Sa Shikōku Saitama Prefecture
Patuloy parin na sinusundan ni Sakuhako si Sakutou Hitogami
Ayaw kasi nyang turuan sya ng basketball
Sa isang Universidad sa bayan ng Shikōku
"Ano nman ginagawa natin dito" tanong ni Sakuhako
"Nandito tayo para sa isang project" sagot ni Sakutou
"Project? Teka may kinalaman ba yan sa basketball?" Tanong ni Sakuhako
"Oo, kasi balita ko marami raw magagandang kolehiyana dito hehehe gusto ko lang makita" sagot ni Sakutou
"Gggrahhhhhh pagod na ako sumunod sayo, mas mabuti pa ata umuwi na lang ako" sagot ni Sakuhako
"Kung gusto mo talagang turuan kita ng basketball dapat makisabay ka sa hilig ko" sabi ni Sakutou
"Hindi nah, wala na akong pakialam uuwi na ako, mas mabuti pang sa iba na lang akong magpaturo" sagot ni Sakuhako
"Hindi karin naman nila tuturuan, ako lang ang magtuturo sayo, isa yan sa kasunduan namin ni Sakuragi noon, matapos ko syang talunin at hindi nya nakuha ang perlas na toh" na tinutukoy ang pulang perlas na hikaw nya
"Teka, pareho ba yan dito sa suot ko?" Tanong ni Sakuhako
"Oo, kaya halika na, abangan natin ang mga magagandang babae dito hehehe" sabi ni Sakutou
"Ayoko, hintayin ko na lang kayo dun sa labas" sagot ni Sakuhako
Lumabas sya ng universidad sa labas ng compound
Maya maya lang bigla na lang
"Wahhhhh tumakbohh kanahhh" nagsisigaw na si Sakutou habang hinahabol ng tatlong Guard ng skwelahan na may dala dalang baril
"Habulin nyo sya, nanilip sya sa dressing room ng mga babae" sigaw ng isang babaeng teacher ng universidad na binusohan ni Sakutou
Dahil sa taranta at takot napatakbo narin si Sakuhako
"Bwisit kahh ano bang ginawa mohh" na parang kabayong tumatakbo ang dalawa na si Sakuhako at Sakutou
"Basta tumakbo ka na lang" sagot ni Sakutou
"Tumakbo ang mukha mo pati ako nadadamay sa kalokohan mohh" sigaw sa subrang inis na si Sakuhako
Nang makatakas sila animoy sasabog na baga nila sa hingal dahil sa bilis ng takbo nila, natakasan nila mga humahabol sa kanila
"Ggrahhh ikaw, ayoko nah" sabay alis ni Sakuhako
"Sandali" tawag ni Sakutou subalit derederetso sa paglalakad si Sakuhako na parang walang naririning
"Oo na, tuturuan na kita" sabi ni Sakutou
Tumigil sa paglalakad si Sakuhako
"Sa oras na hindi yan totoo, ako mismo ang tatawag ng pulis para ipadampot ka sa mga paninilip mo sa mga babae" gigil na gigil sa galit na si Sakuhako
"Oo na, sige na pero umuwi muna tayo" sagot ni Sakutou
"San? Dun sa bahay mo kubo kubo?" Tanong ni Sakuhako
"Hindi dun mismo sa bahay namin, ipapakilala muna kita sa papa ko at sa dalawang kapatid ko" sagot ni Sakutou
Ang ama ni Sakutou na si Sakutobi may tatlong anak
Nasa 70 na ang edad nya, Si Sakutou 34 years old ang panganay sa magkakapatid mas matanda sya ng tatlong taon kay Sakuragi na 31 palang ang edad
Ang dalawang kapatid ni Sakutou ay pawang babae si Sakumi 27 years old at si Sakuna 23 years old
Walang asawa si Sakutou, mag isa lang syang namumuhay dito sa Saitama, habang ang dalawang kapatid nya si Sakumi ay may asawa na dalawa na ang anak, Si Sakuna ay nag aaral pa ng kolehiyo
"Aalis na tayo" sabi ni Sakutou at sumunod nman sa kanya si Sakuhako
Sa isang bayan na ang tawag ay Iwatsuki City malapit sa Hiroshima
Naglalakad si Sakuhako kasama ang alaga nyang pusa na si Melvis at si Sakutou, pinag mamasdan ni Sakuhako ang pamilihang bayan nh Iwatsuki kung saan simple at wala syang nakitang mall parang lumang bayan
"Anong klaseng lugar toh? Wala man lang kabuhay buhay dito" sabi ni Sakuhako
"Heto ang bayan ng Iwatsuki, Noong unang panahon, Tinatawag itong Red City" sagot ni Sakutou
"Red City?" Tanong ni Sakuhako
Paglingon ni Sakuhako sa ilang mga tao mayron syang nakitang isang babae na pula ang buhok, at meron pa syang nakita
"Ano? May mga taong pula ang buhok, Teka totoo ba sila?" Tanong ni Sakuhako
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi pa ba kinukwento sayo ng papa mo ang lugar na toh? Noong unang panahon meron mga taong naninirahan dito na pula ang buhok ang tawag sa tribo nila ay Shibukai, Pero nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Japan, halos maubos sila, meron nman nakaligtas ngunit kakaunti na lang hindi na bumalik sa lugar na ito ang ilan kaya nakapag asawa ng taong itim ang buhok, tanging ang Lolo ko na lang ang bumalik sa lugar na toh" sagot ni Sakutou
"Lolo? Sinong Lolo?" Tanong ni Sakuhako
"Lolo namin ng papa mo, Ahhh pano koba ipapaliwanag? Ahhh lolo nyo rin" sagot ni Sakutou
"Ganun ba?" Sagot ni Sakuhako na di na nagtanong tanong pa
Pagdating nila sa isang bahay
"Heto ang bahay nyo?" Tanong ni Sakuhako
"Oo, initin ang aking ama, pati narin si Sakuna kaya wag kang gagawa ng mali, tayo na" sagot ni Sakutou
Pagpasok nila, bigla na lang dumating ang bunsong kapatid ni Sakutou na si Sakuna at sinipa sya sa mukha, napangiwi si Sakuhako.
"Kuyahhhh ano nanamn kalokohan ang pinag gagawa mohh" sigaw ni Sakuna
"Kaya ayokong umuwi dito ehh" sagot ni Sakutou.
"Sabihin mo yan kay papa, na matagal ka ng pinaghahanap" sagot ni Sakuna
Nang makita nya si Sakuhako
"Teka sino yang kasama mo?" Tanong ni Sakuna
"Si Sakuhako, Anak ni Sakuragi, dito na sya titira" sagot ni Sakutou
"Ano? Anak ni Sakuragi?" Medyo nabigla na si Sakuna
"Ahhh hello hehehe" na mukhang takot na takot na si Sakuhako agad syang pumasok sumunod kay Sakutou
Sa loob ng bahay nakaupo si Sakuhako tahimik lang sya habang kausap ni Sakutou sa isang silid ang kanyang ama
Dumating si Sakuna.
"Sakuhako tama? Matagal ko narin hindi nakikita si Kuya Sakuragi siguro mga 7 years? Ikaw yung isa sa kambal na anak nya diba?" Tanong ni Sakuna
"Ahhh oo" sagot ni Sakuhako
"Dinalhan kita ng meryenda alam kong pagod ka sa byahe ninyo, Ilang taon kana ba?" Tanong ni Sakuna
"Ahhh mag sisixteen" sagot ni Sakuhako na natatakot
"Hhhmmm matagal ko narin sanang gustong bumisita sa inyo, kaso busy ako pag aaral ko, Inaalagaan kopa si papa, kamusta na si Ate Haruko?" Tanong ni Sakuna
"Ahhh ano, ayos lang nman si mama" tipid na sagot ni Sakuhako
Dahil nahalata ni Sakuna na natatakot sa kanya si Sakuhako
"Natatakot kaba sakin? Natatandaan ko pa noong kinarga kita noon pati si Akito, galit nagalit sakin si Ate Inami nang kargahin kita, wag kang matakot sakin hindi ako nangangagat" sagot ni Sakuna
"Hahaha hindi nman ako natatakot" na tumawa na napakamot sa ulo na si Sakuhako at habang nakangiti sya
"Huh" bigla na lang namula ang pisngi ni Sakuna sa ngiti nya
"Huh?" Na nagtataka na si Sakuhako nang makita nyang napayuko at nandilim ang mukha ni Sakuna
"Hako, oo naalala kona, tama naiintindihan kona kung anong nakita sayo ni Ate Inami" sabi ni Sakuna
"Ahhh?" Naguguluhan na si Sakuhako nang biglang
"Ahhhkk" napasigaw na si Sakuhako dahil
"Hakohh ang cute cute mohh" na halos sakalin na nya si Sakuhako sa yakap nya
At tuluyan nang nasubsub si Sakuhako sa dalawang bundok na nasa harapan ni Sakuna, ramdam na ramdam nya sa dalawang pisngi nya hindi sya makahinga
"Ahhk ano-anong nangyari sa kanya? Parang pareho sila ni Mommy Inami" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan
Saktong lumabas si Sakutou kasama ang kanilang ama na si Sakutobi
Agad na binitawan ni Sakuna si Sakuhako
Bagsak si Sakuhako sa sofa na parang lantang gulay
"Anong nangyari sa kanya parang malalagutan ng hininga" tanong ni Sakutou
"Wala Kuya, napagod lang si hako sa naging byahe nyo, ipaghahanda ko kayo ng meryenda" sagot ni Sakuna
Habang si Sakuragi
"Ahhk ahhhh ahhhhhh Bruhhahhhhhh" nang hihina na si Sakuhako violet na ang mukha dahil sa kinapos ng hininga
Kinabihan maganda ang naging kain ni Sakuhako gustong gusto nya ang luto ni Sakuna napansin din ni Sakutou at ng kanilang ama na tila parang nagbago si Sakuna dahil naging malambing ito ng dumating si Sakuhako
Habang si Sakuhako naiisip din nya na kahit bastos at manyak si Sakutou ay mabuti nman palang kapatid at sa kanyang ama
Naramdaman ni Sakuhako na parang kasama parin nya ang pamilya nya, marahil dahil sa ang mga kasama nya ngayon ay kadugo nya
Ang Lolo na tinatawag nya ngayon na si Sakutobi ay kapatid ng lola nya na si Sakura, nanay ni Sakuragi
Pinsan ni Sakuragi si Sakutou at Sakuna kaya siguro kahit na namimiss nya ang nanay nya na si Haruko mga kapatid nya at si Inami ang mommy nya at napapawi ang lungkot nya dahil sa mga taong kasalamuha nya ngayon
8pm ng gabi kakatapos lang katawagan ni Sakuhako ang nanay nya na si Haruko sa pamamagitan ng video call sa cellphone nya, kinamusta nya ang mga kapatid nya
At ang tatay nyang nasa matinding pagsasanay ngayon para sa nalalapit na All District Tournament
Sa maliit na kwarto nya na hindi pa masyadong nalinisan dahil biglaan din kasi ang pagdating nya
Kausap nya ngayon si Inami sa video call
"Hako, isang ka palang nang umalis namimiss na kitah" sabi ni Inami sa video call
"Mommy wag ka ng malungkot, araw araw nman tayong mag uusap dito, bukas na magsisimula ang training ko ng basketball" sabi ni Sakuhako
"Pagbutihin mo ahh, wag mong pababayaan ang sarili mo" sagot ni Inami
Nang biglang may yumakap sa likuran ni Sakuhako
"Ahhh Ate Sakuna" sabi ni Sakuhako
Habang ipinatong ni Sakuna ang baba nya sa kanang balikat ni Sakuhako
"Ikaw pala yan Ate Inami" sabi ni Sakuna
"Sakuna, Ikaw ba yan?" Tanong ni Inami na nasa cellphone
"Oo ate" sagot ni Sakuna habang si Sakuhako naiilang na
Napansin ni Inami na tila may nangyayaring
"Hoy, bakit ka nakayakap kay Hako ahh" tanong ni Inami
"Normal lang nman na yakapin ko pamangkin ko, bakit ate nagseselos kaba? Pwede rin nman nya akong tawaging mommy kung gusto nya" sagot ni Sakuna
"Anohh? Ggrahhh hako lumayo ka nga sa kanya" sabi ni Inami
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Ate Inami, dahil hindi mo nman pagmamay ari si hako, diba hako?" Tanong ni Sakuna
Habang napangiwi na lang si Sakuhako
"Wag kang mag alala ate, hindi ko pababayaan si hako habang nandito sya samin, Syempre sabay kaming matutulog at maliligo diba hako, mas double ang alaga na gagawin ko sa kanya kaysa sayo ate inami para siguradong matuwa sakin si Ate Haruko" sabi ni Sakuna
"Ahhh tumigil ka nga sa kagagahan mo ahh! Hako lumayo ka sa kanya" sabi ni Inami
"Tumigil na nga kayong dalawa" na napatayo na si Sakuhako at napabitaw ng yakap si Sakuna
"Hindi ko maintindihan, hindi nyo kaylangan mag kumpitensya dahil para sakin mahalaga kayo, ikaw mommy Inami at ikaw Ate Sakuna, kaya wag na kayong mag away" sabi ni Sakuhako
Narinig ni Sakuhako ang malakas na iyak ni Inami sa cellphone nya
"Isang buwan ka palang nandyan, pinagpalit mona agad ako" sabi ni Inami
"Wag na kayong umiyak, Mommy totoo yan, kayo parin ang mommy ko wala ng iba, Isang Ate, isang mommy at isang mama, pareho kayong matimbang para sakin" sagot ni Sakuhako
Nang biglang inakbayan sabay sakal at yakap ni Sakuna si Sakuhako subsub sa dibdib nya
"Yan ang gusto ko sayo hako, Ate Inami habang nandito si hako, Ako nang bahala sa kanya" sabi ni Sakuna
"Wag mo syang pababayaan ahh" sagot ni Inami
Habang si Sakuhako malalagutan na ng hininga sa pagsubsub sa dalawang bundok nangingisay na sya nagpupumiglas
Kinabukasan 8 am
Araw kung saan oras na para sa unang araw na training ni Sakuhako kay Sakutou, nasa isang gym sila malapit sa kanilang bahay
May hawak na bola si Sakutou
"Anong ituturo nyo sakin? Ahh alam kona 3 point shot dahil importante para 3 points, o baka jumpshot" tanong ni Sakuhako
"Shooting agad? Syempre dadaan ka muna sa simula, yun ang basics" sagot ni Sakurou
"Anohh? Basics? Ggrahhh sawang sawa na ako sa basics" galit na sagot ni Sakuhako
"Ganun ba? Kakaibang basics ang gagawin mo, halika dito" sabi ni Sakutou
"Huh? Ano ba yan?" Tanong ni Sakuhako lumapit sya at may nilabas na tela si Sakutou
"Magbabasics dribble ka habang may takip ang mga mata mo, Basic dribbling, Ball Handling, Basic passing at iba pa" sagot ni Sakutou
"Paano ko nman magagawa yan kung wala akong makita" reklamo agad ni Sakuhako
"Kung talagang sanay kana sa basics, kahit na nakapikit ang mga mata mo ay kusang malalaman ng katawan mo, Kapag nagawa mo yun, tuturuan na kita ng mas advance, sa ngayon yan na muna ang gawin mo" sagot ni Sakutou
At nilagay na nya ang tela sa mga mata ni Sakuhako
Sinimulan na nyang idribble ang bola sa kanang kamay nya subalit ng ilipat nya sa kaliwang kamay nya hindi nasalo ng kaliwang kamay nya ang bola tumalsik palabas ng court
"Kainis naman ang hirap nman nito" sabi ni Sakuhako
At ibinigay muli ni Sakutou ang bola sa kanya
"Sigurado akong magagawa nya ang basic training na toh, kung talagang tinataglay nya ang Master Of Basics siguradong madali lang ito sa kanya" sabi ni Sakutou sa kanyang isipan habang pinapanood si Sakuhako na hindi makuha ang tamang tyempo sa pagdribble gamit ang dalawang kamay dahil sa may takip ang mga mata nya