Suramu Danku: Next Generation...

By ThunderFlex95

10.2K 826 251

Dalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball? More

Suramu Danku 1: Next Generation Characters
Chapter 1: Ang Pagpasok Sa Basketball Association, Sakuhako Vs Kaite
Chapter 2:Pasado sa Pagsubok? Maligayang Pagdating Sa Male Training School Hako
Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku
Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako
Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro
Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family
Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama
Chapter 8: Ang Pagdating Ni Sakuragi, Sakuhako Vs Sakuragi
Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi
Chapter 10: Shohoku A Vs Soulferus
Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito
Chapter 12: Ang Unang Laro Ni Sakuhako, Team Shohoku B Vs Team Riot
Chapter 13: Team Shohoku B vs Team Riot Ang Point Guard na si Lyion
Chapter 14: Ang Unang Dunk Ni Sakuhako
Chapter 15: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Sa Kanagawa Kasama Si Sakuragi
Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi
Chapter 17: Ang Simula ng Shohoku
Chapter 18: Shohoku A Vs Shohoku B, Ang Pagpapasikat ni Sakuhako
Chapter 19: Ang Anak Ng Henyo
Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede
Chapter 21: Nakapasa Ang Lahat Maliban Lang Kay Sakuhako
Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako
Chapter 23:Ang Pagbabalik Ni Sakuragi Sa Basketball at Ang Pag Alis Ni Sakuhako
Chapter 24: Ako Parin Ang Bida Sa Kwento, Ang Hari Ng Slam Dunk - Sakuragi
Chapter 25: Sakuna Vs Inami, Ang Simula ng Training Ni Sakuhako
Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano
Chapter 28:Akito Vs Kate Ang Paghikayat At Paghamon sa Pinakamagaling Na Player
Chapter 29: Ang Tunay Na Kakayahan ni Akito, Ang Pagdating Ni Zoey
Chapter 30: Ang Shohoko
Chapter 31: Ang Pagbabalik Ni Sakuhako Kasama ang Hitogami Family
Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2
Chapter 33: Mastered Speed Ni Sakuhako
Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito
Chapter 35:Ang Inggit Ni Sakutou Kay Sakuragi, Gusto Kong Maging Asawa Si Aisha
Chapter 36: Veterans Vs Generation
Chapter 37: Boyfriend Ni Kate? Ang Laban Ng Mag Ama Sakuragi vs Sakuhako
Chapter 38:Ang Paghanga ng mga Babae at Pagaling Ng Pagaling Na Si Sakuhako
Chapter 39: Si Sakurou at Inoue, Ang Pag gising ng kakayahan ni Sakuhako
Chapter 40: Ang Hikaw Ni Sakutou, Palatandaan Ng Galing Ni Sakuhako
Chapter 41: Ang Combination Attack Ni Sakuhako at Akito
Chapter 42: Ang Nalalapit Na Elimination Games para sa Interhigh Tournament
Chapter 43: Ang Kwento Ng Henyo Tungkol Sa Sapatos
Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games
Chapter 45: Ang Kakayahan Ng Grupo
Chapter 46: Ang TUNAY na #1 Player sa Distrito, Si Sandro Watanabe
Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako
Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half
Chapter 49: Ang Pagbagsak Ni Sakuhako
Chapter 50: Isang Pamilya
Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako
Chapter 52: Ang Rebound Shot Ni Zoey
Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa
Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa
Chapter 55: Hitogami's Aura
Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate
Chapter 57: Si Boy Kulangot At Ang mga Kaibigan Ni Althena at Sakuhako
Chapter 58: Ang Isa Sa Nagpapasaya Kay Kate, Ang Tunay Nyang Nararamdaman
Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama
Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)
Chapter 61: Pangako Sa Isat Isa Hihintayin Kita Balang Araw
Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate
Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako
Chapter 64: Ang Kwento Ni Kate, David at Renz Sa Amerika Part 1
Chapter 65:Ang Pagpapahirap kay Kate, At ang paghamon ni Renz ng 1on1 kay David
Chapter 66: Ang May Ari Ng Basketball Association, Ang Pamilya Koamoto!
Chapter 67: Ang Aso Ni Hisaka Koamoto Na si Sakuhako
Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players
Chapter 69: Ang Slam Dunk Ni Sakuhako vs Ace Sakuchiro
Chapter 70: Ang Utak Kriminal na si David at Hikaru Koamoto
Chapter 71: Ang Unang Pagkikita Ni Hisaka at Sakuhako, At Ang Red Pear Bracelet
Chapter 72: Selos?
Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate
Chapter 74: Ang Pagkamatay Ni Aisha
Chapter 75: Ang Mission Ni Zoey. Shohoku Vs Takezono
Upcoming And Spoiler
Chapter 76: Book 1 Season 2 Slam Dunk: New Generations
Chapter 77:Ang Kakayahan ni Yuriko At ang Laban Ni Sakuragi Vs Nikola Jones
Chapter 78: Ang Isang Daang Porsyento Ni Hanamichi Sakuragi Jr (Akito)

Chapter 26:Ang Pagpapatayo sa Shohoku Gym House

107 11 2
By ThunderFlex95

Makalipas ang isang buwan, kahit na hindi na bantayan ni Sakutou si Sakuhako ay nagampanan ni Sakuhako ang pinagawa sa kanyang basic training

9 ng umaga nang dalawin ni Sakuna si Sakuhako, nakasuot na sya ng college uniform nya papasok sya sa school

Pero nang marinig nya sunod sunod na talbog ng bola sa gym

"Siguro mamaya kona sya istorbohin" ngiting sabi ni Sakuna habang si Sakuhako busy sa ginagawa nyang training

10 am nang makaramdam ng pagod si Sakuhako napaupo na lang sya sa sahig ng court

"Hay tatlong oras na puro dribble mukhang nakukuha kona sinasabi ni manyak, makikita mo Akito malapit na" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili

"Teka saan nanamn kaya pumunta ang manyak na yun? Siguro naghahanap nanamn sya ng babae ggrahh bahala sya sa buhay nya" sabi nya ulit sa kanyang sarili

Samantala sa Kanagawa sa dalawang buwan na umalis si Kate ngayong araw ay nakabalik na sya ulit dito sa Japan, kasama nya si Renz, habang si Rukawa nasa amerika parin

Matapos makapasa sa Basketball Coach License agad na bumalik si Kate para simulan ang planong pagpapatayo ng gym malapit sa shohoku High School, Shohoku University at Shohoko Junior high

Sa Hanamichi House

Kasama nya ngayon sina Ace, Lyion, Louki, Renz pati narin ang limang mga kaibigan ni Sakuhako na sina Daigo, Kenshin, Kenta, Eishin, Genji

Kausap nila ngayon si Sakuragi

"Ganun ba? Sisimulan nyo na?" Tanong ni Sakuragi

"Upo Tito, Meron narin po akong sketch ng gym na itatayo namin" sagot ni Kate

"Tignan ko nga" sabi ni Sakuragi sabay binigay ni Kate ang sketch ng gym na itatayo nila

"Ang laki nito ahh, ilang court ba toh?" Tanong ni Sakuragi

"Tatlo po, Isang Court para sa Junior players, High School players at College Players, Heto pong nasa kanang gilid court ng Junior players, yang sa gitna para sa high school players at yung nasa kaliwang gilid po para sa college players " paliwanang ni Kate

"Hhhmmm maganda toh, kaso masyado nman ata marami ang hahawakan mo Kate, bukod sa mga lalaking players, Pati mga babaeng players? Baka nman mag away away sila nyan" sabi ni Sakuragi

"Alam ko po, kaya nga po bawat Team maglalagay ako ng apat na Captain, Apat na Captain sa Junior high, Dalawang Captain sa Boys at dalawang Captain sa Girls
Ganun din sa High School players at College players na magiging katuwang ko, Kukuha din ako ng apat na managers" sagot ni Kate

"Seryoso kaba sa bagay na toh? Paano mo sila mapapasunod" sabi ni Sakuragi

"Ang gusto ko po kasi ay parang pamilya, kaibigan ang turingan nila, Dahil para sakin ang Shohoko ay Pamilya" sagot ni Kate

Medyo napangiti si Kate

"Ganun ba? Kung nandito si Coach Anzai siguradong matutuwa yun" sabi ni Sakuragi

"Sino pong Coach Anzai?" Tanong ni Kate

"Sya ang dating Coach ng Shohoku, Coach namin ng papa mo, pumanaw na sya dalawang taon na nakakalipas" sagot ni Sakuragi

Habang tahimik lang sina Ace, Lyion, Louki Renz pati narin ang limang kaibigan ni Sakuhako na sina Daigo, Kenshin, Kenta, Eishin, Genji

"Mayron po yan pangalawang palapag, sa 2nd Floor para po syang bahay, kung baga dito po yung meeting place namin, Ang balak ko po kasi maghihikayat ako ng mga batang wala ng mauuwian kung baga ituturing nilang bagong tahanan ang shohoko" sabi ni Kate.

"Maganda nga yan, sabihin magkano ang badget na kaylangan para sa pagpapatayo nito?" Tanong ni Sakuragi

"Ahhh hindi na po, meron na po akong pera, Ang totoo nyan pinahirap ako ni Tita Sofia, shaka binigay din ako ni mama, kaya wag na po kayo magbigay, sapat na po yung lupang pagtatayuan ng gym house na binigay ninyo" sagot ni Kate

"Si Sofia teka kamusta na pala sya? Sila ni Takamiya?" Tanong ni Sakuragi

"Maayos naman po sila, pinapakamusta nga po kayo nya pati na si Tita Haruko" sagot ni Kate

"Ganun ba? Sa tingin ko masaya nman silang nagsasama, Oh sige kaylan ang simula ng construction ng gym house?" Tanong ni Sakuragi

"This week po, may nakausap po akong engineer na gagawa po" sagot ni Kate

Makalipas ang isang linggo, sinimulan na ang pagbubungkal sa lupang pagtatayuan ng Gym House ng Shohoku

Dumating ang isang kotse kung saan sakay si Kate, Renz at si Ace

"Hindi mona man kaylangan bantayan sila" sabi ni Ace

"Hindi nman ako nagbabantay, alam nyo naiimagine kona, kahit na hindi pa nakatayo, Ngayon habang hinihintay natin na maitayo ang Gym House, Tayo nman kaylangan natin maghikayat ng mga may potensyal na maging miyembro ng shohoku, Kuya Renz, Ace pupunta tayo sa Shohoku High School, sa Junior high school para maghikayat ng mga taong sasali saatin" sabi ni Kate

Nang biglang dumating si Lyion at Louki

"Baka pwede kaming sumali dyan" sabi ni Lyion

"Oo nga naman miss ganda" sabi ni Louki

Ngumiti si Kate at sinabing

"Okey tayo nah" sabi nya

At nagsimula na silang maghanap ng magiging miyembro ng Shohoku

Sa Basketball Association Gym nagsasanay ngayon si Sakuragi kasama sina Akagi, Mitsui, Miyagi, Kogure, Renzuki habang nanonood ang Chairman ng Association na si Daisuke

"Sabi ni Kate sa martes dadating si Rukawa" sabi ni Kogure na may hawak pang bola

"Magiging masaya toh, siguradong tayo ang mananalo" sagot ni Mitsui

"Tsu! Hindi na natin kaylangan si Rukawa sinabi kona hindi tayo matatalo dahil nandito ako" sagot ni Sakuragi

"Sige Hanamichi, paano kung mayron tayong makalaban na katulad ni Sakutou? O si Sora anong gagawin mo?" Tanong ni Miyagi

"Simple lang dahil matagal ko nang nalampasan ang galing ni Sakutou sa paglalaro ng basketball" sagot ni Sakuragi

"Ano? Paano mo nman nasabi? Ehh tumigil ka nga sa paglalaro diba" sabi nman ni Miyagi

Habang si Akagi nakikinig lang

"Tumigil nga ako sa paglalaro pero hindi ako tumigil sa pagpapractice, Alam ni Daisuke yan, kaya nga kahit na ako yung chairman ng association, nagagawa ko parin mag practice, di nyo ba napansin? Hinihingal kayo sa practice natin patunay lang na kulang na kayo sa stamina samantala ako hindi" sagot ni Sakuragi

"Ahhh totoo ba yan Daisuke?" Tanong ni Kogure habang si Daisuke nasa gilid ng court

"Totoo yan, Kaya nga parang hindi sya naging Chaiman ng Association kasi ako nag aasikaso ng mga trabahong dapat para sa kanya" sagot ni Daisuke

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, sa simula ikaw naman talaga ang dapat na Chairman ng Association, pumayag lang ako na maging chairman noon para sa Shohoku, at ngayon na nahanap kona ang mga batang iyon hindi kona kailangan tumagal pa sa pwesto na yan" sagot ni Sakuragi

Lumapit si Miyagi kay Sakuragi

"Kung ganun Hanamichi, tignan natin kung gaano kana talaga kagaling" na hinahabol ni Miyagi ng 1on1 si Sakuragi

"Sige ba" sagot ni Sakuragi sabay pasa ni Kogure ng bola kay Sakuragi

"Ako na mauuna" sabi ni Sakuragi

"Ikaw ang bahala" sagot ni Miyagi

At pumunta muna sa gilid ng court si Mitsui, Akagi, Kogure at Renzuki

Sinimulan na ni Sakuragi idribble ang bola, habang nakaalerto si Miyagi nakataas ang depensa

"Pambihira nagawa pa nilang maghamunan" sabi ni Ayako asawa ni Miyagi

Nang biglang kumanan si Sakuragi kay Miyagi

"Basang basa ko ang galaw mo Hanamichi" sabi ni Miyagi at unti unting lumapit ang kanang kamay nya sa bolang hawak ni Sakuragi

Subalit biglang tinapon ni Sakuragi pababa ang bola deretso sa kaliwang kamay sabay

"Guhhhh" na pangiwi si Miyagi dahil bigla na lang nawala na parang bula si Sakuragi sa harapan nya, yun pala nakalusot na

Tumakbo ng mabilis si Sakuragi sabay talon nya umikot sa ere at dinakdak ang bola sa ring, Reverse Dunk

"Ang bilis nya" sabi ni Mitsui

"Mukhang hindi sya nagsisinungaling, parang mas bumilis ang kilos nya kaysa noon diba Akagi" sabi nman ni Kogure, tahimik lang si Akagi

"Sa antas ng bilis nya mas magaling pa sya sa mga NBA players bakit kaya hindi sumali sa NBA Draft si Kuya Sakuragi" tanong ni Kenzuki

"Sa tingin ko, dahil sa nagkapamilya agad sya, Pero ang balita ko noon, talagang gusto syang kunin sa isang NBA Team noon, kaso di na nya tinuloy" sagot ni Ayako

Habang si Sakuragi

"Ano na Riyota sabi ko nman sayo ehh" sabi ni Sakuragi ngunit bigla na lang nahulog sa likuran nya ang

"Guuhhh" nagulat at agad na umilag na si Sakuragi matapos mahuloh sa likuran nya ang ring basket

"Paano na ngayon yan sira nahh" sigaw ni Ayako

Habang pakamot kamot sa ulo si Sakuragi

"Pasensya na hihi napasobra yata" sagot ni Sakuragi

"Hay nako Hanamichi hanggang kailan kaba magpapatalo" sabi ni Miyagi

Habang si Daisuke

"Wag kayong mag alala papalitan namin agad yan" sabi ni Daisuke

Si Akagi na seryoso ang mukha

"Hindi lang sya bumilis, mas lalo din syang lumakas, simpleng dunk lang matanggal na ang ring ng basket" sabi ni Akagi sa kanyang isipan

Naalala nya tuloy noong panahon na High School pa si Sakuragi

"Sa basketball parin ako dahil sa basketball ako masaya" sabi ni Sakuragi kay Aota

"Tsu! Gong gong talaga hindi nya alam ang salitang retiro" sabi ulit ni Akagi sa kanyang sarili

Sa edad na 32 nakamamanghang mas lalong bumilis at lumakas si Sakuragi sa paglalaro ng basketball

6pm ng hapon tapos na ang practice nila, masayang umuwi si Sakuragi sa pamilya nya

Habang nagluluto si Haruko, sya nman nakikipagkulitan sa dalawang anak nila na si Lucy, Lilia, Sakura

"Papa gusto ko rin pong matuto ng basketball" sabi ni Sakura

"Talaga? Sige kapag malaki kana, tuturuan kita, ikaw Lilia, Lucy gusto nyo rin bah?" Tanong ni Sakuragi

"Ano po yung basketball?" Tanong ni Lilia 2 taong gulang

Binuhat ni Sakuragi si Lilia at tinaas nya

"Ganito para kang lumilipad sa ere at idudunk mo ang bola" sagot ni Sakuragi nang biglang

"Ahhhahhhh ano kaba Sakuragi-kun baka mahulog yung batah" napasigaw sa takot na si Haruko

"Hindi yan, hawak hawak ko sya ehh" sagot ni Sakuragi

"Tama na nga yan nakapagluto na ako, tama na paglalaro nyo" sabi ni Haruko

"Abahh ang bango nyan ahh" sagot ni Sakuragi

Dumating si Akito kakauwi lang

"Akito saan ka galing?" Tanong ni Sakuragi

"Mayron lang akong pinuntahan maiwan kona kayo" na agad na umalis si Sakuragi pero

"Akito, mag usap tayo mamaya" sabi ni Sakuragi tumigil nman si Akito sa pag akyat kaso pagkatapos nyang marinig ang sinabi ni Sakuragi kaagad syang umakyat

"Bumaba ka agad ahh kakain na tayo" sabi nman ni Haruko

8pm ng gabi, masinsinan na kinausap ni Sakuragi at Haruko si Akito para

"Sinabi kona sa inyo, sa Ryonan ako sasali, pagtungtong ko ng High School" sabi ni Akito

"Makinig ka sakin, ginagawa nila Ace at Kate ang magagawa nila para mabuo ang shohoko, Ang gusto ko sa kanila ka sumali hindi sa Ryonan" sagot ni Sakuragi

"Akito, nakikiusap kami sayo, makinig ka naman samin" sabi nman ni Haruko

"Bakit nakikialam kayo kung saan ko gustong sumali? Sa Ryonan High School ako mag aaral hindi sa shohoku" sagot ni Akito

"Akito" sabi ni Haruko

"Bakit ayaw mo sa shohoku?" Tanong ni Sakuragi

"Dapat alam nyo ang sagot sa tanong na yan papa, Bakit papa nasubukan mo na bang sumali sa Team ng mga katunggali mo? Kalaban mo?" Tanong ni Akito

Medyo nagulat si Sakuragi dahil ang ibig sabihin lang non ay kalaban ang turing ni Akito sa mga miyembro ng shohoku kagaya nila Ace, Lyion, Louki, Renz at iba pa pati narin si Sakuhako

"Bakit mo ba sinasabi yan? Ang gusto lang namin ay makasama mo ang kuya mo" sabi ni Haruko

"Pasensya na ma, dahil wala akong Kuya" sagot ni Akito sabay tayo nya at umalis

"Akito" tawag ni Haruko ngunit di na lumingon o huminto pa si Akito

"Tama na Haruko, kung yan ang gusto nya bahala sya, desisyon nya yan, Ang tanging magagawa na lang natin ay sana sa oras na nagkaharap na sila ni hako, bumalik muli ang dati nilang pinagsamahan" sabi ni Sakuragi

"Bakit nangyayari to? Sakuragi kun? Hindi lang sila magkapatid kundi magkakambal sila pero bakit naging ganito sila" na naiiyak na si Haruko

"Balang araw makakasundo ulit sila kaya wag ka ng malungkot mahal ko" sagot ni Sakuragi

Continue Reading

You'll Also Like

307K 12.3K 31
・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ᴍᴇᴛᴀɴᴏɪᴀ- ᴀ ᴛʀᴀɴsғᴏʀᴍᴀᴛɪᴠᴇ ᴄʜᴀɴɢᴇ ᴏғ ʜᴇᴀʀᴛ, ᴏʀ ᴄʜᴀɴɢɪɴɢ ᴏɴᴇ's ᴍɪɴᴅ. ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ɪɴ ᴡʜɪᴄʜ ᴛᴡᴏ sᴇᴄᴏɴᴅ ʏᴇᴀʀs, ᴡ...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...