Ruling the Game

By Azureriel

29.3K 444 880

Walang blurb para exciting. -Azi More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 11

777 18 52
By Azureriel



Chapter 11





"Villafuerte?"


Napatingin sa akin ang mga kaklase ko matapos kong magtaas ng kamay.


"A-Akin po 'yan."


Nagtawanan ang buong klase dahil sa bigla kong pag-ako sa panty. Natigil naman silang lahat nang manaway ang aming prof.


"Nagti-t-back ka?"


"Masama po ba, sir?"


"Ako ba'y pinaglololoko mo, Villafuerte?"


"Bagong f-fashion po 'yan."


Napahilot na lang sa sintido ang aming prof.


"Oh s'ya kunin mo rito. Mga kabataan talaga ngayon. Hindi ko maintindihan kung ano bang trip n'yo sa buhay."


Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Buti na lang talaga maganda itong panty ni Kessiah. Hindi nakakahiyang ibalandra.


"Pre, ano bang pinagsasasabi mo?" nai-stress na tanong ni Vaughn sa akin pagkabalik ko sa upuan ko. "Anong sa 'yo 'yan? Don't tell me kay Ke--"


Nilingon siya ng babaeng katabi ko kaya bigla siyang natahimik. Umayos na lang ng upo si Vaughn na nasa likuran lang namin ni Kessiah. Paniguradong maaalala pa rin ito ng mga kaklase ko kahit tapos na ang school year.


Nagpatuloy ang pagche-check ng bag at nahuli ang kumuha ng relo. Hindi na sinabi ni sir kung sino. Sila-sila na lang ang nag-usap sa guidance office.


"Hindi pala ah," parinig sa akin ni Vaughn pagkalabas ng prof.


Vacant kami sa sunod na subject kaya lumabas na muna kami ni Vaughn at dumiretso sa court. Sakto rin na available si Jak. Makakapag-practice kami kahit papaano. Si Kessiah hindi ko na alam kung saan nagpunta. Bigla na lang siyang nawala kanina pagkatapos ng klase.










"Ano? Inako mo iyong panty?" hindi makapaniwalang tanong ni Jak matapos ikuwento ni Vaughn ang mga nangyari kanina. "Tapos t-back pa? Tangina, pre, saan mo ilalagay itlog mo?"


"Ang dami ng problema sa mundo, idadagdag pa ba natin 'yan?"


"Sabi ko nga. Pero... kanino ba kasi iyon? Bakit hindi mo na lang kasi sinabi iyong totoo. Drop a name. Baka nga iyong ibang babae akuin pa iyong panty na 'yan."


"Syempre hindi niya gagawin iyon. May pinuprotektahan kasi siya." Pinaikot ni Vaughn ang bola sa daliri habang nakaupo sa bench kasama namin.


Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Hindi naman nadala ang gag* at nagpatuloy lang sa pagdadaldal. Sana talaga mapadaan dito si Kessiah.


"Pinuprotektahan? Sino?"


"Sino pa nga ba edi si—"


"Sino?"


Napaigtad iyong dalawa nang biglang sumulpot ito.


"K-Kessiah." Kabadong tumayo si Vaughn. "I-Ikaw pala. Anong atin?"


Tinitigan lang siya ni Kessiah hanggang sa kusa siyang mapaupo sa bench dahil sa nanlalambot niyang mga binti. Pagkatapos ay iniwan na siya nito at naglakad palapit sa akin. Tiningala ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko.


"Bakit?"


"Usap tayo."


Nagpatiuna na siya sa paglakad kaya tumayo na ako para sumunod.


"Pre, usap lang ah. Baka mamaya ibang usap na 'yan."


"Mga gag*." Nag-marcha na ako palabas ng gym.


Binaybay ko ang kahabaan ng hallway at natagpuan ko si Kessiah na nakakubli sa likod ng pader. Sumandal kami sa medyo madilim na parteng iyon, malayo sa mata ng mga dumadaan. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin.


"Panty ko?" Inilahad ng babaeng katabi ko ang kamay.


Dinukot ko naman iyon sa bag ko at inabot sa kaniya. Nawalan ako ng dignidad dahil sa panty'ng ito kanina tapos kukunin niya ngayon na parang wala lang.


"Na-appreciate ko iyong hindi mo paglalapag ng pangalan ko. Salamat." Naglakad na siya palayo.


Naalala ko iyong tungkol sa kanina kaya agad ko siyang sinundan.


"Kessiah, sandali lang."


"May problema ba, bro?"


Natahimik ako nang makitang nandoon na pala si Tristan.


"Kain tayo, Ms. Eltaraza. Libre ko," aya nito na para bang wala ako.


"Okay." Ang bilis naman niyang pumayag. Wala man lang pakipot?


"Kess!"


"Bakit?"


"M-May... may project tayo na kailangang gawin, 'di ba?"


"Next month pa naman ang pasa niyon. That can wait. Sige, Kye, una na kami." Tuluyan na nga siyang sumama kay Tristan.


Kumuyom na lang ang mga kamay ko habang pinanunuod ang dalawa na maglaho sa paningin ko. Mukha tuloy akong tanga roon na naiwan sa ere.


"Anong mukha 'yan? Badtrip ka yata. Nag-away ba kayo?"


"Sumama talaga siya sa Tristan na iyon."


Dinampot ko ang bola at padabog na ibinato iyon sa sahig.


"Tristan? Tristan Salaz? Iyong GGSS na pa-famous?"


"Exactly. Alam mo kasi, dre, kanina, iyong si Tristan nagyayabang sa klase namin. Magiging isa sa koleksyon niya raw iyong si Kessiah. Nakipagpustahan pa nga."


"Oh, tapos? Anyare?"


"Edi iyon pumayag si Kessiah na lumabas mamaya. Kaya tingnan mo naman badtrip si Captain."


"Paano akong hindi maba-badtrip. Inuna pa niya ang lalakeng iyon kaysa sa project namin."


"Next month pa naman kasi iyon, bro. Mahaba pa oras."


"Kahit na. Kaya nga siya ang napili kong ka-partner sa robotics kasi alam ko study first siya, tapos ngayon uunahin niya lang pala ang lalake. Sumbong ko siya sa Tita niya eh."


"Galit ka ba dahil hindi niya inuna iyong project n'yo o dahil inuna niya ang lalakeng iyon?"


"Hindi ba pareho lang iyon? Tssk."


Nag-dribble ako papunta sa loob ng court at idinaan na lang sa basketball ang init ng ulo. Sinabayan naman ako nung dalawa sa paglalaro.



"Pangalawa na 'yon ah. Wala sa focus? May ibang iniisip? Hulaan ko, "K" umpisa ng pangalan. Ayiee!"


"Tigil-tigilan mo ako, Vaughn. Wala lang ako sa mood maglaro ngayon."


"Ah talaga ba, captain?"


"Isa ka pa, Jak. Bibingo ka na rin sa akin."


Sinira ko ang depensa ni Vaughn at pinapasok ang bola sa ring.


"Nice one, captain!"


Bumalik kami sa bench upang uminom at magpahinga. Mag-iisang oras na rin naman kaming nagpapapawis.


"Si Kessiah oh."


Napatingin ako sa direksyong itinuro ni Vaughn. Pumasok nga si Kessiah sa gym at kasama niya pa iyong Tristan.


"Mukhang may nagpapakitang gilas," ani Jak nang pakitaan ni Tristan ng shooting skills si Kessiah.


Nakaramdam ako ng inis nang makitang pumalakpak si Kess nang pumasok ang bola.


"Tang;na, hanga na siya doon? Basic na basic nun eh."


"Kalma lang, captain."


"Kalmado pa ako, Jak."


"Kalmado? Eh iyong tingin mo nga kay Salaz kulang na lang i-dribble mo ulo niya at idakdak sa ring na parang bola."


"Malapit-lapit na." Nilagok ko ang natitirang laman ng aking flask.


I just watched Kessiah with that assh*le. And she looked f*cking happy. Sabagay mukha namang clown si Tristan, bakit pa ba ako magtataka?


"Iyong tingin mo, dre. Baka mamaya magliyab na iyang si Salaz."


"Tsk." Matapos kong akuin panty niya ganito lang pala mangyayari. Kainis!


"Ehem. Mukhang may kakain yata ng buhangin ah."


"Inuna niya lalakeng iyan kaysa sa project namin. Natural lang na mainis ako."


"Iyon ba talaga ang rason?"


"Of course, alam n'yo namang competitive ako sa acads."


"Rason mo, captain." Tumawa iyong dalawa kaya mas nainis lang ako.


"Napatayo pa siya oh. Kunwari walang paki pero may pahabol tingin. Ehem, kabahan ka na, dre."


"Naiinis lang ako na mas inuna niya pa iyon. At bakit si Tristan pa, huh?"


"Mahitsura naman si Tristan, pre. Besides, isa siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae sa campus."


"Sabihin na natin na gwapo, pero tang;na ni wala iyon sa kalingkingan ko. Hahanap na lang siya, doon pa sa puro mukha na walang utak. Tang;na lang talaga. Panget ng taste niya."


"Selos na selos ah."


"Hindi nga ako nagseselos! Project. Project. Project. Project lang iyong concerned ko."


"Okie."


"Hayst! Bahala na nga kayo d'yan." Tumayo na ako at nag-walkout.


Nakaka-badtrip naman talaga. Inuna pa talaga niya iyon kaysa sa acads niya. Edi bahala siya. Makita-kita ko lang talaga ang dalawang iyon pagbubuhulin ko sila. Idinaan ko sa shower ang inis. Cutting si Tristan sa mga sumunod na subject kaya kulang na lang maputol ballpen ko sa gigil.


Tang;na, nagdi-date ba sila?


Hindi ako nakapag-focus sa buong klase. Hanggang pag-uwi nakabusangot ako. Nadagdagan pa nga ang inis ko nang pag-uwi wala roon si Kessiah. At talagang hindi pa siya umuwi ah. Nakakain na ako lahat-lahat, wala pa rin siya. Maya-maya pa may kotse ng pumasok sa gate.


Pinanuod ko lang sila mula sa bintana ng aking kuwarto na magpaalaman. Kumaway pa talaga oh. Bumaba ako at sinalubong si Kessiah sa ibaba ng hagdan.


"Ginagabi ka ah. Ganiyan ba ang uwi ng matinong babae?"


Isinara ni Kessiah ang pinto at naglakad palapit sa akin sakbit ang kaniyang itim na tote bag.


"Magandang gabi po, Itay."


"W-What? Did you just call me Itay?"


"Kung makapagsalita ka kasi parang tatay kita."


"Malamang dahil ginagabi ka."


"Alas sais pa lang. OA, Kye, apaka-OA."


"Kahit na. Hindi ka dapat nagpaabot ng dilim sa labas."


"Hindi naman ako nagpaabot ng dilim sa labas, kundi sa loob ng condo niya."


"What the--" Umigting ang panga ko sa pagpipigil ng galit. Napakapilosopo. "Kessiah, sa akin ka iniwan nila Tita Merideth. Ano mang mangyari sa 'yo pananagutan ko."


"Pagod ako. Kung gusto mong makipagtalo, bukas na." Nilampasan na niya ako pero mabilis ko siyang nahawakan sa pulso, dahilan upang mapahinto siya. "Don't worry walang nangyari sa amin. At kung meron man... ano naman sa 'yo? Hindi naman kita boyfriend."


Sumikip ang dibdib ko sa huli niyang sinabi. Hindi na ako nakaimik pa. Narinig ko na lang ang pag-akyat niya ng hagdan. Not her boyfriend? Bullsh*t.


Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog sa nangyari kaya dumiretso na lang muna ako sa bar at nagsalin ng alak sa baso. Tumambay lang ako sa terrace at doon uminom mag-isa. Inubos ko lang ang laman ng bote at nagmuni-muni. Malalim na ang gabi nang umakyat ako.


Nadatnan kong bukas ang TV sa taas. Nasa mahabang sofa si Kessiah na nakatulugan na nga ang panunuod. Kinuha ko ang remote sa kamay niya at ipinatong iyon sa center table.  Lumuhod ako sa sahig upang hawiin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.


Mukhang masarap ang tulog niya kaya hindi ko na siya inilipat sa kaniyang kuwarto. Kumuha na lang ako ng kumot at kinumutan siya, ingat na ingat na huwag siyang magising. Pinagmasdan ko lang si Kessiah. Hindi ko alam kung gaano katagal basta pagmulat ko, umaga na.











"Sh*t, anong oras na." Nagmadali na akong kumilos.


Wala ng kape-kape. Inuna ko na ang paliligo dahil tanghali na. Paalis na ako ng datnan ko si Kessiah na nakaupo sa step ng hagdan sa labas at nagsasapatos. Naka-bag na rin siya gaya ko. Tumabi ako sa kaniya at sinuot na rin ang sa akin. Hindi niya ako iniimikan. Gusto ko rin siyang tiisin at huwag na lang kausapin dahil sa nangyari.


"I'm sorry." Napabuntong hininga ako. Hindi ko siya kayang tiisin na hindi kausapin. "Ayoko lang masaktan ka."


Hindi niya ako pinansin at tumayo na sabay labit sa kaniyang inuman.


"Babaero iyong si Tristan. Alam mo ba iyon?"


"Alam kong ginagawa ko," malamig na sagot niya sa akin.


Pumwesto ako sa harap niya at hinawakan siya sa balikat. Nagtaka pa siya nang igiya ko siyang muli paupo. Walang imik akong lumuhod sa isa kong tuhod upang baguhin ang pagkakasintas ng kaniyang sapatos.


"Masyadong mahaba ang pagkakalawit ng sintas mo. Madadapa ka niyan."


Natigilan ako saglit sa pagsisintas ng kaniyang sapatos nang mapansin ang mga pasa sa kaniyang binti. Hindi na ito bago sa paningin ko dahil madalas ko rin namang makita na may pasa siya sa katawan pero hindi ganito kadami.


"Palagi ka na lang hindi nag-iingat." Itinali ko ang kaniyang sintas. "Hindi porque wala kang nararamdamang pain ay aabusuhin mo na rin ang katawan mo. Kung hindi mo kayang ingatan sarili mo pwes... ako ang gagawa." Kinuha ko ang bag niya at ako na mismo ang nagdala niyon.


Nasa casa pa rin iyong kotse niya kaya sabay ulit siya sa akin ngayon. Magkasabay kaming pumapasok lately pero hindi kami sabay na nagpupunta sa classroom. Mahirap ng may makaalam ng tungkol sa amin... na magkasama kami sa iisang bubong. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad kong iniharang ang kamay ko sa kaniyang ulo nang yumuko siya para pumasok.


Baka mauntog siya, mahirap na. Alam ko naman na hindi siya masasaktan kahit mauntog pa siya o ano. Pero delikado pa rin... sobrang delikado. Siguro iyong iba hihilingin na magkaroon ng kondisyon gaya niya. Minsan ko na ring hiniling ang bagay na iyon. Pero hindi pala maganda. Dahil sa kaniyang Congenital Insensitivity to Pain, walang warning signals ang katawan niya.


Paano kung may sakit na pala siya pero hindi niya lang alam? Kung pumutok na pala appendix niya tapos wala siyang kaalam-alam kasi hindi nga niya ramdam. Nilingon ko ang babaeng katabi ko na nakasandal sa bintana. Nainis ako bigla habang tinitingnan siya.


Bwis*t! Bakit parang mas gumaganda siya sa paningin ko?


"Bakit?" tanong nito nang mapansin na panay ang tingin ko sa kaniya.


Lumunok ako at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.


"Sabi pala ni Vaughn, pwede na raw makuha sa talyer mamaya iyong kotse mo."


"Okay."


Hindi na siya umimik pagkasabi niyon. Kung pwede ko lang ipa-breakfast sa kaniya ang mga salita para umimik-imik man lang ginawa ko na. Nagpatuloy ang closeness nila ni Tristan. Tumatabi na rin sa kaniya ang gag*. Umalis na rin iyong isa naming katabi pero ako nanatili lang sa upuan ko. Bakit ako aalis eh upuan ko iyon?


Nasa kanan ako ni Kessiah habang nasa kaliwa naman si Tristan. Pinagigitnaan namin siya. Nakakairita ang kanilang landian lalo't katabi ko lang sila pero mas okay na ito para madali kong mahahagay. Nakipagmabutihan pa rin si Kess dito kahit ilang beses ko ng sinabi na pinagpupustahan lang siya. Hindi talaga nakinig. Napakatigas ng ulo.












"Paano na iyong Kessiah, pre?"


Narinig naming usapan ng grupo ni Tristan nang madaanan namin sila sa hallway. Paakyat pa lang ako kanina sa building nang marinig ang usap-usapan. Nahuli raw ni Kessiah na may kahalikang ibang babae ang lalakeng ito. Hindi ko pa nakikita si Kess ngayon kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa nangyari.

Pero alam kong nasaktan siya dahil mukhang tinamaan din siya sa gag*ng 'to.


"Iyong Kessiah? Hayaan n'yo na iyon. Ang dali niya naman kasing mauto. Eh ginamit ko lang naman siya para tumaas grades ko sa Research."


Susugurin ko pa sana pero pinigilan ako nila Jak at Vaughn.


"Gugulo lang."


Tama siya. Maaari ring mas lumala pa. Siguradong magtatanong sila kapag nakialam ako. Baka maungkat pa ang mga bagay na hindi dapat.


"Unahin na lang nating kumustahin si Kess," suhestyon pa ni Vaughn kaya dumiretso na kami sa classroom.


Halos kasabay lang naming pumasok ang grupo ni Tristan. Narinig ko pa na pinag-uusapan at pinagtatawanan nila si Kessiah. Gustong-gusto kong basagin ang mukha niya ora mismo pero pinipigilan ako ng mga kaibigan ko.


"Si Kess." Tinuro ni Jak ang babaeng nakaub-ob sa desk.


Nilapitan namin si Kessiah na nakasubsob sa mesa at pinagtitinginan ng buong klase.


"Kawawa naman, dre... broken. Anong gagawin natin?"


"Ginusto niya iyan." Hindi naman ako nagkulang sa pagsasabi.


Si Vaughn ang naglakas-loob na lumapit at i-approach ito.


"Ah, Kessiah, alam namin malungkot ka dahil sa nangyari. Pero ganoon talaga minsan. May mga tao na hindi para sa atin kaya hindi pwede kahit ipilit pa natin. Pero hindi pa naman katapusan ng mundo. Marami pa namang ibang lalake d'yan. Maganda ka rin naman so for sure marami pang magkakagusto sa 'yo. Kaya sana tumahan ka na at huwag ng iyakan pa ang lala--"


Biglang tumayo si Kessiah at hinarap kami. Magulo ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kaniya. Inaantok ang mga mata niyang tiningnan kami isa-isa, naiinip... naiirita.


"Ang ingay n'yo."


"Ah eh h-hindi ka ba umiiyak?"


"Iyak?"


"Oo, kasi 'di ba iyong kanina ano..."


"Kay Tristan ba?"


"Um."


"Tsk."


"Bakit, Kessiah? Hindi ka ba naiiyak? Libre naman umiyak-- I mean walang masama. Sabi nga it's okay not to be okay, 'di ba, mga dre?"


"Ang mahal ng skincare ko. I even spent a hundred dollars every month on my makeup. May feminine care pa ako at nagpapa-brazillian wax every four months. Bakit ko naman iiyakan iyong mga nagpapagpag lang kapag umiihi?"






—Azureriel

Continue Reading

You'll Also Like

171K 6.6K 25
{DISCONTINUED} y/n l/n cousin of takemitchi hanagaki is very rich as her mother owns a business which is very well known along with her brother. One...
683K 57.2K 32
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
52.2K 4K 18
-@𝐄𝐂𝐋𝐈𝐏𝐒𝐄𝐋𝐀𝐒𝐘 ᵗʸˡᵉʳ ᵍᵃˡᵖⁱⁿ '𝙞'𝙫𝙚 𝙣𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙩𝙖𝙡𝙠 𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙮𝙤�...
86.2K 39 1
(Professor Series #1) On-going