bitbit yung bandeha na naglalaman ng malamig na juice agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila, hindi naman nila napapansin ang presensya ko kaya kailangan ko pang tumikhim para makuha ang atensyon nila na siya namang napagtagumpayan ko dahil sabay-sabay silang napatingin sa akin.

“Anong meron?” tanong ko habang inilalapag sa lamesa yung apat na juice na inihanda ko.

Nakangiti namang napatingin sa akin si mama at umiling-iling na para bang may itinatago. Napatingin naman ako kay Stefano at pinantaasan siya ng kilay pero kagaya ni mama ay umiling-iling rin ito.

Ang labo nila...parang namang may itinatago sila na hindi ko kailangang malaman.

Tungkol ba sa akin yung pinag-uusapan nila?

Natatawa namang napatingin sa akin si Zaria “Ate, diba noong pers taym mong magluto ay nasunog yung niluluto mo kaya pinagalitan ka ni mama dahil ang tanda-tanda mo na daw ay hindi ka pa daw marunong magluto ng maayos” natatawang sambit ni Zariana dahilan para matigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sakanya.

What the heck?!

“Atsaka kaya po hindi masarap ang luto mo kase po palaging kulang sa timpla, parating sobra o di naman kaya'y sobra yung inilagay mong tubig” dagdag niya dahilan para mas lalo akong pamulaan sa hiya.

Ako pala yung pinagkakatuwaan nila, aba, aba at talagang nagsanib pwersa pa talaga ang tatlong ito ah.

“Kinakain mo naman” sabat ko sa kabila ng kahihiyan nararamdaman ko.

Ano pang mukhang maihaharap ko kay Stefano nito?

Eh, palaging ako pa naman yung nagluluto sa bahay niya.

Ngumuso ang kapatid kong babae “No choice e, basta pagkain kakainin ko kahit hindi masarap yung lasa” biro niya pero ismid lamang ang isinagot ko.

“Pakainin kita diyan ng tae e” mahinang bulong ko sapat na para hindi nila marinig.

Ngingiti parin si Zaria at tahimik lamang si Stefano habang nakikinig “Ayusin mo pa ate ng kaunti yung pagluluto mo at kung pwede na ay pwede ka naring mag-asawa” mabilis na sambit niya dahilan para masamid ako sa sariling laway.

Mabilis naman akong inabutan ni Stefano ng juice at agad ko itong tinanggap, mabilis akong uminom para matanggal ang nakabara sa lalamunan ko.

Bwesit na Zariana, papatayin pa yata ako ng maaga.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Zariana na ngayo'y nakapeace sign habang nakanguso.

Alam niya kaseng simula pa noon ay wala akong balak na mag-asawa, ni hindi niya pa ako nakitang may kasamang lalaki. Sa tutuusin nga si Stefano lang yung kauna-unahang dinala kong lalaki dito sa bahay at sinabi kong boss ko pa kahit na hindi naman.

“Walang akong balak” sagot ko sa sinabi ni Zariana. Nakarinig naman ako ng mahinang pag-ubo at napatingin ako kung kanino nanggaling iyon at walang iba kundi kay Stefano.

Pinantaasan ko siya ng kilay pero umiling lamang siya at nag-iwas ng tingin.

“May lalaki na bang naging parte sa buhay ng ate mo?” Stefano asked full of curiosity nag-iba rin ang tono ng boses niya, mas lalo namang tumaas ang isa kong kilay.

What the heck?! Kailangan niya bang tanungin iyon?!

Nakanguso namang umiling-iling si Zariana “Wala pa po. NBT atsaka NBK si ate eh, since noong ipinanganak siya ni mama” simpleng sagot ng kapatid ko.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong NBT atsaka NBK?

Magtatanong na sana ako ng inunahan na ako ni Stefano na mukhang hindi rin alam kung ano ang ibig sabihin nang sinabi ng kapatid ko.

“NBT and NBK? What is the meaning of those acronym?” nagtatakang tanong niya habang at nagkabuhol-buhol ang makapal niyang kilay.

Marami kaseng alam itong kapatid ko, sigurado ako na natutunan o nakuha na naman niya iyon sa social media.

Nagkibit balikat ang munting ale “Hindi niyo po alam?” tanong niya kay Stefano at umiling-iling ang lalaki, e kaya nga tinatanong kase hindi namin alam, hays...hindi rin kase nag-iisip ang batang to kung minsan “NBT stands for Never Been Touched and NBK stands for Never Been Kissed” hagikhik niya dahilan para matigilan ako at pamulaan na naman ako ng mukha.

Para naman na akong isang hinog na kamatis dahil sa ramdam kong sobrang init na ng mukha ko, alam kong sobrang pula narin ito.

Malakas naman na natawa si mama at kalauna'y napatawa narin si Stefano na parang kanina ay nagsisink-in pa sakanyang utak yung sinabi ng kapatid ko pero kung makatawa ay wagas...para namang nakakatawa e hindi naman.

“Atsaka si ate po kuya ay isang dakilang NBSB, no boyfriend since birth” dagdag niya pa at sinundan ng malakas at nakakainis na tawa.

Umirap naman ako at hindi na lamang inintindi ang kalokohang sinabi ng kapatid ko dahil wala namang issue sa akin kung wala akong naging boyfriend o never been t&k basta yun...ang importante sa akin at yumaman ako at mamatay na masaya.

“Really?” namamanghang tanong ni Stefano, hindi ko naman napigilang mapairap dahil sa inaakto ni Stefano...e alam ko namang alam niya na wala akong naging boyfriend ni isa tapos kung umakto parang kaaalam lang? 

Nasa background information ko na yun kaya bakit pa siya magtataka.

“Opo” tango ni Zariana, isa pa kase ito e hindi mapigilan yung bunganga “Gusto ko na ngang mag-asawa si ate para magkaroon na ako ng pamangkin na kalaro ko, si Kuya Zori kase hindi siya pwede dahil may sakit siya at baka ikamatay pa niya” totoo iyong sinabi ni Zariana na baka ikamatay pa ni Zori ang pakikipaglaro pero yung sinabi niya na gusto niyang magkaroon ng pamangkin para may kalaro siya...aba...aba...siya na lang kaya manganak.

Akala niya siguro madali lamang. Hindi noh, hindi kaya kahit na hindi ko pa nararanasan pero alam ko lang dahil sa ikiniwento na ni mama na masakit at mahirap daw ang manganak para ka daw na napupunit.

Imagine, ganun pa lamang ay masakit na...paano pa kaya kapag lima o sampu yung anak mo, edi mas lalong masakit.

“Do you really want to have a niece or nephew?” makahulugang tanong ni Stefano na hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi na naman niya sa kapatid ko, mabilis namang tumango-tango si Zariana dahilan para mas nangibabaw sa akin yung pagkagusto kong batukan siya.

Magka-vibes talaga itong dalawa. Parehong sira yung ulo.

Pero saglit na napatigil si Zaria na para bang may tumamang realisasyon sakanya, napasimangot siya “Pero paano nga po e, wala namang jowa si ate” maktol niya dahilan para matawa si mama na nakikinig lamang sa usapan namin.

Aba, talaga itong batang ito. Napakasalbahe!

Umismid ako “Hintayin mo nalang yung pamangkin mo sa Kuya Zori mo, kase sa akin...wala kang mapapala” I hissed in so much frustration.

Nagsisisi ako na isinama ko si Stefano dito, yan tuloy marami na siyang natuklasan sa akin dahil sa madaldal kong kapatid, na tinalo pa ang newscaster at reporter kung makapagsalita, parang andami ng alam tungkol sa buhay ko. Sana hindi na pala nag-abalang magpabackground check si Stefano tungkol sa akin, sana kinuha na lamang niya itong kapatid ko para siya na ang magsalaysay sa buong talambuhay ko.

“Matagal pa iyon, napakabata pa ni Kuya Zori eh” parang nagrereklamong sambit ni Zariana. Gusto ko naman siyang hilain na lamang siya at pakainin na lamang siya ng maraming tinapay hanggang sa hindi na siya makapagsalita at makapagkwento pa “Ikaw kase ate hindi kana bumabata pa ” dagdag niya, inirapan ko naman siya. Ang lakas man-trip ng batang ito.

Batukan ko kaya mamaya. Humanda siya sa akin.

“That's true” pagsang-ayon naman ni Stefano at bahagya pa silang nag-apir ng kapatid ko.

Asus, talagang magkasundo pa talaga itong dalawang ito ah. Sarap ibalibag atsaka pag-untugin.

“Maganda ka naman ate eh, pero bakit wala ka pang boypren” pinigilan ko naman ang sarili kong huwag mairap dahil sa paraan ng pagsambit niya sa salitang boyfriend.

“Hindi lahat ng may itsura may jowa”

“Pero kahit na po, hindi mo po sila pinapansin noh? Sigurado ako na itinataboy mo po sila kagaya ng ginagawa mo noon...nagrarason ka pa nga na tulog ka kapag may dumadalaw sa'yo dito sa bahay na lalaki” parang inosenteng sambit niya, nagsisisi tuloy ako na siya yung pinapapunta ko noon na magsabi sa mga lalaking bumibisita dito sa bahay para sabihing natutulog ako.

Ayaw ko lang kase noon ng disturbo, mga lalaki kase disturbo lang sila...eh kung may maiaambag naman sila sa buhay ko, papatusin ko naman kahit sino basta huwag lamang yung tamad dahil wala akong kinabukasan sa taong walang bahid ng kasipagan.

Pero kay Stefano, meron? Muntik naman akong mapairap at masamid dahil sa munting tinig na aking narinig mula sa isang parte ng aking isipan.

“Hays, tumigil ka na nga Zaria. Ikaw nalang mag-asawa kung gusto mo” naiinis na biro ko para tumigil na lamang siya pero mas lalong lumawak ang mga ngiti nito sa labi.

Napatingin siya kay Stefano na namumula sa kadahilanang kanina pa nagpipigil ng tawa, malilintikan rin ito sa akin mamaya.

“Kung mag-aasawa man ako balang araw, sana kasing gwapo niyo po” hagikhik niya at parang isang teenager na tumitili sa sobrang kilig.

Hindi ko naman alam kong matatawa ako o maiirap dahil sa walang kwentang sinasabi ng kapatid ko.

“Someday, when you're old enough. You will find a guy that will be perfectly fit for you, the one whom cannot hurt you. A man that will treat you like his own queen and will love you with all of his heart” ngiting sambit ni Stefano sa kapatid ko. 

Tumango naman ang talandi kong kapatid sa sinabi ni Stefano na mukhang naintindihan, sa hindi malamang kadahilanan ay napangiti narin ako.

“Pero si ate muna ang maghanap, yung sanang kasing gwapo at kasing kisig mo. Kung pwede lang nga po ikaw na lang sana pero sayang may asawa kana po, bagay pa sana kayo ng ate ko. Perfectly match” mahabang salaysay ng madaldal kong kapatid at sinabayan pa ng hagikhik at palakpak, naniningkit naman ang mga mata kong tinapunan siya ng tingin pero sa hindi sinasadya ay napunta sa mga mukha ni Stefano yung mga mata ko at nakita ko ang pagsilay ng maganda at matamis na ngiti sakanyang mapupulang labi bago tuluyang mapatingin ito sa akin.

Hindi na lamang sariwang hangin ang kailangan ko ngayon baka kailangan ko naring huminga.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

266K 40.2K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
Alone Da Annie

Romanzi rosa / ChickLit

50.2K 2.9K 8
(Completed) When two people who know loss meet, can they find a way to heal each other? Is a kiss just a kiss? Can a young girl bring them together? ...
36.7K 1K 23
Love Series #1 Date Started: 05/08/21 Date ended: --/--/--
12.5K 32 1
Bookcover made by minimalizzzzzzz ( ENGINEER SERIES #4 ) Aira Lauv Yanueza is a student from La Resencia University. She's pretty, kind, and intelli...