Lost Love In Silence | Colleg...

Av NiniInkwell

3.5K 157 200

"It hurts so much to love you, I almost died." I, Maxine Reyes, am a law student, and life hasn't been easy... Mer

Disclamer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 14

62 3 0
Av NiniInkwell

I wore a white crop top with oversized jeans like always, inihanda ko ang mga gamit ko sa bag ko, at lumabas ng bahay.

Papasok na naman ako sa klase. Medyo nakaramdam ako ng tensyon at kaba. Pero sa tingin ko kakayanin ko.

Nakarating na ako sa UP. Bumaba na ako sa sasakyan pagkatapos ng trenta minutong biyahe. Medyo nagtaka ako dahil hindi ako nakaramdam ng pagkabalisa.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng campus. Pumunta ako sa building, sa classroom ko, tapos dun ko nakita yung mga kaklase ko na nakikita ko dati everyday.

Magiging honest ako ngayon, medyo masaya ako. 

Nakangiti sa akin ang iba, at ang iba naman ay lumapit sa akin. Akala ko kung babalik ako dito makikita ko ang kabaligtaran na reaksyon, ngunit nagkamali ako. Naging close silang lahat noong wala ako, at lahat sila ay komportable sa isa't isa.

Nagsimula ang unang talakayan tulad ng dati. Kinausap pa nga ako ng propesor, tinanong ang aking kapakanan, at natutuwa akong malaman na ang mga tao sa campus na ito ay talagang nagmamalasakit sa iba.

Naging smooth ang unang araw ko na sinundan pa ng marami, at nagkaroon pa ako ng pagkakataon na tapusin ang lahat ng mga sumusunod na aktibidad na ibinibigay ng aking mga propesor.

Ang mas maganda pa ay sa wakas ay nakalaya na ako sa trauma na natamo ko. I was living a normal life again, and hung out with Angel after class... And about Andre? Medyo may crush pa rin ako sa kanya, o baka wala na.

Wala lang talaga akong nararamdaman tulad ng dati, tulad ng paghahanap sa kanya sa gitna ng campus, o kahit na wala na siya gustung-gusto ko pa rin siyang hanapin. Pero ngayon, parang wala akong nararamdamang ganoon.

A month has passed, and I have never seen Andre and Hiro, and it's not because I don't want to, because everything has changed since I came back to my old self. Angel said Andre and Hiro are in different departments. Pero kahit hindi, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.

I really do want to see Andre, and I'm not gonna lie na sobrang miss ko na siya.

"Yes naman, new version of Maxine na ba itez?" Mapangasar na tanong ni Angel.

Inirapan ko lang siya at pinandilatan ng mata. "Tigilan mo nga ako, Angel, nabi-bwisit ako." Inis kong bulalas.

"Aba, kawawa ka naman, bakit?" Nang-aasar na naman niyang tanong.

"Pagod na akong makita ang mukha mo, eh." Sarkastikong tugon ko.

Hinampas niya ang braso ko kaya tinignan ako siya ng masama.

"Bwisit ka, kung hindi lang kita matalik na kaibigan ay itinapo na kita sa kanal!" Singhal sa akin ng babae habang nakanguso.

Natatawa akong nagsalita. "Putanginang mukha 'yan, pang dog show." At buong araw nanaman kaming nagbardagulan ni Angel.

After one month, wala na talaga akong narinig na updates kina Andre at Hiro. Namuhay na naman ako ng masayang buhay, wala man lang problema. Or so I thought.

"Midterm na!" Sigaw ko habang ibinagsak ang sarili ko sa aking kama.

"Ahh, ayoko nga magreview, e!" sigaw din ni Angel pagkaupo niya.

Pareho kaming nakanguso na parang paiyak na. Sobrang nakakapagod pala talagang maging college, report doon, repost dito.

Sobrang daming subjects at nakakapagod aralin ng sunod-sunod. Halos mamatay na ako sa kakasunog kilay, Kailangan ko pang i-memorize ang terms of law. Eh, napaka-dami nun!

Ngayon ay katapusan ng linggo at mayroon akong isang buong araw na pahinga bago gawin ang aking mga ulat para sa lunes. Pumunta ako sa bahay namin para maghapunan kasama si mama dahil day off niya. 

Hindi nagtagal napansin ko kung gaano katahimik si mama simula nung dumating ako, hindi tulad dati na marami siyang itatanong.

"Ma, anong problema?" Tanong ko agad sa kanya na binaba ang kutsara.

Agad siyang lumingon sa akin at napangiti. "Wala, nak, continue eating."

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin since wala naman ang mga maids for their day off. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay dali-dali akong lumapit kay mama at kinausap.

"Ma, alam kong may nangyari, ano po?" nag-aalalang tanong ko.

Pero umiling lang siya at bumuntong hininga. She smiled per hlatang napipilitan lang siyang ngumiti.

Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. "Ma, sabihin mo sa akin"

Nag-aalangan siyang nakatingin sa akin. At alam kong may nangyari, hindi sa kumpanya niya... "Si dad ba?" deretsong tanong ko.

Napabuntong-hininga siya, ngunit pagkatapos ay tumango siya. Tama nga ako, baka binantaan na naman siya ni dad. Pero para saan?

"Anong deal niya sayo this time?" matapang kong tanong ulit.

"Gusto ka niyang kunin sa akin, Maxine." Sagot ni mama na ikinagulat ko.

Tumingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala at umiling. "Ma, you have the government custody, hindi niya ako puwedeng kunin ng basta-basta."

Umiling ang mama ko. "Basta, anak, I'll do anything para hindi ka niya makuha sa'kin."

After that day, I went back to my new dorm. It is located by a secluded area so I can go in and out without feeling any fear.

I tried to contact some guards at home for mom, but I told mom, and she agreed. I'm also not sure about my well-being, so I've also hired a guard who can watch over me. 

Mom also hired a driver for me so that I don't have to commute. And everything is under control. There are no bad warnings around. But we were just watching the surroundings in case someone tried to approach.

Nakaupo ako sa loob ng star bucks habang gumagawa ng essay. And it's my usual day after class. Hindi na kami masyadong nakakalabas ni Angel since malapit na ang midterm. 

Abala ako sa paggawa ng essay ko nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Hiro na nakatayo sa harapan ko.

Laking gulat ko ng makita ko siya. Napangiti ako ng malaki at bigla siyang niyakap. Pagkatapos ng ilang buwan na hindi ko siya nakita, naging masaya ako. Hindi ko alam kung galit pa rin siya. Pero masaya ako ngayon dahil nagkita ulit kami.

"Geez, woman, chill..." Kalmadong sabi ni Hiro habang pinulupot din niya ang braso niya sa katawan ko.

"Anong nangyari sa'yo?"  Bumitaw ako at tinanong siya.

Isang malaking ngiti ang ipinakita niya sa akin. "Nagpahinga lang ako ng matagal, wala naman masyado." 

napangiti ako. Pero napataas ako ng kilay nang mapansin ko ang maleta niya.

"Aalis ka?" Nag aalangan kong tanong. 

Napatingin siya sa kung saan ako nakatingin at tumango. "Kailangan ako ng papa ko sa japan, eh." Napawi ang ngiti niya habang malungkot na nakatingin sa akin.

Nabanggit nga ni Andre na may problema siya sa pamilya noon pa man. At siguro iyon ang dahilan kung bakit aalis ng bansa si Hiro.

Isang matamis na ngiti ang ipinakita ko sa kanya. "Kailan ka babalik?" Tanong ko habang lumunok.

Tumingin siya sa ibaba at bumuntong-hininga. "Hindi ko pa alam, baka pagkatapos kong tumulong sa negosyo ng tatay ko," He paused for a bit. "O baka hindi na..."

Hindi ako nakaimik. Pero ang ginawa ko lang ay tumango. Tapos tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Sana bumalik ka, gusto kong bumawu sa ginawa ko sayo..." Nagbaba ako ng tingin pero hinawakan niya ang mukha ko at hinarap ang mukha ko sa kan'ya.

Ang malambot niyang kamay ay humahaplos sa aking pisngi habang marahan siyang ngumiti. "Okay lang, naiintindihan ko na ang nangyari. I'm sorry for not being there for you," Tinitigan niya ako sa mata at saka muling nagsalita. "Mas better si Andre kesa sa akin, you deserve him. He... He really likes you."

Agad naman akong natigilan sa sinabi niya. Para akong tinamaan ng kidlat.

Gusto ako ni Andre? Pero hindi na ako kinakausap ni Andre. Imposible kasi matagal na kaming hindi nag-uusap ni Andre. Anong nangyayari?!

"W-What do you mean, Hiro?" I stammered. I was eager to hear the man's answer, but there was some trepidation.

Pinikit ni Hiro ang kanyang mga mata at tinignan ako ng may pagtataka. "What do you mean what I mean? Andre told me he likes you, kaya hindi na kita kinausap pa."

I shivered at what he mentioned and sat down in the chair. "Aren't you going to be late for your flight?"  

Bumuntong hininga siya pero umiling. "Maxine, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Hiro.

Paano ko ipapaliwanag? 

Dahan dahan akong tumingin sa kanya. “Matagal na kaming natigil sa pag-uusap ni Andre."

Nanlaki ang mga mata ni Hiro habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Natigilan siya sa sinabi ko. 

"That jerk... He made me stay away from you and then stop talking to you? Was he planning to cut off the connection of the both of you?" Hindi makapaniwalang sabi niya. 

Ipinilig ko ang ulo ko habang lumalalim ang paghinga ko. "I don't know... Siguro ginawa niya talaga yun para mas magkaroon ako ng time para mag-isip."

Pinanliitan ako ng mata ni Hiro. "Anong ibig mong sabihin?"

Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan. "That night, I told him to tell you what happened to me and to leave me alone. In-update niya ako after that, but then he stopped updating me." I sadly explained.

"Now it's making me feel stupid for staying away from you. I really thought he stayed by your side when I distanced myself." Malungkot niyang sabi.

Ngunit ang nangyari ay napabuti sa akin. Bumalik sa dati ang lahat nang piliin kong layuan silang dalawa.

I chuckled at my foolishness. "Everything is fine now, though. Although sometimes something bothers me... But I'm fine, I swear." I chuckled habang nakatingin sa kanya.

"You deserve to be happy after all. I'm going to miss you more, shit..." He laughed at what he said.

Hiro hugged me before he left, and we also thought about keeping our connection online. 

Now that Hiro and I are fine, my thoughts have decreased. But I'm troubled because of what he said. Does Andre really like me?

Tangina naman talagang buhay 'to!

What is Andre thinking? Why didn't he talk to me? Where is he now?

Nilabas ko ang phone ko at sinimulang hanapin ang number ni Andre. Buti na lang nasa akin pa ang number niya. Nung una nag-alinlangan pa ako pero tinawagan ko siya.

Hindi agad siya nakasagot kaya tinawagan ko ulit siya. Paulit ulit. Pero wala pa ring sagot. Ngunit ito ay nagri-ring, bagaman.

And right when I was about to give up, sa huling tawag ay sinagot niya ang tawag.

"Andre! Nasaan ka ngayon?"  I asked hurriedly even though my heart almost stopped.

Andre did not answer immediately. So I waited a few more seconds.

"Sino ito?" Tanong ng boses ng isang babae sa kabilang linya.

Natigilan ako, at hindi ko alam kung paano magre-react. Babae? Bakit ako nakikipag-usap sa isang babae? Sigurado akong nasa tamang numero ako ni Andre.

"Ay, sorry, pero kilala mo ba si Andre?" I'm hesitant to ask, but I want to be sure.

"Yes, I'm his girlfriend, what do you need?"  Sumagot ang babae, at iyon ang gumuho ng mundo ko.

I awkwardly chuckled and apologized to the girl, and told her that I was Andre's classmate and needed to see him. Although I really need to see him, I can't just tell the girl that I need to see him without any reason. She is his girlfriend. 

I hung up when the woman hung up on me. I immediately put my things away and went home.

If overthinking really paid, I would probably be very rich. Tangina, why am I always late for everything? 

Noong sobrang gustong gusto ko si Andre, akala ko hindi niya napapansin iyon. Tapos naman ngayong naka move on na ako sa kaniya, saka ko naman nalaman na gusto din pala niya ako. Pero tangina, may shota na iyong tao, e. Ano pang silbi ng sinabi ni Hiro?

Naisip ko na kung makikita ko ulit si Andre at ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya noon, pwede na kaming magsimulang muli. Ngayon nagulo nanaman ang lahat.

Lagi naman, e. Tuwing may malalaman akong good news laging nauusog. Saan ba kasi ako pinag-lihi at napaka malas ko? Nakakabwisit na.

Days have passed, but I still haven't received a call from Andre. It seems that the woman did not tell him that I called. I also tried texting him, but no reply.

Me: Andre, can we talk?

Me: I want to meet you

Me: Andre, please, I really need to see you

Me: Hindi ko na matiis at maloloka na akooo

Me: Hoy potah mag reply ka naman

Me: Online pero hindi nag rereply

Me: Andre, please

Nag-spam ako ng messages sa kanya pero hindi niya pa rin talaga nakikita. Pinipilit kong pigilan ang galit ko, pero naiinis na talaga ako.

I texted Hiro about what happened, and he said maybe Andre is really avoiding me. He said that Andre never mentioned that he had a girlfriend. He said it was surprising because he replied earlier in his chats but not mine.

What was that guy thinking?!

Tinanong ko kay Hiro ang address ni Andre. At sabi nya sa isang condo daw tumutuloy si Andre. Tinext niya sa akin ang address ng condo ni Andre. At kinabukasan, nagplano akong pumunta doon. Gusto kong harapin ang lalaking ito.

Saktong papasok na ako sa malaking building nang may nakita akong pamilyar na pigura mula sa di kalayuan. At jackpot, si Andre iyon. Pero... may kasama siyang babae.

Napawi ang ngiti sa labi ko habang kumukurap ng maraming beses. Natigilan ako, at medyo may naramdaman akong kakaiba.

Nagseselos ba ako? Akala ko ba hindi ko na siya gusto? Pero bakit bigla akong nakaramdam ng selos?

Ipinilig ko ang ulo ko at iniwas ang mga isiping iyon. Nilunok ko ang kaduwagan ko at humakbang pasulong. 

Lumapit ako kay Andre na papasok na sa elevator at tinawag ang pangalan niya.

"Andre!" Malakas kong tinawag ang pangalan niya at siguradong sapat na para marinig niya.

Magsasara na sana ang elevator pero hinila ko siya palabas. Laking gulat niya sa biglaang pangyayari, at naiwan din ang kasama niyang babae sa loob ng elevator. Napaka-perpektong timing.

Tumingin siya sa akin na parang nakakita ng multo. "M-Maxine...?"

"Hindi ka ba magpapaliwanag, Andre?" tanong ko na nakakunot ang noo.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Anong ipapaliwanag ko sayo?"

Nginisian ko. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko, hindi ka nagrereply sa mga messages ko." Angal ko.

He scoffed and clenched his jaw. "I thought you didn't want to talk to me? Isn't that what you did to me before? You avoided me, Maxine, you avoided everything... or maybe you forgot about me too." Paliwanag niya habang nakatingin ng masama sa akin. Nagsisimula na ring magtubig ang mga mata niya.

"I was wrong, okay?! But my life gets better, Andre... Isn't that what you wanted? Na baka tumigil ka sa pagpaparamdam sa'kin kasi para makabalik ako sa dati?" I said tearfully.

"That's not what I intended to do... Yes, I want the old Maxine back... But I didn't expect you to be able to bear to forget me," He stopped for a moment and sighed.  "Yan ba ang paraan mo para bumalik ulit sa sarili mo, Maxine? Para makalimutan lahat ng taong nagmamalasakit sayo?"

Hindi ako makasagot. Naubusan ako ng salita. Nakatingin lang ako sa kanya, nakatitig sa mga mata niya. Kahit na maraming tao sa lobby ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Naiiyak ako, at hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya.

"Andre mahal kita... Mahal na mahal kita na hindi mo man lang makita, o maramdaman..." I cried while hugging him tightly.

Naramdaman kong tumigas ang balikat niya at yumugyog. Umiiyak din siya habang nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. Hindi ko kayang humarap sa kanya habang umaamin. Kaya tuloy lang ako sa pagyakap.

"Pagkatapos ng mga pinagdaanan ko, ikaw lang ang iniisip ko, ikaw lang. Ikaw ang naging buhay ko, Andre, ikaw lang ang lalaking nagustuhan ko sa buong buhay ko. At hindi, hindi kita kinalimutan." Tahimik akong umiiyak habang nakapulupot ang kamay sa leeg niya.

"I've tried to, but I just really can't... Noong nag-away kayo ni Hiro, akala ko kasalanan ko ang lahat. So, I chose to end our friendship and start again without involving you."

"Gusto kong kalimutan ang lahat at mabuhay muli tulad ng dati, na parang walang nangyari. It worked out, but the consequences are not having you around anymore. I missed you, I missed us. And I've tried to cross path with you again, pero hindi ako hahayaan ng tadhana na mapalapit muli sa iyo..." 

"I want to see you, talk to you... But I promised that I won't add any more problems to you or worries. I don't want you to sympathize with my problems and worry, and I also don't want you and Hiro to fight ... Because knowing Hiro, I knew that he had a crush on me even before. That's why I'm so worried that I might be the reason for the two of you to fight."

"At natutuwa akong nakikita kang maayos kasama ang isang taong mag-aalaga sa iyo. Kaya, Andre... Magpaalam na tayo ng maayos, at huwag na tayong magkita pa... Mahal na mahal kita, at paalam."

Realizing that he has to live with the woman he loves really hurts me. But what can I do? At least I've got the chance to know that he likes me too. But I really just can not ask him about that since he already has a girlfriend, and obviously, he doesn't like me anymore.

At iyon na ang huli naming pakikipag-ugnayan. Pagkatapos noon, nagpasya kaming maghiwalay ng landas. At pumayag na hindi na magkita muli. I am relief na nasabi ko na sa kanya ang lahat. Nagpasya akong tapusin muna ang midterm at pagkatapos ay lumipat sa Londo para sa isang mas maayos na kolehiyo kasama si mama. At para maayos din ang issue ng family namin kay dad.

So I guess ito na. Ang digmaan sa pagitan ng mga taong nakasalamuha ko nakakabalisang isip ko, ay tapos na...

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

616 87 36
DISCLAIMER : This story is a work of fiction‚ all of the part of the story are work of fiction. This story is all about the person who taked a reveng...
888K 41.1K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
253K 6.1K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
8.3K 347 33
FANFICTION FOR SB19STELL Waiting for someone who's not finish loving someone else yet were indeed painful, and risky. But that's th...