Married To A Monster

By eaniajc

1.8K 196 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... More

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'3
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'21
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'15

55 7 0
By eaniajc

Chapter 15

Umiwas siya ng tingin matapos kong banggitin ang mga katagang iyon, na para bang sobra siyang naapektuhan. Pinigilan ko namang hindi matawa, dapat kase pinapatapos niya pa akong magsalita bago siya magbigay ng reaksyon.

“Don't say something just like that” saad niya at nakita ko ang simple niyang paglunok na para bang may nakabara sakanyang lalamunan “You might regret it” dugtong niya pa na may halong...pagbabanta?

Agad kong inubos yung kinakain ko at humarap sakanya “Bakit naman?” tanong ko na parang isang batang walang muwang sa mundo.

Bakit niya sinabing baka pagsisihan ko? Baka pagsisihan ko na ano?

Huminga siya ng malalim pero agad siyang tumikhim para mawala lahat ng mga iniisip niya siguro.

“Nothing”

Tumango ako “Ano nga pala yung pag-uusapan natin?”

Tumikhim siya at tumingin na sa akin, his eyes met mine and there's something in his eyes that I can't explain...it was full of something “About what happened the other day, I want to apologize for my foolishness, I didn't even think when I said that to you and it didn't even made me sleep just knowing that I hurt you” he said sincerely and that's when I figure it out what I just saw in his eyes...it was sincerity.

At talaga lang na hindi siya makapaghintay na humingi ng tawad sa akin sa puntong hinintay niya pa talaga akong matapos na kumain, na pinanood pa niya talaga ako. At dahil narin sa sinabi niya ay may napagtanto ako.

“Kaya ba pumunta ka sa restaurant na pinagtatrabahuan ko?” tanong ko na puno ng realisasyon.

Nahihiya siyang tumango at doon na ako tuluyang napangiti. He always made effort, and his efforts will always be worth it.

“So are you gonna forgive me? But it's okay if you–”

Hindi ko na siya pinatapos pa at agad siyang sinugod ng yakap na siyang dahilan para matigilan siya, pati man ako'y natigilan rin pero wala na akong pakialam kung ano man ang isipin niya. Isa lamang ang alam ko ngayon...masaya ako.

Masaya ako dahil may mga tao pa palang kagaya ni Stefano, na gumagawa ng paraan para lamang humingi ng kapatawaran, bihira lamang ang kagaya niya dahil ang ibang nakikilala kong mga lalaki ay masyadong mataas ang pride na hinihintay pang ikaw ang maunang gumawa ng paraan para makipag-ayos kahit na sila naman ang may kasalan.

Ayaw ko sa mga lalaking ganun, na mas inuuna pa ang pagkalalaki kaysa sa mararamdaman ng iba na wala lang sakanila kung nasasaktan na nila ito o masasaktan palang. Kaya nama'y makakasakit pa lamang.

He hugged me back and that made me stunned for a moment but I managed to smile because of his simple gestures “Ayos lang naman, naiintindihan ko, naiintindihan kita” ngumiti ako at agad na humiwalay sa yakap. 

“Really?”

Pabiro akong umirap “Oo naman. Ikaw lang naman kase ang nakakaalam kung ano ang tunay na intensyon ng kaibigan mo”

Tumango siya “Yeah, just don't be close or near to them, they will harm you” seryosong sambit niya.

Kumunot naman ang noo ko “Bakit ka naman nagsasalita ng ganyan tungkol sa mga kaibigan mo? Hindi naman siguro sila masama diba? Mukha naman silang mababait ah” kibit-balikat ko.

Mabilis naman siyang umiling-iling na para bang may mali sa sinabi ko “Hindi ba?” dagdag na tanong ko.

“They are but they aren't and you don't know them well”

Tumango tango na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa sakanya dahil baka tuluyan na kaming mag-away at hindi ko alam kung saan aabot ang pasensya ni Stefano, alam kong mabait siya pero ayaw ko itong samantalahin.

Ibang-iba siya sa nakilala kong Stefano sa araw ng kasal nila sana ni Gwyne, dahil kung nagmumukha siyang walang puso noon ay ngayon kapag kikilalanin mo pa pala ay may itinatagong kabaitan.

“Uhm, yun lang ba yung pag-uusapan natin?”

Dahil sa tanong ko ay parang may naalala siya na saglit niyang nakalimutan “I almost forgot” he said scratching his forehead “Next week we where going to my grandma's house, and I will introduce you to her as my wife and that's when you do your part, what we talked about...being Mrs. Monstero”

Natigilan ako at natahimik rin kapag kuwan pero hindi ko mapigilang isipin na “Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagpakasal?” tanong ko.

Tumango siya “Yes, because she wants to see me getting wed before she pass away” saad niya at nahihimigan ko na puno ng pait sakanyang boses.

I think he really loves his grandmother that much, huh. To the point that he sacrificed being married to the woman he don't really love just to fullfil his grandmother's last will.

I think it was they called unconditional love for your family.

Pero parang may mali “Uhm, nasaan nga pala yung mga magulang mo?” tanong ko ulit dahilan para umiwas siya ng tingin. He looks uncomfortable.

“Just be ready for next week because my grandma badly wants to meet you” malamig at huling saad niya bago ako iwanan na nagtataka dahil sa kanyang ikinilos.

Anong nangyari doon?

–_–_–_–

“Bes, okay kana ba?” sugod na tanong ni Adi pagkarating na pagkarating ko palang sa restaurant. Pagkakitang-pagkakita palang sa akin ay agad na niya akong nilapitan at sinugod ng maraming tanong.

Sinabihan pa nga ako ni Stefano na dapat huwag na daw muna akong pumasok dahil baka mabinat ako pero dahil babae ako at palaging tama, wala siyang nagawa kundi payagan akong umalis kahit na mainit pa ako pero hindi na grabi katulad noong nakaraang araw.

Ano naman kase ang gagawin ko sa bahay niya buong maghapon? Tutunganga nalang at hihintayin siyang umuwi?

Parang mag-asawa lang?

Teka! Mag-asawa naman kami ah pero hindi nga lang totoo, nagpapanggap lang.

Tinignan ko si Adi at ngumiti para sabihin sakanya na okay na ako pero dahil sa babae rin siya katulad ko ay hindi siya naniniwala agad.

“Okay na nga ako, hindi na masakit yung ulo ko at wala narin akong lagnat” salamat nalang sa nag-alaga sa akin. Gusto kong idagdag pero huwag na baka umabot pa ng isang oras hanggang sa masagot ko lahat ng katanungan niya.

Pinaningkitan niya ako ng mata “Pero kapag nalaman ko lang na hindi ka pa okay, ako na mismo ang magpapauwi sa'yo” banta niya na siyang dahilan para napahagalpak ako ng tawa.

Talaga itong si Adeah, sobra sobra kung mag-alala dinaig pa si mama. Parang baliktad na nga e, mas nanay na siyang umasta kaysa sa tunay kong ina.

Agad kaming nagtungo sa silid kung saan staff lamang ang pwedeng paroroon doon.

“Ano palang sabi ni ma'am Janes noong nawala ako?” kapag kuwan ay tanong ko ng nakarating na kami mismo sa silid.

Napatigil siya at saglit na nag-isip. Na siyang ipinagtaka ko. Iisipin pa ba kung ano yung isasagot niya?

“Nagalit ba?” dagdag na tanong ko.

Umiling-iling naman siya “Hindi, pero nag-alala sa'yo dahil bakit daw nagtrabaho ka kahit na alam mong may sakit ka”

Nagkibit balikat lamang ako at hindi na siya sinagot pa.

Agad kong isinuot ang aking uniporme, kasabay ko lamang si Adi at ang iba naming mga kasamahan. 

Nagtungo na kami sa labas dahil magbubukas na kami, naging tahimik lamang si Adi na para bang may malalim na iniisip. Hindi ko alam pero bigla na lamang siyang naging tahimik matapos kong magtanong parang may inaalala na saglit na nakalimutan.

“Sorry pala ha bes, at hindi na kita nabisita pa sa hospital” basag niya sa katahimikang namutawi sa aming pagitan.

Bigla akong nagtaka dahil sakanyang sinabi.

Hospital?

Napasimangot siya “Bigla rin kaseng inatake si papa ng sakit niya kaya kailangan namin siyang dalhin sa pagamutan” paliwanag niya na para bang may nagawa siyang malaking kasalanan sa akin.

Mas lalo naman akong nagtaka sa mga pinagsasabi niya.

Hospital?

Dinala?

Sino?

Ako?

Kailan?

“Ano ba yang mga sinasabi mo?” puno ng pagtatakang sambit ko habang nakakunot ang noong nakatingin sakanya.

She's being weird today. Kailan pa ako pumunta ng hospital? Kailan pa ako dinala sa hospital? Kailan, saan at paano?

Mas lalo naman siyang napasimangot “Alam ko namang nagtatampo ka sa akin dahil hindi manlang ako dumalaw sa'yo noong isinugod ka sa hospital” nakangusong sambit niya “Sorry talaga bes, hindi na mauulit” she promised with her puppy eyes.

Mas lalong napuno ng pagtataka ang aking isipan, mas lalo naman akong naguluhan “Kailan ba ako isinugod sa hospital?” taas kilay na tanong ko.

Ang dati'y nakanguso ay napalitan ng isang ngisi “Ikaw ha! Hindi porket siya yung nagdala sa'yo sa hospital ay umaakto ka ng nakalimutan mo na ha!” she teased, mas lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi niya. Huh? “Akalain mo iyon? Coincidence na siya pa yung haharapin mong customer tapos bigla kang nahilo kaya nagboluntaryo na lamang siyang dalhin ka sa hospital” paliwanag niya na siyang dahilan para mapaawang ang aking mga labi.

Ano daw?

“Sinadya mo ba iyon?” she teased more and that made me confused “May asawa na yun kaya maghanap ka nalang ng iba, huwag na iyon hindi porket gwapo at hindi porket ay naghahanap kana ng majojowa ay huwag kang basta-basta papatol sa mga may sabit...maghanap ka nalang yung single na siguradong ikaw lang at walang suot na singsing” saad niya at tumingin tingin sa paligid.

Para ko namang masasabunutan itong sarili kong buhok dahil sa sobrang pagkagulo sa mga pinagsasabi ng babaeng ito.

Ano daw?

Huwag na daw siya, dahil may asawa na?

Sino ba yung tinutukoy niya?

Atsaka bakit ba kami napunta sa topic na ito?

Ang gulo-gulo naman!

Pwedeng pakipaliwanag mula sa umpisa? Para maintindihan ko naman at hindi ako naguguluhan ngayon at pilit hinuhulaan kung ano yung mga sinasabi niya.

Napameywang ako “Seryoso. Ano ba yang mga pinagsasabi mo?” naguguluhan na may pagkaseryosong tanong ko “Naguguluhan ako. Nakakahilo sa totoo lang” dagdag ko pa. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nag-uusap dito pero wala pa namang pumapasok na mga customer kaya para kaming tangang nag-uusap dito.

Siya naman ngayon ang nalukot yung mukha, napuno ng pagtataka “Don't tell me bes, na hindi mo alam o kilala kung sino yung nagdala sa'yo sa hospital?” she asked suspiciously and that made me confused again.

Umiling-iling ako and that's when she made an OA reaction.

“Oh my god! Oh my god! Really, really OMG!” she shrieked and her lips formed in O shape.

“At ano yang reaksyon na iyan?”

Tumawa siya at hindi makapaniwalang umiling-iling “Wala lang gusto ko lang sabihin na, every woman I know dreamt of that moment to happen, including me pero ikaw...” naiiling na sambit niya na para bang hindi makapaniwala sa mga nalaman niya “Hindi mo manlang chinerish yung moment na iyon?” she said unbelievably.

Kahit na marami na siyang tinuran, naguguluhan parin ako, bakit hindi nalang niya kase ako diretsahin pa?

Andami pa kaseng paligoy-ligoy.

“Diretsahin mo nalang kaya ako, andami mong sinasabi eh” masungit na sambit ko at sinabayan pa ng pag-irap.

She raised her both hands as a sign of surrection “Okay pero tsk parin” she rolled her eyes too.

“Ano nga?”

“Hindi naman gaanong importante kung para sa'yo pero dinala ka lang naman ni Stefano– ang nag-iisang Stefano Galvin Monstero sa hospital noong araw na tinamaan ka ng lagnat, noong araw na mismong nahimatay ka” she confessed.

My jaw dropped because of the confession she made.

What the heck?

Continue Reading

You'll Also Like

222K 7.2K 55
ရိပ်ချေ ကိုကြီးကိုချစ်တယ် ။ ကိုကြီးလည်း ရိပ်ချေကိုချစ်လာရင် ဖွင့်ပြောပေးနော် ။ နွေဦးရိပ်ချေ 🍀 နေမခန်း & နွေဦးရိပ်ခ...
554K 18.9K 144
Read and find out...
10.2M 640K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
171K 5.1K 144
Part 1 of "The Hunter's Gonna Lay Low" Introduction: Hunter Cha Eui-jae, who was dispatched to seal a rift that appeared over the West Sea, was flung...