HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

346M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks

7.1M 127K 341K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Mabilis na lumipas ang sunod sunod na araw. Nagpaulit-ulit lang ang ginagawa ko. Babangon sa umaga, kakain, papasok, magkaklase, uuwi at matutulog. Nakakabagot pero kailangan kong gawin at pagdaanan. Ang totoo ay hindi ko na kailangan pang magtago at umiwas dahil talagang hindi ko na nakita pa si Taguro. Iyon pa rin ang huling beses na nakita ko siya at kahit yata hilingin ko sa langit na makita siya ay hindi ipagkakaloob sa 'kin. Masama ang loob ko dahil ako ang nagplanong umiwas sa kaniya ngunit parang ako 'yong sumusuko.

Dumaan ang araw nang Miyerkules. Wala akong ginawa kung hindi ang palihim na sulyapan ang mga kadalasang dinaraanan ni Taguro pero maski anino niya ay hindi ko nakita. Iyong mismong araw na iyon ay natapakan ko ang paa ni Parrot pero hindi sila magkasama. Aaminin kong no'ng mga oras na 'yon ay hinihiling kong paa na lang sana ni Taguro ang aksidenteng natapakan ko.

Dumaan din ang araw nang Huwebes at Biyernes. Pero sa parehong araw na iyon ay pinanindigan ko ang pag-iwas ko kaya naman inaya ko sina Lee at Tob para sa mall na lang kumain, dahil alam kong makakasabay ko sina Taguro sa Canteen. Nang makarating naman kami ro'n, nakadalawang subo lang ako at wala nang ganang kumain. Korean resto ang pinili nila at bawat pagkaing nakahain ay may imahen ni Taguro.

Ang Sabado ko ay parang dumaan lang at ngayong Linggo na, pakiramdam ko ay malalagutan na ako nang hininga.

Wala akong ganang mabuhay at naiinis ako. Sa mga dumaang araw na 'yan ay hindi ko nakita si Taguro. Mag-iisang linggo na bukas dahil Lunes pa iyong huling araw na nakita ko siya. Naging napakaboring nang mga dumaang araw para sa 'kin.

'Bakit kailangang ganito ang maramdaman ko? Ako naman ang may gusto nito, 'di ba? Bakit parang ako pa 'yong hindi kaya?'

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumama ang paningin ko sa wall clock. 12:00 noon. Simula nang magising ako kaninang alas otso ay hindi pa ako bumabangon.

No gurgle.

No mouthwash.

No toothbrush.

No half bath.

No body wash.

No breakfast.

No lunch.

No reason to get up from bed!

'Damn it! Deib, what the hell is wrong with you?'

Nakapikit ako't kunot-noong pinalis ang lahat sa isip ko nang biglang magvibrate ang cell phone ko, padarag kong kinuha 'yon.

"Oh?!" Inis na sagot ko.

"Bumaba ka riyan!" Boses ni Tob.

"Ha? Bakit?"

"Baka nandito ako sa sala niyo? Psh!"

"Ha? Anong ginagawa mo riyan?"

"Nandidiring umakyat diyan! Hahahaha! Ang sabi nang napakaganda mong Mommy ay hindi ka pa raw bumabangon simula kanina. Walang kain, walang inom, walang hilamos, walang sepilyo at mas lalong walang ligo. Kaya hinding hindi ako aakyat diyan! Kumilos ka na at bumaba ka na rito kapag mabangong mabango ka na."

"Tsk! Ano bang pinagsasasabi mo, Tob?"

"Nandito nga ako sa bahay niyo, dre, hindi lang ako makaakyat diyan dahil amoy sumpa ka pa. Maligo ka na."

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko.

"Ikukondisiyon ko 'yang utak mo! Umayos ka na kung ayaw mong magwala ako rito, Enrile!"

"Tsk! Oo na, maghintay ka riyan!" Singhal ko 'tsaka lalamya-lamyang bumangon para makaligo. Kaya naman mahilo-hilo pa ako nang makababa. "Ano ba kasing trip mo't sumugod ka pa rito?" Inis na tanong ko kay Tob pagkababa ko.

"Hmm! Hanep, amoy Kenneth Cole, ah? Hahaha! Ayaw mangamoy sumpa, dre?" Pang-aasar agad niya, sumimangot lang ako. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag at texts ko, nag-aalala na ako sa 'yo. Kumain ka muna."

"Wala akong gana."

"Anak nang putsa, dre, dinaig mo pa ang brokenhearted!"

"'Wag ka ngang maingay!" Singhal ko. "Nandiyan si Noona, baka marinig ka. Tsk."

"Eh, kung ayaw mong marinig, dre, kumain ka na!" Mahinang sigaw niya sa 'kin. "May dala akong Chef's Diet. Hehehe."

"Talaga?" Namamanghang tanong ko at tumango naman siya 'tsaka kami pumunta sa dining area.

"Wow!" Bungad sa 'min ni Mommy. Kumpleto na ang lahat doon. "Bilib na talaga ako sa 'yo, Tobi, anak, napababa mo ang baby ko! Hihihihi! Mm, halikayo rito, kain na! Kain!"

"Mom, pasalubong sa 'kin 'yan ni Tob."

"Oo nga, baby pero marami naman siyang dinala, oh? Here," inabot niya pa sa 'kin ang isang box.

"How's your grandmom, Tobi?" Tanong ni Dad dito.

"Si Lola ay ganon pa rin, Tito, sobrang sungit. I've no choice but remain calm and silent whenever she's around."

"Pagpasensiyahan mo na lang dahil may edad na. Pupunta raw ba ang Dad mo sa sportsfest niyo?"

"Yes, Tito, darating sila ni Mommy."

"Yiiieee! Makikita ko si Sumi! Hihihihi!" Natutuwang ani Mom. Mommy ni Tob ang tinutukoy nito.

"Yes, Tita," nakangiting tugon ni Tob. "Excited na rin si Mommy na makita kayo."

"How about Lee's parents?" Tanong naman ni Noona.

"Dumating na rin sila no'ng isang araw lang, pupunta rin sila siyempre. Darating din ang grandparents ni Kim."

"That's exciting, kumpleto ang stockholders kung ganon."

"Are you okay, son?" Tanong sa 'kin ni Dad mayamaya pa, doon ko lang namalayang hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan nila.

"'Oy, Deib, umayos ka naman," bulong sa 'kin ni Tob.

"M-Maayos naman ako, ah?" Bulong ko rin sa kaniya 'tsaka tumingin kay Dad. "Of course, I'm okay, Dad--"

"Tatambay muna po kami sa park. Hehehe! Tara, dre," bigla akong hinila ni Tob patayo. "Body conditioning po ang gagawin namin. Hahaha! Parte nang preparasiyon sa game," palusot niya pa 'tsaka ako hinila palabas nang bahay. "Ano ka ba?"

"What?"

"Anong nangyayari sa 'yo? Parang wala ka sa sarili mo."

"Tch. Hindi ko alam ang sinasabi mo, Tob."

"Deib, ginagawa ko 'to hindi lang para sa 'yo, kundi para sa buong team natin. Kung nagkakaganiyan ka nang dahil kay Taguro, hindi 'yan makakabuti sa 'yo at sa buong team. Baka masira ang laro mo. Inter high na bukas, dre."

"Okay lang naman kasi ako, Tob."

"Hindi ka mukhang okay, Deib." Pamimilit niya. "Tinawagan ako ng Mommy mo para papuntahin ako rito, siya mismo at ang Daddy mo ay nahahalatang hindi ayos ang lagay mo nitong mga nakaraan. Para ka raw wala sa sarili."

Hindi ako nakasagot. Hindi man lang pumasok sa isip kong mahahalata nila ako.

'Kunsabagay, OA ang Mommy ko kaya sumimangot lang ako ay nag-aalala na siya. Tch.'

"Ano ba talagang nangyayari sa 'yo? Kasi kung ayaw mo talaga 'yang nararamdaman mo, bakit nagkakaganiyan ka ngayon? Hindi kita nakitang nagkaganito kay Kim, dre. Nag-aalala rin tuloy ako sa 'yo. Sabihin mo sa 'kin kung anong nagpapahirap sa 'yo, gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging okay ka uli, dre."

Nakonsensiya ako nang makita ko ang sinseridad sa mga mata ni Tob. Hindi siya nagbibiro at talagang seryoso siya sa sinasabi niya. Ginagawa niya lang ito hindi para sa 'kin kundi para sa buong team namin bukas. Ako man sa sarili ko ay aminadong hindi makakabuti para sa team mates ko ang manatili akong ganito.

Bumuntong-hininga pa muna ako. "Naiinis ako dahil parang hirap na hirap na ako," panimula ko at mataman niya naman akong pinakinggan. "Gabi gabi ay naiisip ko ang itsura niya. Oras oras ay inaalala ko kung paano kaming nagkakilala. Minu-minuto ay iniisip ko kung ano kayang ginagawa niya? Kumain na ba siya? Nag-aaral pa kaya siya? Nakauwi na ba siya? Okay lang ba siya? May problema ba siya? May umaaway pa ba sa kaniya? Tch. Lahat ay gusto kong malaman pero hindi ko siya puwedeng makita dahil ayaw kong mas tumindi pa 'yong nararamdaman ko para sa kaniya." Tuloy tuloy na sambit ko at wala sa sariling nagpapakatotoo. "Tob, kaunting kaunti na lang.. susuko na ako. Parang nanghihina ako, eh," halos mangilid ang mga luha ko sa sobrang pagkakakunot nang noo ko. "Mukha na akong tanga dahil ayaw ko nitong nararamdaman ko pero... nagkukusa, eh? Ang hirap hirap pigilan!"

"Deib..." Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik iyon. "Dre, wala naman kasing nagsabi sa 'yong pigilan mo 'yong nararamdaman mo, 'di ba? Wala ring nagsabi sa 'yong iwasan mo siya. Lahat 'yan, ginusto mo, ikaw ang nagplano."

"Pero hindi ko nga maintindihan kung bakit nahihirapan ako? Bakit ganito kahirap pagdating sa 'kin?"

"Kasi nga... pinipigilan mo. Tinitiis mo. Dre, lahat nang pinipigilan at tinitiis ay mahirap."

"Kung hindi ko pipigilan at titiisin, lalala 'yong nararamdaman ko."

"Eh, di lumala kung lalala? Kasi, dre, mas magiging madali para sa 'yo 'yon, eh? Mas madali kung hahayaan mo ang sarili mong gustohin si Max, kaysa 'yong ganiyang pinipigilan mo--tingnan mo kung anong nangyari sa 'yo? Deib, puwede mong gustohin si Max hangga't kaya mo, hindi 'yong ganiyang pinahihirapan mo pa ang sarili mo. Walang pumipigil sa 'yong magkagusto ro'n sa tao."

"Hindi mo kasi naiintindihan, Tob, eh."

"Naiintindihan kita--"

"HINDI!" Asik ko at natigilan siya. "Hindi mo ako naiintindihan, dre!"

"Ang alin ba kasi ang hindi ko maintindihan sa 'yo, dre?" Nalilitong tanong niya.

"Ayaw ko nga nitong nararamdaman ko!"

"Eh, wala ka ngang magawa, 'di ba? May gusto ka na sa kaniya at wala ka nang choice kung hindi tanggapin 'yon! Psh! Nagdesisyon ka namang umiwas, 'di ba? Kaso ikaw lang din ang nahirapan! Ano bang problema sa pagkakaroon nang gusto sa kaniya? Ayaw mo no'n, inspired ka sa t'wing makikita mo siya? Kikiligin ka sa t'wing ililigtas ka niya? Kapag nag-asaran kayo ay magkakalapit ang mga loob niyo."

"Mali, eh!"

"Anong mali ro'n? Wala akong makitang mali ro'n, dre, dahil doon kita nakitang okay na okay noon. Psh. Daig mo pa ang brokenhearted ngayon, dre, alam mo ba 'yon? Bagsak ang katawan mo at ang laki niyang eyebags mo samantalang iilang araw pa lang mula no'ng umiwas ka kay Taguro. Ang pangit mo na! Kung hindi ka nga lang naligo ngayon ay ayaw na kitang kaibigan!"

"Tch! Wala siyang kinalaman sa katawan ko, okay?" Inis na tugon ko.

"Alam mo? Isa lang 'yan, eh," nakangiwing aniya at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi mo na siya gusto, dre, mahal mo na si Taguro! Mahal mo na siya!"

"Hindi niya nga kasi ako gusto!" Inis na singhal ko at natigilan siya. "Hindi niya ako gusto--hindi niya ako mahal! Wala siyang gusto sa 'kin at mas lalong hindi niya ako kayang mahalin! Ano, naiintindihan mo na? Tch! Kaya hindi ko matanggap 'tong nararamdaman ko dahil alam kong hindi niya ako gusto! Dahil alam kong hindi kami pareho nang nararamdaman! Dahil alam kong hindi puwedeng maging kami at wala ako maski katiting na pag-asa sa kaniya!"

"D-Deib, 'wag mong sabihin 'yan," natutulirong tugon niya, batid kong nagulat siya sa mga sinabi ko. "Hindi ka naman nakakasiguro kung ganiyan nga--"

"Sigurado ako!" Pigil ko sa kaniya. "Siguradong sigurado ako dahil sinabi niya 'yon sa mismong harapan ko!"

"You gotta be kidding me?" Hindi makapaniwalang bulong niya.

"I am not," napapayukong tugon ko 'tsaka emosyonal na ibinahagi sa kaniya iyong oras na sinabi ni Taguro na hindi niya ako gusto. Simula umpisa hanggang dulo, walang labis walang kulang. "T'wing maiisip ko kung paano niyang hinawakan ang kamay ko--kung paano niya akong niyakap matapos niya akong iniligtas, tsk! Lalo lang nadaragdan 'yong nararamdaman ko, eh. Gustong gusto ko siyang makita kahit na alam kong balewala lang ako sa kaniya! Ano naman ang magugustohan at mapapala niya sa 'kin? Eh, ako lang naman 'yong nagpahirap sa pananatili niya sa BIS? At higit sa lahat ay nandiyan si Randall na kinausap lang nang step-mother niya para iwan siya!" Nangingilid ang mga luhang singhal ko. "Ang hirap para sa 'kin na tanggaping na-in love ako sa taong dating kinamumuhian ko pero hindi ako magawang mahalin lalo na ngayong bumalik na ang taong talagang minahal niya."

"Deib... bakit hindi mo sinabing ganiyan pala ang nararamdaman mo? Psh!"

'Kung hindi niya ako kayang mahalin... kaya ko rin siyang kalimutan!'

Napabuntong-hininga ako at ang sama sama talaga nang loob ko.

'Bakit kailangang masaktan ako nang ganito?'

"I've convinced everyone else that I don't like you and I don't want you," wala sa sariling usal ko. "Now all I need is to convince myself," mahinang dagdag ko at napatitig na lang sa 'kin si Tob at hindi na nakapagsalita pa.

Hindi namin nagawa ang body conditioning na sinasabi ni Tob pero pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Nailabas ko ang sama ng loob ko kaya naman nagawa kong kumain no'ng hapunan. Pagdating ng gabi ay inabala ko ang sarili ko sa kapapanood ng basketball sa TV kahit na ang nakikita kong manlalaro ay si Taguro.

Kinabukasan.

Maaga akong nagising dahil hindi rin naman ako masiyadong nakatulog kagabi.

'Tch! Masiyado yata akong excited.'

Napaupo ako sa kama ko at kumuha ng tubig sa ref ko sa kuwarto. Napaisip ako habang umiinom at siyempre, may kinalaman na naman kay Taguro 'yon.

'Kumusta na kaya siya? Makikita ko kaya siya ngayon? Gustong gusto ko na siyang makita.'

Nanlulumo ako sa sarili kong isipin dahil batid kong sinasabi lang nito ang laman ng puso ko kahit kumontra ang bibig ko. Napabuntong-hininga ako sa katotohanang wala siyang pakialam kahit na makita niya ako. Hindi ko na magawang awayin ang sarili ko dahil sa loob loob ko'y tanggap ko na rin namang may gusto ako sa kaniya, nilalabanan ko lang talaga.

'Umaasa akong makikita kita ngayon, Taguro. Kahit sa malayo lang. Gusto kitang makita.'

Parang hinaplos ang puso ko at napangiti ako sa isiping 'yon. Animong mahigit sa walong oras ang itinulog ko nang tumayo ako't magsimulang kumilos.

Isang oras mahigit ang itinagal ko sa paghahanda papasok bago ako bumaba.

"Omo! Wow, ready na ang baby ko for the game!" Masayang bungad sa 'kin ni Mommy, mahal na mahal ko siya nang dahil doon. "Good morning, baby!"

"Good morning, Mom." Natatawang tugon ko. "Morning, Dad, Manang." Bati ko rin sa mga ito. "Where's Noona?"

"Nako, sinundo sina Nono at Joan sa pier dahil manonood din sila ng laro mo, hijo." Tugon ni Manang. "Ano nga bang oras iyong laro mo, Deblor?"

"Sa totoo lang ay hindi ko pa po alam, Manang, ngayong umaga pa lang kasi namin malalaman kung anong schedules ng laro at kung sinong kalaban."

"Ganoon ba?" Aniya pa at tumango naman ako.

"Pero sigurado namang may laro kayo ngayon, Deib Lohr?" Tanong ni Dad.

Tumango ako. "Panigurado po 'yon, Dad. Hindi na sila magsasayang ng oras dahil alam nilang may katagalan ang inter high."

"Eh, di kung ganoon ay makakapunta pa rin pala kami ngayon? Paghusayan mo, anak."

"Oo naman yes, Dad. Hehehe."

"Eh, di magpicture na tayo! Hihihihi!" Anyaya ni Mommy at wala na kaming nagawa. Habang kumakain pa lang ay kumuha na siya ng iba't ibang litrato. "Yiiieee! Mapapanood ko na rin pala si Maxi!"

"Huk!" Nabilaukan ako sa sinabi niya.

"Oh, baby, are you okay?"

"Y-Yes, Mom."

"Hihihihi! Nabanggit ko lang 'yong Maxi, eh!" Panunukso niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko't nagkunot-noo sa kaniya. "Yiiieee!"

"Tch."

"Anong sports nga pala ni Maxi, hijo?" Tanong ni Manang.

Sumimangot ako. "Billiards, Manang."

"May laro naman kaya siya?"

"Hindi ko po alam, Manang, pero ang nasisiguro ko ay m-may dance number silang dance troupe ngayon. Opening remarks." Nauutal pang kuwento ko sa pinakamahinang paraan na makakaya ko.

"Wow!" Bulalas ni Mommy. "Dance troupe siya?" Namamanghang tanong niya at tumango naman ako. "Wow! Panoorin natin siya, Dad!" Baling niya pa rito.

"Of course, sweetheart. We'll watch her." Nakangiting tugon ni Dad at nilambing naman ito ni Mommy.

"Aba'y napakatalentado namang pala niyong batang iyon, ano?" Nakangising tanong ni Manang at bumuntong-hininga na lang ako.

'Nakakayamot! Wala naman silang ginagawa pero bakit pakiramdam ko ay tinutukso nila ako kay Taguro? Hindi ko naman nakikita si Taguro pero parang.. k-kinikilig ako. Tch! Bading na yata ako!'

Matapos kong mag-agahan ay nagmadali akong umalis, ayaw kong asarin pa nila ako. Tinawagan ko si Tob habang nagdadrive papasok.

"Hello?" Sagot niya. "Nasaan ka na, dre?"

"Papasok na, ikaw?"

"Papasok na rin. Ang aga mo naman yata, Enrile? Hehehehe!"

"Excited, eh. Hehehe!"

"Maglaro o makita si Taguro?" Napakaprangkang tanong niya kaya muntik ko nang maipreno ang kotse ko sa sobrang pagkagulat.

"A-Ano bang sinasabi mo--siyempre, sa laro!"

"Ulol! Nauutal ka pa, ah?" Pang-aasar agad niya. "Eh, di excited ka ngang makita si Taguro? Hahahaha! 'Wag kang mag-alala dahil tapos na ang paghihirap mo, dre, makikita mo na siya."

"'Wag mo nga akong badtrip-in!"

"Hahaha! Sige lang, Enrile, pagbibigyan kita para mas maganda ang laro mo."

"Tch. Ganiyan nga, Yanai, umayos ka dahil kapag nawala ako sa mood ay yari ka! Hehehe!"

"Psh! Akala mo naman ay panonoorin ka ni Max? Bwahahahahaha!" Biro niya at natahimik naman ako. Nakangusong napaisip.

'Panonoorin niya nga kaya ako?'

"Hoy!" Sigaw niya.

"Ano ba!" Sigaw ko rin nang magulat ako.

"Hahaha! Bakit hindi ka na nakapagsalita, ha? Hahaha!"

"W-Wala! Tch!"

"Sus! Hahaha! Naaaay! Napapaisip 'to kung panonoorin nga kaya siya ni Taguro, eh! Naaaay! Don't lose hope, dre, never give up! Malay mo naman, wala siyang game at panoorin ka, 'di ba?"

"Paano kung may game din siya?"

"Eh, bakit affected ka? Akala ko ba ay iiwasan mo na siya? Bwahahahaha! Nahuhuli ka rin talaga sa sarili mong bunganga, eh! Tsk tsk tsk!"

"H-Hindi ko mapigilan, eh." Nangingiti ring tugon ko.

"Haaaay! In love ka na, dre!"

"H-Hoy! Anong in love--"

"Sige, itanggi mo, ulol!"

"Eh, h-hindi naman kasi talaga ako in love sa kaniya. Tch!" Nakangusong tugon ko.

"Bahala ka sa buhay mo! Kung ako sa 'yo, dre, namnamin mo na lang at i-enjoy 'yang nararamdaman mo dahil baka mas makatulong pa 'yan sa 'yo kaysa sa ganiyang patanggi-tanggi mo--niloloko mo lang ang sarili mo. Hayaan mong magkusa, dre. Dahil ang pag-ibig na nararamdaman, mas masarap kapag hindi pinipigilan. Hehehe!"

"Shut up, nakakadiri ka!"

"Bading ka, Enrile! Oh, siya, sige na! Magkita na lang tayo ro'n! Natawagan ko na si Lee, parating na rin 'yon!"

"Sige, ingat!" Tugon ko 'tsaka ngingisi-ngising ibinaba ang linya.

May kakaibang tuwang iniwan ang usapin 'yon sa dibdib ko.

'Sira-ulong Yanai, hehehehe.'

Binilisan ko ang pagmamaneho at ilang minuto lang ay narating ko na ang parking lot ng BIS. Inayos ko pa muna ang sarili ko bago tuluyang bumaba. Kinuha ko ang mga gamit ko sa compartment at bago pa man ako pumihit palayo ay palihim ko munang sinulyapan ang parking ng mga motor.

'Kailangang mauna siya sa 'kin.'

Ngunit bumagsak ang mga balikat ko no'ng mamataan kong wala pa ro'n ang motor nila ni Parrot.

'Tch! First day na first day--late! Tsk tsk! Hindi bale, imposible namang hindi kita makita ngayon, eh. Hehehe.'

Inis akong naglakad papasok ng campus at gulat akong makitang kasalubong ko na sina Lee at Tob. Nasa harapan sila ng isang bulletin board na nasa gitna nang quadrangle. Lumapit ako sa kanila at eksakto namang lumapit din sa 'min si Coach.

"Oh, nakita niyo na ang sched?" Tanong pa ni Coach at tumingin naman ako sa bulletin. "First game natin ay alas dies." Aniya pa na itinuro ang papel na nakadikit doon.

'First day na first day e late!!! Tsk tsk!'

"Bakit late naman yata, Coach?" Tanong ni Tob.

"Billiards ang mauuna," ani Coach at nagkatinginan naman kami ni Tob, pasimple at palihim. "Maganda na rin 'yon para makapanood tayo."

Pinigilan ko ang mapangiti. Meron sa loob kong talaga namang natuwa sa katotohanang mapapanood ko si Taguro bago kami maglaro.

'At least makikita ko siya bago ako maglaro, nyahahahaha! Tsk! Ano ba 'tong naiisip ko! Badtrip! Wala akong pakialam sa kaniya! Maglaro siya! Late siya! Peste!'

"Enrile?"

"Coach?"

"Are you ready?" Tanong niya at tumango naman ako 'tsaka bumuntong-hininga. "Hayon ang players ng Luna University," aniya 'tsaka inginuso iyong kumpulan nang nagtatangkadan na players.

Napalunok ako. "Ang tatangkad naman ng mga 'yan?"

"Kinabahan nga ako, eh!" Biglang sumulpot mula sa likuran namin si Chris. "Hahahaha! Putsa, baka kaltukan lang tayo nang mga 'yan, eh!"

"Iyong maliit na 'yon," inginuso ni Coach 'yong pinakamaliit nga sa grupo nila. "Nag-iisa siyang maliit sa team nila, siya si Kev Gonza, ang captain ng team ng Luna."

"Aahh...." Sabay sabay kaming napatango.

Nanatili akong nakatingin sa Kev Gonza na 'yon dahil napakaraming babae ang lumalapit sa kaniya at nagpapapicture. Do'n ko lang din napansin kung gaano na kaming students ang nandoon at batid kong hindi lang mga BIS students 'yon, halu-halo na.

"Ang daming nagpapapicture, chick boy si punggok." Tatawa-tawang biro uli ni Chris.

"Dito gaganapin ang opening remarks kaya nandito pa ang lahat, pero sabay sabay tayong pupunta sa SIS mamaya dahil doon talaga ang laro." Ani Coach at napangiwi naman ako.

'Badtrip! Nandoon si Randall, eh! Ibig sabihin, magkikita rin sila ni Taguro? Nakakainis!'

Hindi ko nagustohan ang isiping 'yon kaya naman nakanguso ako habang nagmi-meeting kami nina Coach. Ilang minuto pa ay narinig na namin ang mic testing mula sa stage kaya isa isa kaming naglakad papalabas ng Gym. Mas marami na ang students kaya nangingibabaw na ang ingay.

"WAAAAAAAA! GO, ENRILE!"

"YANAI!"

"GOZON!"

Nangibabaw pa rin pala ang mga apelido namin at nakakatuwang isipin 'yon. Nakakabingi ang tilian ng mga babae lalo pa no'ng papalapit na kami. Naging dahilan 'yon para mapalingon sa 'min ang ibang players at magbulungan. Karamihan sa mga 'yon ay maaangas ang tingin sa 'min habang pinagmamasdan kaming maglakad ngunit hindi na namin 'yon pinansin.

"ANG GAGARA NG MGA SAPATOS, EH."

"ANO PA ANG AASAHAN MO, EH, MGA ANAK NG BIGTIME 'YANG MGA 'YAN."

"HAHAHAHA! SANA AY BIGTIME DIN KUNG MAGSILARO."

"ANG DINIG KO'Y MAGAGALING SILA."

"MM, HINDI RIN NAMAN SIGURO SILA MAGCHA-CHAMPION KUNG HINDI."

"PUWERA NA LANG KUNG WEAK ANG MGA NAKALABAN NILA. HAHAHAHA!"

Napabuntong-hininga na lang ako sa kayabangan no'ng mga nagbubulungang team. Ngunit kumunot ang noo ko no'ng mamataan ko ro'n si Kev Gonza, doon ko napagtantong sila 'yong mga taga-Luna.

'Tch! Mga hambog! Sumama kayo kay Taguro at bumuo kayo ng kulto! Mga peste!'

"Enrile, calm down." Natatawang bulong sa 'kin ni Coach.

"Tch. I'm calm." Payabang na tugon ko. "Masiyado lang talaga silang mayayabang, wala naman sila sa teritoryo nila."

"Mapupunta rin tayo ro'n."

"Oo, pero hindi ako aasta ng ganiyan kayabang sa teritoryo nila."

"Alam ko, kaya nga nasa team kita, eh. Dahil may magandang attitude ka, hahaha! Huwag mo na lang pansin, may laro tayo mamaya, baka makaapekto sa 'yo."

"Hindi sa isang Deib Lohr Enrile, Coach." Mayabang na tugon ko.

Pasimple na lang kaming natawa ni Coach sa isa't isa 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa stage. Nandoon pa rin ang ingay ng mga babae at mga bakla na natigil lang noong umakyat sa stage sina Mr. Faller kasama ang iba pang head ng sports.

"GOOD MORNING, INTER HIGH!" Malakas at buong puwersang bati ni Migz sa mikropono dahilan upang magising ang diwa nang lahat. Mas umingay ang buong BIS sa sigawan at pananabik.

"Tch.." at hindi ko na pinansin pa ang mga narinig ko at nagtuloy na lang ako sa paglalakad papalapit sa stage kung saan nakita ko ng nakatayo sila Mr. Faller, iba pang mga head ng sports at si Migz. "Finally, our most awaited inter high school is here! Na-excite ba kayo ng bongga no'ng marinig ninyong ngyaon na ang inter high?"

"SOBRA!"

"YEEEEES!"

"GO, BIS!"

"GO, LUNA!"

"GO, SIS!"

"WOOOH!"

"ANG ASTIG NG MGA PLAYERS!"

"ANG GAGANDA NG CHEERERS!"

Natawa si Migz. "Yes, 'no? Yes! Talagang inabangan nating lahat 'yan! Dahil ngayon ba ay walang pasok? Yes, 'no? Yes! Dahil ngayon ba ay walang quiz-quiz at exam-exam? Yes, 'no? Yes! Dahil ngayon ba ay mas maraming time para magsaya at mag-enjoy? Yes, 'no? Yes! Oh, well, I am very sure na ang bawat isa sa inyo ay may kani-kaniyang bet dito sa mga nagguguwapuhan at naggagandahang players na ito, tama?"

"YEEEEES!"

"BIS!"

"SIS!"

"LUNA!"

"At talaga namang BIS, SIS at LU ang naririnig kong mas malalakas! 'Ayan, 'no? Ayan! Talaga namang napakaaktibo ninyo ngayon, 'no? Dahil wala bang pasok at pulos laro lang ba ang gagawin natin? Yes, 'no? Yes! Excited na ba kayong simulan ang inter high?"

Mas umugong ang sigawan. "WOOOOOH! YEEEEEES!" Sabay sabay pa ring sigawan ng lahat.

"Aware naman ba kayong nandito tayo para sa opening remarks?" Tanong niya at nagsigawan uli ang mga tao. "Very good, akala ko ay ako lang ang may alam. Eh, patatagalin ko pa naman ba ang opening remarks?"

"BILISAN MO NA! SIMULAN MO NA, BAKLA!" Malakas na sigaw ng isang lalaki at nagtawanan naman ang karamihan.

"Maka-bakla naman? Bakit? Nakalimutan ko bang bakla ako?" Malakas na biro ni Migz.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Mas lumakas pa ang tawanan.

"Oh, siya, siya! Halina't simulan na natin ang opening remarks!" Sigaw niya 'tsaka tumikhim. "May we call on Mr. Faller here in front to start our opening remarks, please? Mr. Faller is the BIS' Sports Head."

Lumapit si Mr. Faller sa unahan at naging maugong ang malakas na palakpakan. Pumayapa lang ang buong quadrangle no'ng maglead ito ng prayer para sa lahat. Inawit din ang Pambansang Awit at paulit-ulit pang ipinaliwanag ang mga rules and regulations sa magaganap na sportsfest. Winelcome ang mga bagong schools at universities, lalo na ang Luna.

'Paniguradong manonood talaga si Randall nito, imposibleng hindi niya panoorin si Taguro. Tsk. Sana ay 'wag na! Tch!'

Kanina ko pa pasimpleng iginagala ang paningin ko, umaasang makikita ko si Taguro ngunit nabigo ako. Saan man ako tumingin ay babaeng kinikilig sa 'kin ang nakikita ko. Sinoman sa kanila ay hindi ko kinakikitaan ng interes dahil 'yong babaeng hambog na 'yon ang gusto kong makita ngayon. Ngayon mismo.

Napasimangot ako no'ng makita ko na si Parrot ngunit bukod kina BJ at Michiko ay wala ng katabi ito. Sa paglilibot ko ng paningin ko ay nahagip ng paningin ko si Mommy na ngiting ngiti at kumakaway sa 'kin. Kasama niya ang lahat at pare-pareho silang nakatingin sa 'kin, wala pa man akong ginagawa ay mukhang proud na proud na sila sa 'kin. Napangiti naman ako't kumaway rin sa kanila.

"Nasaan na sila Max?" Tanong ni Lee no'ng matapos ang panimulang seremonyas, gulat naman akong napalingon sa kaniya 'tsaka palihim na ngumuso.

"Oo nga, Coach?" Sabad ni Tob. "Dapat ay kasama mo rin sila rito, hehehe." Dagdag niya na binigyan pa ako ng nanunuksong tingin. "Ikaw rin ang may hawak ng team nila sa billiards, 'di ba, Coach?"

"Ah, si del Valle kasi ay kasali raw sa DT at sasayaw pa muna sila. Hindi ko alam kung nasaan si Marchessa." Lilinga-lingang tugon ni Coach.

"Nandiyan na po si Taguro, Coach?" Mahinang tanong ko.

"Oo, nakita ko siya ro'n kanina--"

"Saan?" Gulat na tanong ko dahilan upang mapalingon silang lahat sa 'kin.

"Bwahahaha! Putsa, excited makita si Taguro?" Biro ni Ivan.

"'Yan na nga ba ang sinasabi namin, eh, hahaha! Mai-in love ka rin kay Taguro, p're!" Sawsaw naman ni Remson.

"Ulol kayo! H-Hindi ganon 'yon! May itatanong lang sana ako." Pagsisinungaling ko.

"'Yon ba talaga, Enrile?"

"Oo naman! Tch!"

"Eh, bakit namumula?"

"Manahimik ka, Remson, ah? Baka batohin kita ng bola?"

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagtawanan silang lahat kaya napanguso ako.

"'Oy! Tigilan niyo nga 'yang bestfriend ko dahil kapag nawala sa mood 'yan, yari tayong lahat! Hahaha!" Ani Tob at huminahon naman ako. "'Wag ka na kasing hanap nang hanap, dre, 'wag kang mag-alala dahil sasayaw rin naman sila." Bulong niya pa sa'kin na tinapik tapik ako sa balikat.

"Let us all welcome, the BIS Dance Troupe!" Biglang sigaw ni Migz at bigla ring kumabog ang dibdib ko!

"KYAAAAAAAAH!"

"WOOOOOOOAH!"

"'AYAN NAAAAA!"

"MAXPEEEEEEIIN!"

"TAGUROOOOO!"

Napangiwi pa ako no'ng isigaw nila ang pangalan niya ngunit kalaunan ay nangingiti na rin ako. Umere ang tugtugin at doon nawala ang mga ngiti sa labi ko. Lalong kumabog ang dibdib ko at parang dahan dahang nawawala sa pandinig ko ang ingay ng mga tao. Tanging iyong musika lang ang naririnig ko.

'Andwae... maldo andwae!'

Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang kantang iyon ngayon at para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig no'ng magsimulang kumanta ang pamilyar na babaeng 'yon!

♫ ♪ "You tell me you're in love with me, like you can't take your pretty eyes away from me. It's not that I don't want to stay, but everytime you come too close, I move away. I wanna believe in everything that you say because it sounds so good. But if you really want me, move slow. 'Cause there's things about me you just have to know." ♪ ♫

"Nice song..." Tatangu-tangong ani Lee.

'Tch! Sobrang nice nga, eh! Badtrip!'

Pakiramdam ko ay nagtatayuan ang mga balahibo ko, lalo na no'ng mamataan ko na si Taguro.

"WAAAAAAAAAA!"

"MAAAXPEEEIIIN!"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko no'ng mapunta sa harapan si Taguro at doon sumayaw nang sumayaw. Pakiramdam ko ay huminto panandalian ang mundo ko at nawala isa-isa ang lahat ng tao sa paningin ko. Napatingin ako kay Taguro at parang siya na lang ang nakikita kong gumagalaw at sumasayaw.

Parang nabawi ang pananabik ko sa loob ng isang linggo at ang makita ngayon ang napakaganda niyang ngiti ay parang pinawi ang lahat ng lungkot ko.

Nakangiti siya at bakas sa mukha niyang libang na libang siya sa pagsasayaw. Hindi sobrang ganda no'ng uniform ng DT na suot nila pare-pareho pero pakiramdam ko ay napakaganda niya.

'Ano bang nangyayari sa 'kin?'

Hindi siya nakakasawang panoorin at ang sarap sarap sa pakiramdam ko na nakikita ko siya ngayon. May kung anong hindi maipaliwanag na bagay sa dibdib ko ang animong bulaklak na sumisibol at napakasarap sa pakiramdam niyon.

"Grabe, ang galing pala ni, Max?" Namamanghang ani Ivan at nagpigil naman ako ng ngiti.

"Oh, Deib, 'ayan na si Max mo, oh!" Mariing biro ni Remson pero imbes na mapikon ay hindi ko na lang sila pinansin.

Hindi ko magawang alisin kay Taguro ang paningin ko at pakiramdam ko ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang bawat kilos at galaw niya sa pagsasayaw.

"Grabe ang galing ni Max ah!?" si Ivan.

"Oh Deib.. ayan na si Max mo oh!?" si Remson!

Pero hindi ko sila pinansin..

Hindi nawala ang paningin ko kay Taguro at pinagmasdan ko ang bawat kilos at galaw nya habang sumasayaw..

♫ ♪ "Sometimes I run, sometimes I hide. Sometimes I'm scared of you. But all I really want is to hold you tight, treat you right. Be with you day and night. Baby, all I need is time." ♪ ♫

Sobra man kung iisipin pero para akong nasa langit habang pinapanood ko siya, Sa simpleng pagsasayaw niya ay parang nagtatalunan ang bawat kanto ng puso ko at hindi ko mailabas ang tuwang nararamdaman ko kaya naman pati ang pagngiti ay pinipigilan ko.

Animong ipinaiintindi sa 'kin ng mga kilos niya ang liriko ng kanta at sa oras na 'yon ay nasimulan kong gustohin ang kantang 'yon na dating kinaiinisan ko. Ang saya saya ko sa loob loob ko habang pinagmamasdan ko ng matagal ang mga ngiti niya. Sa dami ng beses ko siyang napanood sumayaw, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan... ganiyang kaganda.

♫ ♪ "All I really want it to hold you tight, treat you right, be with you day and night. Baby, all I need is time. Just hang around and you'll see, there's nowhere I'd rather be, if you love me, trust in me. The way that I, trust in you. Sometimes I run, sometimes I hide. Sometimes I'm scared of you. But all I really want is to hold you tight, treat you right. Be with you day and night. Baby, all I need is time." ♪ ♫

"HOY!" Sigaw sa 'kin ni Tob bago matapos ang kanta! Gulat at kabado naman akong nilingon siya.

"A-Ano ka ba!?" Singhal ko.

"Anong ikinakanta-kanya mo riyan, dre? Naaaay! Nakakadiri ka, dre! Britney Spears ka? Dre, N'Sync kami! N'Sync! Bakla ka ba?"

"A-Ano?"

"Ulol! Kanina mo pa sinasabayan si Britney na kumanta, nakakadiri ka, dre! Paano mo nasaulo 'yang kantang 'yan, ha? Ehw ka, dre! Ehw!"

"A-Anong ehw? Sira-ulo!"

"Sige, i-deny mo! Boys! Narinig niyo siyang kumakanta, 'di ba?" Baling niya pa sa team mates namin. Sabay sabay namang sumagot ang mga ito 'tsaka tumawa. "'Kita mo na? Tsk tsk tsk! Simula umpisa hanggang sa matapos--sinasabayan ang kanta, putsa! Saulo! Naaaay! Bading 'to, eh! Alagad ni Britney!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Mas nangibabaw ang tawanan ng buong team namin.

"S-Shut up, Tob." Napapahiyang buong ko.

"Hahahaha! Alagad ka ni Britney, dre."

'Inulit pa! Tibay!'

"I said--shut up, Tob!"

"Oops! I did it again!" Pakanta pang tugon niya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" Lalong nagtawanan ang mga kasama namin at inis naman akong iniiwas ang paningin ko sa kanila upang tingnan muli si Taguro ngunit wala na sila sa stage.

No'ng matapos ang opening remarks ay nagsabay sabay na kami sa pagpunta sa SIS. Labag man sa loob ko dahil gusto ko sanang makasabay si Taguro, wala akong nagawa dahil minadali kami ni Coach kaya naman hindi ko na naman siya makita.

Nagulat pa kami pare-pareho no'ng makita naming mas marami pa pala ang estudyanteng makikita namin doon. Mula sa iba't iba schools at talaga namang nagkalat.

"Ang daming tao!" Nakangiwing ani Tob.

"Ayaw mo no'n, p're? Mas maraming magchi-cheer sa'yo!" Ani Ivan

"Pero okay na ako kay Michiko, p're! Kahit hindi niya isigaw ang pangalan ko--'yong makita ko lang siya, gaganda na ang laro ko. Hahahaha!"

"Lahat na kasi ng school ay nandito kaya ganito karami." Sabad ni Lee na inililiga rin ang paningin.

Nagyaya na si Coach papunta sa designated area namin, may sarili kaming room at nandoon na rin ang mga gamit namin. Mabilis kaming pumuwesto at naupo naman si Coach sa harapan namin.

"Okay, team, alam kong prepared na kayong lahat at hindi ko na kayo kailangang sabihan pa nang mga matatamis na salita dahil alam kong saulo niyo na ako," nakangiting panimula ni Coach. "Ito na ang huling taon na maglalaro kayo para sa BIS bilang high school students at inaasahan--hindi lang ako bilang Coach niyo kundi nang buong BIS--na muli tayong uuwing Champion." Nakangiting aniya, bakas ang paghanga sa mga mata niya habang tinitingnan kami isa-isa.

"YES, COACH!" Bigay na bigay na tugon namin.

"Sigurado naman akong hindi niyo pababayaan ang titulo ninyo at malaki rin ang tiwala ko sa inyong lahat. Tandaan ninyo, tulad nang para kong sinasabi bago magsimula ang laro--hindi lang dapat skills at talents ang dadalhin niyo once na tumapak kayo sa court. Kailangan ay bitbit niyo rin ang proper attitude and manners, malinaw ba?"

"YES, COACH!"

"Ayaw ko nang may gulo, ayaw kong may away. Kaya hangga't maaari, kapag may balyahan na ay kayo na lang ang umiwas. Matuto kayong magbigayan at magkaisa. Iyon ang importante sa 'tin, makakaasa ba ako sa inyo?"

"YES, COACH!"

"Okay, on three!" Sigaw niya pa 'tsaka tumayo sa harapan namin at sumunod naman kami. Inilagay niya sa gitna nang lahat ang kanang kamay niya at isa-isa naming ipinatong doon ang mga kamay namin. "LET'S GO, BIS!" Buong puwersang sigaw niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para akong nabuhayan. Kakaibang tuwa ang nangibabaw sa 'kin habang isa-isa kaming lumalabas mula sa room na 'yon papunta sa quadrangle. Muling nangibabaw ang tilian ng mga babae pero sa oras na 'to ay hindi ko na sila pinansin o pinakinggan pa dahil nahagip na ng paningin ko sina Mommy.

Lumapit agad ako sa kanila. "10:00 AM pa po ang laro namin, Mom."

"Ganoon ba, baby? Wow! Ang aga aga, hehehehe!"

"Kuya Deib! Hello po!"

"Uy, Joan! Nono! Hello!" Nakangiting bati ko sa mga bata.

"Kuya Deib, galingan mo po, ah? Manonood po kami." Bibong ani Nono at tumango naman ako.

"Oo, ba! Basta ba ichi-cheer niyo ko, eh! Hehehehe!" Tugon ko.

"Nako, Kuya, eh, hindi mo na yata kami kailangan dahil ang daming sumisigaw ng pangalan mo kanina pa!" Ani Joan at natawa naman ako. "Ang guwapo mo naman kasi Kuya, kanina tinitingnan kita sa malayo, para kang prinsipe!"

Natigilan ako sandali 'tsaka natawa.

'Hindi naman mukhang prinsesa si Taguro, Joan, hehehe!'

"Pero iba pa rin siyempre kapag kayo ang naririnig kong sumisigaw at nagchi-cheer para sa 'kin, gaganahan ako no'n." Tugon ko.

"Pero mas gaganahan ka po kung 'yong girlfriend mo ang nagchi-cheer sa 'yo, 'di ba po, Kuya?"

"Joan, ano ka ba naman?" Saway ni Manang sa anak. "'Ayan ka na naman sa mga nobya nobya na 'yan, ke' bata bata mo pa."

"Hehehehe, ayos lang, Manang. Ah, Joan, walang girlfriend ang Kuya Deib mo." Sambit ko rito.

"Wala po? Akala ko po ba ay ipapakilala niyo sa 'kin?" Nakalabing ani Joan.

"Joan? Tigilan mo na sabi ang Kuya mo." Saway na naman ni Manang.

Bumuntong-hininga naman ang bata. "Sige na nga po, haaays." Nginitian ko naman siya 'tsaka ginulo ang buhok niya.

Napalinga naman ako sa paligid at pilit na hinanap doon si Taguro.

'Badtrip, nagpapaimportante ka na naman! Gusto nga kitang makita! Tsk. Hindi ako kuntento sa pagkikita natin kanina, Taguro--Ha! Ako ba talaga 'to? Tsk! Bakit ba ganito na ang mga naiisip ko? Nababaliw na yata talaga ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.'

Napasimangot ako nang dahil sa naisip ko. Pero aaminin kong gusto ko na talagang makita uli si Taguro.

MAX'S POV

Matapos ang performance sa BIS ay dumeretso na ang karamihan sa SIS. Nagpahuli kami siyempre, dahil bukod sa gusto ko nang magandang pasok ay natagalan kami sa pag-aayos ng gamit ko. Habang naglalakad papalabas sa parking lot ay panay na ang hikab ko at dahil nga nasobrahan ay napansin pa 'yon ni Naih.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa mo pa kagabi't sumobra naman yata ang antok mo?" Sita niya pa sa 'kin no'ng makarating kami sa parking lot.

"Hindi ko nga rin alam, eh, alas otso namanako natulog." Tugon ko. Kanina niya pa ako sinisita dahil tinanghali ako ng gising. Kung hindi niya ako ginising ay paniguradong mahuhuli ako sa performance kanina.

"Alas otso ka natulog pero hindi ka pa rin nagising? Kahapon ay umalis ka na naman ng walang paalam sa bahay ni Maxwell! Psh!"

"Anong oras ka ba nakauwi?"

"Alas nuebe, hehehe!"

"Tss. Anong ginawa mo ro'n?"

"Nanood at kumain, ano pa ba? Ikaw lang naman 'tong ipinanganak nang killjoy, eh. Psh! Bakit kasi nawala ka bigla?"

"Nagkasagutan kami ni Dad, eh, nakakainis."

"Ganon ba? Tungkol na naman kay Maze 'yan, panigurado. Hindi na ako magtatanong, baka mabadtrip ka lang, eh. Pero kanina, ang ganda ng performance niyo, ah? Hahaha! Ikaw ang pinakabigay na bigay--at gumitna ka pa talaga, ah? Gustong gusto mo rin talaga 'yong pinupuri ka, eh, 'no? Hambog ka, hambog!"

Nangiti ako dahil sumagi sa isip ko 'yong kantang 'yon, minsan ko na 'yong narinig na pinapatugtog ni Sensui. Mukha siyang tanga habang sinasabayan ang kanta.

"Hoy! Kinakausap kita!" Sigaw sa 'kin ni Naih dahilan upang bumalik ako sa ulirat. "Puro ka pa-cute diyan!"

"Tss. Sino ang nagpapa-cute?"

"Pangiti-ngiti ka pa, eh, nakakatakot ka, timang! Hahaha! Ysay lang ang trip?" Pang-aasar niya pa. "Talagang 'yon pa ang sinayaw niyo, eh, 'no? Britney Spears? Hahaha! Feel na feel mo ba? 'Yon 'yong kanta no'ng isasayaw ka dapat ni Sensui no'ng Acquaintance Party, eh."

Nang marating namin ang parking lot ng SIS ay natahimik na agad. Pakiramdam ko ay nagbago bigla ang emosyon ko.

"Ang aga ni Sensui, ah?" Ani ni Naih no'ng maglalakad na sana kami papasok. Nilingon ko naman ang tinitingnan niya at nakita ko ang magarang sasakyan ng baliw na 'yon.

"Baka excited maglaro?"

"Putsa, kinakabahan na ako, Max! Magtutuos na kami ni Samantha!" OA na namang aniya. Ngumiwi lang ako. "Sa tingin mo ay kaya ko si Sam?"

"Hindi." Nakangising tugon ko.

Napamaang siya at umastang umiiyak. "Nakakainis ka naman, eh!"

"Hahaha! Kasi... kayang kaya mo siya!"

"'Yan! Hahaha! Tropa talaga kita!"

"Tss. Pinapalakas ko lang ang loob mo, tuleg." Biro ko at natigil naman ang pagtawa niya't sumama ang tingin sa 'kin. "Hehehehe! Biro lang. Tara, baka ma-late ako."

"Letse ka! Buhatin mo mag-isa 'yang lahat nang gamit mo, ah!"

"W-Woi, wala namang ganiyanan." Nakangusong tugon ko.

"Pinapalakas pala, ah? Buhitin mong mag-isa 'yan! Malakas ka, eh!"

"Joke lang, eh, Naih..."

"Hehehehe! Kinabahan ka, 'no? Ang hambog, hindi puwedeng magbuhat ng mabibigat! Hahahaha! Akin na! Letse ka pa rin!"

Nang makapasok kami ng tuluyan sa SIS ay kakaibang pakiramdam ang nangibabaw sa 'min pareho ni Naih. Natahimik kaming pareho at panay ang linga sa kung saan na animong naghahanap nang pagbabago sa bawat parte ng school na 'to.

"This is it, Max! It's nice to be back!" Aniya pa na tumingala na animong inaamoy ang hangin. "Hmmm..."

"Quarter na, dalian mo na riyan." Tugon ko at saka nagpaumunang maglakad. Natatanaw ko na ang ilan sa mga players mula sa kinatatayuan ko hanggang doon sa quadrangle ng SIS. Mas maikli ang walkway rito kumpara doon sa BIS.

"Grabe, halos walang pinagbago ang SIS, oh?" Aniya pa habang inililibot ang mga mata. "Ang ganda ganda pa rin dito, malayong malayo sa BIS. Nkakamiss ang lugar na 'to, simple kumpara sa BIS--pero rock! Hehehe!"

Hindi ko na nagawang sumagot sa kaniya, iginala ko na lang ang mga mata ko habang pabagal nang pabagal ang paglalakad. Tinanaw ko ang iba't ibang lugar at parte ng SIS kung saan meron alaala sa 'kin.

Ang library kung saan madalas kaming tumambay nina Saruh, Madz at RJ no'ng first year kami. Kadalasan ay nang-aasar kami ro'n nang mga dumaraang elementary students.

Ang field kung saan madalas kaming tumambay at sumilong para matulog lalo na kapag walang klase.

Ang canteen kung saan pagkapasok pa lang namin ay binabatuhan na agad kami ng pagkain bilang regalo.

Ang gym kung saan madalas kaming maglaro ng basketball o volleyball kasama ang mga varsity players ng SIS na close friends din namin.

Ang flagpole kung saan kami unang naging close ni Naih no'ng mga oras na hindi ako maintindihan ng mga kaibigan ko.

At ang pinakapaborito kong lugar dito, ang garden. Kung saan kami madalas magkita, tumambay, magkuwentuhan, magsnack, mag-asaran, magbiruan, mag-aral, magbasa, magpahinga... ni Randall.

Halos matigilan ako sa paglalakad nang maalala ko ang lahat. At hindi ko maiwasang maisip ang mga nalaman ko kailan lang. Iniiwasan ko nang isipin 'yon dahil ayaw kong makaapekto 'yon sa emosyon ko at madamay ang paglalaro ko. Ngunit sadyang mahirap 'yon pigilan sa ngayon. Lalo na ngayon nandito kami sa lugar kung saan mas lamang ang magaganda at masasayang alaala sa ilang taon ng buhay ko.

Ang alaala at memoryang bumuo sa kung sino at ano ako ngayon, masakit man o hindi.

"'Uy, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Naih dahilan upang matinag ako.

"A-Ah, oo, hehehe."

"Nako, Maxpein, ah? Umayos ka. Hindi ito ang tamang oras para mag-emote ka--stop me. 'Wag mo na munang isipin 'yang nakaraan mo't mas mahalaga itong game na 'to sa ngayon, okay?"

"Tss. Hindi naman ako nag-e-emote, hindi ako gaya mo, 'no."

"Psh! Hinding hindi mo maloloko ang mukha 'to, Maxpein! 'Yong mga ganiyang pahintu-hinto mo sa paglalakad at pag-iisip--paniguradong lungkut-lungkutan na naman ang dahilan niyan! Baka naman puwedeng hayaan mo na lang muna 'yan at ipaubaya sa hangin? Kasi alam ko naman kahit papaanong importante rin sa 'yo ang larong ito."

"Baka nakakalimutan mong ang laro na ito ang nagpahirap sa 'kin? kung hindi dahil sa larong 'to ay hindi ako magkakaproblema sa mga schedules ko at lalong hindi ako mamayat ng ganito."

'At kung hindi dahil sa larong 'to, wala sana ako ngayon dito. Tsk. Pahamak na Sensui.'

"Wow, parang ayaw pa, ah? Eh, kung talagang ayaw mo namang maglaro, di sana ay hindi ka nagkumandapractice-practice no'ng una pa lang? Stop me, Maxpein! Ginusto mo rin 'to, 'wag kang umarte!"

'Badtrip namang kausap 'to, isa pang walang kuwenta. Tsk.'

"Puwede mo namang ipagpabukas 'yang mga isipin mo, oh, di kaya nama'y ipagpamamaya na lang? 'Di ba? Sa ngayon ay itong game na muna ang isipin natin dahil mababawasan ang angas mo kapag natalo ka." Dagdag niya pa.

"Tss, tumahimik lang ako--kung anu-ano nang sinabi mo? Samantalang kanina ay ikaw 'tong gustong magbackout? Kahit kailan ay abnormal ka."

"E-Eh, ibang usapan naman 'yon!" Palusot niya. "At saka alam ko namang hindi na puwedeng magbackout, eh! Nag-aalala lang ako sa 'yo, 'no? Pinagmamasdan kita habang naglalakad kanina pa, natutulala ka sa mga memorable places dito sa SIS! Psh! If I know, naaalala mo lang 'yong mga magagandang nangyari sa inyo ni ano rito, eh."

"Oh, sige, tumamihim ka na, ang ingay mo."

"Basta kahit na anong mangyari, 'wag na 'wag mo siyang iisipin! Kung gusto mo ay si Sensui na lang ang isipin mo! Hehehe!"

"Tss. Ano naman ang mapapala ko kung iisipin ko ang gunggong na 'yon?" Patungkol ko kay Sensui.

"Maiba lang, hahahaha." Pang-aasar niya't ngumiwi naman ako.

No'ng magtuloy kami sa paglalakad ni Naih at agad naman kaming sinalubong nina Jigz at Josh 'tsaka kami iginiya nang mga ito papasok sa isang maliit na kuwarto.

"Wow, ah? Talagang nag-effort pa ang SIS para sa mga players? Ani Naih na inilabot ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto.

Hindi pamilyar sa 'kin ang kuwartong 'yon dahil building iyon ng mga elementary. Hindi mukhang classroom dahil may sariling banyo pa at may mga desks at lockers. Mukha itong locker room kung tutuusin. May mga available din na towels at powders doon na may nakalagay na players sa cardboard.

"Astig nga, eh, tingnan mo ang nakalagay sa pinto!" Ani Jigz. "BIS billiards, cool!"

"Oo nga, 'no? Wow! Hehehe! Feel na feel ko tuloy na player ako, hehehe! Feeling ko ay nasa international tournament ako!"

"Kung gagalingan mo ngayon, makakarating ka ro'n." Nakangising sabad ko at ngumiwi naman siya.

"Sa tingin mo ay mangyayari 'yon?" Umaasang tanong ni Naih.

"Kung hindi mo uunahin ang takot mo, posible."

"Sino naman kasing hindi kakabahan? Makakalaban natin 'yong schoolmate natin dati na siyang naturo rin sa 'tin kung paanong magbilyar!"Batid kong si Sam ang tinutukoy nito.

"Tinuruan ka lang nila pero ikaw pa rin ang nagsikap na matuto kaya ikaw lang ang makakapagsabi kung hanggang saan ang kaya mo't hindi. Puwedeng mas magaling ka sa kanila, puwede rin naman hindi. Nasa atin 'yan, Naih, kani-kaniyang trip."

"Psh! Madaling sabihin kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Mas magaling ka kasi sa 'kin, eh!"

"Pero mas magaling din sa 'kin si Sam, hindi naman ako nakakaramdam ng ganiyan."

"Dahil wala namang school na nagtuturo kung paano matututunan 'yang kahambugan mo! Letse ka!"

"HAHAHAHAHAHA!" Nangibabaw ang tawanan sa kanila.

Hindi ko naman na sila pinagtuunan ng pansin at inayos ko na lang ang sarili kong gamit sa cabinet na napili ko. Eksakto namang pumasok si Coach doon ng may ngiti agad sa labi.

"Are you guys ready?" Tanong niya pa.

"YES, COACH!" Sagot nilang tatlo.

"Mm, how about you, del Valle?"

"I'm ready, Coach." Kalmadong tugon ko.

"Anyway, alas nuebe ang laro niyo, kayo ang magsisimula ng game para sa BIS." Panimula ni Coach at nagkatinginan naman kaming lahat. "Sa gym ang venue at panonoorin kayo ng buong BIS dahil alas dies pa ang games ng lahat maliban sa inyo."

"Bakit daw ganoon, Coach?" Tanong ni Josh.

"Hindi ko masabi kung bakit dahil wala na kaming kinalaman sa paggawa ng schedule. Para maging patas na rin sa lahat ng schools ay 'yong committee na ang nagdesisyon tungkol sa schedule at 'yan na nga ang kinalabasan. Kayo ang magpapasimula sa game ng buong BIS. Walang ibang laro ang BIS ng alas nuebe maliban sa billiards." Aniya at tumangu-tango naman kami. Nilingon ako ni Coach at nagtama ang paningin namin. "Naniniwala akong kaya mo 'to, del Valle, kayo ng buong team mo, natin. Hindi man ako mananatili sa tabi niyo, nagtitiwala akong kayang kaya niyo ito. Higit pa sa salitang tiwala ang meron ako sa inyo. I tried my best para matrain kayo bagaman hindi ito ang linya ko."

"Naiintindihan namin, Coach. Natuto kami kahit na hindi ito ang linya ninyo." Sinserong ani Jigz.

Nginitian naman siya ni Coach. "Marchessa and del Valle, inaasahan kong may mga alam na kayo ukol sa paglalaro ng mga players ng SIS, kaya naman inaasahan kong hindi na kayo maninibago."

"Hindi rin, Coach. Dalawang taon na ang nakakalipas mula no'n, hindi malabong magbago ang mga tira nila." Ani Naih, mahihimigan ang kaba sa pananalita at tono niya. "But don't worry, Coach, we'll do our best. There's no room for doubts and hesitations!"

"That's my girl, Marchessa!"

"Yes, Coach! Mananalo kami rito!"

"I know you will, Marchessa!"

"Oo, Coach! Mamatay na ang matalo!" Taas-noong dagdag niya at napamaang naman ang lahat sa kaniya. "Joke lang siyempre, hehehe, alam mo naman ang mga tao, minsan tsumatsamba? H-Hehehehe!" Pilit na biro niya pa.

'Tss, sira-ulo talaga. Tsk tsk.'

"That's anxiety, Marchessa." Pilit ang ngitin ani Coach 'tsaka bumuntong-hininga.

"Ganon na nga yata, Coach."

"Tss, kaya masiyado nang maingay, eh." Bulong ko at inismiran naman ako nito.

"Manalo--matalo, buo pa rin tayo. Tayo pa rin ang representatives ng BIS. Hinding hindi tayo mabubuwag dahil sa iisang inter high!" Pagpapalakas muli ng loob namin ni Coach. "Nagtitiwala ako sa inyo, team! At kahit na anong maging resulta ng game na ito ay magtitiwala pa rin ako sa inyo. Tandaan niyo 'yan."

"Hindi puwede ang ganon, Coach! Lalaban tayo!" Nangibabaw mula sa likuran ang tinig ni Tob at sabay sabay naman kaming napalingon doon. Pumasok siya sa room namin kasunod si Lee.

"Hi." Magiliw pang bati sa 'kin ni Lee 'tsaka bumaling kay Naih. "Hey there."

"Oh, Yanai, Gozon, what are you doing here?" Tanong ni Coach na sumulyap pa sa pinto na animong tinitingnan kung may kasunod pa sila.

"Pinapatawag na ni Mr. Faller ang representatives ng billiards, Coach. Magbubunutan na kayo." Nakangiting tugon ni Lee, nagtama pa ang paningin namin at mas ngumiti siya ng malaki.

"Ah, I see, we're about to there, I'm just giving them some advice. Sa tingin ko ay puwede na rin 'yong mga sinabi ko." Nakangiti pang ani Coach sa 'min. "Let's go?"

Tumayo si Coach at sinenyasan kaming lumapit sa kaniya agad naman naming sinunod. Bumilog sila at naiwan naman akong nakatanga sa kanila.

'Ano na naman kaya 'yan?'

"On three!" Bulalas pa ni Tob at saka inilahad ang kamay niya sa gitna nila na sinundan naman agad ng lahat.

Kumunot ang noo ko't pinagmasdan kung ano ang ginagawa nila. Nilingon naman nila ako at tiningnan na animong hinihintay na ipatong ang kamay ko ro'n.

"Ano? Mag-isa ka lang?" Pang-aasar pa ni Naih kaya naman lumapit na rin ako't nakipatong ng kamay sa kanila.

"Okay, one.. two.. three!" Sigaw ni Tob at sabay sabay naman naming iniangat ang mga kamay naming magkakadikit pa rin. "Maiba--taya!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!"

'Tss. Puro kalokohan.'

Natawa rin ako pero mas natawa nga lang sila.

"Sira-ulo ka talaga, Tob," ani Lee.

"Joke lang, hehehe! Pangtanggal ng kaba 'yon, Superman! Hehehe! Okay, seryoso na." Ani Tob 'tsaka muling pinagpatong-patong ang kamay namin. "Let's go, BIS--on three! One.. Two.. Three!"'

"LET'S GO, BIS!" Sabay sabay nilang sigaw.

'That's it? Let's go, BIS? Tss.'

Sabay sabay kaming lumabas ng room na 'yon na walang ibang bitbit kung hindi ang kani-kaniyang tako. Eksakto namang malapit na sa gym no'ng lapitan ako ni Lee.

"Good luck, Maxpein," matamis ang ngiting aniya.

Ginantihan ko siya ng ngiti. "Good luck din, Lee."

"Manood kami, ah? Galingan niyo. Pakisabi na rin sa mga team mates mong good luck."

"Geh. Sa team niyo rin, good luck." Tugon ko 'tsaka pinanood ang paglayo niya. Tumabi naman agad ako kay Naih. "Good luck daw sabi ni Lee."

"H-Ha?" Utal na tugon niya, nabigla pa yata.

"Good luck daw sabi ni Lee."

"Oo! Narinig ko! Psh!"

"Narinig mo pala, eh, umaarte ka pa."

"H-Hindi, ah!"

"Pinadaan pa kasi sa 'kin kung puwede namang dumeretso sa 'yo, eh, 'no?" Pang-aasar ko at sumama naman ang tingin niya. Nginisian ko siya 'tsaka nagmadaling maglakad papunta sa gym.

Naunang pumasok si Coach na sinundan naman nina Jigz at Josh. Sina Lee at Tob ay lumihis na ng daan sa amin. Doon lang nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil isa 'yon sa pinalamemorableng lugar sa 'kin. Agad na pumalahaw sa sigaw ang mga estudyante no'ng tuluyan kaming makapasok.

"WAAAAAAAAAA!"

"KYAAAAAAAAH!"

"GO, BIS!"

"TAGURO!"

"PARROT!"

"TAGURO BROTHERS!"

Kaliwa't kanina ang tilian at sigawan ng mga estudyante at hindi namin alam kung alin ang una naming lilingunin. Nagbaba na lang ako ng tingin at sumunod sa linalakaran nina Coach.

"Grabe! Sikat na sikat kayo," ani Josh. "Wala man lang ni isang nagsigaw ng pangalan namin ni Jigz!"

"Psh! Galing kasi kami rito," ani Naih.

"Kahit pa, kilala rin naman kami sa school, ah?" Ani Jigz. "'Tsaka, sa BIS naman sumikat 'yong mga palayaw niyo, paanong umabot dito? Hehehe. 'Wag mo sabihing taga-BIS lahat ang mga 'yan?" Turo niya pa sa mga tao.

"GO, JIGZ!"

"WOOOH! GO, JOSH!"

"JOSH AT JIGZ! GO!"

"'Ayun, oh? Meron na kayo!" Biro ni Naih. "Hahahaha!"

"Psh! Para tatlo lang?" Nakangusong ani Josh.

"Nabilang mo pa 'yon?" Biro ko.

"Mukhang nag-e-enjoy kayo, ah?" Nangibabaw ang isang pamilyar na tinig mula sa likuran namin at sabay sabay naman kaming napalingon doon.

"Samantha." Naiusal ko bilang pagbati rito.

"It's nice to see you again, Maxpein, welcome back." Simple ang ngiting sagot niya. Ang pinakamagaling na babaeng manlalaro ng bilyar na nakilala ko. Si Samantha.

"Thanks," tipid ang ngiting tugon ko 'tsaka isinenyas sa kaniya ang mga kasama ko. "This is Jigz and this is Josh, and of course, Zarnaih. They're my team mates. This is Sam." Baling ko naman sa mga kasama ko.

Nagmadali 'yong dalawang lalaking makipagkamay sa kaniya na agad din namang tinanggap nito ng may ngiting sinsero sa tingin ko.

"Nice meeting you, I am Samantha, welcome to SIS." Puno ng kumpiyansang aniya pa.

"My pleasure to meet you," ani Jigz. "I've been hearing a lot about you."

"Really? Like what?" Nakangising tugon ni Sam.

"Ah, na magaling ka nga raw."

"Yeah? Hmm. No comment. Haha!" Payabang pang aniya. "So I guess, I'll just meet you again later, Maxpein and Maxpein's friends?" Nakangising dagdag niya. "Nice meeting you, guys." Aniya 'tsaka nakipagtanguan bago tuluyang umalis.

"Huhuhuhuhu!" Nangibabaw ang atungal ni Naih na hindi namin napansing natahimik pala. "Hukom na!"

"Putsa," bulong ni Josh. "Chic na chic 'yong Samantha na 'yon mga 'tol!"

"Tapos magaling pang magbilyar? Wow! Kapag hindi mo ako sinagot, Naih, 'yon na lang ang liligawan ko!" Biro ni Jigz.

"Ah, talaga?" Kunyaring natuwa pang tanong ni Naih. "Ligawan mo na ngayon kung ganon!"

"Bakit naman?"

"Ayaw ko sa 'yo, eh!"

"HAHAHAHAHA!" Sabay sabay na naman silang nagtawanan.

Ilang saglit pa ay lumapit na sa 'min si Mr. Faller. "Ah, Coach, you're not allowed to stay here. That's your designated seat, please," itinuro niya pa 'yong puwesto kasama ang iba pang officers ng BIS. Nakipagtanguan naman muna sa 'min si Coach bago kami tinalikuran. "Here's your list." Nakangiting iniabot sa 'min nito ang piraso ng papel at si Josh ang kumuha niyon. "We'll start in five minutes so please be prepared. We'll introduce the first players written on that list. We all believe in all of you, okay? Good luck!" Aniya na tinapik pa kami isa isa 'tsaka kumindat at naglakad papalapit sa mga committee.

"Oh, makinig kayo. Ang nakalagay rito, sa unang game ay single muna. Kung sino ang matitirang mga schools 'yon ang maglalaban-laban nang doubles. Malinaw ba?" Ani Josh. "Si Samantha ang makakalaban mo, Naih." Aniya matapos ipaliwanag ang nakasulat doon sa papel.

"Eh, king ina, talaga namang good luck sa akin!" Ungot ni Naih. "Good luck talaga sa 'kin! Huhuhuhu!"

"Pero bakit ganon? Si Samantha rin ang kalaban ni Maxpein?" Takang tanong ni Jigz at nagkatinginan naman kami. "Ang gulo naman, puwede ba 'to?"

Hindi na namin nagawang magtanongan pa dahil sinenyasan na kami no'ng referee at announcer kaya naman sabay kami ni Naih na lumapit doon habang sina Josh at Jigz naman ay pumuwesto na sa nakalaang upuan para sa team namin.

"Galingan mo, ah? Alam naming kaya mo 'yan!" Bulong pa ni Naih habang inihahatid ako.

"Oo, salamat."

"Hindi naman ito ang unang beses na makakalaro mo si Sam kaya may tiwala ako sa 'yo."

"Oo, pero ilang taon na rin ang nakalipas kaya hindi mo rin masasabi."

"Hindi lang naman siya ang may kakayahang gumaling, 'di ba? Basta, tandaan mo, mamatay nang matalo!"

"Hehehe! Sige."

"Kahit na anong mangyari, kailangan nating manalo, Maxpein!"

"Oo na nga--"

"'Wag kang magyabang!" Pigil niya sa 'kin at kumunot naman ang noo ko. "Galingan mo!"

"King ina ka--ikaw na na mauna, oh!" Singhal ko sa kaniya at ngumuso naman siya.

"I-Ikaw na, ikaw 'yong una sa listahan, eh."

"Tss. Ang dami mong sinasabi, eh."

"Sumusupport lang, ito naman!"

"Doon ka sumigaw nang sumigaw!" Turo ka sa puwesto ng mga kasama namin.

"Eh, di ba, ayaw mo nang maingay?"

"Ibahin natin ngayon, subok lang."

"Anak ka ng kagang--ngayon ka pa sumubok ng pagbabago, ah?"

"Ang ingay mo! Geh!" Singhal ko 'tsaka tinalikuran siya.

Muling sumenyas ang referree at isa-isang nagsipaglapitan doon ang mga players mula sa iba't ibang schools, siyempre pa, doon ako dumaan sa pinakagitna. Naramdaman ko na sa talampakan kong carpeted na 'yong nilalakaran ko, patunay lamang na tuloy na tuloy ang laban na ito. Doon nagsimulang manlamig ang ibang parte ng katawan ko't mangatog ng bahagya ang tuhod ko.

"WAAAAAAAA!"

"GO, BIS!"

"GO, SIS!"

"GO, LU!"

"GO, TAGUROOOO!"

Nangibabaw na naman ang sigawan sa kabuuan ng Gym na 'yon at doon lang ako nakaramdam ng hiya, napatunayan kong hindi lang talaga ako nag-iisa rito kahit na sa isip ko ay bumubuo ako ng sarili kong mundo.

"MAXPEEEEIN!"

"WAAAAAA, TAGUROOOOO!"

"WE LOVE YOU, TAGUROOO!"

"LET'S GO, BIS!"

"TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO!" Paulit-ulit at malakas nilang sigawan.

Muling nangibabaw ang sigawan at doon bahagyang nawala ang kaba ko, nararamdaman ko ang suporta ng mga tao wala pa man akong ginagawa. Sa isip ko ay pinasasalamatan ko isa-isa ang mga ito.

Noong sumenyas muli ang referee ay isa-isa kaming nagsipag-upan at siyempre pa, kaharap ko na ang kumikinang na si Samantha. Taas-noong sinusulyapan ang mga tagahanga niya. Pinaggigitnaan namin ang table na nakalaan para sa laban naming dalawa habang pareho kaming nakaharap sa katotohanan.

Mayroong walong tables sa kabuuan ng gym at iba't ibang schools ang nandoon para maglaro, pero nasa table namin ni Sam ang mata nang lahat. Ang gym na ito ng SIS ay maliit kumpara doon sa nasa BIS pero kulang na kulang pa rin ang walong billiard tables para sakupin ang court nito. Tatlong court ang binubuo ng gym na ito at paniguradong ang basketball ay magaganap doon sa bagong gawang court na siya ring pinakamalaki sa tatlo.

Tumayo ang announcer at pinakagitna dahilan upang mas umugong ang ingay, batid ng lahat na ito na ang hudyat ng simula.

"Good morning, everyone! I am April Rose, senior secretary of Sports Committee and I'm here to welcome all of you and of course to announce the names of the players. I will also be stating the general rules and regulations regarding this sport before we start." Mahabang anunsiyo nito at nakinig naman ang karamihan.

Inisa-isa niya ang bawat patakaran na kakailanganin sa larong 'to at ilang minuto rin ang itinagal niyon bago ipakilala ang mga manlalaro ng bawat school. Mataman akong nakinig at gayon na rin ang mga manlalarong gaya ko. Minsan pang nagtama ang paningin namin ni Sam at mula sa kinauupuan ko ay nararamdaman ko ang yabang na nagmumula roon.

DEIB'S POV

'Hindi ko akalaing ganito kabilis didinggin ng langit ang panalangin ko.'

Napangiti ako sa isiping 'yon, kasalukuyan kong tinititigan si Taguro na mukhang bagot na bagot na sa pakikinig sa announcer. Parang wala na naman siyang interes sa pinapakinggan niya at halos magsuntukan ang mga kilay niya sa sobrang salubong.

Matunog pa rin ang pangalan niya bagaman wala siyang ginagawa.

'Marami na kasi ang supporters mo kaya hindi mo na ako pinapansin! Tch! Mas marami na kasing nagpapapansin sa 'yo ngayon at mga peste sila! Ilang araw niya akong hindi nakita--hindi man lang ba niya ako hahanapin? Nakakainis!'

"And the last but definitely not the least... South International School versus Brint International School!" Turan ng announcer at nagtayuan ang mga nanonood kasabay ng masigabong palakpakan.

"WAAAAAAAAA!"

"GO, BIS!"

"GO, SIS!"

Naglalabanan ang sigawan ng BIS at SIS kaya naging mas kapanapanabik ang tagpong ito para sa lahat. Ang dalawang school na 'yon ang huling ipinakilala ng announcer.

"Are you ready, players?" Buong puwersang sigaw no'ng announcer upang labanan ang ingay sa buong gym. "Now--let the games begin!" Mas malakas na anunsiyo niya kaya naman nagkalampagan ang mga paa't kamay ng mga nandoon.

Napapangiti ako sa katotohanang 'yon dahil ang babaeng dating binubully at inaasar ng buong BIS ay sinusuportahan na ngayon. Halos magtindigan ang mga balahibo ko no'ng makita kong tumayo si Taguro at tumango sa lahat kasabay niyong taga-SIS na siyang makakalaban nito.

Ang babaeng 'yon na ay maangas ang dating gaya ni Taguro, matangkad, maputi, makinis, mahaba ang--straight sa ibabaw, kulot sa ilalim--niyang buhok at di hamak na mas maganda kumpara kay Taguro. Kung pagmamasdan mo rin ang mga pananalita niya ay masasabi mong nagmula ito sa mayamang pamilya. Ngunit hindi sila nagkakalayo ni Taguro sa kilos dahil ang babaeng ito ay hindi rin pino at babaeng babae kung tumindig.

Inalis ko ang paningin ko sa babaeng 'yon at itinuon 'yon kay Taguro 'tsaka ako nagpigil na mapangiti.

'Upong lalaki. Maluwang ang pantalon. Malaki ang t-shirt na suot. Marumi ang sapatos. Magulo ang buhok. What the hell, Deib Lohr? Ano ang nagustohan mo sa babaeng ito? Tsk! Ang lahat nang nakikita ko sa kaniya ay hindi ko kailanman nagustohan sa isang babae pero bakit sa kaniya ay nagustohan ko? Badtrip!'

Huminga ako ng napakalalim at muling napaisip.

'Kahit anong sagwa at pangit ng itsura niya, natutuwa ako sa t'wing titingnan ko siya. Damn it, Deib. Mamamatay ka na, hindi 'yan karma! Taning na 'yan, Deib! Mamamatay ka na!'

Nanlumo ako sa sarili kong isipin habang nakamasid pa rin kay Taguro na kasalukuyang nakikipagkamay na ro'n sa referee at ganoon na rin kay Sam. Matapos niyon ay naupo si Taguro sa sariling silya, nagpandekwatrong panglalaki at saka pinaglaro ang hintuturo sa sariling labi.

'Ang mga labing 'yan ay sinisimot ang laway ko, Taguro. Tsk. Ano ba itong naiisip ko?'

"Hoy, baka masobrahan ka sa katititig--lalo kang mahulog." Bulong ni Tob na hindi ko man lang namalayang nasa tabi ko na pala.

"A-Ano ka ba?" Angil ko.

"Gusto mo bang ipagkalat na deads ka kay Taguro, dre?"

"Tch! Hindi, ah! At saka, hoy, hindi pa ako sigurado, 'di ba?" Bulong ko pa. "'Wag ka ngang assuming!"

"Hindi sigurado? Eh, kung makatitig ka sa kaniya ay parang siguradong sigurado ka na, dre!"

"S-Sira-ulo ka, hindi gano'n 'yon."

"Sshhk! Ikaw rin, haha!"

"Hey, ano ba?" Saway sa 'min ni Lee. "'Ayan na naman kayong dalawa, eh, ang iingay ninyo."

'Bayani!'

Hindi naman namin pinansin ito at nagtuloy lang kami sa bulungan namin ni Tob. Nakakatulong ang ingay ng paligid para hindi kami marinig ng mga katabi namin.

"Dre, sinasabi ko sa 'yo, mas halata ka pa sa halata." Bulong muli ni Tob. "Kulang na kulang nga sa 'yo ang salitang halata. Psh! Kaya kung ayaw mong mabisto, kaunting tago naman."

"Tch! Anong ibig mong sabihin?"

"Na iyong mga titig at ikinikilos mo, 'yong mga pangiti ngiti mo at pakanta kanta mo--hindi ka ganiyan, dre. Obvious ka masiyado, eh. Okay lang sana kung pangiti ngiti ka habang kumakanta--ang masama kasi ro'n, nakatitig ka pa sa kaniya!"

Natigilan naman ako at animong natauhan, hindi ko man lang napansing ganoon pala ang ginagawa ko. Napakamot ako sa ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Sinungaling ka!" Singhal ko.

"Ay? Loko! Ikaw ang sinungaling dahil hindi ka pa umamin diyan sa sarili mo! Psh! Kotongan kita riyan, eh." Singhal din niya kaya ngumiwi ako. "Kung ayaw mong mahalata, dre, iwas iwasan mo ang pagtitig kay Taguro na mapapangiti ka. Dahil nakakadiri ka na--nahahalata ka pa. Psh. Daig mo pa ang asong nauulol na may pagnanasa, timang!"

"Tsk. Hindi ko kasi maiwasan, eh." Nakabusangot na bulong ko.

"Hala, ka, hahaha! Hindi na ako magtataka, dre. Hindi na talaga ako magtataka." Nakangiwi ngunit seryosong aniya.

"S-Saan?"

"Kung sa huli... iiyak at iiyak ka." Mahinang aniya ngunit dinig na dinig ko. Natigilan naman ako't napatitig sa kaniya. Nakangiti siya ngunit bakas ang pagiging seryoso niya sa sinabi.

Hindi ko alam kung bakit pinabilis no'ng mga salitang 'yon ang tibok ng puso ko na animong hinahabol ako ng kung sino. Natakot ako.

'Bakit ganon? Bakit ako iiyak? Bakit ko siya iiyakan? Bakit niya nasabi 'yon? Bakit, ha? Bakit?! Tch!'

Napailing ako no'ng makaramdam ako ng kakaibang lungkot sa dibdib ko. Sumimangot ako ng todo at wala sa sariling napatayo.

Hinawakan naman agad ni Tob ang braso ko. "Saan ka pupunta, dre?"

"A-Ang boring panoorin, eh," kunot-noong pagsisinungaling ko. "Babalikan ko na lang kayo."

"Baka mawala ka, ah? May laro tayo ng 10:00 AM."

"Oo, dala ko naman ang cell phone ko, i-text mo na lang ako."

Bagsak ang balikat na naglakad ako papalayo sa puwesto ng team namin. Siniguro kong hindi ko maaagaw ang pansin ni Taguro sa daang nilalakaran ko papunta sa gawi ng exit.

'Tch! Hinding hindi kita iiyakan, tandaan mo 'yan. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon, Taguro. Mawawala rin 'tong nararamdaman ko.'

Mula kanina ay wala man lang pagbabago sa itsura niya. Salubong pa rin ang kilay at tutok na tutok sa bawat tira niyong kalaban niya.

'Galingan mo, sana ay manalo ka dahil ako ang pinakamasaya kapag nangyari 'yon.'

Sinulyapan ko pa siya ng isang beses at saka tumalikod padako sa exit ng gym.

"KYAAAAAAAAA!" Biglang nangibabaw ang napakalakas na hiyawan. "SUMABLAY SI SAMANTHA! SI TAGURO NA!"

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatalikod pa rin ako sa gawing 'yon nang mesa nina Taguro. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nagkasunod sunod ang paglunok ko.

"TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO!"

"WAAAAAAAAAAAAA!"

"WE LOVE YOU, MAXPEIN!"

"SAYANG NAMAN, SUMABLAY SI SAMANTHA." Dinig kong sabi niyong isang babae mula sa tagilirin ko, nilingon ko naman ito. "HINDI NAMAN SIYA DATING GANIYAN, EH, ANG INAASAHAN KO NGA AY HINDI NA MAKAKATAYO SI PEIN."

"TSK, PAGKAKATAON NGA NAMAN, OH."

Dahan dahan akong lumingon at no'ng tumama ang paningin ko kay Taguro ay patayo na ito papalapit sa mesa. Mataman niyang pinagmasdan ang mga bola habang hawak ang cue stick niya. Pinaikutan niya ang bawat gilid ng mesa at sinilip ang bola. Salubong na salubong ang mga kilay niya't animong hirap na hirap mag-isip.

Sinulyapan ko si Samantha at bakas ang pagiging kalmado sa itsura nito, bahagya pa siyang ngumisi at no'ng lingunin ko si Taguro ay mas nagsalubong ang mga kilay niya. Mukhang tangang sinilip ko rin ang posisyon niyong bola at halos manlaki ang mga mata ko no'ng makita kong tatlong bola ang nakaharang puting bola.

'Paano niyang titirahin 'yon?'

Muli kong nilingon si Sam at mas lumaki pa ang pagkakangisi nito dahil bakas ang paghihirap sa mukha ni Taguro sa pag-iisip. Nananatili siyang nakatayo sa gilid ng mesa, ang kaliwang kamay niya'y nakapamaywang habang ang kabila nama'y hawak ang cue stick niya.

'Kaya mo 'yan, alam kong kaya mo 'yan.'

Parang wala na naman sa sariling dinala ako ng mga paa ko sa kabilang gawi ng bleachers kung saan may kaluwangan ang espasyo at wala masiyadong tao. Hindi nga lang gaya no'ng puwesto namin ng team mates ko kanina na mas malapit kina Taguro. Sa puwestong ito ay medyo malayo ngunit nakaharap kay Sam, kung uupo si Taguro sa silya niya ay bahagya siyang nakatagilid.

Naupo ako sa isang gilid at saka ako matamang nanood. Nanatili pa ring nakatayo si Taguro at wala man lang nagbago sa itsura niya. Poporma at aastang titirahin ang bola ngunit iiling at muling tatayo upang pag-aralan ang mga iyon, animong iniingatan nitong magkamali sa desisyon. Mayamya muli ay poposisyon siya at ipupuwesto ang mga kamay niya ngunit ganoon uli ang ikikilos niya. Paulit-ulit at mahigit isang minuto siya sa ganoong sitwasyon.

'Relax ka lang, I know that you can make it.'

Muli kong nilingon si Samantha at sumisigaw ang kayabangan sa buo niyang itsura. Ang paraan niya ng pagkakangiti ay parang nagmamalaki at ang kilos niya ay parang tuwang tuwa.

Pumuwesto uli si Taguro at sa oras na ito ay kitang kita nang mahinahon na ang itsura niya. Yumuko siya paharap sa mesa at ipinosisyon ang kaliwang kamay niya. Ang mga daliri niyon ay animong may sariling buhay habang pumipilantik sa ibabaw ng mesa at sa isang iglap...

"HULOG!" Sabay sabay na sigawan ng mga nanonood. Nanlaki ang mga mata ko no'ng mangibabaw ang sunod sunod na ingay.

"WAAAAAAAAA!"

"ANG LUPIT!"

"DAMN IT!"

Nag-ingay ang mga nanonood at ang ilan ay napamura pa. Nilingon ko ang mga nasa likuran ko at doon ko lang napansing karamihan nang nasa puwestong ito ay mga tagahanga ni Samantha. Bahagya pa akong napalunok no'ng makita ko kung paanong nanghihinayang at nagagalit ang iba sa mga ito.

Nang lingunin kong muli si Taguro ay bakas na ang kaginhawahan sa mukha niya ngunit hindi pa rin mababakasan ang tuwa o saya. Muling nagsalubong ang mga kilay niya at bakas ang pag-iingat sa bawat kilos at galaw na ginagawa niya. Paulit-ulit niya pa ring sinisilip ang mga bola habang iniikot ang buong mesa.

Sa isang mabilis na kilos ay nagpahulog siya at muling umingay ang buong nakakita.

"WAAAAAAAAAAAA!"

"GRABE, GUMALING SI MAXPEIN!"

"Nice shot, huh?" Nangibabaw ang isang tinig ng Ginoo na nakaupo sa kaliwa ko at agad ko namang nilingon ito. Hindi agad ako nakapagsalita no'ng mapansin pamilyar sa 'kin ang mukha nito.

'I can't remember where I met this person but he's familiar.'

Sa tingin ko ay halos kaedad nito ang Daddy ko, magandang lalaki ito at sa isang tingin ko ay masasabi kong may pinag-aralan ito at may sinasabi sa buhay. Kung ikukumpara ko siya kay Daddy ay mukhang lang itong seryoso ng kaunti dahil si Daddy ay palangiti. Sa gandang lalaki nito ay hindi mapagkakailang chickboy ito no'ng kabataan niya.

'Tipong Randall. Tch.'

"Stop staring at me," untag niya kaya natinag ako. "You might miss some nice shots." Dagdag niya dahilan upang lingunin ko si Taguro na eksaktong tumira.

'Hulog!'

"WAAAAAAAAAA!"

"MY GOD, ANG GALING NIYA!"

Muling nangibabaw ang sigawan at nakakarindi na ang mga iyon.

"Ang galing na ni Maxpein, grabe, hindi ko inaasahan ito."

"Oo nga, tsk. Hindi bale, ang sabi naman ni Sam ay kayang kaya niya na si Maxpein ngayon."

"Oo nga, siya nga raw ang nagturo riyan, eh."

"Kaso mukhang nagbago na ang ihip ng hangin, mukhang gumaling na si Maxpein ngayon."

Dinig na dinig ang bulungan niyong mga taga-SIS at hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa mga papuri nila kay Taguro.

"Hahahahahahahaha!" Tumawa nang malakas ang Ginoo'ng ito sa tabi ko kaya naman taka akong napalingon sa kaniya.

Hindi siya nakatingin sa 'kin pero nakangiti siya habang nakatingin sa mga naglalaro ng billiards. Sinulyapan ko naman kung saan siya nakatingin ngunit hindi ko mawari kung kanino sa mga manlalaro nakatuon ang paningin niya. Hindi naman tumitira si Taguro ngunit pumapalakpak siya.

'Siguro ay doon siya sa kabilang mesa nakatingin.'

"Ah, excuse me, Sir?" Tawag-pansin ko rito. "You look familiar to me but I don't think we know each other?" Napapahiyang turan ko at namamangha naman siyang tumitig sa 'kin.

Bahagyang nakanganga ang mga labi niya habang nakangiti. Sandali pa siyang tumitig at umiling habang nakatingin sa 'kin 'tsaka muling itinuon ang paningin sa mga manlalaro.

'What the hell? Wirdo. Tch!'

"My name is More." Mayamaya pa'y aniya dahilan upang mapalingon uli ako sa kaniya.

'More? Anong klaseng pangalan 'yon? Tch!'

"I see. Mm, I'm Deib," natutulirong tugon ko. Hindi ko malaman kung tama ba ang paraan ng pakikipagkilala ko sa kaniya.

"Mm, nice meeting you, Deib," mariing aniya pa kaya kumunot ang noo ko. "Do you know how to play billiards?"

"No, Sir."

"I said my name is More... not Sir." Natatawang pagdidiin niya pa dahilan upang matigilan ako.

'Sino ba ang taong 'to? Tch!'

"I'm sorry, it's just that I'm not used to--"

"It's okay," pigil niya sa 'kin. "Mas kagalang galang pakinggan para sa 'kin ang tawaging More kaysa sa Sir." Nakangiti ngunit sinserong aniya. "Lahat nang lalaki ay maaaring matawag ng Sir ngunit sa itinagal kong nabuhay sa mundong ito ay ako pa lang ang More na nakilala ko." May bahid nang kayabangang kuwento niya dahilan upang mapamaang ako.

'Tch. Kunsabagay, may punto naman siya. Kahit sinong kagalang galang ay tinatawag nang Sir, minsan nga kahit hindi ko kilala ay tinatawag kong Sir. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakausap niya ako ngayon! Tch!'

"I see, More." Mariing tugon ko.

"There. Mas gusto kong tinatawag nang ganiyan." Aniya 'tsaka humalakhak.

Noong hindi na siya magsalita ay muli akong lumingon kay Taguro at kitang kita ko kung paanong sinunod sunod nito ang pagpapahulog ng bola. Kamangha mangha ang paraan ng pagkilos niya, napakaangas at ang lakas ng dating. Hindi kadalasang nakikita sa kilos ng mga babae.

'Kakaiba talaga siya.'

Hindi pa rin nawawala ang sigawan sa buong gym at walang segundong natahimik ang mga ito. May ilan na nagkakalampagan pa sa bleachers dahilan upang mas umugong ang ingay. At karamihan naman ay idinadaan sa pagtatalon talon at palakpakan ang paghanga nila sa bawat tirang ginagawa no'ng mga manlalarong pinapanood nila.

Ngunit sa puntong ito ay nangingibabaw talaga ang pangalan ni Taguro. Kung ililibot ko ang paningin ko sa lahat ng mga nanonood ay masasabi kong siya ang pinapanood ng karamihan.

Namangha ako ng makitang sunod sunod nyang pahulugin ang sunod sunod ring bilang ng mga bola sa butas ng mesa!!!

"Hindi ako marunong magbilliards pero sa tingin ko ay gusto ko nang matuto ngayon, hahaha," sambit ng isang babae mula sa likuran ko.

"Oo, parang ang cool cool kapag babae ang naglalaro, 'no?" Tugon naman nang kasama nito.

"Dati ay cool na cool si Samantha para sa 'kin, pero sa tingin ko ay kay Pein na ako ngayon."

"Oo, ako rin. Hihihi!"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong makinig sa usapan no'ng mga taong nagbabanggit ng pangalan ni Taguro. Talaga palang Pein o Maxpein ang tawag sa kaniya nang mga taga-SIS. Nasanay na ang buong BIS na tawagin siyang Taguro. Lalo akong natutuwa sa t'wing may sasabihin silang magagandang salita para sa kaniya.

'Cool naman kasi talaga siya, sa lahat ng bagay.'

Nanumbalik sa alaala ko ang bawat astig na linyang binitiwan niya no'ng minsan mabugbog kami ni Tob. Kung paano niya akong niyakap matapos niyon at ang paghawak niya sa kamay kong hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko. 'Yong kinang nang pag-aalala sa mga mata niya no'ng tanongin niya kung ayos lang ba ako? Kung paano akong kumalma matapos kong maramdaman ang simpleng yakap niya dahilan upang mawala ang takot na nararamdaman ko para sa buhay ko. Ang mga ngiti sa labi niya na naiiwang parati sa isip ko. LAHAT. Ang lahat nang iyon dahilan kung bakit cool siya.

'Ano nga ba'ng meron ka at ganoon na lang ang naging galit ko sa 'yo noon? Hindi ko tuloy maintindihan ngayon kung pagsisisihan ko bang ginawa ko pa ang mga 'yon o magpapasalamat ako dahil kung hindi ko ginawa 'yon noon, hindi ko mararamdaman itong napakasarap na pakiramdam na nararamdaman ko ngayon--Waaaaaa!'

Natigilan ako sa pag-iisip at sumama ang tingin kay Taguro! Pakiramdam ko ay bigla kong hinabol ang hininga ko at nagngitngit bigla ang kalooban ko!

'Hell no! Heeell no! A-Ano ba 'tong naiisip ko? Tsk!'

Pakiramdam ko ay kinilabutan ako sa sarili kong naisip. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong makakapag-isip ng ganoon at mararamdaman ko na lang ang pagsisisi sa t'wing magigising ako.

Muling nagpatuloy ang panonood ko ngunit nagulat pa ako no'ng makitang si Samantha na ang titira. Malaki ang pagkakangiti sa mga labi niya no'ng sunod sunod niyang maihulog ang mga bola. Matinding palakpakan ang iginawad sa kaniya nitong nasa paligid ko at karamihan ay iyong mga nasa likuran ko.

Hiyaw rito, hiyaw roon ang ginawa nila. Palakpakan at kalampagan. Anomang nakapagbibigay ingay bilang suporta sa taong hinahangaan ay ginawa nila.

Kumaway pa si Samantha sa gawi namin at nagtilian at naghiyawan ang mga babae't lalaking nasa paligid ko. No'ng muling yumuko ito ay sunod sunod na naman niyang naipahulog ang tatlong bola at walang sablay maski isa.

"REYNA NG BILYARAN! SAMANTHA!"

"GO, SAMANTHA!"

"WOOOOH! ANG GANDA MO, SAM!"

"GO, SIS!"

Nakangising yumuko si Samantha at sa isang mabilis na kilos ay tumira siya ngunit sumablay. Agad na nawala ang ngisi sa labi niya at dumeretso nang tayo. Kumuyom ang mga kamay niya habang nakatitig pa rin doon sa mga bola na animong tinatanong ang mga ito kung bakit hindi sila nagpahulog.

Agad na tumayo si Taguro at kitang kita ko kung paanong tinanguan niya pa si Sam bago pumuwesto sa harap ng mesa. Nilingon ko si More at gaya kanina, nakangiti pa rin siya habang nakataas pa ang labi.

"WAAAAAAAAAA!"

"GO, TAGURO!"

Muling nagsigawan ang mga tao kaya naman natutulirong tiningnan ko si Taguro ngunit deretso na ang tayo niya at may inilalagay na kung ano sa dulo no'ng cue stick niya. Sa tingin ko ay nakakabilib na naman iyong ginawa niya kaya ganoon na lang ang hiyawan nila. Pinagmasdan ko ang mukha ni Taguro at natigilan pa ako no'ng makita kong bahagya na siyang nakangiti ngayon.

'Ano kayang nangyari?'

Nilingon ko si Sam at siya na ngayon ang salubong ang mga kilay habang pinapanood ang pagtira ni Taguro. Muling pumuwesto si Taguro at sa isang yukuang ginawa niya agad siyang tumira. Shoot! Dalawang magkasunod na bola.

'Wow.'

"TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO!" 'Ayon na naman iyong maingay at malakas na sigawan.

Hindi ko naisip na pabibilibin ako ng ganito ni Taguro ngayon. Tama nga ang mga sinasabi nila dahil ako mismo ay nakikita ko ang mga ginagawa niya at kahanga-hangang talaga. Sa pagkakakilala ko rin sa billiards ay wala akong kilalang babaeng nahilig sa billiards bukod kay Noona na hindi naman talaga marunong pero interesado. Siguro ay dahil na rin sa wala namang ganitong sports sa 'min no'ng mga nakaraang taon.

Mabilis na tumakbo ang oras at ang Race to 9 na laban ay unti-unting nalalagas. Tatlong puntos na lang ay panalo na si Taguro habang four naman ang score ni Sam.

'Mahusay ka nga, Taguro. Nakakabilib.'

"Para maging magaling sa billiards ang isang manlalaro, kailangan niyang magkaroon nang matalas na pag-iisip." Ani More.

Ikinabigla ko ang biglaang pagsasalita na naman niya kaya naman hindi ako nakasagot agad. Nasa mga manlalaro ang paningin niya na hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung sino sa mga ito ang hinahangaan niya.

"Kailangang maging mautak ka," dagdag pa niya. "Dahil kung ano 'yong nasa isip mo, 'yon mismo ang gagawin mo." Nakangiti pa ring sambit niya 'tsaka niya pa lang ako nilingon at nagsalubong ang mga paningin namin. "Ang pagpaplano ng tira na gagawin mo ay bubuuin mo muna sa isip mo. At sa ilang segundong pagitan mula sa pagpaplano ay kailangan mong maisagawa 'yon sa pamamagitan ng pagtira."

'H-Hindi ko po maintindihan. Basketball player po ako, MVP pa nga, eh. Tch.'

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa at hindi ko malaman kung ano anong paraan ako sasagot sa kaniya. May kakaibang pakiramdam na idinudulot sa 'kin ang presensiya niya. Para bang sinasabi nitong makinig lang ako nang makinig sa kaniya.

"Hindi ito gaya nang ibang sports. Ang billiards kasi ay kailangang mapredict mo ang mangyayari. Ang magiging posison niyong mga bola oras na tumira ka. Kasama sa plano mo kung saan mapupunta ang pato at iyong iba pang mga bola. Hindi puwede ang basta bastang tira dahil may tinatawag na tamang pagpupulso riyan. May malumanay tira, mayroon namang malakas. Mayroon din siyempre iyong tira na basta basta. Sa larong ito kasi, kaunting pagkakamali mo ay maaaring hindi ka na makatayo at mapunta ang pagkapanalo sa kalaban mo."

'Ah, kaya pala hindi na nakatayo si Sam? Hahaha.'

"Bago mo pahulugin ang isang bola, kailangang may plano ka na kung paano mong pahuhulugin iyon kasunod niya. Tapos ay sunod sunod na."Dagdag niya.

"Ang hirap naman no'n?" Kunot-noong palag ko at natawa siya. "Ibig sabihin, hindi ko pa man naihuhulog 'yong number 2 kailangang alam ko na kung paano kong pahuhuluhin iyong number 3?"

"Exactly," tumango pang tugon niya. "Kung iyong dos ang ihuhulog mo, kailangang prepared ka na sa tres. Kailangang maging eksakto ang paghinto nang pato kung saan magiging madali para sa 'yong maihulog ang mga bola. Pero gaya nang nauna, bago mo pahulugin ang tres, kailangang may plano ka nang tira para sa kuatro. Tapos ay sunod sunod na, paulit-ulit lang. Kung iniisip mong madali ay nagkakamali ka, mahirap 'yan."

'Tch! Gano'n ba kahirap 'yon? Eh, bakit parang tira lang siya nang tira?'

"Bibihira sa babae ang nagbibilyar kaya naman no'ng malaman kong may laro ngayon ay pinanood ko na." Dagdag pa niya 'tsaka muling humalakhak.

"Ah, hehehe, 'yon nga po ang naisip ko, eh. Bihira sa kanila ang naglalaro nang ganitong klase ng sports. Ang totoo, ngayon lang nakasali ang billiards sa sports namin. Isinali raw nang Luna University."

"Oh, narinig ko nga ang tungkol diyan," nakangising aniya. "Mabuti naman at naisali nila. Naipapakita nang mga marurunong sa linyang ito ang talento nila. Hindi ba?"

"Oo nga po. Hindi ko nga alam na may schoolmate akong marunong maglaro, eh." Patungkol ko kay Taguro, hindi naman siya nagsalita kaya nilingon ko si Taguro. Sunod sunod pa rin ang pagpapahulog nito nang bola kaya napangiti ako at hindi ko na 'yon maiwasan. "Minsan pala, nakakabilib din 'yong mga hindi mo inaasahan." Wala sa sariling sambit ko habang nakatuon ang paningin kay Taguro.

"Hindi inaasahan? Hmm. Gaya nang ano?" Tanong ni More ngunit hindi ko siya nagawang lingunin. Inulit ko ang tanong niya sa isip ko at lalo akong napangiti.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit naging kumportable bigla ang pakiramdam ko at nagustohan ko ang magsalita.

"Ang totoo, ako ang nagsali ro'n sa babaeng 'yon sa larong 'to kaya siya naging manlalaro ng school namin," nakangiting sambit ko habang nakaturo kay Taguro.

Nilingon ko si More at nakangiti na siya sa 'kin bagaman hindi nagsasalita. Nakaangat na naman ang labi niya at gayon na rin ang parehong kilay niya. 'Tsaka napapailing na tumingin muli roon sa mga naglalaro.

"Hindi ko akalaing sa huli ay ako 'yong mapapahiya dahil marunong pala siyang magbilliards. At hindi lang marunong kundi magaling na magaling pa," dagdag ko.

"Mm? Why did you do that?"

"Nakakahiya mang sabihin pero ginawa ko 'yon para asarin siya at galitin. Pero hindi ko inaasahang sa huli ay ako 'yong mapapahiya. Hindi lang sa kaniya kundi pati na rin sa sarili ko."

"Bakit ka naman napahiya?"

Napangiti ako. "Dahil gumawa ako nang kalokohang ikapapahiya ko rin sa huli. Hindi ko kasi alam na marunong siyang magbilliards no'ng isali ko siya rito. Ang inaasahan ko ay magkakandarapa siya sa paglalaro ngayon pero heto siya ngayon. Ilang puntos na lang at siya na ang panalo."Sinulyapan ko pa si Taguro.

"Mm, eh, di siya pala ang dahilan kung bakit nandito ka at nanonood ng bilyar habang halata namang isa kang basketball player?" Aniya na pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko.

Napatingin naman ako sa jersey uniform ko. "A-Ah, yeah, hehe. Gusto ko rin kasi siyang panoorin dahil ito pa lang 'yong unang beses na mapapanood ko siya."

"Talaga?"

"Yes, hehehe," pilit ang ngiting tugon ko at tumangu-tango naman siya. "Eh, ikaw, More? Bakit kayo nandito?"

"Nandito ako para panoorin ang anak ko."

"Ah, talaga?"

"Mm, gusto kong makita ang bawat laro niya. Masarap kasi sa pakiramdam 'yong pinapanood mo ang anak mong laruin 'yong paboritong sports niya. Habang naririnig mo 'yong mga papuri nang mga tagahanga niya. Bilang isang magulang ay nakakatuwa 'yon at masarap sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita mong kahit nasa malayo ka ay maayos ang anak mo't marunong sa iba't ibang bagay." Puno nang paghangang aniya at namangha naman ako doon.

Hindi ko napigilang isipin sina Mommy't Daddy na nandito rin para panoorin ako.

"Ganoon pala ang iniisip ninyong mga magulang," namamanghang tugon ko.

"Oo naman, bakit?"

"Nandito rin kasi ang parents ko para panoorin ako. Naisip ko lang na siguro ay ganiyan din ang naiisip nila sa 'kin. Mahal na mahal kasi ako ng parents ko, lalo na no'ng Mommy ko, hehehe."

"That's nice, wala namang dahilan para hindi ka nila mahalin. Anong oras nga pala ang laro mo?"

"Ah, alas dies pa po, pagkatapos nito."

"I see, galingan mo."

"Oo naman, yes. Inspired, eh," nakangiting tugon ko habang nakatingin kay Taguro. "Kaya gagalingan ko talaga. Hehehe," pakiramdam ko ay kay Taguro ko mismo sinabi 'yon. Hindi sumagot si More kaya naman nilingon ko siya ngunit nagulat ako no'ng makita kong nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti rin. "B-Bakit po?"

"Do you like her?"

"E-Eh?" Maang-maangang tugon ko.

"That girl..." Turo niya kay Taguro at doon bumilis ang tibok ng puso ko. "Do you like her?" Nakangiting tanong niya ngunit hindi ako nakasagot. Muli kong tiningnan 'yong itinuturo niya at talagang si Taguro 'yon.

'D-Damn it, ganoon ba talaga ako kahalata? B-Bakit pati siya ay nahulaan? Putsa, baka pati si Taguro ay nahahalata na ako? Badtrip! This is embarrassing, Deib Lohr! Baka lalo kang asarin no'ng hambog na 'yon!'

"It's okay," dagdag niya dahilan upang matinag ako. "You don't have to answer my question," aniya pa 'tsaka muling tumingin doon sa mga naglalaro.

Kabado naman akong napatitig sa kaniya 'tsaka nagmadaling tumingin kay Taguro na patuloy pa rin sa pag-ikot sa mesa bago tumira.

"S-Sorry, hindi ko inaasahang tatanongin niyo ako ng ganoong tanong. Nabigla ako," mayamaya ay nagsalita rin ako. "Ang totoo, kahit ako ay hindi ko sigurado kung tama ba 'yong nararamdaman ko." Wala sa sariling pag-amin ko.

"Mm?" Parang nagulat pang aniya. "Bakit naman?"

Sandali akong natigilan at napaisip kung dapat ko ba 'yong sabihin sa kaniya. Tumingin uli siya ro'n sa mga naglalaro at ngingisi ngising humahanga. Lumingon ako sa mga nasa likuran at nasisiguro kong wala akong kakilala sa mga ito. Imposible rin ang marinig nila ang anomang usapan namin dahil masiyado silang maiingay.

'Tch! Hindi ko naman kilala 'to, eh. Ayos lang naman siguro kung sasabihin ko sa kaniya. Hindi naman kami magkakilala at hindi ko matandaan kung nakita ko na nga ba siya o hindi pa. At isa pa, tagarito naman ang anak niya, hindi naman na kami magkikita oras na matapos itong inter high. Sa tingin ko ay may mai-a-advice siya sa 'kin na mas matured kumpara sa mga advice ni Tob na mas lamang ang pang-aasar! Tch!'

"H-Hindi ko kasi alam kung gusto ko na ba talaga siya," nahihiyang panimula ko.

Nilingon niya naman ako. "Sinasabi mo bang hindi ka sigurado sa nararamdaman mo?"

"Ganon na nga, Sir--"

"Stop calling me Sir."

"Sorry, More."

"Hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa kaniya pero nandito ka para panoorin siya?"

"A-Ah, ang totoo ay palabas na sana ako no'ng--"

"Sshh..." Pagpapatahimik niya sa 'kin. "Hindi mo talaga masisiguro ang nararamdaman mo dahil ikaw mismo ay nagsisinungaling sa sarili mo," pagdederetso niya at napamaang naman ako. Humalakhak siya. "Mahihirapan ka talaga dahil puro ka dahilan. Hindi mo malalaman ang totoo dahil ikaw mismo ang kumukontra sa sarili mo, hijo."

"Puwede ba 'yon?"

"Oo naman," humalakhak uli siya. "Dahil natatakot kang malaman 'yong nararamdaman niya sa 'yo," nakangiti ngunit seryosong aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Pakiramdam ko ay mas kinabahan ako no'ng bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay tama 'yong sinasabi niya kaya ganito ang naging reaksiyon ko.

Tiningnan ko pa muna siya bago nakapag-isip.

'Tutal, litong lito ka na rin naman sa nararamdaman mo, bakit hindi mo subukang magbahagi sa kaniya? Hindi mo naman siya kilala at hindi mo na makikita pa! Maniwala ka sa 'kin, Deib Lohr, dahil mukhang mas ayos siya kumpara kay Tob!'

"Hindi po kasi kami okay."

"Huh? Paanong hindi okay?"

"Magkaaway po kasi kami. Mortal enemies in the past."

Humalakhak uli siya. "Talaga?"

"Opo, hindi ko inaasahang m-mahuhulog ako sa kaniya. This is unexpected and unacceptable at the same time. Tch!"

"But it's inevitable." Agad na tugon niya. Sandali akong natiligilan. Nakangiti siya sa 'kin at saka nagbuntong-hininga. "Minsan kasi ay posibleng magustohan mo ang taong ayaw mo," humalakhak na naman siya. "Nakakatawa pero totoo. Nangyayari talagang ang taong minsan mong kinamumuhian ay magustohan mo rin kalaunan. Lalo na kung may mga bagay siyang nagawa na maaaring maging dahilan upang magustohan mo siya nang tuluyan."

'Marami nga po. Tch. Maraming dahilan.'

"Aminin man natin o hindi, tayong mga lalaki ay nagkakaroon nang interes sa mga babaeng nakagagawa nang mga bagay na hindi natin inaasahang magagawa nila. Babae siya at lalaki ka. Bibihira ang babaeng magkakaroon nang lakas ng loob na makipag-away sa 'yo lalo na't..." Tiningnan niya pang muli ang kabuuan ko dahilan upang mapatingin din ako sa katawan ko. "Mukhang may kaya ka." Nakangiwing dagdag niya. "Halata namang nagmula ka sa mayamang pamilya. Ano'ng lakas ng loob ang mayroon siya para makipag-away sa 'yo imbes na katakutan ka?" Muli siyang humalakhak. "Maaaring nadali niya iyong interes mo dahil iba siya kumpara sa nakararami."

'Tama siya! Paano niyang nalaman 'yon?'

"Hindi ka nalilito sa nararamdaman mo," aniya pa at lalo akong natigilan. "Ang totoo niyan ay alam mo nang gusto mo siya. Hindi mo lang talaga matanggap na mahal mo na siya."

"S-Sir--I mean, More," natutulirong sambit ko. "Hindi ko siya mahal."

"Mm, talaga?"

"Talaga!" Agad na tugon ko at saka nakangusong sinulyapan si Taguro. Pakiramdam ko ay panandalian huminto ang oras at kaming tatlo lang ang nandito. "Hindi ko pa sigurado kung kaya ko siyang mahalin dahil masiyadong komplikado ang pagkatao niya. Mas lamang iyong mga bagay na hindi namin mapagkasunduan. Tch! Ni hindi nga ako sigurado kung may mga napagkasunduan ba kami, eh," umiling iling pa ako 'tsaka bumuntong-hininga. "Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang puwede kong magustohan sa babaeng 'yan. Wirdo siya!"

Napahalakhak na naman siya. "Don't rush things up, young man," nakangiting aniya. "'Wag kang magmadali. Sa ngayon ay hindi mo talaga maiintindihan 'yan dahil nalilito ka kamo. Pero darating iyong oras na maiintindihan mo ang punto ko. Hindi ko sinasabing tama ako pero may mga nabanggit naman akong makapagpapatunay na totoo ang mga 'yon."

'Medyo nalito ako, More, ano?'

"Sa tingin ko ay mas magandang huwag mo na lamang munang isipin kung gusto mo ba talaga siya o hindi--kung mahal mo ba talaga siya o hindi. Dahil ang pinakamagandang gawin ngayon ay i-enjoy kung ano ang nararamdaman mo sa puso mo," aniya pa.

'Tch! Eh, parang ganiyan din 'yong sinabi ni Tob, ah? Nakakainis! 'Yan ba talaga ang dapat kong gawin?'

"Kasi kung tama nga ang sinabi mong hindi mo siya gusto o hindi mo nga siya mahal. Kusang mawawala 'yang pagkalito na nararamdaman mo," dagdag niya.

'Tch! Kailangan niya pa ba talagang diinan 'yong mga sinasabi niya? Tsk!'

"H-Hehehe, sa tingin ko nga ay 'yan ang pinakamagandang gawin ko sa ngayon," pilit ang ngiting naisagot ko.

"Mm, wala namang mawawala. Hindi niya naman alam na ganiyan ang nararamdaman mo para sa kaniya, hindi ba?"

"Hindi nga po."

"Kung ganon ay i-enjoy mo na nga lang 'yong tuwang nararamdaman mo kapag nakikita mo siya. Sana nga lang ay huwag umabot doon sa puntong--kung kailan hindi ka na nalilito, huli na ang lahat para masabi mo ang totoo. Dahil mas mahirap na desisyon na ang kailangan mong gawin kapag nagkataon."

"A-Ano ang ibig niyong sabihin?"

"Baka kasi maubos ang oras mo kaiisip kung gusto mo ba siya o hindi. Sa halip, ilaan mo 'yong oras na 'yon sa pagpaparamdam sa kaniyang gusto mo siya."

Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya at pakiramdam ko ay ang tanga tanga ko.

"H-Hahahaha!" Kaya naman tawa na lang ang naisagot ko na bahagya niyang ikinagulat kaya nakaramdam ako nang pagkapahiya.

Naglihis ako ng tingin at nasalubong ko ang paningin ni Taguro! Nakatingin siya sa 'kin habang nagtitisa!

'A-Ano ang itinitingin tingin mo riyan?'

"She's looking at you," humalakhak pang ani More ngunit hindi ko siya nagawang lingunin.

Sunod sunod ang naging paglunok ko. Pakiramdam ko ay kinikiliti ang puso ko habang pumapatak ang segundong nakatingin kami sa isa't isa ni Taguro. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang idinudulot niyon sa 'kin.

'Bakit siya nakatingin sa 'kin?'

Sa araw na ito ay iyon ang unang beses na tumingin siya sa 'kin na nakikita ko. Ikinunot ko ang noo ko at binigyan siya ng nagtatakang tingin ngunit yumuko na siya upang tumira.

HULOG!

"WAAAAAAAAAAA!"

"GO, TAGUROOOO!"

Doon lang ako nakabalik sa reyalidad. Nangibabaw muli sa pandinig ko ang ingay ng paligid, hindi gaya kaninang magkausap kami ni More. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng tao at naiwan kaming tatlo nina Taguro.

Nilingon ko ang score board sa bandang itaas at nakita kong 8-4 na 'yon. Isa na lang at panalo na si Taguro.

Mas naging maingay ang mga nanonood no'ng maihulog na naman ni Taguro ang dalawa pang bola at nuebe na lang ang matira.

"MAXPEIN FOR THE WIN!"

"SHOCKS! IDOL NA TALAGA KITA!"

"GRABE, KINIKILABUTAN AKO!"

Muling pumuwesto si Taguro at doon agarang natahimik ang kaninang mga nag-iingay. Pumuwesto siya sa kabilang gawi no'ng table kung sa'n bahagya siyang nakatalikod kay Samantha. Umiling siya at saka tinalikuran ang mesa. Nakangiti siyang lumapit sa silya niya at inabot ang bote ng tubig na nakapatong doon. At animong lalaking tinungga iyon.

"WAAAAAAAAAA!"

"ANG CUTE MONG NGUMITI!"

"ASTIG KA!"

"TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO!"

Nagpaulit-ulit ang kasisigaw nila nang TAGURO habang hinihintay na bumalik ito sa mesa para tumira.

'Nakakainis! Sinabi nang gusto ko ay ako lang ang tatawag sa kaniya ng Taguro, eh!'

"BAKIT BA TAGURO ANG TAWAG NILA KAY PEIN?" Natatawang tanong niyong nasa likuran ko at bahagya naman akong napalingon sa gawi nila.

"HAHAHA! HINDI KO NGA RIN ALAM, EH, KANINA PA SILA TAGURO NANG TAGURO."

"ANG WEIRD LANG."

'Dahil sa 'kin! Tch!'

"OH MY GOD, NANDIYAN SI RANDALL!"

Nangibabaw ang tilian nang mga babae at animong may dumating na artista no'ng magsipagtayuan ang mga ito at sumilip sa gawing 'yong ng entrance. Mula sa kinauupuan ko ay natatanaw ko si Randall at nakatingin siya kay Taguro.

'Tch! Anong ginagawa niya rito?'

Natigilan ako sa sarili kong naisip no'ng maalala kong school nga pala nila ito. Nagngitngit ang kalooban ko dahil sa presensiya ni Randall ngunit animong nagkaroon ng himagsikan sa dibdib ko no'ng makita kong nakatingin sila sa isa't isa ni Taguro.

"WAAAAAAAAA!"

"NAKAKAKILIG!"

"EX-LOVERS! YAAAA!"

"MULING IBALIK!"

Inis kong nilingon 'yong huling sumigaw ngunit ang lakas ng loob nitong ngitian pa ako na animong kinikilig.

'Muling ibalik--your face! Pangeeet! Tch!'

Inis akong lumingon kay Taguro ngunit agad akong natigilan no'ng makita kong nakatingin na siya sa 'kin! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi ko talaga napigilan ang mapangiti. Buti na lang at nag-iwas na siya ng tingin kaya hindi niya nakita 'yon.

'Akala mo ay ikaw lang ang titingnan ni Taguro? Ha! Tch! Dalawang beses naman siyang tumingin sa 'kin! Hahahahahahahaha! Galingan mo, Taguro!'

Pumuwesto muli si Taguro sa harap nang mesa at dahan dahang niyang iniangat ng bahagya ang isang bahagi ng katawan niya 'tsaka marahang pumatong sa mesa. Unti-unti niyang iginalaw ang stick niya at sa isang mabilis na tira ay nahulog ang huling bola!

Tumunog ang buzzer at naghiyawan ang mga tao. PANALO si Taguro.

"KYAAAAAAAH!"

"ANG GALING!"

"I KNEW IT!"

"TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO! TA-GU-RO!"

Kasunod nila ay sunod sunod din na nagtunugan ang buzzer niyong mga manlalaro mula sa ibang school. Natinag ako no'ng tumayo si More at nakangiting pumalakpak nang pumalakpak kaya naman gumaya ako.

"Hindi ko inaasahan 'to!" Gulat na sambit niyong nasa tagiliran ko. "Ang buong akala ko ay si Sam na talaga ang mananalo."

"Ganiyan nga rin ang naisip ko dahil ang tagal na raw hindi naglalaro ni Pein nang billiards."

"Dinig ko nga rin, bakit nga ba?"

Hindi ko napigilan ang sarili kong pakinggan ang usapan niyong mga nasa tabi ko.

"Kasi ang balita ko, mula no'ng magbreak sila ni Randall ay hindi na siya naglaro pa. As in inihinto na niya."

"Bakit naman kaya?"

"Siguro dahil ayaw niya nang maalala si Randall? Hindi ba't hobby nila pareho ang paglalaro ng billiards?"

"Sayang talaga silang dalawa, bagay na bagay pa naman sila noon," dinig ko pang sabi no'ng huli at saka sila sabay sabay na bumaba sa bleachers.

Napatingin ako kay Taguro at pareho na silang nakatayo ni Sam sa mismong gitna no'ng court. Hindi ko maintindihan ang sinasabi no'ng announcer pero sa tingin ko ay binabati nito si Taguro sa pagkapanalo. Nanatiling maingay ang buong gym ngunit hindi niyong mabasag iyong mga narinig kong naiwan sa isip ko.

'Simula no'ng magbreak sila ni Randall ay hindi na siya naglaro? Kaya ba sinabi niyang may dalawang taon na siyang hindi naglalaro dahil ganoon na rin katagal mula no'ng magbreak sila? Tch!'

Inis akong nilingon si Taguro ngunit gaya kanina ay natigilan na naman ako Hindi ko halos madinig ang sigawan nang mga tao dahil mas naririnig ko iyong kabog nang dibdib ko. Naglalakad si Taguro papunta sa gawi ko habang nakatingin sa mismong mga mata ko!

Sunod sunod na naman ang naging paglunok ko at pakiramdam ko ay guguho ang mismong kinatatayuan ko sa sobrang kaba.

Agad akong nabalisa at hindi ko na magawang labanan ng deretso ang mga tingin niya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit naman siya ng papalapit sa puwesto ko. Gustohin ko mang umalis ay hindi ko magawang ikilos ang katawan ko. Pakiramdam ko ay unti-unti akong ipinapako sa mismong kinatatayuan ko nang dahil sa mga tingin niya. Meron sa mga mata niyang nakapagpapakaba sa 'kin. Deretso siya kung makatingin sa 'kin at bukod doon ay wala na, pero pakiramdam ko ay kayang kaya akong tunawin nang mga titig na 'yon. Ang puso ko ay parang paulit-ulit na hinihimas at kinikiliti.

'What the hell are you doing to me? Damn it! What are you staring at?'

Halos mapaiktad ako no'ng tuluyan siyang huminto sa harapan ko at umayos naman ako nang pagkakatayo. Sunod sunod muling lunok ang nagawa ko bago pa man ako magkaroon nang lakas ng loob na makapagsalita.

"A-Anong itinitingin tingin mo, h-ha?" Utal utal na tanong ko ngunit imbes na sumagot ay nginitian niya ako dahilan upang sandali akong matuliro. "A-Ano ba?"

"Tss. No'ng ikaw ba ang titig na titig sa 'kin, kinuwestiyon kita?" Nakangisi at puno nang kayabang tanong niya.

"A-Ano?"

Humalakhak siya. "Kanina mo pa ako tinititigan pero hindi kita tinanong ng ganiyan. Samantalang ikaw, simula ro'n hanggang dito, wala pa akong isang minutong nakatingin sa 'yo--ganiyan na agad ang galit mo? Tss."

"A-Anong--hindi kita tinititigan, ah?"

"Talaga?"

"Ang tigas ng mukha mo, Taguro! 'Tsaka, a-anong nagagalit? Sinong galit? Hindi ako galit! Naiinis lang ako!"

"Hindi ka naiinis, Sensui, dahil naiilang ka. Na-i-i-lang ka," pagdidiin niya pa!

'I can't believe this damn girl! Damn it!'

"H-Hoy, baka nakakalimutan mong i-ikaw itong lumapit sa 'kin dito?"

"Sino namang may sabi sa 'yong ikaw ang nilapitan ko? Oo, nakatingin ako sa 'yo pero hindi ikaw ang nilapitan ko rito."

"Tch! Nandito ka na nga sa harapan ko, eh, tatanggi ka pa?"

"Tss. Baka hindi ikaw ang ipinunta ko?" Sarkastikong aniya pa dahilan upang bahagya akong mapahiya. "Assuming ka talaga, eh, 'no?"

"Ano?!" Singhal ko.

"Assuming ka, eh, 'no?"

'Inulit pa! Ang tibay! Tsk!'

"A-Anong assuming? 'Wag ka nang tumanggi! Nilapitan mo ko! Ngayon sabihin mo na sa 'kin, anong kailangan mo? Dali!"

"Wow," namamangha kunyaring usal niya. "Assuming plus expecting equals Sensui." Dinig kong bulong niya dahilan upang magtangis ang mga bagang ko.

Batid kong hindi lang kaming dalawa ang nakakarinig nang bulyawan namin at nakakahiya ang katotohanang iyon. Batid ko ring may mga matang nakamasid sa 'ming dalawa lalo pa't kapapanalo lang niya at ako agad ang nilapitan niya.

Hindi ako nakapagsalita at halos huminto ang paghinga ko no'ng makita kong ngingisi ngising nakatingin sa 'min si More habang nagpapalipat-lipat ang paningin sa 'ming dalawa ni Taguro. Nanginig bigla ang mga kamay ko at hindi ko malaman kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi na nakatingin sa 'kin si Taguro pero hindi ko naiwasang tingnan silang dalawa.

At doon ko napansing ang laki nang pagkakahawig nilang dalawa!

'Damn it! Ang bobo ko!'

"Bakit nga ba magkausap kayo nito, Dad?" Tanong ni Taguro at ang huling salitang 'yon ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko.

'Dad?'

'Dad?'

'Dad?'

Napamaang ako sa kanilang dalawa. "D-Dad? Daddy mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaturo kay More at nakatingin kay Taguro.

Taka naman akong nilingon ni Taguro at kunot-noong tinitigan ako.

"Tss. Parang ayaw mo pa, ah?" Sarkastikong tanong niya dahilan upang mas mapanganga ako.

"A-Ano?"

"Oo, Daddy ko siya. Bakit parang ayaw mo pa? Tss."

Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay More at talagang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon nang dahil sa sobrang kahihiyan!

'Damn it! Bakit hindi niya sinabing ang tinutukoy niyang anak ay si Taguro? Kung kailan nasabi ko na ang lahat lahat sa kaniya? Damn it!' 

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.1K 69 6
Outbreak Series #1 [ the virus called numero : jevo & sia ] tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...