Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

8: Day 1

15.9K 259 16
By chocnut

Hi guys! Maraming nagsabi sa inyo na medyo bitin yung last chappy, sana ngayon di na. Haha! Ewan. Sorry nga pala kung natagaln ng UD, Holy Week eh. :) 

Btw, dedicated ito kay Sophie my bibi. Oh ayan my oh-so-demanding reader, updated na po. CHOS! Hahahaha k, ang daldal ko. XD

---------------------------------------------------------------------------------------------

~Mia~

"M."

 

Tumingin ako dun sa tumawag sa akin, "Ano na naman ba Tang?" Inis na tanong ko. Ay nga pala, Tang is short for tanga. 

"Kailan ba kasi tayo magstastart?" Inip na inip na tanong niya.

"Start saan?" Nagugulohang tanong ko.

"Di ba sabi mo sa akin ngayon ka magstastart?"

 

"Saan nga?!"

 

"Sa pagtulong mo sa akin kay Lia! Day 1 di ba ngayon?"

 


Napairap ako, "Wala akong sinabi na ngayon ako magstastart. And no, today is not day 1, it's Tuesday." 

"Mia naman eh!" Pagmamaktol niya. Ew, para siyang bata.

"ANO?! Pwede ba? Tigilan mo nga ako." 

"Kelan mo ba kasi ako tutulongan?" 

"Kung kelan ko gusto." Sagot ko at binigyan siya ng ngiting mapangasar.

"Eh gusto ko na ngayon eh!" Hinampas niya yung desk niya kaya napatingin yung mga kaklase namin, "Ay sorry. Hehe. Nadala lang ako. Balik na kayo sa ginagawa niyo." Ngumiti siya.

"Oh ayan, napahiya ka tuloy. Para kasing bata eh." 

"Magsimula na kasi tayo." Binago pa niya yung tono ng pananalita niya, nagpaawa siya.

"Alam mo Tang, sa totoo lang, wala naman talaga akong maitutulong sa iyo eh." Sabi ko sa kanya. Totoo yan, promise! Kaya lang naman ako pumayag kasi sobrang sakit ng ulo ko nun, sigurado ako na di niya ako tatantanan pag di pa niya nakuha yung sagot na gusto niya.

"Sus! Sinungaling. Tayo ka nga, since free time naman tayo ngayon pupunta tayong library." Sabi niya sa akin at tumayo na.

"Magaano tayo dun?" Bored na sagot ko.

"Dun tayo gagawa ng plano para kay Lia." Ngumiti siya at tinaas-baba yung dalawa niyang kilay.

"Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Sabi ko wala akong maitutulong sayo."

"Sinungaling! Wag na nga madaming arte. Dali na." Hinawakan niya ako sa wrist para mahila ako. 

Pumiglas ako kaya nabitawan niya wrist ko, "Wow! Close tayo? Hindi di ba? Feel mo kasi masyado. Eto na, tatayo na." Pagtataray ko sa kanya at padabog akong tumayo.

Palabas na sana kami ng room ng biglang umepal ang president namin.

"Oy! San kayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa labas siguro? Di halata?" Pamimilosopa ko at umirap.

Natakot naman siya kaya binaling niya kay Travis yung atensyon niya, "Oy Treb, san punta?"

 

"Sa library lang Pres, pwede?" Nakangiting tanong ni Travis.

"O sige." 

"TOL! SAMA KAMI!" Sigaw ni Kurt.

"WAG NA!" Sigaw pabalik ni Travis.

"BAKIT?!" Si Deon na naman ngayon yung sumigaw.

"MAY GAGAWIN KAMI!" Sagot ni Travis.

"OYY! ANO?! HAHAHA! IBA NA YAN TOL!" Sigaw ni Renzo.

Nanlaki mata ko sa sinabi niya, "MGA GAGO! MAGSITIGIL NGA KAYO! SASAPAKIN KO KAYO EH!" Sigaw ko.

Nagulat yung buong klase, nanlaki yung mga mata eh.

"Tinitingin tingin niyo?! Tusukin ko mga mata niyo eh!" 

Natakot naman sila kaya umiwas sila ng tingin.

"Tara na nga Tang." Nagsimula na akong maglakad papuntang library.

 *

"Oh, ano na?" Tanong ka sa kanya nung nakapwesto na kami sa library.

"Bakit ako? Di ba ikaw yung tutulong sa akin." Sagot niya.

Napairap ako, "May dala ka bang papel at ballpen?" Tanong ko.

"Ha? Ah, ballpen lang." Kinuha niya sa bulsa niya yung ballpen. Inikot niya yung tingin niya sa library tapos kinalabit niya yung nasa kabilang table, "Penge namang papel, isa lang." Nginitian niya ito. Ngumiti rin naman yung babae at binigyan siya ng papel.

"Kapal ng mukha mo."

"At least may papel." Nakangiti niyang sabi sa akin, "So, ano plano mo?" Tanong niya.

Ano nga ba ang plano ko? Bakit pa ba kasi ako pumayag? Pero di ba ako si Mia? Pwede ko naman hindi itupad yung deal eh. HAY EWAN! Bahala na nga, baka magustohan rin ni Lia 'tong si Travis. Ibig sabihin magiging masaya si Lia kung ganun. TAMA! Ginagawa ko 'to para sa kambal ko. Tama tama.

"Hoy! Bakit ka tumatango-tango diyan?" 

Napatingin ako kay Travis, "A-ah? Ay, wala wala. May naisip na kasi akong plano."

Ngumiti ng malapad si Travis, "Ano? Dali na." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Magsu"

 

"Para san nga pala 'tong papel at ballpen?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Para sa pagsulat siguro?" Kunot-noo kong sagot. "Nagsasalita pa ako di ba? Patapusin mo nga kasi muna ako." Pagtataray ko.

"Sabi ko nga, sige, continue."

"Good. So, dyan sa papel na yan isulat mo lahat ng alam mo tungkol kay Lia tapos ipakita mo sa akin. Dadagdagan ko kung dapat dagdagan." Sabi ko. Oh-kaaay, sa totoo lang wala akong kaalam-alam sa ginagawa ko. Pero bahala na, para 'to kay Lia.

"Bakit?" Takang tanong niya.

Kumibit-balikat ako, "Para malaman mo kung ano ang gusto at hindi gusto ni Lia. Para malaman mo kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin kay Lia. Yung mga ganung bagay. Sige na, magsulat ka na. "

"Galing! Sige sige." Ngumiti siya sa akin at nagsimula na mag sulat.

Pagkatapos ng ilang minuto natapos na siya sa pagsulat at binigay sa akin yung papel.

Binasa ko na yung nasa papel... "Mahilig siya sa makukulay na damit." Tumango ako, "Paborito niya si Stitch." Tumango ulit ako, "Ayaw niya ng sinigang, paborito niya ang Toblerone, paborito niya ang Adventure Time, takot siya sa aso..." Tango lang ako ng tango habang binabasa yung mga nakasulat dun. Lahat kasi tama.

"Okay ba?" Nakangiting tanong ni Tang.

"Oo, kaso lang bakit puros gusto ito?" Tanong ko naman.

"Yan lang alam ko eh." Sagot niya at nagkamot ng ulo.

"Ahh. Sige, dadagdagan ko 'to. Basahin mo 'to paguwi mo o kung kelan mo gusto." Sagot ko.

"Okay!" Nakangiting sagot niya.

Nagsimula na akong magsulat ng mga ayaw ni Lia, marami-rami din yun. Yung tinamad na akong magsulat, binigay ko na yung papel kay Travis. "Oh ayan." 

"Ang daming nadagdag!" Sabi niya pagkakita niya yung papel.

"Ang dami mo pa kasing di alam. Mamaya mo na yan basahin, magplano muna tayo."

 

"May plano ka na?!" Nakangiting tanong niya.

"Narinig mo ako di ba? Kelangan pa talaga ulitin?" Umirap ako, "Well, si Lia kasi yung tipo ng tao na mahilig sa mga sweet na bagay. Kaya ang gawin mo mamaya sa bahay mo, magpractice ka ng mga magagandang banat. Dapat yung unique at di corny." Sabi ko.

"Banat? Yung parang 'Camera ka ba? Napapangiti kasi ako pag nakikita kita.' Ganyan ba?" Tanong niya.

"Oo, ganyan nga. Medyo ramihan mo." 

"Di ba ako magdadala ng flowers? Or chocolates?" Tanong ko.

"Wag muna. Magdamoves ka muna. Di pa niya alam na may gusto ka sa kanya di ba?" 

"Oo, di pa. So ibig sabihin bukas na ako aamin? Hindi pa ako ready!" Napasigaw siya tumingin sa amin yung librarian. "Sorry Ms. Hehe." Nagpeace sign siya at binalik sa akin yung atensiyon niya, "Hindi pa ako ready M." Kabadong sagot niya.

"Ulol. Sino ba kasing may sabi na bukas ka na aamin? Wala di ba? Hala sige, shabu pa! High ka ata eh. Tang tanga talaga." 

"May Tang na nga may tanga pa! Ouch naman M." Inirapan ko siya sa sinabi niya kaya nagpeace sign siya, "So kung di ako aamin bukas, para san yung mga banat?" Tanong niya.

"Magdadamoves ka nga di ba? Jusko. Magpaparamdam ka muna! Magpasweet ka. Pag tama na yung time, dun ka na aamin. At sa tingin ko, mamatagalan pa yun. Kuha mo na? Gets mo na? Wag kasi magmadali." Paliwanag ko.

"Ahhh. Ganun ba yun? Sige sige. Magpapatulong ako kela Alex magisip. Tara, baba na tayo!" Masaya niyang sabi sa akin at tumayo.

Umirap lang ako at tumayo na, "Hoy, paalala lang, di pa rin tayo magkaibigan. Ginagawa ko lang 'to kasi may deal tayo. Kuha mo? Kaya wag kang feeling." Maldita kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya, "Asuuus. Pakipot pa eh. Tara na nga!" Inakbayan niya ako at nagsimula nang maglakad.

Tinanggal ko yung braso niya, "Feeling! Pwe." Sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad palabas ng library. 

Narinig kong tumawa siya kaya sinamaan ko ng tingin at mas binilisan ang lakad ko. Feeling talaga. Tss.

-----------------------------------------------------------------------------------------

Ayan! So sa next chappy ipapakita yung 'Banatan Moments' nila. At di ko pa alam kung kelan ko yun mapopost. Kaya guys, patience. Haha! Chos. XD

 Oki, yun lang. Babush! Labyuuuuuuuuuuu. xx

Continue Reading

You'll Also Like

498 67 16
(Ongoing) || We have seen her in the story of Zarina Villaruel. We know that she was a Christian who wanted out. But was that the end of her? Will we...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
122K 5.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
107K 436 5
(UNDER REVISION) Hater to Lover? Pasong-paso na ang kataga na 'yan sa mundo ng Wattpad, subalit pilit pa ring binabalikan ng mga mambabasa dahil sa h...