Lost Love In Silence | Colleg...

By NiniInkwell

4K 160 201

"It hurts so much to love you, I almost died." I, Maxine Reyes, am a law student, and life hasn't been easy... More

Disclamer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 13

65 3 0
By NiniInkwell


"Hi..."

Andre?!

Natigilan ako at nabigla. Syempre, hindi ko inaasahan na darating agad si Andre dito!

"Akala ko ba in 30 minutes?!" gulat na tanong ko.

Ngumisi siya. "Oo nga, filipino time."

Inirapan ko siya paraan para matawa siya. Kumunot ang noo ko at sumimangot.

"Bakit? What's the problem with that?" Naguguluhang tanong niya.

Bumuntong hininga ako bago magsalita. Paano ko ipapaliwanag na darating si Hiro dito ng ilang minuto?

Natahimik ako ng ilang segundo, nakatitig kay Andre habang hinihintay niya ang sagot ko.

At napagtanto ko na hindi pa pala ako handa, hindi pa pala ako nakakapili ng damit na isusuot ko! Dahil lang sa sobrang pag-iisip!

Agad akong tumakbo paakyat ng walang babala kaya nataranta si Andre. Kaya sinundan niya ako sa taas.

Paglingon ko nakita ko siya sa likod ko. Agad akong natigilan at biglang nagpanic.

"Bakit ka sumusunod?!" sigaw ko habang punandilatan siya ng mata.

Natigilan siya at itinaas ang dalawang kamay. "Akala ko kasi may nangyaring masama kasi bigla kang tumakbo, kaya... naisipan kong sundan ka." Nag-aalalang sabi niya.

Bahagya akong napabuntong-hininga at napaiwas ng tingin nang makita ang nag-aalala niyang mukha.

Hindi ako dapat tumakbo ng ganun, nagmukha tuloy akong tanga.

"Ay, hindi pa kasi ako nakakapag handa, tapos bigla kang dumating, dapat kasi nagsabi ka manlang." sabi ko habang nakanguso na umiirap.

He chuckled. "Mukha kang suso, stop making that face... and I thought you're already set up since you already look so beautiful."

Sabi niya na parang ako lang ang magandang babae sa harapan niya.

Well I am!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang hindi na ako makatayo ng tuwid. Simple lang ang sinabi niya tulad ng dati, pero sa pagkakataong ito, diretsong sinasabi niya sa akin na maganda ako!

"Sira ka talaga! Lumabas ka na muna, magbibihis lang ako." Agad akong umalis at nagmadaling pumunta sa kwarto ko.

Sinarado ko ng tahimik ang pinto. Paano kaya nasabi ni Andre ang ganoong bagay nang hindi iniisip na makakaapekto ito sa akin?!

I am already suffering to forget about my feelings for him... Pero ngayon hindi ko na kayang itago na lang!

I fakingly cried and sighed. “Pagod na pagod na ako sa pag-ibig, sa tuwing sinusubukan kong kalimutan siya, lagi naman siyang nagpapakita" Tahimik kong sinabi sa sarili ko.

Ayoko talagang mahirapan kagaya ng dati, dahil kahit kailan hindi ko talaga sinubukang kunin ang atensyon ni Andre para mapansin niya ako, pero ngayon... hindi ko na alam.

Pinipilit kong iwasang mag-isip masyado, kaya naghahanda na lang ako. Nagsuot ako ng dilaw na simpleng bistida na pumupuri sa kulay ng aking balat, nagsuot ng natural na make up, at pagkatapos ay nagsuot ng Saint Laurence heals. 

Inabot ako ng dalawampung minuto para makapaghanda, at habang ginagawa iyon, iniiwasan ko ang masamang pag-iisip, siyempre para hindi masira ang mood ko para sa araw na ito.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, pero habang naglalakad pababa, narinig kong may kausap si Andre. boses yun ng ibang lalaki.

Sumilip ako at nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap.

Shit, I'm fucked up...

Agad akong nakaramdam ng hiya ngayon, nakita ako ni Hiro, pero tumalikod lang siya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Natigilan ako nang hindi niya ako pinansin. 

Putangina naman. Hiro and I haven't even talked properly, tapos a new problem has come?

Tangina, akala ko matatapos na kalbaryo ko kasi nararamdaman ko nang magiging ayos na ako. Pero bakit parang ayaw ako pagbigyan ng langit sa kagustuhan kong sumaya? Kahit kaunting konsiderasyon naman, Lord, sumaya lang ako kasama ang mga kaibigan ko. Pero bakit tuwing sasaya ako kailangan may isang tao ang lalayo? Hindi ba puwedeng sumaya na wala akong nasasaktan na tao?

And now Hiro hates me, I lied to him that I am feeling sick and told him not to come here. Pero makikita lang niya akong may kasamang ibang lalaki, maganda ang suot. And what worst magkaibigan silang dalawa. 

I feel so terrible...

Tumahimik ako ng ilang segundo bago hinabol si Hiro. Tinawag ni Andre ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at dumiretso sa labas.

"Hiro, wait! Saglit lang, please!" Tawag ko, pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Nakalabas na siya ng gate pero nakasunod pa din ako sakaniya. Dahil naka heals ako, hinubad ko ito at agad na hinigit ang kamay ni Hiro.

"What the fuck, Maxine?!" Singhal saakin ni Hiro na agad kong ikinagulat.

"Anong bang problema?!" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Ikaw! Matagal ka nang nawala, at na-miss kita! Nag-alala ako ng matagal! Iniisip ko kung okay ka lang, kung kumain ka na, kung may pakialam ka pa ba sa pag-aaral mo!" singhal ni Hiro na ikinatulala ko.

Naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi kay Hiro ang totoong nangyari sa akin, ngayon alam ko na kung bakit parang excited na excited si Hiro na makita ako. At kung tutuusin, kaibigan ko siya.

Tahimik kaming dalawa na nakatingin sa isa't isa, kitang kita ko sa mukha ni Hiro ang lungkot. Gusto ko talagang sabihin sa kanya ang nangyari. Pero pagod na akong bumalik sa mga pangyayaring sumira ng buhay ko. 

"Hiro... I... I'm sorry..." halos pabulong kong sabi.

Tumalikod siya at narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Ganun na ba talaga ako kawalang halaga para sayo, Maxine?" Mahina at marahan niyang tanong.

Agad akong umiling. "Hindi sa ganun, Hiro... ang hirap lang ipaliwanag..."

Agad siyang lumingon sa akin at kumunot ang noo. "Then explain it, at susubukan kong intindihin."

Umiling ulit ako, at saka tumingin sa ibaba. "Hindi ganoon kadali tulad ng iniisip mo, Hiro... at hindi ko talaga kaya."

"Saakin hindi mo kaya, pero kay Andre kaya mo?" Sarkastikong tanong ng lalaki.

Agad akong napatingin sa kanya at kumunot ang noo. "Anong bang iniisip mo, Hiro? Na bigla lang akong nawala kasi gusto ko?"

He narrowed his eyes. "Hindi ba? Ni wala kang paramdam ng isang buwan."

Inirapan ko ang lalaki at napakuyom ang aking panga. "Sa tingin mo talaga? EhN wala ka nga man lang lakas ng loob na pumunta dito at the first place. Tinanong mo lang ako through chats kung okay lang ako. Habang si Andre ay nagsisikap na pumunta dito para lang tanungin kung anong lagay ko." Mata sa mata kong sabi sa kanya habang nagsasalita.

He was speechless and lost of words, tama ako. At alam ko naman na may malasakit siya sa akin, pero ni minsan ay hindi siya naglakas loob na bisitahin ako. 

At ngayon nagtatanong siya kung bakit ko sinabi kay Andre ang lahat? Syempre gagawin ko, mahal ko iyong lalaki, e. Kung tutuusin nga may pakialam pa ako kay Hiro dahil kaibihan ko siya.

"Ah, now I know, kayong mga babae kase, kapag gusto niyo ang isang lalaki, siyempre mas gugustuhin niyong makasama iyong lalaking gusto niyo. Ganun ka 'di ba?" Mayabang niyang sabi habang nakakuyom ang panga.

Natigilan ako sa sinabi niya, tama naman siya. Pero sa ngayon gusto ko talaga siyang suntukin. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o magagalit.

"For your information, sinabi ko ang lahat kay Andre, kasi kasama ko siya. Pero sa tingin mo ba mapapapaliwanag ko ang nangyari sayo through chats? Ni hindi ka nga tumawag sa'kin!" I sneered at him.

He just frowned and looked away. "Eh, di, sana ikaw ang tumawag, mahirap ba yun?"

Bigla akong nakaramdam ng pangamba out of nowhere. "Umalis ka na lang, Hiro. Sobra na, pagod na ako."

Paglingon ko nakita ko si Andre sa gate. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.

Bigla siyang lumapit sa akin. "Pumasok ka na, Maxine, kakausapin ko siya... don't worry I won't-"

"Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyari sa kaibigan mo, ayoko muna ng kausap." Walang emosyon kong sabi habang nagmamadaling pumasok sa loob at isinara ang gate sa harapan niya.

Pagod na pagod na ako sa sarili ko, sa mga tao, sa buhay, sa lahat. 

Napakagulo ng buhay ko, kahit isang bata ay masasabi kung gaano kagulo ang buhay ko. At hindi konektado sa buhay ko ang bawat pangyayari. Ang gusto ko lang ay mahalin ng tahimik si Andre.

Mamuhay ng parang normal na college student, para makapagtapos ng pagiging abogado. Hindi ko talaga naisip na maging kaibigan si Andre. O magkaroon ng kaibigan na kaibigan ni Andre.

Ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko? Pumasok naman ako sa isang unang kabanata ng bago kong journey. Pero ang lahat ay magulo.

Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay gaya ng sa senior high. 

Ano bang kailangan kong gawin? Simula nang tumungtong ako ng college ay nabago ang lahat, at sunod sunod-sunod na problema ang dumating.

Maganda naman ang approach ng new year sa'kin, ah, pero bakit naman ganun? Naging mabuting anak naman ako kay mama, matalino, at isa pa ay normal lang buhay ko noon.

Eh, ngayon? Parang halos lahat ng nangyayari nababasa ko lang sa mga libro dati.

Pagod na pagod na akong lumaban, pagod na akong sabihin sa sarili kong magiging ayos ang lahat. Pagod na akong mahalin si Andre, na kapag nasaktan ulit ako ay maulit nanaman ang nangyari.

Tama ba na ituloy ko 'tong nararamdaman ko kay Andre? Tama ba na ituloy ko ang pagkakaibigan namin? Eh, halata naman na naaawa lang si Andre sa'kin kaya gusto niyang manumbalik ang sigla ko.

Si Hiro naman, ganoon din, dahil kaibigan niya ako.

Parang naaawa lang sila sa'kin dahil nawala ako ng matagal. Hindi naman ako nagpapaawa, dahil kahit ipilit kong ibalik ang mga gawi ko noon... Hindi ko na magagawa, dahil andiyan ang pangambang hindi ako nilulubayan.

Trauma na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan, pakiramdam na laging may nagmamasid saakin, na may humahawak pa rin saakin.

Lahat ng kasuklam-suklam na nangyari noon ay lagi pa ding na sa isip ko. Kaya paano ako makakabangon muli? Paano ako makakabalik sa dati? Paano ako magsisimula ulit?

Kailangan ko ba talikuran lahat? Iwanan ang lahat at magsimula ng panibagong panimula?

Pagod na pagod na ako...

Ayoko nang mabuhay ng may pangamba.

Akala ko okay na 'ko, eh.

Turns out, I was just really gaslighting myself na ayos na ako.

Na ayos na ako dahil nakakangiti na ako, dahil nakakatawa na ako, nakikipagbiruan na ako, na nakakasama ko na si Andre na isang lalaki na walang pangamba.

Pero sa tuwing nakakasama ko naman siya ay hindi mawala sa isipan ko na, nangyari na't lahat pero bakit parang gano'n pa din? Bakit parang hindi pa rin ako safe? Bakit parang sa tuwing magkikita kami ay kailangan kong makaramdam ng self pity?

Bakit ang unfair ng mundo?

Napakaraming tanong sa isip ko na ni isa ay hindi ko masagot. Pero baka kailangan ko na talagang lumayo.

Pero baka kailangan ko lumaban? O ipilit na ibalik ang dati. Sabi naman kasi ng nakararami— ang lahat ng nangyayari ay may dahilan.

Pero paano ako magsisimula ulit?

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng makausap ko sina Andre at Hiro. Habang si Andre ay patuloy na nagme-message sa akin, ngunit inilagay ko ito sa archive.

Whereas Hiro had no clue, not even a text message saying he was sorry. I see Andre's messages to me, that he told Hiro about what happened to me. And he also said that Hiro returned to his drinking and smoking habit.

Sinabi rin sa akin ni Andre na galit si Hiro sa kanya. At kahit ilang beses na niyang ipinaliwanag, patuloy lang siya nitong sinisisi.

Hindi ko alam kung ano ang nagpapagalit kay Hiro na alam na niya ang lahat. Pero siguro dahil nagsinungaling ako sa kanya. Well, kung ako siya, magagalit din ako.

There is no person who will not be angry if they ever find out that you lied to them. And If I had just told the truth, the three of us would have been okay.

Ito na yata. Babalik ako sa pag-aaral muli, kalimutan ang lahat na parang walang nangyari, mamuhay muli sa dati kong buhay, at... panatilihing muli ang aking distansya sa ibang tao. Kahit kay Andre at Hiro.

Dahil wala na si Baldo, I'll do my best para makalimutan ang lahat.  Kahit na hindi ko talaga ito makakalimutan, mabubuhay na lang ako na parang hindi nangyari ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

103K 9.1K 111
"You think I'm golden?" "Brighter than the sun, but don't tell Apollo" Dante hates Rome's golden boy. Jason doesn't even remember him. Right person w...
74.1K 3.3K 19
Grosvenor Square, 1813 Dearest reader, the time has come to place our bets for the upcoming social season. Consider the household of the Baron Feathe...
109K 3.3K 31
"she does not remind me of anything, everything reminds me of her." lando norris x femoc! social media x real life 2023 racing season
226K 7.8K 98
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...