Nakarating na nga si Sakuhako kasama sina Miu, Otano sa Shohoku Basketball Club
Upang makuha ang puwesto bilang isa sa starting five ng Shohoku, inutusan ni Kate na magkaroon sila ng 2on2
Akito and Ace Vs Sakuhako and Otano,
Si Akito at Ace ang masasabing pinakamagaling na manlalaro ngayon ng shohoku, silang dalawang ang hinamon ni Sakuhako at sinabi pa nya na mas magaling na sya kaysa kay Akito kaya napapayag na si Akito
Sa gilid ng court, sa bench nakaupo si Kate, kasama ang ilang mga players ng shohoku nakaabang sila
"Ang gwapo din nman pala ang kapatid ni Akito" sabi ng isang babaeng player ng shohoku na si Daina
"Oo nga, Mas cute sya" sagot ni Akia isa sa babaeng player ng shohoku
"Magkamukha nga sila, Pero nakikita nman ang pagkakaiba nila, tignan nyo laging nakangiti, then yung haircut nila, iba din ang kulay ang buhok nila" Sabi nman ni Zairyl isa rin sa mga babaeng player ng shohoku
"Well let's see kung magkasing galing silang dalawa" sabi nman ni Sayuri isa rin sa mga babaeng player ng shohoku nang biglang
Habang si Althena isa rin sa mga babaeng basketball player ng shohoku
"Sya? Bumalik na sya" sabi ni Althena na tila mukhang kilala si Sakuhako
"Ggrahhhhmmm hoy kayong malalandi kayo, hindi porket dumating lang ang Sakuhako na yan, magsasalita na kayo agent kay master Akito" sabi ni Milliana
Si Milliana ay talagang tagasunod na ni Akito kasama si Gildar na isa rin sa player ngayon ng shohoko
"Lianna sinasabi lang namin nakikita namin hindi kami bulag" sagot ni Sayura
"Anong sabi moh? Hindi porket hindi kayo pinapansin ni Master Akito magsasalita na kayo ng ganyan sa kanya, Makikita nyo lalampasuhin ni Master Akito yang Sakuhako na yan" pagtatanggol ni Milliana kay Akito habang si Zoey nakikinig lang pero kinakabahan sa kung anong mangyari
Nag sagutan na nga ang mga babaeng players ng shohoku habang lumayo na si Lyion at iba pang lalaking players ng shohoku nang biglang
"Tumahimik na kayohh, hindi kayo pumunta dito para makita kung sino mas gwapo o kung sino mas magaling sa kanila" sigaw ni Kate na subra ng naiingayan sa kanila
"Ggrahhh wala pa nga syang isang araw dito naging famous na sya? Ggrahhh hako" na subrang inggit na si Louki
Habang si Miu
"Mas magaling si Master Hako, walang pag asa ang kapatid nya sa kanya" sabi ni Miu
"Ggrahhh" galit na galit na si Milliana
Nagtanong si Renz
"Bakit hindi si Akito ang una mong pinili? Alam mo nman na sa simula palang gustong gusto ni Hako na makaharap si Akito
Ang pinili kasi ni Kate na ilaban kay Sakuhako at Otano ay si Ace at Lyion kaya nagtataka si Renz kung bakit hindi pinili si Akito
"Nitong mga nagdaang buwan, naobserbahan ko kayong lahat, At nakita ko din ang malaking kahinaan ni Akito, Ayoko sanang mangyari na ang kapatid pa nya ang magbubunyag ng kahinaan nya, ang gusto ko sana sya mismo ang makadiskubre ng kahinaan nya" sagot ni Kate
"Kahinaan? Anong kahinaan ni Akito?" tanong muli ni Renz
Sa gitna ng court animoy walang pakialam ang apat sa nangyayaring kaguluhan sa bench
Nakasuot ng practice jersey si Akito at Ace habang si Sakuhako naka pantalon, hinubad lang nya ang jacket nya naka t-shirt lang, maging si Otano
Para kay Akito madali lang toh para sa kanya, gusto nyang mapahiya si Sakuhako sa mga nanonood ngayon
Kaya pinauna na nya sina Sakuhako
Habang drinidribble ni Sakuhako ang bola, nasa harapan nya si Akito
Sina Ace at Otano nman ang magkaharap
"Bakit Akito? Bakit bigla ka na lang nagbago? Hindi ko maintindihan kung bakit" mga tanong ni Sakuhako
"Anong gusto mong mangyari? Maglaro o magdrama dito?" Tanong ni Akito
"Sagutin mo ang tanong ko! Simula pa noong mga bata pa tayo, palagi na tayong magkasama, pinagtatanggol natin ang isat isa, ngunit isang araw bigla ka na lang nagbago, dahil ba sa basketball? Sagutin mo ko" tanong muli ni Sakuhako
"Gusto mong malaman? Dahil simula palang noong mga bata tayo ako na ang nagtataguyod ng pagiging kuya na sapat ikaw, wala kang silbi puro sakit ng ulo ang binibigay mo kila mama" sagot ni Akito
"Ganun ba? Mukhang wala na talaga yung Akito na tumatawag sakin na Kuya" at naging seryoso ang mukha ni Sakuhako
"Uhhh" na naging alerto nman na si Akito
"Bigla na lang nagiba ang ihip ng hangin" sabi ni Lyion
Umatake na si Sakuhako, bumilis ang dribble nya sa bola habang ang depensa ni Akito ay katulad ng depensang ginawa nya noong nag 1on1 sila ni Ace nakababa ang kamay
At sinimulan na nyang umabante sa dereksyong kanan ni Akito
"Mabilis ang dribble nya mahihirapan akong agawin ang bola sa kanya" sabi ni Akito sa kanyang isipan
Mabilis na kumakanan kumakaliwa si Sakuhako na sinasabayan ng mabilis na pagdribble sa bola, at habang ginagawa nya ito sinusundan sya ni Akito kumakanan kumakaliwa din sya
"Ang galing" sabi ni Zairyl isa sa mga babaeng player ng shohoku
"Mas lalo syang gumaling sa pagdribble ng bola" sabi ni Kate
Mabilis na kumanan kakaliwa si Sakuhako habang sinusundan ni Akito at nang magkaroon ng tyempo, biglang umabante si Sakuhako, napaatras si Akito at sa mga sandaling iyon naramdaman nyang nanigas ang kayang hita hanggang paa, sabay jumpshot ni Sakuhako
"Ahhhh Anong nangyari" sabi ni Lyion
"Di nakaporma si Akito" gulat na si Louki
"Ang galing" sabi ng ilang mga babaeng players ng shohoku
"Ang galing ni Bossing" sabi ng limang kaibigan ni Sakuhako na sina Daigo, Kenshin, Kenta, Eishin, Genji
Hindi rin naintindihan ni Kate kung anong nangyari habang si Akito
"Anong ginawa? Bakit bigla na lang nanigas ang mga paa ko" tanong ni Akito sa kanyang isipan
Kinuha ni Ace ang bolang itinira ni Sakuhako
"Si hako ba talaga toh? Parang kailan lang, kung ganun heto ang bunga isang taong training nya" sabi ni Ace sa kanyang isipan
"Akin na ang bola" sabi ni Akito nakita ni Ace ang matinding pagkadismaya ni Akito sa nangyari, ipinasa nya ang bola kay Akito
Tumakbo ng mabilis si Akito aatake ng mag isa subalit bigla na lang lumitaw si Sakuhako sa kanan nya sinasabayan sya sa pagtakbo
"Ano? Imposible nagawa nya akong sabayan" sabi ni Akito
Habang mga nasa bench ng shohoku
"Magkasing bilis sila?" Sabi ni Lyion
"Ang alam ko si Akito ang pinakamabilis satin" sabi ni Yusaki isa sa players ng shohoku
Nasa gilid ng court tumatakbo si Akito na sinasabayan ni Sakuhako, pagdating ni Akito sa ilalim ng basket tumalon sya para idakdak ang bola, subalit tumalon din si Sakuhako nang malapit nang mahawakan ni Sakuhako ang bolang idudunk nya
Binaba ni Akito kamay nyang may hawak sa bolang idudunk nya, derederetso sya hanggang sa malampasan na nya ang basket pagkatapos dinakdak nya ang bola, isang reverse dunk gamit ang dalawang kamay
Pagkatapos makadunk ni Akito agad na tumakbo si Sakuhako na sinabayan ni Akito
Sa pinapakitang dribble ni Sakuhako ngayon masasabing walang pagkakataon si Akito na agawin ang bola
Sumenyas ng mata si Otano kay Sakuhako na ipasa sa kanya ang bola subalit tumingin lang sa kanya si Sakuhako.
"Pambihira ano pang silbi ng pagsali namin dito" sabi ni Otano maging si Ace ganun din ang tingin nya
Nang magkaroon ng tyempo si Akito na mahabol si Sakuhako napatigil sa pagtakbo si Sakuhako
At sa kanang kamay na drinidribble ni Sakuhako ang bola, mabilis na ginamit ni Akito ang kamy nya para tapikin ang bola subalit biglang binato ni Sakuhako ang bola sa likuran nya
Pinadaan sa likuran nya papunta sa kaliwang kamay nya
Sabay takbo nya ng mabilis na naging mitsya para makalusot kay Akito.
"Ang galing pinadaan sa likod" sabi ni Altena isa sa babaeng basketball player ng Shohoku
Pagdating ni Sakuhako sa basket, tumalon sya subalit nasa likuran din nya si Akito
At habang nasa ere sila doon na napansin ni Kate ang kakaibang stilo sa paglalaro ni Sakuhako malakas na dinakdak ni Sakuhako ang bola hindi sya napigilan ni Akito
"Di ako makapaniwala sa nakikita ko" sabi ni Renz
"Si Hako, ang ginagawa nya, Yan ang Change Of Speed" sabi ni Kate
"Ano? Change Of Speed?" Tanong ni Lyion
"Ang kakayahan na pabagalin pabilisin ang kilos habang nasa Opensive, Yung ginawa nya kanina, nanigas ang mga paa ni Akito dahil sa mabilis na pag abante nya pagkatapos bigla na lang babagal na halos huminto sya at bibilis nanamn habang nag dridribble ng mabilis Tinatawag yun na Micro Stopped, Alam nyo sa NBA may mga player na kayang gawin yan" paliwanag ni Kate
"Ganun ba? Ibig sabihin napahusay na nya" sabi ni Lyion
"Point Guard ang galawan na yan pero hindi nman Point Guard si Hako, ang ibig sabihin maari kayang katulad sya ng tatay nya?" Tanong ni Kate sa kanyang isipan
"Anong ibig sabihin mo Kate?" Tanong ni Renz
"Master Of Five Position, pero baka nagkakamali lang ako" sagot ni Kate
Nagsisimula palang ang laro magawa kayang matalo ni Sakuhako si Akito? At ano kaya ang sinasabi ni Kate na kahinaan ni Akito?